Xavier's POV
Nagising ako sa malakas na pagtunog ng alarm clock. Kaasar naman. Bakit ba kapag natutulg ako parang minuto lang ang itinatagal ng mga oras. Wala sa sariing hinagilap ng mga kamay ko ang maingay na alarm clock para ibato sa kahit saan. At nang mahawakan ko ito ay nagbago ang isip ko, pinatay ko na lang ito kasi sayang naman kung bibili nanaman ako ng bago.
Ako si Xavier Alexis Sandejo. 18 years old. Graduating na ako ng high school this year at ito ang unang araw ko bilang isang 4thyear. Isang masaya at mabuting pamilya ang kinalakihan ko at may bunso akong kapatid. Kahit na hindi naman kami sobrang yaman ay masasabi ko ng kontento na ako sa pagmamahala at atensyon na ibinibigay ng mga magulang ko sa akin pati na din sa aking kapatid na makulit.
"Xavier anak bumangon ka na at may pasok ka na." Napatigil ako sa aking pag-iisip ng marinig ko si mama na nagsalita ng malakas, malamang ay naghahanda na ito para sa almusal namin.
Kaya naman agad na akong bumangon upang tumungo sa bany upang maligo. At nang matapos ako ay agad akong nagbihis ng uniform at inayos ang aking sarili. Ok na ang lahat at lalabas na ako ng kwarto ko ng mapatingin ako sa salamin. "Ang pogi ko talaga." Natatawang sabi ko sa aking sarili at tuluyan ng lumabas ng silid.
Pagkababa ko ng hagdan ay agad akong pumunta sa dining table kung saan nakaupo na sila papa, mama at si jerome na aming bunso na ipinaglihi yata sa turumpo. Ang likot pero nakakatuwa dahil ang cute. "Anak nandyan na ba lahat ng mga gamit mo?" Tanong sa akin ni papa.
"Opo pa, kahapon ko pa po kasi inayos tong mga gamit ko." Sagot ko naman habang umuupo sa tabi ni jerome.
"Oh sya, mag-almusal na tayo at baka mahuli pa kayo." Sabi ni mama sa amin at nagsimula na kaming kumain. Nang matapos kami ay agad din akong nagpaalam dahil ayokong ma-late sa unang araw ng klase at miss ko na din ang mga barkada ko na nagtago yata sa kani-kanilang mga lungga dahil hindi man lang nagparamdam nitong nakaraang bakasyon.
Naglalakad na ako papunta sa eskwelahan at may mga nakakasabay din naman akong mga estudyante nang mapatingin ako sa isang lalaki na halos kasabay ko na sa aking paglalakad. Baka ago lang t dito sa isip-isip ko. Binilisan o na ang aking paglalakad dahil malapit ng mag-start ang flag ceremony.
"Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinggggg." Malakas na pagtunog ng bell sa school.
Ewan ko ba, pag naririnig ko ito at nasa labas pa ako ng school nagiging automatic na ang mga paa ko na biglang tumatakbo ng mabilis. Sabagay ayos na din to kesa naman mahuli ako. Habang tumatakbo ako ay nilingon ko yung kasabay ko kanina pero wala na sya. "San nagpunta yun?" Takang tanong ko sa aking sarili.
Pero ganun na lang ang gulat ko ng paglingon ko sa aking harapan ay may naglalakad kaya huli na para pigilan ko na wag mabunggo sa kanya. Kaya ang kinalabasan ay pareho kaming tumilapon at nakahiga sa semento. Bwisit. Nakakayamot naman oh.
Ang sakit ng pagkakabagsak ko sa semento. "Hindi kasi nag-iingat eh." Narinig kong sabi nito.
"Teka nga! Ikaw na nga ang bigla-bigla na lang sumusulpot dyan tapos ikaw pa ang may ganang magalit?!" Asar na sabi ko sa kanya habang tumatayo at pinapagpag ang mga alikabok na dumikit sa aking school uniform.
"Sino ba ang hindi tumitingin sa dinadaanan? Tss." pambabara naman nito sa akin bago ako tinalikuran at naglakad palayo. Dahil sa sinabi nya hindi na lang ako sumagot. Yeah i know it's my fault kahit papano. Pero napalingon ako sa kanya ng maisip ko na sya yung lalaking kasabay ko lang kanina sa paglalakad.
"Panong nangyari yon?"Mahinang bulong ko sa aing sarili dahil tandang tanda ko pa na nauna akong naglakad dito at tumakbo pa ako sa pagmamadali. Pano sya napunta sa unahan ko. Ay ewan.
Dahil nga pala unang araw ng klase ay walang flag ceremony dahil hahanapin pa namin ang mga room at section namin. Lalo lang akong nayamot dahil nawalan ng saysay yung pagda-dive ko sa semento kanina. Nang mahanap ko na ang aking classroom ay nakita ko naman ang mga barkada ko na hanggang ngayon ay mga classmate ko pa din.
Nakangiti sila sa akin at nilapitan ko din sila. Pagdating ko harapan nila ay isa-isa ko silang pinitik sa kanilang mga noo.
"Aray naman!" pagmamaktol ni Joseph
"Para san yon?" Takang tanong naman ni Christopher habang hinihimas ang noo.
"Para sa hindi pagpapakita man lang sa akin nitong buong summer." Asar na sabi ko sa kanila at umupo na sa tabi ng mga ito.
