***
Chester's Pov
"PRINCESS?!" sigaw namin ni Harlyn habang paakyat kami sa hagdanan.
Biglang may kumalabog sa isang kwarto. Napatingin kami doon.
"Princess?" tawag namin dito pero walang sumagot. Unti-unti kaming lumapit sa isang kwarto kung saan nanggaling ang tunog na iyon.
Pipihitin ko na sana ang siradora nito pero nakabukas pala. Itinulak ko ito para makapasok kami sa loob.
"A-asan ka, Princess?" pagtatanong ni Harlyn sa buong silid pero walang sumagot.
Nagalakad ako patungo sa isang puting hingaan. Pero habang papunta ako doon habang naglalakad ay may naapakan ako. Unti-unti akong lumuhod para sana tignan kung ano ito. Malambot ito kaya pinisil-pisil ko pa pero habang ginagawa ko iyon ay doon ko napagtanto kung ano ang hinahawakan ko. Isang kamay.
Agad kong kinapa kung totoo ba ang nahawakan ko pero totoo nga. Isang tao na nakahiga sa sahig. Nanginig ang buong sisitema ko ng sumagi sa akin si Princess.
"Harlyn! Si Princess ata ito!"Sigaw ko sa kanya. Dali-dali naman siyang pumunta sa kinaroroonan ko para tignan ito. Naramdaman kung hinawakan niya rin ang kamay nito.
"Princess?!" agad na tanong nito sa kanya pero walang sumagot.
Sana hindi pa huli ang lahat. Sana hindi pa siya patay, sana ok lang siya sana buhay pa siya.
Sinusubukan namin siyang gisingin pero wala parin. Kinapa ko siya papunta sa ulo niya, may nahawakan akong mga kaunting likido. Nangamba ako dahil may bagay na sumagi sa isip ko kung anong likido iyon. Naisip ko na baka dugo iyon kaya naman inamoy ko at nung nakumpirma ko ngang dugo iyon ay napaatras ako at sa pagatras ko ay kasabay nun ang pagbukas ng ilaw.
Bumungad kaagad sa amin si Princess na nakahiga sa sahig. Napatingin ako sa kanyang dibdib kung nasaan ang puso nito at halos hindi ko kinaya ang nakita ko. amraming umagos na dugo na nagmumula sa kanyang dibdib na atalagang tinadtad siyang sinaksak.
Walang awa ang gumawa nito.
May narinig kaming mga yabag na paakyat mula sa hagdanan na patungo sa amin. Bumungad sina Krisanta, Rica, Mariela, at Reynalyn. Sabay-sabay silang napatingin sa bangkay na nasa harapan namin at napatakip sila ng bunganga nila sa nakita.
"A-anong nangyari sa kanya?" tanong ni Rica habang nakatingin kay Princess na patay at binaling niya ang tingin sa akin.
"H-hindi namin alam. Hinahanap namin siya dahil alam naming siya na ang susunod pero nung pumunta kami dito ay n-nakita na lang namin siyang nakahandusay" sabi ko.
"Walang awa ang gumawa nito sa kanya." anunsyo ni Reynalyn at lumapit sa kinaroroonan ni Princess. Tinignan niya ito kaya napatingin rin ako sa mukha ni Princess.
Nagulat ako dahil ngayon ko lang napansin na nakangiti siya habang patay. Bakit siya nakangiti? Masaya ba siyang namatay?
"Nanakangiti siya." yun sana ang sasabihin ko pero inunahan ako ni Mariela.
"Oo nga nakangiti siya. Pero bakit siya nakangiti habang pinapatay siya?" tanong ni Rica.'
Yun rin ang pinagtataka ko bakit siya nakangiti? Hnda na ba siyang mamatay that time? o may iba pang rason kung bat siya nakangiti.
"PRINCESS?!!" hindi namin namalayan na andun na pala sila May-Ann, Jansen, Shiela, Trina at Jonalyn.
"ANONG NANGYARI SA KANYA?!" sigaw ni Jonalyn haang naiiyak na lumapit sa bangkay ni Princess.
"Pinatay siya ng isang tao." seryosong usal ni Harlyn sa amin.
"S-sino?" tanong ni Trina.
"Isang tao. Isa sa atin dito." seryoso ko ring sabi sa kanila.
Nagpalipat-lipat ang mga tingin nila sa isa't isa.
"A-ang ibig m-mong sabihin. N-nandito ang killer at i-isa sa atin ang pumapatay?" kinakabahang taong ni Shiela.
"Oo, isa sa atin. Andito lang siya, habang tinutuklasan natin ang kaganapin na ito andito lang siya na nakangiti nagdiriwang." sabi ko sa kanila at napatingin ulit sa katawan ni Princess.
"Kilala niyo ba kung sino 'yun?"mula sa masayahing mukha kanina ni Jansen ay sumeryoso ito.
