Xavier's POV
*Prologue*
Nasa rooftop ako ng aming paaralan upang kumain na mag-isa. Napansin ko sa isang sulok ang isang estudyante na katulad ko ay fourth year high school na din. Yung nga lang natutulog sya at nakahiga sa sulok.
Nang matapos ako kumain ay napagpasyahan kong pagmasdan ang mga kapwa ko estudyante na iba't iba ang mga ginagawa. Dahil nasa rooftop ako ay hindi nila alam na napagmamasdan ko sila. May mga naghaharutan, may mga busy sa cellphone, nakikipag-kwentuhan, nagbabasa ng mga libro at may mga kumakain din.
Napalingon ulit ako sa estudyanteng natutulog sa sulok, malayo sya sa kinatatayuan ko ngayon dahil nasa unahan ako ng rooftop. Lumingon ulit ako para pagmasdan ang mga estudyante at hindi ko namalayan na nakahawak na pala ang isa kong kamay sa sirang railings na tumatayong harang. Wala pang isang minuto ay bigla itong bumigay.
Dahil sa bilis ng pangyayari at sa aking pagkagulat ay hindi ko nabitawan ang railings na babagsak na sa pinababa ng building. Napapikit na lang ako dahil alam kong katapusan ko ng mga sandaling ito.
"Kumapit kang mabuti." napadilat ako nang makita ko yung lalaki na natutulog kanina sa sulok nitong rooftop na hawak ang isa kong kamay. Ilang sandali lang ay walang hirap na naibalik nya ako sa lapag.
"Sa..salamat." Nangingnig kong sabi sa kanya.
"Tss." Halatang naiiritang sagot lang sakin nito at tumalikod na paalis.
Panong nangyari yon? Ang layo ng kinahihigaan nya sa akin para maabutan ng ganun kabilis. Takang tanong ko sa aking sarili. Napatingin ulit ako sa kanya pero pintuan nalang pababa ng roftop ang nakita ko.
Matapos ang nakakapagod, kakaiba, at mahabang araw na yon ay agad na akong umuwi amin. Sa paglalakad ko ay nararamdaman kong may sumusunod sakin. Binilisan ko ang aking mga paghakbang dahil hindi ko maiwasang matakot. Pero nung pinilit kong lumingon ay wala akong nadatnan na kahit na isang tao. Kahit nga yata aso wala.
Nang nakarating na ako sa amin ay isang nakakagimbal na pangyayari at eksena ang aking naabutan. Dahil ang aking buong pamilya ay nakahandusay sa sahig at may mga nilalang na sugatan na ngayon ko lang nakita na nakatingin na din sa akin at handa na akong sunggaban ano mang oras.