***
Third Person's Pov
Pagkawala ng ilaw sa paligid ay nagsisigawan ang mga ito. Umahon na rin sila mula sa tubig dahil kung ano ang mangyari sa kanila doon.
Maya maya pa ay biglang may narinig silang isang nahulog sa tbig. Kinuha ni Chester ang kanyang cellphone at inilawan ito. Nagulat siya sa kanyang nakita, isang ulo, ulo ni Diana at pagkakita naman niya dito ay agad siyang nagpanic.
"OH MY GAAAD!" sigaw ni Princess at napatakip siya ng kanyang bibig habang tinitignan ang ulo nito.
Biglang may isang kamay na humawak sa kamay ni Chester kaya naman nabitawan niya ang kanyang cellphone. Hindi niya mawari kung sino iyon dahil agad rin namang binitawan ng humawak sa kanya ang kanyang kamay.
"Anong nangyari?" tanong ni Harlyn na kaibigan ni Chester.
"W-wala na si Diana" ani niya. Kahit madailim ang paligid alam ni Chester na nagulat ito sa kanyang sinabi.
"A-andito ang killer?" kinakabahang tanong ni Harlyn sa kanyabg kabigan. Hindi parin mapakali ang lahat, lahat sila ay kinakabahan, lahat sila ay balisa sa nangyayari ngayon.
"Si Princess?!" agad na tanong ni Harlyn sa kaibigan nito ng bigla niyang maalala na siya na ang ususnod.
"Bakit?" tanong ni Chester dito.
"Siya na ang susunod na mamatay" ani Harlyn at pagkasabi niya 'yun ay agad nilang isinigaw ang pangalan ni Princess para hanapin ang dalaga.
Chester's Pov
"PRINCESS?!" sigaw ko mula sa isang madilim na lugar.
Para akong isang bulag doon na nangangapa. May nahawakan akong balikat at akala ko kung si Princess iyon hindi pala.
"Princess?" tanong ko dito.
"H-hindi ako si Princess.Hinahanap ko rin siya at si Diana" ani May-Ann na siya pala ang nahawakan ko.
Patuloy parin ako sa paghananap sa kanya, malamang siya na ang susunod, malamang nakuha na ito ng killer at isinasagawa na niya ang pagpatay nito sa kanya. Sana hindi pa huli ang lahat, bakit pa kasi sila pumunta dito? Sana hindi mangyayari ito ang lahat ng ito, may mamatay nanaman. Hindi lang isa, kundi marami nanaman ata ang dadanak na dugo dito.
"Princess?" tawag ko habang patuloyparin sa pangangapa. Walang ilaw sa buong paligid hindi ko alam kung bakit hindi nila nillabas ang mga cellphone nila para ito ang mistulang na ilaw.
"Wala ba kayong cellphone jan?!" tanong ko sa kanilang lahat.
Naririnig ko ang mga hininga nila at halata mo talagang natatakot sila sa mga nangyayari ngayon. Kasalanan nila bakit pa kasi sila nagpasyang pumunta dito, sana hindi nangyari ito.
"N-nasa lo-loob yung sakin" sabi ni Jonalyn habang ang kanyang tinig ay nanginginig sa takot.
"N-asa loob rin sa akin" sagot naman ni Judy Ann.
"W-wala akong d-dalang gadget o anuman" ani Trina.
Wala ako ng magagawa kudi manga ng mangapa na lang at baka kapag nagkaroon na ng kuryente ay patay na si Princess doon.
"N-natatakot na a-ako" ani Shiela. Nanginginig ang boses nito na halata mo talagang natatakot siya.
"Harlyn?! nAsan ka?!" sigaw ko dito.
Halos mapatalon ako sa gulat ng may humawak sa braso ko. Napatingin ako doon.
"Andito ako. Nahanap mo na ba siya?" agad na tanong niya sa akin.
"Hindi pa, hinahanap ko pa siya. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya." sabi ko sa kanya."Asan 'yung pinto niyo papasok sa bahay, kabisado mo diba? Baka andun siya" sabi ko sa kanya.
Nagtungo kami papunta sa pintuan ng bahay nila. Alam kong kahit walang ilaw ay kabisado niya ang bawat parte ng bahay dahil sa kanila ito.
"Hindi kanina nakabukas ito ah" sabi niya.
"Baka anjan nga siya. Bilisan natin bago pa siya mawala!" giit ko at dali dali kaming pumasok doon sa loob.
Princess Pov
"Princess?" isang tinig ang narinig ko. Lumabas ako mula sa isang kwarto.
"I-ikaw lang pala, akala ko kung sino na. Natatakot ako" sabi ko sa kanya. Lumapit ako dito.
"Wag kang matakot. Andito lang ako" sabi niya sa ain at ngumiti. Ang tanging ilaw lang na ginagamit namin ay ilaw ng aking cellphone na nakatutok sa malaanghel na mukha nito.
"Ano ba ang nangyayari?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti lang siya pero napansin ko iba ang ngiti niya. Napaatras naman ako pero lumapit ito. Napaatras ulit ako pero tumama ang likod ko sa pader na hudyat na wala na akong maaatrasan pa.
"B-bakit?" tanong ko sa kanya.
"Wala" sabi niya at ngumiti siya ulit sa akin. Kinakabahan ako sa pinapakita niya, para siyang may gagawin na hindi maganda.