"Hindi pa namin alam. Yun ang ginagawa namin ngayon." sabi ni Reynalyn.
"Magaling siyang magpanggap, magaling siyang umakting kaya mahirap siyang tukuyin kung sino talaga siya" sabi ni Harlyn.
"Ano na ang gagawin natin ngayon?" tanong sa amin ni May-Ann.
"Na-natatakot ako sa posibleng mangyari. Baka ako na ang susunod" natatakot na pahayag sa amin ni Jonalyn kaya napatingin ako sa kinaroroonan niya.
"Bakit ikaw ba ang nakakuha ng pang pitong numero?" seryosong tanong ko.
"Hindi, pero malapit lang dun ang numerong nakuha ko." sabi niya."Ika sampung numero" sabi niya.
Hindi na ako nagulat doon. Alam kung isa nanaman dito ang mamatay mamaya, bukas o sa susunod pang araw, baka hindi pa nga isa ang mamatay, baka dalawa, tatalo o mas higit pa dahil hindi mo alam pwede kang pagsabaysabayin ng killer na patayin.
"Maghanda ka na dahil malapit ka na." sabi ko sa kanya habang nakatingin sa kanyang mga mata na bakas ang takot doon na mamatay,
"Ano ang kailangan nating gawin para matapos na ang lahat ng ito?" tanong ni Shiela.
"Ang kailangan lang nating gawin ay hulihin sa akto ang mamamatay tayo." ani Mariela.
"It's better to be killed than to kill." sabi ni Rica.
Nanatiling tahimik ang paligid ng dalawang minuto, walang nagsalita ang tanging mabibigat na paghinga lang namin ang naririnig mula dito.
"A-ano ang sasabihin ko sa magulang ni Diana at Princess?" tanong ni May-Ann sa amin.
Iyon pa ang isa pa naming problema. Anong rason? Sasabihin ba namin na namatay talaga ang kanilang mga anak? o sasabihin rin namin na nawawala sila? Ano ang dapat naming gawin? Gusto kong sabihin ang totoo pero natatakot ako sa posibleng mangyari.
"Tell them the truth" sabi ko sa kanila.
Dalawang araw narin ang nakalipas simula nung nangyari ang pahgpatay na iyon. Hindi namin alam kung paano natanggap ng mga magulang ni Diana at Princess ang pagkamatay nila. Binibisita rin namin ang kanilang bangkay sa kanilang bahay pagkatapos ng aming klase.
Pansamantalang nandito ako ngayon sa silid nag-iisang nililigpit ang mga gamit ko. Wala akong kasama dahil pina-una ko na sila doon sa canteen para kumain.
Habang nililigpit ko ang mga libro ko hindi ko maiwasang mapatingin sa likod ko ng minuminuto dahil pakiramdam mko may taong nakatingin sa akin.
Pero habang nagliligpit ako ng gamit ay napatingin muli ako sa likod ko at halos matake ako sa puso ng makita ko si Sir Bueno doon na nakatayo at nakatingin sa akin.
"B-bakit po?" natatakot kung taong sa kanya.
Biglang lumitaw naman si Rosemarie na wala ang ulo nito pero hawak niya sa kanyang kanang kamay, pati narin si Ejay na hiwa ang katawan, si Elizabeth na nadaganan ng simento, si Lady Ann na nasaksak at may dalawa pang tao na kakamaty lang si Diana at si Princess.
Lahat sila ay lumalapit sa akin kaya naman humahakbang ako patalikod hanggang sa wala na akong maatrasan.
"T-tulungan mo kami" sabay-sabay nilang sabi.
Nararamdaman ko ang bilis ng pagtibok ng puso ko mula sa dibdib ko. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil bakas sa akin ang takot at kaba ngayon habang nakatingin sa mga patay na tao na nasa harapan ko.
"T-tulungan mo kami" ulit pa nila at lumapit pa sila sa akin.
Hindi ko alam kung paano ko sila tutulungan. ANong sinasabi nilang tutulungan ko sila? Paano? Ano ang pwede kong maitulong sa kanila.
"Patayin mo siya" sabay nilang sabi sa akin."Patayin mo siya" ulit pa nila.
Natatakot ako, nanginginig na ako dahil sa takot at may biglang tumugtog na kanta na minsan ko ng narinig at kapag naririnig ko ito ay parang kinikilabutan ako.
'Why do birds,
Suddenly appear,
Everytime you are near,
Just like me,
They long to be,
Close to you'
"Patayin mo siya" ulit nanaman nila. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko."Patayin mo siya.....Tulungan mo kami" anila at tuloy parin sila sa paglapit.
"Paano ko kayo matutulungan, kung ako na ang susunod na mamamatay?" tanong ko sa kanilang lahat.
***