Binuksan ko ang drawer na katabi ng aking kama. Kinuha ko mula roon ang isang box at brown notebook na may ribbon sa spring nito na nagtatali sa ballpen na parang twig ng puno ang style.
I sat on my bed at nagsimula na akong magbudget sa gagastusin ko ngayon na week. Ginagawa ko ito every Sunday. Of course, I need to do the math sa mga basic needs ko and other wants dahil hindi ko na alam kung saan ako pupulutin kung gasta ako nang gasta tapos maubusan pa ako ng pera.
I'm a scholar student in the university where I'm currently studying kaya 'di ko na pinoproblema ang tuition ko sa school. 'Yong pang-araw-araw ko at 'yong half rin sa renta ko sa apartment na tinitirhan ko ngayon ang inaalala ko na kinukuha ko sa aking sweldo galing sa pagpapart time sa coffee shop.
Ang half kasi sa rent ko ay sinasagot ni Tita Rita. Siya na nga sana ang magbabayad sa buong renta pero hindi ako pumayag dahil sobra-sobra na ang naibigay niyang tulong sa akin. Isa pa, nakakahiya na sa kanila dahil ako na nga ang nagka –
Ipinilig ko ang aking ulo.
I heaved a sigh when I realized that my budget for this week will be short because I needed to pay for my contri sa family day namin sa school kahit hindi naman ako pupunta sa araw na 'yon. Hindi naman kasi ako tinitigilan ng treasurer namin sa room na kolektahin ang contribution ko na two-hundred pesos.
I guess kailangan kong mag-overtime sa coffee shop this week.
Binalik ko na ang notebook at box na naglalaman ng kaunti kong pera sa drawer saka ako pumasok sa banyo para makapag half bath.
Nag-advance reading ako sa mga lessons na tatalakayin namin ngayon na week bago ako natulog.
Maaga akong pumasok sa school dahil naisipan kong sa canteen nalang ako kakain. Hindi kasi ako nakabili ng kaunting grocery during the weekend kaya hindi rin ako nakapagluto ng breakfast.
Tinuro ko kay Ate Myrna, isa sa canteen staff, ang one cup of rice with longganisa and boiled egg na nasa paper cup.
"1 Nescafe Classic din po, Ate Myrns..." binuksan niya naman ang chiller at kinuha ang coffee na gusto ko.
"Maaga ka ata ngayon, Juls..."
"Maaga naman po ako lagi, Ate Myrns."
Natawa ito, "Ang ibig kong sabihin ay maaga ka ngayon nagpunta rito."
"Gusto ko kasi dito magbreakfast ngayon... magkano po pala lahat, Ate?" I grabbed my wallet from my bag.
"45 pesos lahat..." binigay ko ang 50 pesos bill kay Ate Myrna at hinintay ko ang sukli bago ako nagtungo sa isa sa mga tables. Kakaunti pa lamang ang mga estudyante rito na nasa junior high. May iilan ring mga nasa senior high.
I placed my food and drink on the table saka ko nilapag ang bag ko sa katabing upuan.
Hindi ko pa man nalunok ang pagkaing una kong sinubo, muntik na akong nabulunan nang may biglang umupo sa kaharap kong upuan. Mabilis akong uminom ng kape.
Shucks!
"W-What are you doing here?"
"What do you think?" sumilay ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi.
"Don't answer my question with another question," hindi ko napigilang mapairap dahil sa nakakainis niyang mukha.
I looked down at his uniform. He's wearing a white polo with a necktie. A senior high school's uniform. Hindi ito nakasuot ng ID. Nakasabit sa right shoulder niya ang isang strap ng kanyang bag. Inayos niya rin ang kanyang relo that's shouting expensiveness.
Dito pala nag-aaral ang rich kid na 'to. Sabagay, pang mayaman naman talaga ang paaralang ito. I'm just lucky enough to avail a scholarship. Pero pinaghirapan ko rin namang makamtan iyon. I also have to maintain my grades and records.
Hinawakan niya ang kanyang buhok at ginulo ito. He shrugged, "I just want to share a table with one of our school's writer. Is it wrong?"
Kumunot ang aking noo dahil sa kanyang sagot. How did he know?
"Bahala ka."
I continued eating kahit na nakakailang na ang tinging binigay niya sa akin. Panggulo talaga.
"If I only knew that we're schoolmates, I wouldn't bother my cousin – " he was cut off when a familiar guy approached us. Siya 'yong lalaking kasama ni RK sa coffee shop.
"Alvin, nandito ka lang pala! Dumaan pa ako sa bahay niyo kanina pero maaga ka raw umalis sabi ni Tita Kiera," dumapo ang paningin niya sa akin at nakita ko ang pagguhit ng pagkakagulat sa mukha niya. Pero kalaunan naman ay napalitan ito ng ngisi.
"Speed, Bro," natatawa pa ang lalaki na tinapik ang balikat ni RK na nangangalang Alvin.
RK Alvin just smirked at him.
