Kabanata 10

1072 Words
*** Harlyn's Pov Naging normal ang pagdaloy ng pangyayari sa loob ng classroom. Mejo umiingay na ang mga ito mukhang nagiging normal na ulit ang takbo ng lahat,pero hindi parin maiaalis ang mga pangyayari na nangyari na. Alam ko na pinipilit lang nlang mabuhay ng normal araw-araw pero alam kong sa loob lobb nila natatakot silang mamatay. Lahat tayo natatakot na mamatay, sino nga bang hindi natatakot? "Bat wala pa siya?" tanong sa akin ni Mariela na nasa tabi ko. "Baka nalate lang 'yun." ani Krisanta na nasa harapan ko na nakaupo. Napatingin ako kay Jansen. Nag-iisa walang kausap. Hindi siya ganyan pero sumala nung nawala si Ejay ang kanyang bestfriend ay naging tahimik na siya. Kinalabit ko si Krisanta na nasa tabi ko at nginuso ko si Jansen. Nakuha naman niya agad ang ipinapahiwatig ko kaya agad siyang pumunta doon. Hindi namin alam ang nangyayari sa pamilya ni Elizabeth simula nung namatay siya. Ang alam ng mga ito nawawala siya kaya naman pinaghahanap siya ng kanyang pamilya. Gusto ko sanang sabihin kung ano ang nangyari sa kanya pero hindi pwede dahil pinagbantaan kami ng Director dito. Wala kaming magawa, ano ang gusto nilang mangyari? Gusto ba nila na maubos kami dito sa seksyon na ito? Hindi ko sila maintindihan. Biglang tumunog ang cellphone ko kaya naman agad ko itong kinuha. Bumulagta sa akin ang pangalan ni 'Chester dito kaya agad ko naman itong sinagot. "Kanina ka pa namin hinihintay ah. Asa-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil ang kanyang Ina ang sumagot dito. "Isinugot n-namin ang anak ko sa hospital. G-gusto niyang pumunta kayo dito" ani Tita. Nanginig ang kamay ko habang nakahawak sa cellphone na nakatapat sa tainga ko. "B-bakit po siya na hospital?" naginginig na tanong ko. napatingin naman sila Rica, Mariela at Reynalyn. "Dito ko na lang sasabihin ang lahat, hija. Basta pumunta na kayokaagad dito" aniya. "Sige po" sabi ko bago binaba ang cellphone ko. "Ano daw ang nangyari?" tanong agad ni Reynalyn. "Na hospital daw siya at kailangan nating pumunta doon" ani ko sa kanila. "Bakit daw?" pagtatanong ni Rica. "Hindi ko rin alam basta daw pumunta na tayo doon" agarang sabi ko sa kanila."Krisanta, maiwan kana muna namin dito" pagtatawag ko kay Krisanta na na kay Jansen. Napatingin naman siya sa amin, magtatanong pa sana siya pero tumango na lang ito. "Tara na" anyaya ko sa kanila. Lumabas kami kaagad sa gate. Tumawid kami papunta sa kabilang kalye para magabang ng taxi papunta sa hospital. Chester's Pov Pagkagisig ko ay agad kong hinawakan ang ulo ko. Maynaramdaman akong benda dito. Masakit, parang oinopokpok ito ng martilyo. Bigla nalang nagflashback ang nangyari. Ang alam ko lang ay may isang demonyo na humampas ng vase sa ulo ko at hindi ko alam kung sino 'yun. Agad na lumapit sa akin si Mama at niyakap ako. "Thank god your ok" aniya. Ngumiti lang ako sa kanya."may masakit ba sayo ha? Saan?" sunod sunod na tanong niya. Ngumiti ulit ako sa kanya. "Ok lang po ako. Medjo masakit lang ng kunti ang ulo ko" sabi ko. Huminga ako ng malalim para makakuha ng lakas."Mama,pakitawagan po sila Harlyn, papuntahin niyo po sila dito" sabi ko sa kanila. Hindi na siya nagtanong bagkus ay lumabas siya para tawagan ito pero maya maya pa ay pumasok ulit sa kwarto. "Sinabi ko na.Papunta na sila" aniya. "Thank