Kabanata 5

1017 Words
*** Harlyn's Pov "Who?" tanong nito sa kabilang linya. "Pupunta ako jan. Just wait for me, pipigilan natin ang killer bago niya magawa ang pagpatay" sabi ko sa kanya at binaba na ang phone at dali daling umalis ng bahay. Chester's Pov Hinintay naman nina Krisanta, Rica, Mariela, Reynalyn at Elizabeth si Harlyn sa malapit ng gate. Hindi pa nagtagal ay nakita namin ang isang babae na tumatakbo na nakakulay asul ang suot niya. Hingal na hingal to ng karating sa amin. "Akala ko ba hindi ka makakapunta?" tanong ng pinsan niyang si Reynalyn. Hingal na hingal ito. nakahawak siya sa kanyang tuhod at hinahabol ang paghinga niya. "S-someon's going to d-die" aniya. "HA?!" pasigaw na tanong nung lima. "Sino? Alam mo ba?" tanong ko sa kanya. "Na-alala niyo pa ba ang mga numero na binunot natin kay Sir noon bago siya mamatay?" tanong niya sa aming lahat. Tumango naman kami. Ano namn ang kinalaman nun? "Dahil kung anong numero ang nabunot niyo...." pambibitin nito. "Ano?" sabay na tanong namin sa kanya. Huminga siya ng malalim at pinakalma ang sarili niya. "Yan rin ang numero ng katapusan niyo" diretsong sabi niya. Nagulat kaming lahat, pati rin ako nagulat. Iyon ba talaga ang gamit ng pinabunot sa amin ni Sir? "Ha? Nagj-joke ka naman ata" takot na sabi ni Elizabeth kaya napatingin kami sa kanyang lahat. Takot na takot ang mukha nito. "I'm not joking. Sa ganitong sitwayson kaya ko pa bang magjoke sa inyo?" tanong niya sa amin. "So it means na..." ani Krisanta. "Yes, si Rosemarie ang nakabunot ng unang numero at si Sir naman ang naging numerong zero" sabi niya sa amin.  Napasinghap kaming lahat. Bumilis ang pintig ng puso ko. Kinakabahan ako sa mga mangyayari ngayon. "I-am-not-going-to-die!" mariing pahayag ni Rica sa amin. "Me too. Hinding hindi ko hahayaan ang sarili ko na mamatay. Marami pa akong pangarap sa buhay!" pagsang-ayon sa kanya ni Mariela. "Hey, hey. Listen to me first, someone's gonna die tonight at kailangan natin itong pigilan bago mangyari iyon." sabi niya sa amin. "Sino ang mamamatay? Kilala mo ba?" tanong ko sa kanya. "Reynalyn, Mariela, Elizabeth, na-alala niyo ba nung nasa clinic tayo noon?" tanong niya sa kanila. Harlyn's Pov *Flash Back* "Mariela, Reynalyn, Elizabeth, kaninong numero ito?" tanong ko sa kanila. Nagkatinginan silang tatlo. Walang umimik sa kanila. tanging ang paghinga lang nila ang narinig ko. "Sino?" tanong ko ulit. Parang napa-isip naman si Mariela at bigla siyang sumahot. "Kay Ejay 'yan. Pinahawak niya sa akin kahapon 'yun nga lang hindi ko naibigay sa kanya" sabi niya sa akin. *End of Flash Back* "Si Ejay?!" sabay nilang tanong. "Oo siya na ang susunod dahil siya ang nakakuha ng pangalawang numero" sabi ko sa kanilang lahat. Nanlaki ang mga mata nila sa narinig. Bakas ang mga takot dito, at pati rin ako ay natatakot sa posibleng mangyari.  "A-ano ang gagawin natin?" nanginginig sa takot na tanong ni Mariela. "Kailangan lang nating huliin ang pumapatay habang maaga pa" sabi ni Chester sa amin. "oo, kailangan lang nating itigil ang nangyayari na ito bago tayo ang mayari" sabi ko sa kanila. "Ano na ang gagawin natin ngayon?" tanong ni Krisanta. "S-sana hindi na lang ako p-pumunta dito. Sana h-hindi na lang ako umatend dito sa party na i-ito" naiiyak na sabi ni Elizabeth kaya napatingin kami sa kanya. Nagulat kami sa biglaan niyang pag-iyak. "Bakit, Elizabeth?" tanong ni Reynalyn dito. "B-be-because....." tuloy-tuloy ang pagbagsakan ng mga luha nito. Hindi siya makapagsalita ng maayos, takot na takot ito." B-because I am t-the num-number Three" aniya at nagulat kami doon sa kanyang sinabi. WHAT?! She is the next after Ejay?! "Your not going to die! Mark that! Gusto niyang makipaglaro ha? Well makikipaglaro rin tayo sa kanya!" galit na sabi ni Chester. "Let's find Ejay bago pa huli ang lahat. Magkita-kita tayo sa Gym kapag nahanap niyo na." sabi ko sa kanila. "Elizabeth, Rica and Krisanta sumama kayo sa akin" dugtong ko at nagiwalay hiwalay na kami. Mariela's Pov Naglakad kami papunta sa Agri Building para tignan kung nandun si Ejay. Bawat silid ay tinitignan naman kung meron siya doon pero wala kaming mahanap. "Sure ba kayo na wala talaga siya kanina doon sa party?" tanong ni Chester. "Oo nakita kong wala siya kanina. Hinahanap ko pa nga kanina siya para sana ibalik ang numero niya pero hindi ko siya mahanap" sabi ko sa kanya. "Tinanong narin namin kanina ang kaibigan niya kung nasaan siya pero ang sabi nila umihi siya pero mahigit isang oras na daw hindi pa bumabalik" ani Reynalyn. "Sh*t! sana hindi pa huli ang lahat!" pagmumura ni Chester. "Wait..... Ano ang numerong nabunot niyo?"tanong niya sa amin. Wala akong maisagot. Hindi ko alam ang isasagot ko. Talaga bang totoo iyon? Sino ba kasi ang pumapatay? Sino ba ang maypakana ng lahat ng ito? "Ang nabunot kung numero ay numero apat na pong siyam" ani Reynalyn. "Malayo ka pa. Pero hindi na aabot doon. Hindi na natin papaabutin doon dahil bagopa man may mamatay ulit ay tapos na ito. "Paano kung hindi natin siya mahuli?" nangangamba kung tanong sa kanya. "Magdasal na lang tayo para sa kaluluwa natin" ani Chester. Reynalyn's Pov Pinagpatuloy lang namin ang paglalakad, ang paghahanap pero wala talaga kaming makita na Ejay. "Ejay! Asan ka?" sigaw namin. Walang sumagot. "EJAY!" sigaw ni Mariela. Pilit kaming sumisigaw pero wala paring sumasagot. Napa upo kami sa damuhan malapit sa likod. Pagod na pagod na kami at hindi namin alam ang nangyayari. Tanging ang ihip ng hangin ang naririnig namin. Tanging ang malamig na hangin ang nararamdaman namin na dumadapo sa aming katawan. Habang naka-upo kami doon ay bigla kaming may narinig na kumakaloskos. "Hmmm....hmmmmm" parang nahihirapang sabi niya. Unti unti kaming pumunta doon sa kinaroroonan ng tinig at pagkakita namin kung sino iyon ay si Ejay na nakagapos sa isang upuan, may dugo sa bandang noo niya. Halatang nagihirapan siya. Napatingin kami doon sa kanyang itaas. May blade doon. MArulis na blade pero maya maya pa ay bigla itong umikot at unti-unting papunta sa kanyang ulo. "OH MY GHAAD! ANONG GAGAWIN NATIN!" natatarantang sigaw ko. Hindi ko alam ang gagawin, hindi ko gustong makakita ng isang tao na mamatray sa mismong harapan ko. "Hmmmm.... hmmmm" anito ulit. Walang pasabi akong tumakbo sa kinaroroonan niya pero nakakailang hakbang palang ako ay may bigla akong nagalaw na tali at sa hindi inaasahan biglang bumilis ang pag ikot ng blade at bigla nitong hiniwa ang ulo ni Ejay papunta sa kanyang katawan at ang kanyang dugo ay parang isang shower na dumikit sa balat ko. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD