Kabanata 11

1208 Words
*** Rica's Pov "Kailangan niyong alamin dahil siya na ang susunod na biktima" sabi sa amin ni Chester. "Paano namin malalaman kung hindi naman nila sinasabi kung ano ang kanilang nabunot na numero?" tanong ko sa kanya. Humiga siya sa kanyang hospital bed. Nakatingin lang siya sa kisame. "May mamamatay nanaman" bulong niya habang nakatingin sa itaas. "Tawagan mo si Krisanta, Reynalyn ipatanong mo sa kanya sa ating mga kaklse kung sino ang nakabunot ng panglimang numero" utos ni Mariela sa kanya. Agad namang nilabas ni Reynalyn ang kanyang cellhpone at agad na dinial ang numero ni Krisanta. naka ilang ulit na itong tawag pero wala paring sumasagot. "Ano nakontak mo na ba?" tanong ni Harlyn sa kanya. Umiling lang ito. "Hindi niya sinasagot ang cellphone niya. Kanina ko pa siya tinatawagan nakailang ulit na. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya" nagaalang usal ni Reynalyn dito. "Baka siya na ang susunod" ani Chester at umupo na siya para harapin kami. "Hindi pa siya dahil nasa pang limang po ang numerong nabunot niya" ani ko sa kanila. Napatingin naman silang lahat sa akin.  "Paano mo nalaman?" tanong ni Chester habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata. "N-nakita ko lang sa kanyang papel. Pinakita niya sa akin kasi noon" sambit ko. "Tawagan mo ulit baka makokontak mo na siya" utos ni Harlyn kay Reynalyn kaya tinawagan niya ulit ito. Nakailang ulit nanamang tawag si Reynalyn kay Krisanta pero wala paring sumasagot sa kanyang cellphone. "Sh*t! Baka kung napano nayun" nagaalang sambit ko sa kanila. "Mas mabuting puntahan na lang natin siya sa school" ani Chester kaya napatingin kami sa kanya. Tumingin naman siya sa amin habang sinusuot niya ang kanyang tsinelas. Tumaas ang kilay nito. "Bakit?" tanong niya. "Kaya mo bang pumasok? Tignan mo nga ang kalagayan mo ih" ani Mariela sa kanya. "Ka-kaya ko 'to" aniya. Tumayo siya pero bigla ulit siyang napa-upo dahil sa pagkahilo. "Dito ka na lang muna kami na lang muna ang pupunta doon. Mas makakabuting magpagaling ka na lang muna dito" ani HArlyn. Pilit paring tumayo si Chester pero halatang hindi niya kaya dahil sa sakit ng kanyang ulo na natamo. "K-kaya ko." pagpupumilit nito. "Dito ka na lang muna. Kami na lang muna ang bahala wag kang mag-alala." sambit ko sa kanya. Wala na siyang nagawa kundi umupo na lang ulit sa kanyang bed at pimamuod kaming umalis sa kanyang silid. "Mag-iingat kayo. Sama-sama lang kayo wag kayong maghihiwalay" paalala niya sa amin. "Sige. Magpahinga ka muna jan" ani Harlyn at lumabas na kami ng kanyang silid. Naglakad na kami papunta sa ibaba kung nasaan ang parking lot. Habang pababa kami doon ay hindi naming maiwasang pag-usapan ang nangyari kay Chester. Bakit niya ito pinagtangkahan hindi pa naan siya ang susunod. "Kung sino man ang puno't dulo ng lahat ng ito sana mahuli na siya" seryosong saad ni Harlyn habang nakatingin sa pinaglalakaran namin. "Mananagot ang maykagagawan ng lahat ng ito"pahabol ni Mariela. Lumabas kami sa parking lot kaya naman nasa tapat na kami ng high way.  "Hindi ko parin makontak si Krisanta" sabi sa amin ni Reynalyn. "Sana naman ok lang siya" nagaalalang sabi ko sa kanila. Tumawaid kami papunta sa kabilang kalyepara magabang doon ng taxi. Hindi rin nagtagal ay may isang taxi na pumunta sa kinaroroonan namin kaya hindi na kami nagdalawang isip na sumakay doon. Nagmamadali kami. "Manong sa Sythnec University po" sambit ko sa driver ng taxi. Tumango lang ito at nagdrive na papunta doon. Nakarating naman kami kaagad doon dahil walang katraffic traffic sa daanan. Agad kaming tumakbopapunta sa aming building. Pag bukas namin ng pintuan ay napatingin sa amin ang lahat ng kaklase namin. Nilibot namin ang panigin namin sa buong silid para hanapin si Krisanta. Doon na lang kami napahinga ng maluwag ng nakita namin siyang natutulog sa isang sulok. Kaya ata hindi niya sinasagot ang tawag