***
Chester's Pov
"Are you, ok?" nagaalalang tanong namin kay Harlyn pagkagising niya mula sa pagkakahiga. Hinawakan niya ang ulo niya at napapikit ng mariin.
"Yeah, I'm ok. Nahihilo lang" sagot nito.
"Mas mabuting dito ka na lang muna. Magpagaling ka muna para makuha mo ang lakas mo" ani Mariela.
"Anong nangyari?" tanong nito.
Walang umimik sa amin. Tahimik lang kami na naka-upo. Hindi namin alam ang sasabihin dahil hindi rin namin alam ang nangyayari.
Ang alam lang namin sa pangyayaring ito ay namatay ang guro namin at isa naming kaklase at hindi namin alam kung ano ang nangyari.
"OH My Gaad! Si Rosemarie!" biglang paghihisterikal ni Harlyn. Sumigaw sigaw siya doon. Pilit namin siyang pinapakalma pero umiiyak siya habang nanginginig.
Hindi ko siya masisis kung ganyan ang reaksyon niya. Ikaw ba naman ang yakapin ng isang patay na tao at makakita ng bangkay na walang ulo, baka nga hindi lang pagsisigaw at pagiiyak ang magawa ko eh.
"Jan na muna kayo. Pupunta lang kami sa room" pagpapaalam ko sa kanila.
"Sasama ako." ani Rica.
"Me too." sabi rin ni Rica.
"Kami na lang nila Reynalyn at Elizabeth ang magbabantay dito. Go ahead" ani Mariela.
Tumango lang kami sa kanila at dali-daling tumakbo papunta sa classroom.
Pagdating namin doon ay nakita namin ang mga kaklase namin na naka-upo at parang wala sa sarili. Lumapit ako sa isa kong kaklase para tanungin siya.
"Anong nangyari?" tanong ko at nilibot ang paningin ko sa buong silid.
Wala ng dugo. Wala kahit isa bakas ng dugo. Mukhang nilinisan na nila. Ang bilis naman nilang nagawa?
"AYAW KO NA DITO SA SEKSYON NA ITO!" pagsisigaw niya. Umiiyak na siya habang sumisigaw.
"Shiela, calm down. Everything will be alright" pagaalu ko sa kanya habang patuloy parin siya sa pagsisigaw.
"AYAW KO NA DITO! AYAW KO NA GUSTO KO NG LUMIPAT! SABI NG MGA PULIS WALA DAW KAMING PAGSASABIHAN SA NANGYARI!" sigaw niya.
Nagulat naman ako. Bakit? Bakit ayaw nilang malaman ng lahat kung ano ang nangyayari sa seksyon na ito? Bakit ayaw nila? May tinatago ba sila? o prinoprotektahan nila ang reputasyon ng school na ito? Ganun ba sila sakim? Na kahit mamatay na ang mga studyante dito ayaw pa nilang ipaalam?
"Magiging ok rin ang lahat. Wag kang mag-alala" sabi ko sa kanya at tinignan sila Rica at Krisanta na nakatingin sa akin.
Lumapit ako sa kanila. Ano ba itong nangyayari ngayon? Ito ba 'yung sinasabi nilang sumpa? Posible ba kaya iyong sumpa sumpa na sinasabi nila?
Biglang may pumasok na kaklase namin. Si Bianca iyong late enrolli.
Pero nagulat kami ng dali-daling lumapit si Shiela kay Bianca at nakatikim ito ng isang malutong na sampal na halos marinig sa buong silid. Agad naman kaming lumapit sa kanya at inilayo si Shiela doon.
"Ano ba 'yang ginagawa mo, Shiela!" saway ni Rica sa kanya.
Itinuro niya si Bianca. Napatingin naman ako sa kanya na hawak hawak ang pisngi niyang namumula dahil sa natamong sampal nito.
"SIYA, SIYA! SIYA ANG MAYKASALANAN NITO! SANA HINDI KA NA LANG DITONG SEKSYON NA ITO NA PUMASOK! SANA SA IB KANALANG O SA IC. HINDI DITO!" sigaw niya habang nagwawala sa pagkakahawak ni Rica at Krisanta.
"Ano bang kasalanan ko?!" sigaw na tanong ni Bianca dito.
"HINDI MO ALAM-" hindi pinatapos ni Krisanta si Shiela sa pagsasalita.
"STOP IT, SHIELA!" sigaw ni Krisanta.
"BAKIT?! AYAW NIYONG IPAALAM SA KANYA?! SIYA, SIYA!" aniya at tinuturo-turo niya si Bianca."SIYA ANG MAYKSALANAN NG LAHAT. KUNG HINDI SANA SIYA NALATE ANG ENROLLMENT AT KUNG HINDI SANA SIY DITO SA SEKSYON NA ITO NA PUMASOK HINDI SANA MANGYAYARI ANG LAHAT NG ITO!" sigaw ni Shiela at bigla itong nakawala sa pagkakahawak nila Krisanta at Rica.
Hinila niya ang b uhok ni Bianca at walang awa itong pinagsasabunot. Napapasigaw na si Bianca sa sakit.
Hindi ko siya masisis kung ganito ang ginawa niya pero hindi naman kasalanan ni Bianca dahil una't una palang wala itong alam at wala kaming alam noon sa sumpa nung unang araw palang namin dito.
Inosente lang kaming lhat.
"PWEDE BA TAMA NA 'YAN! HINDI NATIN MASUSULOSYONAN ANG PROBLEMA NATIN KUNG NAGKAKAGNYAN KAYO!" sigaw ko sa kanila.
Natahimik ang buong paligid kaya muli akong nagsalita.
"Ayaw ipaalam ng mga pulis kung ano ang nangyari, kug ano ang nangyari sa pagpatay. Sino-sino pa ba ang magkakampihan dito? Edi tayo tayo na lang na kabilang dito sa seksyon na ito!" sabi ko sa kanilang lahat.
Bigla kaming may narinig na gumulong papunta sa kinaroroonan namin. Napatingin kaming lahat doon hanggang sa pumunta sa harapan ko.
ULO, ULO NI ROSEMARIE. at nagsimula nanaman ang pagsisigawan sa loob ng silid.
Walang nakakaalam ang nangyayari dito sa seksyon na ito dahil malayo ang room namin sa room ng mga ibang seksyon.
Someone's Pov
Naututwa ako sa mga reaksyon nila. Natutuwa ako dahil sa takot na pinapakita nila. Umiiyak na sila sa takot.
Dapat lang mararanasan niyo rin naman ang mamatay eh.
Magaling, magaling Chester. Magaling, hanggang saan ang kaya niyo? Hanggang saan kayo? Sinasabi ko na sa inyo wala akong ititira.
Nakatingin lang ako kay Chester na nagsasalita sa harapan ko.
"PWEDE BA TAMA NA 'YAN! HINDI NATIN MASUSULOSYONAN ANG PROBLEMA NATIN KUNG NAGKAKAGNYAN KAYO!" sigaw nito.
Napangisi ako. Hindi mo alam ang mangyayari, hindi ka dapat magtiwala sa isang tao malay mo nasa tabi mo na pala siya.
Mga wala silang utak. Hindi nila alam na ako ang pumatay sa guro nila at sa classmate namin.
Hmmmm... Nakakaamoy nanaman ako ng dugo.
Sino kaya ang nakakuha ng numerong pangalawa? Maghanda ka na.
***
Harlyn's Pov
"H-hindi ko na alam ang gagawin" nanginginig na usal ko sa kanilang tatlo.
"Magiging 'ok rin ang lahat. Magiging ok rin tayo." pagpapatahan sa akin ni Mariela pero walang epekto sa akin iyon. Mas lalong lumakas ang pag-iyak ko.
Ano ang mangyayari sa amin? Mamatay rin ba kami? Hindi pa ako handang mamatay.
Biglang may nahulog na papel doon sa sahig. Napatigil ako sa pag-iyak ko. Dumapa ako para pulutin iyon at tinignan kung ano ang nakasulat.
2
Tumingin ako sa tatlo.
"Mariela, Reynalyn, Elizabeth, kaninong numero ito?" tanong ko sa kanila. Nagkatinginan silang tatlo.
***