you, Ma" pagpapasalamat ko. Kailangan nilang malaman kung ano ang nangyari sa akin. May gustong tumangka sa buhay ko pero ang sabi niya hindi pa daw ako mamatay. Hindi ko alam kung sino iyon pero iyon ang aking aalamin at kapag nalaman ko kung sino talaga ang mamatay tao na iyon..... Hindi ko siya papatawarin. Tatlong pong minuto akong naghintay habang nakahiga. Nang may narinig akong pagbukas ng pintuan ng hospital ay agad akong napa-upo at tinignan ang mga ito. "Anong nangyari?" agad na tanong sa akin ni Harlyn at lumapit sa kinaroroonan ko. "Ok ka lang ba?" tanong sa akin ni Mariela. "Ok lang ako. Medyo masakit lang ang ulo ko." sabi ko sa kanila. "Ano ba talagang nangyari bakit ka nahospital?" pagtatanong naman ni Rica na nasa likod nila. "Akala na namin kung ano na ang nangyari sayo" ani Harlyn. Hinawakan ko ang ulo ko. Medyo kumikirot ito sa sakit. "ok ka lang ba?" nagaalalang tanong ni Rica sa akin. "Ano ba kasing nangyari at may benda ka sa ulo mo?" tanong ni Mariela. "Someone hit me a vase on my head" malamig na usal ko sa kanila. Nakita ko ang pagkabigla sa kanilang mga mukha. Ang akala ko nga mamamatay na ako dahil sa ginawa sa akin nung killer pero hindi pala, pinatikim lang niya sa akin kung ano ang pagsundo ng kamatayan pero kapag mauulit pa 'yun sisigaraduhin kung ako ang magpapatkim sa kanya ng kamatayan. Hindi ko pinangarap na maging isang mamatay tao pero kapag ang buhay ko na o buhay ng iba ang pinag-uusapan, I will. Sumusobra na kasi siya, andami na niyang pinatay. Hindi ba siya nakokonsensya sa kanyang mga pinapatay? "Pa-paano nangyari 'yun? Hindi pa naman ikaw ah" ani sa akin ni Harlyn. "Yes,I am not the next pero ang sabi niya pinatikim lang niya ako kung paano magsundo ang kamatayan" sabi ko sa kanila. Nakita ko ang galit sa kanilang mga mukha. Pati rin ako nagagalit. Gusto ko ngmatapos ito agad, ayaw ko ng maglaro ng isang laro na hindi naman nakakatuwa. Napupuno na talaga ako sa mga nangyayari ngayon. Sino nga ba ang killer? "Ano na ang gagawin natin ngayon? Marami na siyang napapatay." ani Mariela. Pati ako hindi ko na alam ang gagawin ko pero hindi pwede akong sumuko. Hindi pwede hangga't hindi pa natatapos ang lahat ng ito, hangga't hindi pa nansosolve ang misteryo sa Section I-A ay hindi pa ako susuko. "H-hindi ko alam" pagsuko ko sa kanila. "Paanong hindi mo alam? Ano na lang ang mangyayari sa atin! Mamatay na lang tayo ganun?!" sigaw ni Mariela. "Hihintayin na lang ba natin kung kailan tayo mamatay?!" ani rin ni Rica. "Hindi!.... We will never let that happen. Hindi tayo mamamatay, wag tayong sumuko dahil kapag sumuko tayo para narin nating isinuko ang buhay natin" ani ko sa kanila. Kahit hindi ko na talaga alam ang gagawin ko ay pinipilit ko paring matatag dahil kapag mahina ka ikaw ang matatalo. Sa isang laro dapat kailangan mong paganahin ang utak mo dahil kapag hindi ikaw ang matatalo, ikaw ang walang kalaban-laban at ang pinaka-importante sa lahat don't trust anyone, only yourself, dahil hindi mo alam na kahit ang mga kaibigan mo ay pwede kang pagtaksilan. Tumingin ako sa kanilang tatlo. Nakita ko ring nakatingin sila sa akin. "Sino ang susunod? Sino ang nakakuha ng ikalimang numero?" seryosong tanong ko. Nagkatinginan silang lahat at tumingin ulit sa akin. "We don't know" anila. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD