Chapter 7

2265 Words
"May problema ka ba, Juls?" nag-aalalang tanong ni Melanin. Kakapasok ko lang sa locker room namin. Perhaps, she noticed how bothered I am na naaapektuhan na ang performance ko sa trabaho. Ilang beses akong nagkamali sa pagbibigay ng orders ng customers kaya napagalitan tuloy ako ni Mngr. Ysa. I sighed heavily, "May alam ka bang trabaho na mabilis tayong kumita ng pera?" "H-Huh? Bakit? Kailangan mo ng pera?" naguguluhan ang kanyang ekspresiyon. Hinubad ko na ang apron na suot ko at nilugay ang buhok mula sa pagkakabun nito. "Lagi ko namang kailangan ang pera, e," tumawa ako pero nagtutunog lang iyong peke. Napangiwi ako. "Wala namang mabilisang pera, Juls, e. Mayroon pero sa illegal na paraan," umiling-iling siya at binuksan ang kanyang bag para maibalik ang kanyang suklay roon. How will I earn money that quick? Kahit anong pagmamakaawa ko kay Alvin kanina, hindi talaga siya nagpapatinag. Bukod sa napakamahal ng laptop na iyon na sobrang hirap bayaran, wala ring store na mabibilhan ko ng ganoong laptop rito. Kailangan ko pang umorder sa online at hindi iyon mabilis dumating. I'm sure lalagpas pa ng tatlong araw kung oorder ako ngayon. Tapos ang malaking tanong, saan ako hahanap ng perang pambayad? "Ano bang paggagastahan mo, Juls?" "Uh, wala. Hindi naman 'yon mahalaga," kinuha ko na ang bag ko at isinukbit sa balikat ko nang matapos akong makapagbihis. Tinitigan niya ako, parang naninimbang, "Sigurado ka? Baka may maitutulong ako..." "'Wag mo ng pansinin iyon, Mel. Mababayaran ko naman siguro iyon..." siguro. Alam ko kasing minsan ay nagkakaproblema rin sila Melanin sa pera. Ayoko namang dumagdag pa sa mga inaalala niya. The following day, I went to school with huge bugs under my eyes because I almost didn't slept. My problem bugged me last night na hindi ko ito nakayang mapalayas sa aking isipan. I never experience being scolded by my teacher due to being such a delinquent student, but this is a first. Nahuli ako ng Social Studies teacher namin na natutulog ako while she's discussing in front of the class. Akala ko hindi niya ako mapapansin kasi natatabunan naman ako kanina nung mataba kong kaklase pero nag-excuse pala ito dahil nag-cr, ayan tuloy. "Ms. Ramos, you know I don't tolerate irresponsible students inside my class," umalingawngaw ang strikta niyang boses sa loob ng classroom namin. Dahil nasa likuran ako nakaupo, napapalingon tuloy rito sa likod ang mga kaklase ko. "Sorry po, Miss... I will not do it again," nakayuko kong pagpapaumanhin. "Just make sure you really won't. Top student ka pa naman pero nagpapasaway..." ang dami pa niyang sermon. Buong klase tuloy ay nadamay sa panenermon niya. Ang natitirang oras namin para sana sa lectures ay inubos niya sa panenermon. I sighed when the bell finally rings. Napahinga rin nang maluwag ang aking mga kaklase. Sa wakas ay umalis na rin si Miss. Napalingon ako sa katabi kong si Ton nang tinapik niya ang balikat ko, "Okay lang 'yan, Juls. Mainit ulo ni Miss kasi wala pa ring jowa hanggang ngayon." I laughed at what he said, "You're crazy..." It's lunch time kaya mabilis ring naubos ang tao dito sa room. Wala akong gana pero napilitan akong bumaba para bumili ng pagkain. Ako ang huling lumabas kaya in-off ko muna ang mga ceiling fans at ilaw. I wasn't in my usual self when I'm walking through the halls. It seems like I'm rowing a boat in a sea of problems. And I don't know where I should dock. I don't know if I could reach a land where I can be problem-and-worry-free. Ano na bang gagawin ko nito? Nasa malayo pa lang ay naaninag ko na ang pamilyar na postura niya. Isang grupo sila, kasama niya ang pinsan niyang si Kevin, may dalawa pang lalaking hindi pamilyar sa akin, at mga babae. May isang babaeng nakalingkis sa braso niya. Pulang-pula ang pisngi nito at kapansin-pansin ang dinrawing niyang eyebrows. Nagtatawanan silang naglalakad sa hallway. Kabang-kaba akong umiwas at nag-iba ng daan. Hindi nalang ako sa canteen kakain. Lumabas ako sa school at sa malapit na kainan ko napiling maglunch. Mabilis lumipas ang oras, uwian na at agad akong dumiretso sa coffee shop. Isang oras pa bago ang shift ko pero nakiusap ako kay Manager Ysa. Per hour naman kasi ang sahod namin dito kaya okay na rin iyon pangdagdag. Hanggang ten pm ang shift ko pero nag-extend pa ako hanggang 12 midnight. "Juls, serve mo sa number 09..." ani Kuya Paulo. Kinuha ko ang tray na naglalaman ng chocolate mousse cake, cheesecake, at dalawang frappe. Tinungo ko na ang table na may table number na nine. Kahit gaano ka pa siguro