Binalingan ako ng lalaki, "Hi, Julienne from the coffee shop! I'm Kevin, Alvin's most handsome cousin," he smiled at me flashing his white teeth. Parang endorser lang ng toothpaste.
I felt a little awkward but nevertheless, I answered him with a smile, "H-Hi!"
Sa wakas at natapos rin akong kumain. Inubos ko na rin ang aking kape.
May grupo ng kababaihang senior high ang pumasok sa canteen. Lumipad agad ang tingin nila dito sa table namin, obviously dahil sa dalawang nagagwapuhang lalaki rito.
"Hi, Alvin!" wala namang imik si Alvin.
"Sino 'yan, Kevs?" ang babaeng may fake curls sa buhok.
"'Di ko alam na bata na pala tipo mo!" nagtawanan sila.
Ako ba tinutukoy nilang bata? Ano naman ngayon? At least, 'di ako nagmukhang clown sa pagiging trying hard na magmukhang mature.
And hey, I have boobs. Hindi gaya ng nagsabi na bata ako na parang likod na rin niya ang kanyang harap. Sa tingin nila na parang nag-uuyam, para namang ang layo-layo ng agwat namin, e, nasa grade ten naman na ako.
"Mas okay na 'to, natural beauty..." sagot ni Kevin pabalik. Umirap naman 'yong tatlong babaeng parang power puff girls bago sila tuluyang umalis.
Umiling si Alvin, "Brats."
I stood up and wore the straps of my bag.
Kevin looked at me apologetically, "Hey, sorry about them... mga maldita talaga ang mga 'yon at bully."
"It's fine. Mauuna na ako," hindi ko na sila tinapunan ng tingin at tumalikod na ako. Tinapon ko sa trash bin na nadaanan ko ang paper cup, disposable spoon and fork, at ang container ng coffee.
I headed to our classroom. Marami na ang classmates kong dumating dahil malapit na rin kasi ang time. Mamaya ay bababa rin kami para sa flag assembly dahil Lunes naman ngayon.
Mabilis lumipas ang oras. Kahit tinatamad akong makinig sa lectures, pinipilit ko pa rin ang sarili. Mahilig pa naman sa surprise quizzes mga guro namin dito sa grade ten. At ayokong bumagsak, baka matanggalan pa ako ng scholarship.
I really hate Mondays dahil sa araw na ito ay palagi akong inaatake ng aking katamaran.
Tumunog na ang dismissal bell. Napahinga ako nang maluwag. Salamat naman. Nangangalay na pwet ko kakaupo.
While I'm fixing my things, my classmate who always sleeps at class approached me. I already knew her agenda. Lagi naman.
"Juls, pwede pahiram ng notes sa Science? Pakopya ako, isasauli ko agad pagkatapos ng meeting sa club..." memoryado ko na ang laging linya niya.
Paano naman niya makokopya ang notes kung may meeting kami sa clubs? If I know, bukas niya na isasauli ang notebook ko kung papahiramin ko siya ngayon. If she'll borrow your notes, she will always promise to return your notebook later but the truth is maabutan pa iyan ng bukas.
"Pwede picturan mo nalang? Baka kasi 'di na tayo magkikita mamaya..." may quiz pa naman sa Science bukas, baka ako pa ang bumagsak. Idadagdag ko sana pero hindi ko nalang isinatinig.
Tumango naman siya at ngumiti, "Sige ba. Maraming salamat, Juls..."
I handed her my notebook. Mabilis naman siyang natapos so I put the notebook inside my bag before I proceeded to the Audio Visual Room. Doon kasi kami magme-meeting ng mga co-writers ko.
I joined the club which publishes the school's newsletter and other literary publications since I wanted to develop my writing skills. Sa pagsusulat rin kasi, na e-express ko ang nararamdaman ko, problema ko, and all. Parang dito, nakakahinga ako.
Tinulak ko ang glass door ng AVR. Bumungad sa akin ang malamig na hanging nanggagaling sa air con. Nadatnan ko sa loob ang mga writers mula sa lower grades. Kaunti pa lang ang nandito na mga JHS.
"Hi, Ate Juls!" bati nila sa akin.
Ngumiti ako sa kanila, "Hello. Wala pa si Miss?"
Umiling sila sa akin, "May kinuha lang po, Ate..."
Pumunta ako sa pinakalikuran at doon umupo. Kinuha ko ang aking phone at naisipang buksan ang aking i********: acoount.
Tiningnan ko ang mga nagfollow request. Mga hindi ko naman kilala pero nanlaki ang aking mga mata nang may pamilyar na mukha na nakikita ko sa isa sa mga profile ng mga nagfollow request sa akin.
kalvin.davis, huh?
I clicked his name. Nakaprivate ang account niya kaya ang profile picture lang ang tanging makita ko.
Mukhang nasa ibang bansa siya rito dahil umuulan ng snow. Naka trench coat siya, scarf sa leeg, bonnet, at may mittens sa kamay. Hindi ito nakangiti sa camera but he's biting his lower lip. Nakakalunod ang tingin niya with his deep set eyes.