ay marahil pagod ito, o napuyat. Lumapit ako sa kanya at gigisingin ko na sana siya ng biglang may humawak sa kamay ko kaya naptingin ako kung sino iyon. Si Harlyn. "Hayaan mo mubna siya. Baka puyat lang ang tao ang masmabuti pa ay tanungin na lang natin ang kaklse nattin kung sino ang nakakuha ng ikalimang numero" lahad niya sa akin. Tumingin ako sa buong klase at nakita kung naguusap-usap sila. "Ngayon na daw darating ang new teacher natin" ani May-Ann na nasa gilid ko lang habang kausap niya sina Diana, Princess at Jonalyn. "Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Jonalyn sa kanya. "Yun ang sabi sa akin ni Princess kanina" ani May-Ann kaya naman napatingin sila kay Princess na kinakalikot niya ang kanyang tablet. "Yun ang narinig ko sa mga kaklase natin" aniya habang nakatingin sa kanyang tablet. PUmaharap naman si Mariela at napatingin kaming lahat sa kanya. Lahat ng mga kaklse ko ay naptingin pati narin ang may ginagawa at pati narin si Princess na nagtatablet. "Sino ang nakakuha ng panglimang numero?" tanong niya sa buong klase. Nagbulong-bulongan ang mga ito.  "Bakit?" tanong ni May-Ann sa kanya. "Basta sabihin niyo na lang kung sino" ani niya. Nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasalita at nakatingin ako sa mga kaklse ko kung sino ang aamin. "Ako!" ani Diana na nasa malapit sa akin kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Lumapit sila Harlyn, Reynalyn at Mariela sa kanya pati narin ako ay lumapit. "Sumama ka sa amin sa labas. MAy sasabihin kami" seryosong saad ni Harlyn sa kanya. Magtatanong pa sana siya ng hinila na namin siya palabas at pumunta sa malayo doon sa classroom. "Bakit?" agad na tanong niya at winaksi ang kamay naming nakahawak sa kanyang balikta. "Mag-iingat ka" ani ko sa kanya. Napatingin siya sa akin. Tumaas ang kilay niya. "Ha? Ano ang ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong niya. Hinawakan ni Reynalyn ang kanyang kamay. Mas lalong naguluhan ang expresyon ng kanyang mukha. "Dahil ikaw na ang susunod na mawawala" seryosong saad niya. Napaatras ito sa amin kaya naman nakawala siya sa pagkakahawak ni Reynalyn sa kanyang kmay. "H-hindi" natatakot na sabi niya."H-hindi totoo iyan!" aniya. "To-too ito dahil ikaw ang nakabunot ng ikalimang numero kaya ikaw na ang susunod. Ang kailangan mo lang gawin ay mag-ingat" paalala sa kanya ni Harlyn. "Makakabuti na lang sayo na sumama ka sa amin. Sa bahay ka muna nina Harlyn para mabantayan ka namin sa posibleng mangyari"ani Reynalyn. Wala na siyang nagawa kundi pumayag dahil kung hindi rin siya papayag ay mamamatay siya. Pumayag narin siya ata dahil ayaw niya pang mamamatay. Mariela's Pov Bumalik na kami sa silid. Tinext ko si Chester na nalaman na namin kung sino ang ikalimang mamatay. Sinabi nanamin ang plano namin. "Anjan na ang bago nating adviser!" sigaw ni Jansen mula sa pintuan. Umupo naman kami sa aming mga upuan at inayos ang mga ito. Maya maya pa ay biglang may pumasok na lalaki. Medjo bata na akala mo ay istudyante lang dito na katulad namin. "Hello Seksyon IA. Iam your new adviser I am John Paul, or just call me Sir JP" nakangiting saad niya sa amin. "Ikaw na po ba 'yung maghahawak sa amin wholer smester/" tanong sa kanya ni Judy Ann. "Yes pero may new clasmate kayo. Galing siyang IB pero napunta siya sa IA dahil subra na sila doon" ani Sir."Pasok ka, hija" aniya. Bigla namang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang babae na medjo katamtaman ang kanyang height, mahaba ang kanyang buhok. "Siya si Jamaica ang magiging new classmate niyo. Be nice to her, ok?" tanong niya. Sasagot na sana kami ng may biglang tumugtog sa speaker. Ang kantang minsan ko ng narinig, ang kantang hindi ko alam pero kinikilabutan ako kapag naririnig ko ito. 'Why do birds, Suddenly appear, Everytime you are near, Just like me, They long to be, Close to you' ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD