Chapter 1

2430 Words
Chapter 1 Deshauna My mind went blank. Wala akong ibang maisip. Puro sakit at puot ang aking nararamdaman sa ngayon. Masyadong masalimuot ang aking buhay at hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin. Today was my last day being single. Tomorrow is my engagement to Tobias Anderson. Well, gusto ko ang binata ngunit hindi rin lingid sa aking kaalaman na ayaw niya sa akin. He was forced to marry me. He does not like a lousy woman like me. I am boring. My life is boring. Trabaho-bahay lang ang takbo ng buhay ko. Wala ng iba. Maybe I can be a housewife kung gusto niya. Magpapaka-nanay ako sa magiging anak namin. Magiging masunurin akong asawa at higit sa lahat, mapagmahal. “Girl, ayos ka lang?” nag-aalalang tanong sa akin ni Jennie habang papalabas kami ng club. It's my first time partying. Gusto kong libangin ang sarili. Tinanguan ko ang kaibigang lukot ang noo sa sobrang pag-aalala sa akin. “Pasensya ka na. Naabala pa kita,” hinging-paumanhin ko rito dahil sinundo pa niya ako sa club. Siya kasi ang tinawagan ng mga staff dahil si Jennie lang naman ang naka-phone booked as contact sa cellphone ko. Walang ibang maghahatid sa akin at nasa talyer pa ang sasakyan ko. Umiling si Jennie. “Buwisit ka! Pinag-alala mo ako! Gusto mo pa lang mag-inom dapat ay isinama mo na lang ako!” singhal niya sa akin na tinawanan ko lang. “Nakakahiya,” usal ko. Nakangiti ngunit malungkot ang aking mga mata. Nasasaktan pa rin kasi ako hanggang ngayon. Gusto kong magpakalunod sa alak ngayong araw ngunit tapos na. Uuwi na naman akong luhaan. Gustong-gusto ko si Tobi ngunit ibang babae ang gusto niyang pakasalan. “Hay naku! Umayos ka! I’m sure matututunan ka rin niyang mahalin! Huwag ka nang mag-drama riyan!” pang-aalo sa akin ni Jennie. Umiling ako. “Pero kasi,” buntonghiningang usal ko. “Masakit kapag nakikita ko silang magkasama. Nasasaktan ako kapag nakikita ko silang masaya sa piling ng isa’t-isa,” nangingilid ang mga luhang kuwento ko. Bumuntonghininga ang kaibigan saka inaalalayan ako nitong sumakay sa kotse. Umikot siya at pumasok sa driver's side. “Bakit naman kasi pinipilit mo ang sarili mo sa buhay ng lalaking ’yon? Masasaktan ka lang talaga! Tanga ka!” paasik niyang singhal sa akin. Mataas ang kilay niya habang sobrang sama ng tingin. “Eh, kasi nga, gusto ko siya! I can't leave him alone!” “Edi go!” nawawalan ng ganang singhal niya. “Suko na ako sa kagagahan mo. Go! Magdusa kang hinayupak ka!” singhal pa niya. Malakas lang akong tumawa dahil sa mga pinagsasabi nito. “Sorry naman at may tanga kang kaibigan,” hinging-paumanhin ko. Alam ko rin namang nauubusan na ang pasensya niya kapapaalala sa akin. Sinimangutan lang niya ako at nagsimula nang magmaneho. Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana. Pakiwari ko ay lulubog ang aking mga pangarap kasama ang aking puso. Alam kong hindi ako gusto ng lalaking pakakasalan ko. Worse, sa bahay na itinalaga para sa amin ako uuwi. Hindi ko siya maabutan doon dahil hindi naman siya umuuwi doon. Nilingon ako ni Jennie. “Saan ba kita ihahatid?” tanong niya sa akin. Bakas pa rin sa mukha niya ang pag-aalala para sa akin. Hindi ko alam kung bakit humantong sa ganito ang lahat. Hindi ko inaasahang sa isang iglap ay magiging miserable ang buhay ko. Napabuntonghininga si Jennie nang hindi man lang ako sumagot. “Ihahatid ba kita sa bahay ninyo?” tanong ni Jennie sa akin. “Des, just hang in there for me, okay?” pang-aalo niya pa. Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Naroon sa aking mga mata ang lungkot at takot. Nahahati ang aking isipan at hindi ako makapag-desisyon nang maayos. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Natatakot ako. Kapagkuwan ay malungkot akong tumango bilang sagot. Nahihiya na rin ako sa kanya. “Ayos lang ako, Jennie. Salamat,” usal ko. “Huwag kang mag-alala. Kaya ko ang sarili ko at kakayanin ko ito. Sinusubok lang ako ng panahon,” dagdag kong wika. “Well, nandito lang ako para sa ’yo. Huwag kang mag-alinlangang magsabi kung kailangan mo ng tulong. Kaibigan mo ako, Des. Maasahan mo ako,” seryosong saad ng aking katabi. Ngumiti ako nang pilit. “Ihatid mo ako sa bahay,” anunsyo ko. “Saan?” alinlangan niyang tanong. Binalingan ko si Jennie nang may pagtataka. Nagkibit-balikat siya bago nagsalita. “Well, kaninong bahay ba? Bahay ninyo or bahay ng mommy mo?” malungkot niyang tanong sa akin.. Bumuntonghininga muna ako bago sumagot. Buo na ang desisyon ko. “Sa bahay ni mommy,” seryoso kong sabi. May nagsasabi sa aking isipan na pumunta roon. Hindi ko alam kung bakit. May kung anong magnet ang humihila sa akin na umuwi sa bahay namin. Bahay ni Mommy. Ang tahanan ko simula pagkabata. Ang kinalakihan kong lugar. Bahay na naging pamamahay na rin ng aking Tita Ana. Ang babaeng dahilan kung bakit naging kalbaryo ang aking buhay ngayon. Kapatid siya ng aking namayapang ina na si Thea Barrameda. “Are you sure?” tanong ni Jennie. Nag-aalinlangan siya. Tumango ako. “Sigurado ako. May nakalimutan kasi ako,” pagsisinungaling ko pa. Dapat kasi ay sa Capstone Condominium ako uuwi. Doon ko kasi naisipang manirahan lalo na at bukas na ang engagement namin ni Tobias Anderson. My childhood crush. I feel ecstatic yet sad at the same time at hindi ko alam kung bakit. Pinakawalan ko ang isang marahas na hininga. Hindi mapakali ang aking puso. Pakiramdam ko ay pinipilipit ang aking tiyan at hindi matatawaran ang kabang aking nararamdaman. Dinadamba ng kaba ang aking dibdib. Nakabibinging kaba. Halos gusto ko nang sumuka dahil sumakit ang aking ulo. Kaagad ko itong hinilot habang pikit-matang bumuntonghininga. “Are you okay? Mukha kang natatae, Des,” narinig kong komento ni Jennie. Natawa ako nang mahina. “Hindi ko alam. Parang may mali kasi, eh,” sagot ko. Umiling-iling ako. “Why? Should we go to the hospital?” Jennie asked in a panic mode. Umiling ako. “I'm fine. Mukhang hindi ako natunawan,” pagsisinungaling ko. My anxieties are pestering me again. Nakahinga nang maluwag ang aking kaharap. “Akala ko naman ay natatae ka na. Malayo pa tayo,” usal niya na sinabayan pa nang mahinang tawa. “Silly,” komento ko. Pilit kong itinago ang pagsibol ng ngiti sa aking labi. “I'm a little uncomfortable right here.” Itinuro ko ang aking dibdib. “Bakit?” taka nitong tanong sa akin. “Hindi ko alam. Something's not right.” Bumuntonghininga ako ulit. “Hmm. Nasobrahan ka lang sa alak,” komento ni Jennie. Hindi ako kumontra sa kanyang sinabi. “Baka nga,” pagsang-ayon ko. Nang marating namin ang destinasyon at agad-agad akong bumaba. Pinigilan ko ang sariling matumba. Mukhang nasobrahan talaga ako sa alak. Nilingon ko ang kaibigan at ngumiti nang pilit. Nag-thumbs up ito sa akin habang nakangiti. “Call me when you need anything,” usal niya na sinabayan pa nang pagkindat. Tumango ako. “I will. Huwag kang mag-alala. Ikaw lang naman ang masasandalan ko,” emosyonal kong saad. Si Jennie lang ang itinuturing kong pamilya. Walang ibang nagmamahal sa akin kundi siya lang. “Des, huwag mo masyadong pagurin ang sarili mo. Kailangan ka pa ng Capstone,” paalala niya sa akin. Tumango ako nang marahan. “Don't worry, Jennie. Salamat talaga,” nakangiting saad ko. Pinanood ko ang kaibigang magmaneho paalis bago ko naisipang pumasok. Hindi ko pa man naihahakbang ang aking mga paa ay may pumukaw na sa aking atensyon. Nakaparada sa garahe ang isang sasakyan. Kilala ko ang may-ari nito. It was Tobias. Nagtataka ako dahil wala naman kaming usapan na magkikita kami. Hindi naman kami nagkausap. Wala ring sinabi ang binata na pupunta siya sa bahay. Napangiti ako. Marahil ay may itinatago itong surpresa para sa akin. Baka tanggap na ako ni Tobi. Nagbabakasali ako na baka ayos na ang lahat. Lakad-takbo ang aking ginawa upang marating kaagad ang pinto ng mansyon. I pushed the double doors open. Nakangiti akong pumasok ngunit salungat sa aking inaasahan ang nabungaran ko. Napalis ang mga ngiti sa aking labi. Naroon sa sala nakaupo ang aking pinsang babae. Si Tatiana, katabi niya ang binatang si Tobias at pawang nagkakatuwaan silang dalawa. Sumikip ang aking dibdib sa nasaksihan. Kailanman ay hindi ngumiti nang ganoon katamis sa akin si Tobi. Palagi itong nakasimangot sa tuwing magkaharap kami. Laging nakataas ang kilay ng binata sa akin. Hindi niya itinatago ang pagkadisgusto niya sa akin. Natigil ako sa paglapit sa kanila. “Deshauna.” Kaagad na napalis ang naglalarong ngiti sa labi ni Tobias nang makita niya akong nakatayo sa harap ng pinto. Seryoso itong nakatingin ang akin. Maging si Tatiana ay natigilan at halata ang pangamba sa mukha ng dalaga. “Ano ang ginagawa mo rito?” nagtatakang tanong ko. “No. Let me rephrase it. What are you two doing?” naguguluhan kong tanong sa dalawa. Dumaan ang galit sa aking dibdib. Hindi ko maintindihan ang lakas ng kabog nito at para akong mabaliw sa sobrang inis. “Deshauna,” awat sa akin ni Tatiana. “You got it wrong. We are just talking about the company,” rason ng dalaga. Umiling ako. “No. Huwag kang magsinungaling, Tatiana. Alam ko kung ano ang nakita ko,” malamig kong tugon. Umuusok ang ilong ko sa galit. Kumukulo ang aking dugo. Naikuyom ko ang aking mga kamao. Alam ko namang hindi ako ang gusto ni Tobi ngunit hindi ko inaasahang ipamumukha niya sa akin iyon sa mismong pamamahay ko. “Des, it’s true.” Nilingon ko ang nagsalitang si Tobi. “Talaga ba?” tiim ang bagang na tanong ko sa binata. Umiling-iling ako habang pinagmamasdan silang dalawa. Paiba-iba ang reaksyon sa mukha ni Tatiana. Mabait ang dalaga sa akin ngunit ngayon parang iba ang nakikita ko sa mga mata nito. “Deshauna. Tama si Tati. We’re just talking,” depensa ni Tobias. Natigilan ako. “Tati?” wala sa sariling tanong ko. Ngayon ko lang narinig na tinawag ni Tobias sa ganoong pangalan ang aking pinsan. “Tati. Ha!” malakas kong singhal dahil sa namumuong galit sa aking dibdib. I can't believe it. “Deshauna, don’t make a scene here,” pigil sa akin ng binata. “Bakit hindi?” galit kong tanong. “This is my house! My home!” malakas kong sigaw sa kanilang dalawa. They both flinched at my sudden outburst. “Well, well, well.” Nabaling ang aking paningin sa nagsalita. It was my Aunt, Ana Araneta. “This house is not yours anymore.” Ganoon na lang ang panlalaki ng aking mga mata. “No! This is my mother's house. It's mine,” sagot ko. “Oh, oh. No.” Umiling ang aking tiyahin. “Right now, it’s mine. I am your guardian and this house is currently mine, Deshauna. And, because you're here, why don't we make things straight.” Biglang bumilis ang pagtahip ng aking dibdib dahil sa narinig. “Ano ang ibig ninyong sabihin?” tanong ko sa mababang boses. Gulat at pangamba ang aking naramdaman. Ito na ba ang katapusan ko? Kukuhanin na ba nila ang ari-ariang ipinamana sa akin? “Tobias and Tatiana are going to be engaged tomorrow.” Nagpanting ang aking tainga dahil sa narinig. Para bang binagsakan ng ilang sako ng semento ang aking sarili dahil sa gulat. “W-What? W-Why? What do you mean?” naguguluhan kong tanong. Hindi ko maintindihan ang kanyang sinasabi. “Well, as you can see. Hindi ka gusto ni Tobias. Si Tatiana ang mahal niya at alam mo ’yan,” aniya. “No! Hindi ako papayag!” matigas kong pagtanggi. Nilingon ko si Tobi ngunit ganoon na lamang ang kanyang pag-iling. Halata sa mga mata ng binata ang pagkainis niya sa isang kagaya ko. Ano ba ang mayroon si Tatiana na wala ako? Hindi ko maintindihan kung ano ang mali sa akin. Wala akong makitang mali sa aking sarili upang kamuhian ako ng taong mahal ko. “Then, I have a proposal to make,” anunsyo ni Tita Ana. “This manor will be sold. This manor is listed in the market. If you want it back, sign the papers indicating that the company will be mine. And also the projects under your name will be given to Tati,” mahabang litanya ni Tita. Her jaw drop to the ground. “Wow! Ang kapal naman ng mukha ninyo!” hindi makapaniwalang singhal ko. Dahil doon ay nakatanggap ako mang isang malutong na sampal. Halos mahilo ako sa lakas niyon. Umikot ang aking ulo at muntik pa akong matumba. Mas lalo lang sumakit ang aking ulo. “Don’t you dare try to oppose me, Des. Hindi mo gugustuhing magalit ako sa ’yo,” pananakot sa akin ni Tita Ana. “Hand over the company and this house will be yours, including Tobias.” “Mom!” rinig kong singhal ni Tatiana ngunit hindi ko makuhang magsaya. “Ano?” tanong ko. Huminga ako nang malalim. Mukhang seryoso si Tita. Hindi ako makapalag. Ano na lang ang iisipin ng lahat ng aking kakilala kapag nalaman na ng mga ito ang balita? Nilingon ko si Tibias at wala itong pakialam sa akin. Puwes! Hinding-hindi ko kayo bibigyan nang pagkakataong maging masaya. Ibinalik ko ang paningin sa tiyahing naghihintay ng aking desisyon. “Fine. I'll sign it. But-” putol ko sa sasabihin. “I won’t accept their engagement,” anunsyo ko. Biglang nalukot ang mukha ni Tatiana sahil sa narinig. “Huwag kang magsasalita,” pigil ko sa dalaga. “Final.” Napangiti si Tita habang ako ay padabog na umalis ng Barrameda Manor. Hindi ko puwedeng ibigay ang Manor na ito. Narito ang alaala ng aking ina. Naisip ko ang pinaghirapan niyang kompanya. Nalungkot ako. Hindi puwedeng mawala sa akin ang Manor na ito ngunit hindi ko rin mabitawan ang kompanya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Naglakad ako hanggang sa highway. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa bahay na magiging tirahan namin ni Tobias. Sana. Mapait akong ngumiti nang makitang madilim iyon. Wala man lang katao-tao. Mungkot akong pumasok. Kahit ano ang aking gawing pagpapaganda ay hindi man lang ako matingnan ng lalaki. Para bang nandidiri ito sa akin. Nasasaktan ako sa paraan ng kanyang pagtrato sa akin. Naupo ako sa sofa at bumuntonghininga. Habang tinitingnan ang kabuuan ng bahay ay may nabuong plano sa aking isipan. Wala na akong magagawa kundi sundin ang aking plano. Magbabakasaling maging matagumpay ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD