Prologue
Deshauna's POV
“I know you will be the death of me,” basa ko sa katagang nakasulat sa isang pader na nasa aking harapan. Nasa mall ako. Nagtitingin-tingin sa mga paninda. Masaya, at nakamove-on na mula sa masalimuot kong nakaraan.
Nasa kids section ako.
To my surprise, I bumped into someone. A cute little girl, wearing a cute pink tutu dress and a pink shoes. Nakatingin ang batang babae sa aking mga mata.
Lukso ng dugo. Iyon ang aking naramdaman nang ngumiti sa akin ang bata. Matamis at magandang ngiti. I was taken aback by her smile.
To acknowledge the little girls presence, I smiled in return.
“Are you lost baby girl?” tanong ko sa bata. Tumango siya bilang sagot.
“How old are you?” tanong ko ulit. Yumuko ako upang kausapin siya dahil mukhang wala pa siyang planong umalis at hanapin ang mga magulang.
“Five,” malumanay na sagot ng bata. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong kinabahan. Matindi iyon at kumakabog ang aking puso na para bang sasabog na sa sobrang bilis ng t***k nito.
“Hmm. You know what, my daughter would be the same your age,” usal ko. Mukha akong tanga habang nagkukuwento sa bata tungkol sa aking anak na kasing edad lang sana nito.
“Really? Where is she?” excited niyang tanong sa akin.
Malungkot akong ngumiti. “She’s in heaven right now,” sagot ko.
“She’s my angel,” dagdag ko pang sabi.
Nagtaka ako dahil matamang nakatitig sa akin ang bata. Para bang sinusuri niya ang aking pagkatao.
“You know what,” panimula ng bata..
“What?” interesado kong tanong.
“You look like my Mom,” aniya na ikinagulat ko.
“Really? Well, maybe you're just mistaken,” ani ko ngunit umiling ang bata. “What's your name? You look beautiful, just like my angel in heaven,” nakangiting kong komento.
Maganda ang bata. Mahaba ang maitim nitong pilik-mata. Bilog na bilog ang mga mata nito. Ang ilong nitong maliit ay sakto lang ang tangos at mamula-mula ang manipis nitong labi.
Ngumiti siya sa akin bago sumagot. “Daniella Ruby Anderson.”
Natameme ako dahil sa narinig. “Anderson?” bulong kong tanong nang marinig ang apilyedong kinamumuhian ko. It feels like my world has turned upside down again.
“Daniella Ruby,” hindi makapaniwala kong usal. That's the name I gave to my daughter bago ako nawalan ng malay.
Is it a coincidence? Or am I just not yet ready to let go of the idea that my daughter is already dead?
Bago pa ako makapag-react ay tumakbo na ang bata paalis at pagtayo ko ay nahagip ng aking paningin ang isang babaeng nakatingin sa batang tumatakbo.
It was Tatiana, my cousin, and Tobias, my supposed to be husband. Magkahawak-kamay ang dalawa habang nakangiti sa papalapit na batang babae.
Ngunit bakit may kakaiba akong naramdaman? Pakiramdam ko ay pinagtagpo ulit ang aming landas? I feel like I have a purpose.
Suddenly, fragments of my memory emerge. I was buffled, confused, and angry.
Who was that chunky little girl?