"Sino 'yan, Ate Juls?" nagulat ako at muntik ko pang mabitawan ang phone ko dahil sa biglaang paglitaw ni Carmie sa tabi ko. She's the closest to me among the lower grades writers sa club namin.
"U-Uh, wala. Hindi ko kilala pero nagfollow request sa akin kaya tiningnan ko lang ang profile."
"Akala ko po boyfriend niyo! Ang gwapo niya, Ate, ano?" mga bata nga naman ngayon. Hindi na inosente sa mga usaping boyfriend/girlfriend.
"H-Huh? Hindi naman 'yon gwapo!"
"Hindi ka nagu-gwapuhan nun, Ate Juls? E, ang gwapo kaya niya..." ngumuso pa siya. Ang cute niya sana kung 'di niya lang bukambibig ang rich kid na Alvin na 'yon.
Nakahinga ako nang maluwag nang dumating na ang adviser ng club namin at na-divert na ang attention ni Carmie.
"Settle down, students..."
Itinago ko na ang aking phone at umayos ako ng upo.
We discussed our agenda which is about our newsletter for this month. Marami pa ang hindi nagpapasa ng articles kaya nainis na ang EIC namin. Last week pa nga ako nagpasa ng articles pero 'di talaga mawawala ang mga estudyanteng mahilig mag-procrastinate kaya ayan tuloy nagca-cramming o hindi nakakameet sa deadlines.
"Another thing, I talked with the adviser of the SHS writers, and we agreed to publish a book containing different literary pieces such as poetries, essays, proses..." hindi pa natapos sa pagsasalita si Miss sa harap nang may kumatok sa pinto sa labas.
"Pasok ka, Alvin. I'm currently announcing regarding the publication of the book."
Kinabahan ako bigla nang makita ko sa pangalawang beses ngayong araw ang kanyang mukha. I mean, pangatlo kung isasali sa bilang ang picture niya sa IG.
Nagtama ang aming mga mata at bahagya naman siyang ngumisi. I looked away and I averted my gaze to Miss.
"Students, this is your Kuya Alvin. We'll be collaborating with the SHS for the book that we'll be publishing. He's here to appoint an assistant in accumulating the literary pieces from your co-students... since our EIC is busy with our newsletter; we need another student to assist..."
"Actually, Miss Elijah, I've already chosen a qualified assistant from the JHS and I'm here to inform you about it..."
Hindi ko alam pero biglang dumagundong ang kaba sa aking dibdib dahil sa sinabi niya. I have a feeling that... nevermind.
"Okay. Can you tell us who?"
Our eyes met, "It's Julienne Gaea Ramos, Miss..." sabi ko na nga ba. Tama nga ang hinala ko.
Tumango-tango naman si Miss at ngumiti siya sa akin, "Good choice. Julienne is responsible enough for that task."
Nahagip ng tingin ko si Carmie. Palipat-lipat ang tingin niya sa akin at kay Alvin. Kinabahan tuloy ako dahil baka ano pang sabihin niya. Bata pa naman kaya minsan walang filter ang bibig.
Nanlaki ang kanyang mga mata, tila may napagtanto. Napatakip pa siya sa kanyang bibig.
Shucks!
"Ate Juls, diba si Kuya Alvin 'yong nasa picture sa phone mo?" timing pa nang sinabi niya iyon ay walang nagsasalita sa harap kaya rinig na rinig ng lahat.
I'm sure as hell that I am as red as a tomato right now! Lupa lamunin mo na ako! Nakakahiya na!
Nakita kong namilog rin ang mga mata ni Alvin at kalaunan ay ngumingisi na sa akin ng nakakaloko.
Mabuti nalang at nagsalita ulit si Miss sa harap. Parang nararamdaman niya ang tension kanina. Sa huli, may pinagawang task si Miss sa ibang writers at hinayaan niya naman kami ni Alvin na i-discuss ang mga kailangang gawin namin dito sa likod.
Naiilang pa ako nang umupo siya sa katabi kong upuan.
"You have a picture of me?" nagngingiti nitong tanong.
"H-Huh? U-Uh, ano sa IG..." napatikhim ako, "Naclick ko kasi 'yong pangalan mo sa follow request at nakita rin ni Carmie ang pic mo..."
"I won't mind."
Naguluhan ako sa sinabi niya, "Huh?"
"Nevermind," he shook his head.
"Get your notebook or paper whatever. I'll dictate what you'll do for this week..."
Kabado man ay kinuha ko naman ang journal ko. Doon ko kasi nilalagay ang mga patungkol sa club.
Binuklat ko ito at tumambad sa akin ang pahina kung saan nakaipit ang picture namin ni Elianna when we were in the seventh grade. Nakalimutan ko pala itong ibalik sa photo album namin. Ginamit ko kasi ito sa activity namin sa isang subject last week.
"Who's that?" nilingon ko si Alvin at nakita kong nakatuon ang kanyang tingin sa picture na hawak ko.
"Uh, my best friend..." napangiti ako.
"What's her name?" ewan ko pero may nahihimigan ako sa kanyang boses.
"Elianna."