kaingat, kahit gaano pa ang iwas na gagawin mo, kung ang aksidente na mismo ang lumalapit sa'yo, ang humahabol sa'yo, wala ka ng magagawa pa kung hindi ang mahulog sa bitag nito. May malakas na bumangga sa aking batang lalaki dahilan kung bakit nabitawan ko ang tray. Naagapan ko pa ang cake pero ang dalawang frappe ay nabuhos ito sa isang ginang na nasa gilid ng dinaanan ko. Chocolate pa naman ang frappe kaya nadumihan ang puting-puti niyang blouse. Napasigaw pa ito sa gulat. Mabilis kong nilapag ang tray sa bakanteng mesa at dinaluhan ang babae. "M-Ma'am, s-sorry po! Sorry po talaga... hindi ko po sinasadya..." nanginginig pa ang aking mga kamay habang pinupunasan ng tissue ang kalat sa kanyang damit. Dinaluhan rin siya ng babaeng kasama niya na mukhang kaedaran ko lang rin. "Sorry po, Ma'am... Pasensiya na po kayo, hindi ko po talaga sinasadya," hinging paumanhin ko. I don't know why but I felt like something heavy was lifted from my chest when she gave me a smile, a genuine one, "It's fine, Iha... Accidents are really inevitable," tinapik niya pa ang aking balikat. Mabuti nalang at hindi ako napagalitan ni Manager. Medyo natagalan pa siya sa pagkausap sa babae nung sinamahan niya ito palabas. Sa tingin ko nga ay may seryoso silang pinag-uusapan dahil 'yong mga expression nila sa mukha ay napakaseryoso. Hindi ko alam pero magaan ang loob ko sa kanya. Buti nalang at hindi siya gaya ng ibang customers na mabilis na nambubulyaw. Nakatanggap agad ako ng mahigpit na yakap mula kay Mel nang matapos kami sa shift namin at nasa loob na kami ng locker room, "Juls, kilala kita. Magkaibigan nga tayo diba? I know you've got problems, so spill..." Hindi ko na napigilan ang mga luha ko, nag-unahan na ito sa pagpatak sa aking pisngi. It's like the bomb I was hiding for a long time suddenly exploded. Pilit kong tinatago at nilalayo sa lahat ang bombang ito kasi ayokong may madamay pang iba. I just want to minimize the casualties if it will explode all of a sudden, but can I be selfish for a while? Kahit ngayon lang kasi hindi ko na kaya, e. "I'm here. I'm here, Juls, and I'll listen," Mel in a comforting voice. Para niya akong hinehele. She just listened to me the whole time I told her about my problem. Nagulat pa nga ito na kay Alvin na naman ako nakagawa ng kasalanan. She cleared her throat, "Juls... as your friend, I'm being honest here, I know na namomroblema ka pa sa pantustos sa basic needs mo, and it's just too impossible to earn that amount of money in just a short span of time. Dalawang araw nalang ang natitira, pero nakakalahati ka na ba ng ipon?" I shook my head, "Juls, talk to him. You have to talk to him... may puso naman lahat ng tao, e, at naniniwala akong mababago mo pa ang isip niya. Don't push yourself too hard, learn to rest din, alright?" I nodded my head, "Thank you, Mel... hindi ko na alam ang gagawin ko kung wala ka..." "Sus. No problem. Best friend duties!" nagtawanan pa kami at kahit papaano'y gumaan nga ang pakiramdam ko. Magkasabay kami sa pag-uwi ni Mel. Hinatid pa kami ni Kuya Paulo sa mga tinitirhan namin dahil gabing-gabi na. Magmamadaling-araw na nga, e. Pagkatapos kong mag-ayos, humilata agad ako sa kama. I fell asleep pretty fast maybe because I was too exhausted the whole day. Kinabukasan, I made up my mind that I'll talk to him. Kinakabahan pa ako at nag-ooverthink tuloy ako. How do I approach him? Lutang na lutang ako at parang nasa ibang planeta ang aking isip at tinangay ng aliens. 'Yong mga lessons na tinalakay namin ay kay hirap na maabsorb ng utak ko. Nung magpasurprise quiz ang teacher namin sa Science, buti nalang at tumuntong pa ako sa passing score, kundi lagot. I didn't go down to take recess. I just stayed inside the classroom, thinking of a plan on how I am going to talk to him. I thought of the right words I should use to convince him regarding my proposal. Nag-isip rin ako ng pangcounter sa mga sasabihin niya sakaling hindi siya pumayag. Pero sana naman pumayag siya sa proposal ko sa kanya mamaya. "Okay ka lang?" nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Ton sa gilid ko. "U-Uh, oo. Okay lang ako." "Sigurado ka?" "Yeah. Really, I'm fine," nginitian ko pa siya para maipakitang okay lang ako. Tumango siya. Nagulat ulit ako nang may nilapag siya sa desk ko. Pineapple juice and cookies with choco chips on it. "A-Ano 'to?" binalingan ko siya nang tingin dahil nakaupo na ito sa tabi ko. Seatmates kasi kami. "Food," pilosopo nitong tugon. I rolled my eyes at mukhang nakita niya ako dahil tumawa pa siya. "Kainin mo