Natakot na talaga ako ng husto ng bigla niyang inangta ang kanang kamay niya na nagmumula sa likod nito, may hawak siyang palakol at duguan ito.
"I-ikaw? I-ikaw yung killer?" tanong ko sa kanya.
"Ako nga. Nasurpresa ka ba?" nakakalokong tano g nito.
Sino ba naman ang hindi masusurpresa na siya pala ang killer? Na siya pala ang puno't dulo ng lahat ng ito. Sino ba ang hindi masusurpresa na ang isang kabigan mo na tinuturing mo ay siya pala ang pumapatay? All this time siya pala ang hinahanap nila Harlyn na pumapatay at hindi nila alam na nasa tabi nila ito at kasama nila araw-araw.
Akala mo isa siyang anghel na ang bait-bait pero hindi pala, sa likod ng kanyang malaanghel na mukha isa siya palang demonyo.
"P-please maawa ka" pagmamakaawa ko dito.
Ngumiti siya ng napakatamis-tamis.
"Ganyan ang gusto ko! Magmakaawa kayo na wag ko kayong patayin! Dahil sa bawat pagmamakaawa niyo nagaganahan akong patayin kayo, na bawat pagpapakita niyo ng takot sa inyong mukha nagaganahan akong patayin kayong lahat!" sigaw nito at tumawa ng napakalakas.
Nababaliw na siya.
Pero habang humahalakhak siya ay dali-dali ko siyang hinampas gamit ang kamao ko kaya natumba siya sa sahig. Iyon na ang pagkakataon ko para tumakbo doon at pumunta sa isang kwarto.
Inilawan ko ang paligid dito para makatingin ng pagtataguan. Wala akong makita pero napatingin ako sa ilalim ng kama. Wala akong choice kundi doon lang.
Dali-dali akong sumuksok doon para hindi niya ako makita. Maingat ako sa bawat galaw ko, pati paghinga ko ay mahina, ayaw kong mamatay. Ayaw ko pang mamatay. Pinatay ko narin ang ilaw ng aking cellphone.
Biglang bumukas ang pintuan at nakita ko ang isang paa doon. Nanginig ako sa buong takot pagkapasok niya.
'Please, Lord. Iligtas mo ako' taimtim kong panalangin.
"Andito na ako, wag ka ng magtago, mahahanap rin kita" aniya. Nakaktakot ang boses nito.
Nakita ko ang kanyang paa na pumunta sa closet, may narinig na lang akong pag bukas, binuksan niya ang closet pero wala ata siyang nakita doon kaya naglakad ulit ito.
"Gusto mo talagang maglaro ha, Princess?!" tanong nito sa akin. Hindi ako umimik nanatili lang ang aking kamay sa bibig ko para hindi ako makagawa ng isang tunog.
Bigla siyang tumigil sa tapat ng kama. Napapikit ng lang ako para hintayin siyang lumuhod at bumamaba para tignan ako pero lumipas na ang isang minuto ay wala pa kaya naman binuksan ko ang mga mata ko. Iginala ko ang panigin ko pero wala na akong nakikitang paa doon.
Napahinga na lang ako ng maluwag. Aalis na sana ako doon ng biglang bumulagta ang kanyang mukha mula sa kama habang nasa sulok pa ako.
"Akala mo ha makakatakas ka sa akin? Pwes hindi!" aniya at hinila ang kamay ko at tiyaka nilabas ako sa pinagtataguan ko.
Nanlaban ako sa kanya kahit nakahiga ako sa sahig at nakapatong siya sa akin pero isang malutong na sampal ang natamo ko. Namanhid na ata ang pisngi ko sa sampal na iyon.
"M-ma-maawa ka , please" pagmamakaawa ko sa kanya.
Humalakhak lang ito na parang isang demonyo, ay hindi isa siyang demonyo talaga!
"Gusto mong maglaro ha? Ganyan pala ang tipo mo, Princess?" nakakalokong tanong niya at sinamahan pa niya ng isang nakakalokong ngiti."Pwes maglalaro tayo" sabi niya at nilabas ang isang kutsilyo sa kanyang likod.
Tinapat niya ito sa balat ko. Mulas sa aking tuhod papunta sa mukha ko at kanya lang nitong inulit ulit.
"Langit lupa impyerno, saksak puso tulo ang dugo. Patay buhay aalis ka na sa pwesto mong ito" nakakatakot na pagkanta niya at tumigil ang kutsil sa puso ko.
Tumulo ang luha na nagmumula sa aking mga mata at napapikit na lang ako.
Naramdaman ko na alng ang pagtusok ng kutsil sa bandang puso ko, hindi lang isa, hindi lang dalawa napakaraming pagtusok ang ginawa niya at sinabayan pa niya ng salitang...
"Mamatay ka! Mamatay ka!"
Pero bago pa ako mawala sa mundo ay may narinig akong tinig. Tinig ng mga kaibigan nito.
"PRINCESS?!" pagsisigaw nila Chester at Harlyn ng pangalan ko.
Ilang beses ulit na tumusok ang kutsilyo sa puso ko. Napatingin ako sa mukha ng sumasaksak sa akin, puno ng dugo ito. Pero may napansin akong isang tubig na nagmumula sa kanyang mga mata.
Napangiti na lang ako at napapikit ng aking mga mata.
Huli na kayo Chester. Huli na kayo. Paalam.
***