"Eh pano ba naman kasi biglaan yung bakasyon namin nila mommy eh." Pagtatanggol ni Joseph sa kanyang sarili.
"Ako busy talaga kasi magkakasama lahat ang angkan namin tol." Depensa naman ni Christopher.
Sasagot pa sana ako ng biglang dumating ang aming guro na may kasamang lalaki. Kaya pakiramdam ko sasabog ang ulo ko sa nakiita ko ngayon. Sa dinami-dami ng pwedeng mapuntahang section dito pa talaga napunta yang lalaki na yan.
"God morning class i'm Mrs. Sylvia Deleon and your class adviser for this year." Pakilala ng guro sa amin at agad kaming nagsitayuan upang batiin ito.
"And this is your new classmate, Timothy Ezekiel Baltazar, a transferee." pakilala nito sa bago naming classmate.
Ewan ko ba, pakiramdam ko hindi ako komportable sa taong to. Ngumiti ito sa aming mga classmate tinitignan nya ito isa-isa. Nang mapadako ang mga mata nya sa akin ay bigla itong tumitig ng masama. Kahit na nakangiti sya sa akin ngayon ay para akong kinikilabutan. May kasalanan nga pala ako dito. Napalunok na lang ako sa aking naisip.
Mabilis na lumipas ang dalawang linggo. Magkakakilala na kami ng mga bago kong kaklase maliban lang kay Timothy Ezekiel na kahit ni minsan ay hindi ko pa nakakausap. Dahil na rin siguro sa iba ang mga barkada at sya naman ay bihira lang makipag-usap sa mga kaklase naminn. Nang araw din na iyon ay napag pasyahan kong kumain mag-isa sa rooftop.
Kumakain na ako na ako ng tanghalian sa rooftop ng mapansin ko ang isang estudyante na nakahiga sa isang sulok din nitong rooftop. Binalewala ko na lamang ito at tinapos na ang aking pagkain. Maya-maya pa ay tumayo ako at pumunta sa unahan upang mapagmasdan ang mga kapwa ko estudyante. Dahil nasa rooftop ak ay hindi nila namamalayan na nakikita o ang kanilang mga ginagawa.
May mga naghaharutan, nagke-kwentuhan, kumakain kasama ang mga barkada, naglalakad, nagtetext at mga nagbabasa ng mga libro. Ito ang mga karaiwan kong nakikita dit sa kinatatayuan ko ngayon. Nang lingunin ko ang estudyante na natutulog sa kabilang sulok nitong rooftop ay agad kong ibibnalik ang aking paningin sa mga estudyanteng nasa baba nitong kinatatayuan ko ngayon.
Kaya naman hindi ko na namalayan na nakahawak na pala ang isa kong kamay sa may railings at huli na ng para maitawan ko ito dahil bumigay na ito pabagsak sa baba kasama ako. Dahil sa bilis ng mga pangyayari ay napapikit na lamang ako dahil alam ko na katapusan k na ng mga sandaling ito.
"Kumapit kang mabuti." Napadilat ako sa aking narinig. Hawak ako ni Timothy Ezekiel sa aking kamay. Ilang sandali pa ang lumipas ay walang hirap nya akong naibalik sa semento. Napaupo ako dahil sa nangyari.
"Sa..salamat." Nanginginig kong pasasalamat sa kanya.
"Tss." Halatang naiiritang sagot lang nito sa akin at tumalikd na paalis ng rooftop.
Ilang sandali pa ang lumipas ng magtaka ako. Panong nangyari yon? Samantalang ang layo nya sa kinatatayuan ko kanina, tapos sa isang iglap ang hawak nya na yung kaway ko. Lumingon ako sa hinihigaan nya kanina pero wala na sya doon. Napatingin na lamang ako sa pintuan ng roftop kasi marahil ay nakaalis na sya.
Agad naman nireport sa principal's office ang nangyari at agad ding ipinagbawala ang pagpunta ng mga estudyante dun. Well ak lang ata at yung isang yun ang naglakas loob na pmuslit sa roftop na yon. Natapos ang napakahabang araw na yun at sumapit na ang uwian.
Nauna na ang mga barkada ko dahil nga sa ipinatawag pa ako sa principal's office. Sa pag-iisip ko ay naramdaman ko na may sumusunod sa akin. Pero nang lingunin ko naman ay wala. Kahit aso yata wala ng mga oras na ito. Medyo nakaramdam ako ng takot at binilisan ang aking paghakbang. Natatanaw ko na ang aming bahay dahil hindi naman ito kalayuan sa pinapasukan kong eskwelahan ngayon.
Nang nasa tapat na ako ng bahay namin ay lumigon ulit ako sa paligid dahil pakiramdam ko talaga may nakasunod sa akin, o yung pakiramdam na may nakatingin sayo. Pero wala pa din akong nakita kahit na anino man lang. Kaya pinagpasyahan ko ng ignorahin ito at pumasok na sa loob ng bahay. Pero pagabukas k ng pinto.
Hindi ako makagalaw sa aking mga nakikita ngayon. Si papa at mama ay mga nakahandusay sa sahig at tila mga wala ng buhay. Napatingin ako sa mga nilalang na nakatayo sa harapan ko, mga duguan. Hindi ako makagalaw sa labis na takot ng mapansin ko na hindi sila mga simpleg mga tao. Ihahanda ko nanaman ba ang sarili ko sa kamatayan na nasa harapan ko ngayon at handa na akong sunggaban.
--------------------------------------------