***
Rica's Pov
"Ano ang gagawin natin?" tanong ko kay Chester.
"Ito na ba 'yung sinasabi nilang sumpa noon na hindi naituloy?" tanong ni Krisanta.
Umiling-iling lang siya habang nakatingin sa kawalan. Walang bakas na emosyon sa kanyang mukha.
"Hindi, hindi totoo ang sumpa. May isa lang na tao talaga dito na gusto tayong paniwalain doon sa sumpang iyon at ang kailangan lang nating gawin ay pigilan siya sa kanyang gagawin" walang emosyon niyang sabi.
Ha? Ano ang sinasabi niya? AMy isang tao na pumapatay dito? At sino naman iyon?
Nilibot ko ang paningin ko sa buong classroom para tignan ang mga kaklase ko at para malaman ang sinsabi ni Chester. Pero wala, lahat sila malungkot at nakatingin sa kawalan.
"Gusto ko ng umalis dito sa seksyon na ito!" narinig naming sabi ni Jansen.
"Ayaw ng dean natin. Hindi na daw pwede" ani naman ni Ejay kaya napatingin kami sa kanilang dalawa.
"Ha? Paano namang ayaw ng Dean? Kakasimula pa lang ng school days ah. Wala pa namang dalawang buwan" ani Krisanta na pati ako nagtataka kung bakit ayaw nila kaming pagtransferrien sa ibang seksyon.
Sa totoo lang gusto ko na ding umalis dito sa seksyon na ito. Dahil...
Hindi pa ako handang mamatay. Walang taong gugustuhing mamatay.
Krisanta's Pov
Kahit isang linggo na ang nakalipas, bakas pa sa amin ang nangyari. Parang sariwa pa ito sa aming kaisipan. Ikaw ba naman kasi ang makakita ng isang bangkay sa mismong harapan mo.
"Mamayang gabi na 'yung Freshie Night ah. Ready na ba kayo?" tanong ni Reynalyn sa amin habang nasa harapan namin siya.
"Oo"sagot ni Elizabeth.
"Balita ko hanggang hating gabi daw iyon gaganapin. Saan tayo matutulog?" tanong no Harlyn.
Hindi rin makalimutan ni Harlyn ang nakita niya noon. Siya kasi ang pinakagrabe eh. Hindi niya sinabi sa kanyang mga magulang ang nangyayari sa school na ito dahil ayaw nila. Wala ring magulang ni Rosemarie ang pumupunta dito para tanungin kung nasaan ang anak niya. Doon ako nagtaka. Bakit nila nililihim ang mga nangyayari? Dapat ang mga bagay na ganito ay hindi nililihim dapat sinosolusyonan kaagad.
Napatingin ako kay Chester na kinakalikot ang cellphone niya.
"Sasama ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Yeah" iyon lang ang sabi niya at bumaling ulit sa kanyang ginagawa.
Chester's Pov
Hindi ko tinuon ang pansin ko sa pinaguusapan nila dahil natatakot ako. Natatakot ako dahil baka may mamatay nanaman mamayang gabi.
Pagkatapos kung gamitin ang cellphone ko ay nilagay ko sa bag ko. Tinignan ko ang loob ng bag ko ng mahagilap ko ang isang papel. Kinuha ko ito at nakita ko ang numerong nabunot ko noon nung nagpabunot si Sir.
Nagtataka parin ako, ano ang gamit nito? Ano ang gamit ng mga papel na ito? Parang isang puzzle sa kaisipan ko kung ano 'yun.
"Hoy!" nabitawan ko ang papel na hawak ko kaya nalaglaga ito sa loob ng bag ko. Hindi ko na iyon kinuha agad ko na lang isinara ang zipper ng bag ko at bumaling kay Mariela. "Sama ka sa amin?" tanong niya. Tumaas ang kilay ko.
"Saan?"
"Sa canteen 'natin'" aniya at pinagdiinan niya pa ang salitang 'natin'.
Oo canteen ng Section IA dahil naiiba kami sa lahat. Nakaseperate kami sa mga ibang studyante.
"Oo" iyon lang ang sabi ko at naglakad na.
Mariela's Pov
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa aming silid para sa susunod na subject namin.
Pagdating namin doon ay wala pa ang techer namin. Kaya umupo muna kami doon. Nakakpanibago lang, kahit hindi pa ako masyadong nagtatagal dito ay naninibago ako dahil nung hindi pa nangyari ang mga kremin na iyon ay maiingay ang mga kaklase ko pero ngayon hindi na.
Napabuntong hininga na lang ako at kinuha ang notebook ko at nagsulat ng kung ano-ano doon pero maya maya pa ay dumating na ang teacher namin.
Nang natapos ang klase namin ay nanatiling tahimik ito. Ang naririnig mo lang ay tunog ng mga sapatos.
Habang tahimik ang paligid ay may biglang tumugtog na kanya.
'Why do birds,
Suddenly appear,
Everytime you are near.
Just like me,
They long to be,
Close to you'
Hinanap ko kung nasaan iyong tumutogtog at nakita ko ang speaker sa itaas ng blackboard namin. Ito ang spaker na ginagamit kapag announcement pero bakit sila nagpapatugutug ng ganito?
"Ano ba yan! Ang pangit naman ng kantang 'yan. Sana twerk it like miley na lang para sayawan tayo!" sigaw ni Ejay at nagtawanan ang buong klase.
Nakitawa narin ako dahil namimiss ko na ang ganitong kaingay.
Chester's Pov
Napangiti na lang ako. Mabuti na lang na meron si Ejay para magpatawa, hindi iyong araw araw na nagluluksa kami sa nangyari. Nakakamiss rin pala kahit sa kunting panahon lang kayong nagkakasama ano?
Biglang tumunog ang cellphone ko at kinuha iyon.
Tumaas bahagya ang kanang kilay ko at tinignan ang numero dito. Sino ito?
Mula sa maingay na klase ay bigla itong tumahimik kaya naman napatingin ako sa kanila. Nakatingin lang sila sa kanilang cellphone. Wag mong sabihin may nagtext rin sa kanila? Kaya naman dali dali kong tinignan ito.
"NOOOO!"sumigaw si Shiela at sumigaw narin ang iba.
From: Unknown Number
Your all gonna die.
Harlyn's Pov
Gabi na at kasalukuyang nasa studya table ako at nagsusulat. Pero hindi ako makakoncentrate dahil sa mensaheng natanggap naming buong seksyon IA.
Ginulo ko ang buhok ko dahil gulong g**o na talaga ang pag-iisip ko.
Pinilit kong dugtungan ang sentence na sinusulat ko. Nanginginig ang kamay ko at napapikit na lang ako pagkasabay noon ang pagkahulog ng ballpen ko.
Sa pagpikit kong iyon ang imahe ng katawan ni Rosemarie ang agad kong nakita. Napansin ko ang isang sulat sa kanyang tuhod.
Hindi malinaw iyon kaya napamulat ako. Ano iyon?
Pilit ko ulit na pinikit ang mga mata ko at doon ko nakita ang nakasulat doon at doon ko napagtanto ang sinabi ng guro namin bago siya mamatay.
Ang nakasulat lang naman sa tuhod ni Rosemarie ay number '1'.
Biglang nagflasback sa akin ang mga nangyari noong nasa clinic ako. Ang nahulog na numero.
Hindi na ako nagalinlangan na tawagan pa si Chester at pagkatawag ko palang sa kanya ay sinagot niya.
Maingay ang paligid, tiyak na nasa Freshie Night sila.
"Bakit?" bungad niya agad pagkasagot.
"I think I know who's gonna die next" aniya ko.
Someone's Pov
Tinignan ko ang susunod na biktima ko. Masaya siya.
Dapat lang na maging masaya ka ngayong araw na ito dahil mamaya ay mawawala ka na sa mundo.
***