na. Minsan lang ako nanlilibre, Miss Matalino..." sinabayan niya pa ito ng halakhak. Kumunot ang aking noo. Miss Matalino? "Thank you dito pero hindi ako matalino..." totoo naman. I don't consider myself as intelligent; it's just that, I'm hardworking. "Hindi mo alam? Ang talino mo kaya..." Napailing nalang ako at hindi na siya pinatulan pa. "Ba't mo pala ako nilibre?" nagtama ang mga mata namin at ngumiti agad ito sa akin. I cannot deny that Ton has the looks. He has a satin sand skin tone. Almond eyes, pointed nose, and sharp lips. Undercut rin ang gupit ng kanyang buhok na may pagkabrown. "Gusto ko lang." Maaga ang dismissal naming mga junior high school students. Nang tumunog ang dismissal bell, niligpit ko agad ang aking mga gamit at lumabas agad sa classroom. Sigurado akong may klase pa iyon ngayon kaya aabangan ko na lang siya sa kiosk. Dumoble ang kabang nararamdaman ko. I hope that our talk will turn out well. I wasn't able to make my assignment while waiting due to too much anticipation. Natulala ako kakatingin sa labasan ng senior high building. Abot-abot ang tahip ng aking dibdib nang makita ko ang pagdagsa ng mga senior high students sa labasan ng kanilang building. Mukhang dismissal na nila. Makailang ulit akong huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili. Nang makita ko na ang kanyang pamilyar na tindig ay mabilis akong napatayo. Napansin kong wala siyang kasabay na kasama. Good timing. Even when my heart's thumping loudly due to too much nervousness, I quickly headed towards him. When he noticed me, nakita ko ang pagguhit ng pagtataka sa kanyang mukha at kalauna'y nginisihan niya ako. He raised his brow, "What's up, Ramos? Miss me?" I rolled my eyes at him, and I saw his amused smile. "Can I talk to you?" "Yeah, sure," sinenyasan ko siya na sundan ako. Sa pangunguna ko, napadpad kami sa likod na bahagi ng JHS building. Wala kaming mauupuan kasi nababalot na ng maraming alikabok ang mga sira-sirang arm chairs dito. I just leaned on the wall. Tinaasan na naman niya ako ng kilay so I cleared my throat. Parang 'yong lahat ng tamang salita na iniisip ko kanina ay bigla na lang naglahong parang bula sa aking isipan. Juls, get your s**t together. "S-So... this is the second day of the three days you gave me in order to find ways to replace your laptop, and I'm sorry to disappoint you 'cause... I-I c-couldn't really do it in just three days. It's just too impossible for me to gain a huge amount of money given that I'm still a student. I-I d-don't want to e-engage myself in illegal doings or businesses just to earn that fast..." I looked away because I couldn't stand his intense gaze at me. "I want to ask just one last chance, one last chance to replace what I've broken, A-Alvin... please give me a month or two and I'll buy you the latest model, as in 'yong mas bagong labas kesa sa laptop mo–" "No," blanko ang tingin nito sa akin. "L-Listen... I have a proposal..." I had goosebumps because of the kind of stare he's giving me. Tinaasan niya ako ng kilay, "U-Uh, I can give you VVIP tickets of the upcoming concert of December Avenue. I heard that you're a fan of them... a-and u-uh..." Ang malakas na tambol ng aking puso ay tila trumiple nang bigla siyang humalakhak nang napakalakas. "Don't make me laugh, Ramos... I've got a lot of VVIP tickets already," oo nga pala at napakayaman niya. Bakit ko ba nakalimutan 'yon? Even if he'll hire any singer or band to play in their house, he can really do it. "Teka nga! Hindi pa ako tapos!" kahit kabang-kaba na ako sa loob. "Okay. Go on..." "I'll do anything you want!" medyo nagulat pa siya dahil sa biglaang pagsigaw ko. Sumilay ang nakakapanindig balahibong ngisi sa kanyang labi. I felt like he's plotting something evil inside his head with that kind of smile he's wearing. "Really?" dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Hindi naman ako makaatras dahil nakasandal ako sa pader. "O-Oo!" "Anything?" tuluyan na siyang nasa harap ko at kaunting-kaunti nalang ang natitirang space sa pagitan namin. He placed his two hands on the wall, ang kanang kamay niya ay nasa tabi ng kaliwang pisngi ko while his other hand's placed adjacent to my right waist. Ang t***k ng puso ko'y hindi na normal. "Y-Yeah..." napapaos kong tugon. He crouched a little. His lips are only inches away from my right ear, and it seems like I was tickled by his breath. My breathing hitched. Nang bumuka ang mga labi niya ay tuluyan na akong nanghina, "Then be my pretend girlfriend..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD