"Hindi ka talaga sasama?"
Napapikit ako sa inis ng itanong ulit iyan ni Jade. "Ano naman ang gagawin ko doon?" Inis na tanong ko.
Ngumuso siya. "E, di magre-relax! Shunga! Alangang humanap ng kalandian!" Singhal niya.
Inirapan ko muna siya bago ngumisi. "Yeah? Pwede akong humanap doon, Saan nga ba yon?" Nagmulat ako.
Nandito siya sa condo ko at nag pupumilit na isama ako sa kaniya. Vacation kasi namin ng One month bilang artista. Wala kaming project ng one month. And it is freaking great! Syempre, nag-aalala na rin ang manager namin sa amin. Baka daw masyado na kaming napapagod.
"Psh! Sa Nueva Ecija yon! May five star hotel kami doon at libre na yon sa atin, private suits with private pool din, Exclusive Suit kung tawagin! Oh? Saan ka pa? E, di sa hotel na namin! Ano? Sasama ka ba?! Bukas na yon!" Nagliwanag agad ang mukha niya habang nagsasalita.
"No." Tipid na sagot ko.
Nanlumo siya. "A-ano ba! Sumama ka na! Please!" Inis na talagang sigaw niya sa akin. Ang kulit niya!
"Jade, wala naman kasi akong gagawin doon, mas gusto ko dito, para makapagpahinga na rin ako." Mahinahon na sambit ko.
"Tsh, may magagawa pa ba ako? Ano ba yan! Isang month kitang hindi makikita, I will miss you my friend." Emosyonal na sabi pa nito at yumakap sa kin. Kahit na nakaupo ako sa sofa.
"Geh, ingat ka don ha? Kelan nga ba alis niyo?" Tanong ko pa.
Napaawang ang bibig niya at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. Napatayo pa siya. O.A talaga siya.
"Ano ba!? Kasasabi lang na bukas na e! Bye na nga! Letse! Ang talino talaga kausap ni Mayana!" Sigaw niya sa akin at binanggit ang pangalan ko sa isang serye na ginanapan ko. Narinig ko na lang ang yabag niya paalis habang bumubulong-bulong pa. "Isasama ko sila Mia!"
Hindi ko siya pinansin at pumikit ulit. Kaya nakatulog na naman ako. Sunod-sunod na trabaho ang ginawa ko buong buwan, halos four hours lang ang nagiging tulog ko.
Mas maraming oras pa ako sa shooting kaysa matulog, pero wala akong magawa, ito ang pinili ko at kahit papano ay masaya naman ako, nakakapagod nga lang.
Being an artist is not easy, you need to learn how to handle your time, sleep, words, fans and bashers. Syempre, hindi maiiwasan ang basher sa isang artista. Parang normal narin naman 'yon.
*******
Nagising ako ng marinig ang maingay na tunog ng telepono ko. Kinuha ko ito sa table at sinagot, as always without knowing who was the caller.
Naalala kong dito na nga pala ako sa sofa nakatulog.
"What?" Sinagot ko ang telepono. Nasanay akong ganyan ang bungad kapag may tumawag. Wala namang nagrereklamo tungkol don.
I yawned.
"Eyy, si Niña kasi...." Mababakas ang pag-aalala sa tinig ni Kyshel. Napabalikwas agad ako ng bangon.
"What happened to her?" Nag-aalalang tanong ko. Bumuntong-hininga pa siya bago sumagot.
"Nahimatay daw siya kanina sa meeting place natin, dala daw ng sobrang pagod, ang sabi ko kasi ay magpahinga siya pero masyadong matigas ang ulo! Like you!" Inis na sagot niya.
"Bakit ako? Natutulog lang ako dito tapos nadamay ako?" Gulat na tanong ko. Nananahimik ako tapos.... Tsk!
"Totoo naman ah! Bilisan mo diyan at pumunta ka dito sa hospital! Baka ikaw na lang po ang hinihintay!" Sarkastikong sabi niya.
"Geh! Maliligo lang ako saglit! Teka! Sa'ang Hospital ba?"
"Dito sa hospital ng Yone Lucero Hospital. Bilis! Gagang to', Hihintayin ka namin! Bilisan mo!" Sigaw niya pa at binaba ang linya. Ang sakit talaga sa tainga kapag sumisigaw siya.
Inis kong binato ang cellphone ko sa sofa at tumakbo papuntang banyo saka naligo. Hindi ko na nagawang tignan pa ang oras sa sobrang pagmamadali.
Niña is our close friend, siya din ang make up artist ko pati ni Jade. Simula high school ay kaibigan na namin siya, halos wala ng makapaghiwalay sa aming lima noon, nangyari lang noong college na kami, iba kasi ang kurso niya sa kurso naming dalawa ni jade iba din ang kurso ng tatlo.
Civil Engineering kami ni Jade pero nurse ang tinapos ni Niña, nung sabay-sabay kaming nakatapos ng college ay nagdesisyon si Niña na magwork na lang bilang make-up artist namin para hindi daw siya mahiwalay sa amin.
Mabilis akong naligo at nagpalit ng damit. I was wearing a white with polka dots brallete and a coat. Umabot sa baba ng puwet ko yung coat. Sakto lang din ang kapal non. Nakakahiya naman kung wala akong coat na pantapal sa likod ko. Kahit nakabalandra yung nasa harap, wag lang yung nasa likod. Black Skirt na hapit din ang sinuot ko at Fila Black shoes na bumabagay sa damit ko. Hinayaan ko ding nakaladlad ang mahaba kong buhok.
Nang matapos akong nag-ayos ay dinampot ko ang cellphone ko sa kabilang sofa at lumabas na ako ng condo ko saka mabilis na humabol sa papasarang elevator. Pinagsisisihan kong sa 10th floor pa ang floor ko. Mapapatagal ako nito.
Mabuti na lang at umabot pa ako. Agad akong pumasok don at pumuwesto sa tabi nung lalaki. Napatingin ako sa mukha niya.
He's handsome like hell. Seesh! Ang bango niya ah! Talong talo yung gamit kong pabango.
I wonder if he's new here. This is the first time I saw him here, I'm quite familiar with those people who lives here but him? He must be new.
"What floor?" Tanong niya. Ang lamig ng boses niya! Mukhang napipilitan pa siya!
"First." Sagot ko. Nilingon ko ito at pinanood na pumindot ngunit nasa harap lang ang tingin niya. Seryoso ang mukha niya at hindi man lang ngumingiti. Seesh! Malamang! Alangang ngumiti yan sa'yo!
Mukhang may bago na naman akong target ah! Hahaha!
Napangisi na lang ako sa naisip ko.
Humarap ako sa kaniya. "Hey, I'm Xylisa Yen, you?" Pakilala ko at nilahad ang kamay ko. Pero tinapunan niya lang iyon ng tingin at muling binalik ang tingin sa harap. "A-Ahh, hehe." Binaba ko ang kamay ko at tumingin na lang ulit sa harap.
Aww! Pahiya ako ah!
Hindi niya ako kilala?
Tignan natin kung hindi ka makuha sa pang-aakit ko. Lahat ng lalaking nagugustuhan ko ay nakukuha ko gamit ang isang matamis na ngiti lang ngunit siya hindi. Nilahad ko ang kamay ko pero hindi niya tinanggap. Siya lang ang nakagawa non sa akin.
Ngumisi ako sa naiisip ko. Interesting, Uulitin ko, kung hindi ko siya makukuha sa pagpapakilala, pwes! Makukuha ko siya sa kalandiang taglay ko.
Mas lumawak ang ngisi ko ng bumukas ang elevator at nagsipasok ang mga tao. Sinadya kong lumapit sa kaniya para magawa kong maakit siya. Ngunit hindi ko inaakalang ganon karaming tao ang papasok. Konti na lang ay magtutulakan na sila dahil wala ng pwesto sa loob.
Hindi ko namalayang nasobrahan ako ng atras kaya nadikit ako sa kaniya, nasa likod ko siya at talaga namang sobrang lapit namin sa isa't Isa.
"Move." Rinig kong bulong niya. Marahil ay nahihirapan siyang gumalaw. Maging ako din ay nahihirapan dahil may babae na nasa harap ko. Ang lapit talaga ng katawan namin!
"I can't." Malanding bulong ko. Ilang segundo pa ng nakaramdam ako ng init sa paligid ko, dahil na rin siguro sa bulung-bulungan ng mga tao dito sa loob, ang maiinit nilang hininga. Tch!
"Sheesh! It's hot." Inis na sabi ko. Mukhang hindi naman narinig iyon nung mga babaeng nasa harap ko kasi busy silang magdaldalan.
Dahan-dahan kong binaba ang coat na suot ko kaya tumambad ang balikat ko sa kaniya. Hindi ko ito tinuluyang tanggalin at nanatiling ganon lang.
Ang mahaba kong buhok ay pinagilid ko sa pagitan ng mukha at balikat ko kaliwang bahagi. Tuloy ay tumambad din sa kaniya ang leeg ko, tulad ng balikat ko.
Napangisi ako ng marinig ang matunog niyang paglunok. "Are you trying so seduce me?" Bulong niya. Napalunok ako ng maramdaman ang mainit niyang hininga malapit sa tenga at leeg ko.
"Why? Naakit ka ba?" Ngumiti ako ng nakakaloko. Hindi siya sumagot.
Napaigtad ako ng maramdaman ang kamay niya sa bewang ko. Kahit hindi ako nakatingin ay alam kong kamay niya yon.
Ang mainit niyang palad ay nagbibigay ng kakaibang kaba na ngayon ko lang naramdaman, kahit na mayro'on paring coat ay nararamdaman ko parin ang init non, sa dami-dami ng humawak sa bewang ko siya lang ang nagparamdam sa akin tulad nito, pero yung mga kapares ko lang naman sa mga seryeng gagawin ko ang humahawak sa 'akin.
Bahagya niya akong iniharap sa kaniya habang nakahawak parin siya sa bewang ko, halos hindi ako makahinga sa sobrang lapit ng mukha namin. Pakshet! Hindi ko alam na ganito pala kalapit!
'Tangina! Bakit ako yung naaakit?! This is not happening!
Mas lalo akong kinabahan ng hawakan niya muli ang bewang ko, pero sa pagkakataong ito ay wala nang Coat. Talagang ramdam na ramdam ko ang mainit niyang palad.
'Sh*t!
"Hindi ako naaakit, baka ikaw?" Ngumisi siya. Naaamoy ko ang amoy mint niyang hininga. Hindi ako nakasagot at sinamaan siya ng tingin.
He's not fluent in tagalog language. Damn, kinikilig ako.
"Tch! Mas malandi ka pa pala kaysa sa 'akin." Pagaasar ko sa kaniya. Sumama ng mukha niya at mukhang hindi niya nagustuhan yung sinabi ko.
"What?" Gulat na tanong niya. Napalakas yata yon kaya napalingon ang mga tao sa amin. Patay ako pre'.
Malakas kong binaba ang kamay niyang nakahawak sa bewang ko tsaka dali-daling humarap at hindi pinansin yung lalaki. Nag-pilit ako ng ngiti ng makita kong lahat sila ay nakatingin sa akin.
"Shet! Siya si Mayana!!!"
"Tanga! Siya si Lisa!! Gumaganap lang siya bilang Mayana!"
"Omg! Ang ganda niya sa malapitan!"
"Gawd! Dito pala ang building niya?!"
"Oo nga! Tagal kong nag-search tapos dito lang pala?!"
"Anong floor kaya siya?!"
"Yun lang ang hindi ko alam!"
"Tara Bes! Pa-picture tayo!"
"Tara!"
"A-Ahh, M-Miss Xylisa? P-Pwede p-po b-ba k-kaming m-mag p-pa p-picture?" Utal-utal na tanong nung babae na nasa harap ko kanina.
"Sure!" Inayos ko ang coat ko at tumabi naman yung dalawang babae sa akin. Ngumiti ako sa camera. Halos lahat ng nandon ay palihim akong kinukuhanan ng litrato, ang akala nila ay hindi ko napapansin.
Sinadya kong lumayo dun sa lalaki para hindi siya maisama sa litrato. Akin lang siya!
Akala ko ako lang ang napapansin ngunit nagkamali ako, Panay din ang sulyap ng kababaihan kay baby ko!
Baby ko lang yan!
Gusto kong isigaw yan pero hindi ko ginawa, siguradong issue na na yan, kakalat sa social media at paguusapan ako, i-interview-hin na naman ako.
Sumama ang timpla ng mukha ko hangang sa makalabas sila ng elevator. Binalingan ko si baby elevator man na nakangisi ngayon.
Nilingon ko ang paligid at wala namang masyadong tao ngayon kaya humarap ako sa kaniya, maging siya ay hindi parin umaalis.
Hindi niya inaasahang lalapit ako sa kaniya, tumingkayad pa ako para magkapantay ang mukha namin, sinadya ko munang ipaglapat ang ilong naming dalawa at marahan siyang hinalikan sa gilid ng labi niya.
"Sa gilid muna, next time sa mismong labi na." I whispered.
Mabuti na lang at naka-alis na yung mga tao. Pabor talaga sa akin.
Tumalikod na ako at iniwan siyang nakaawang ang labi, lumabas narin ako, tinaas ko ang kaliwang kamay ko bilang paalam. Binati pa ako ng crew na nakakakila sa akin dito, wala akong nagawa kundi ang batiin sila pabalik.
Yumuko lang ako at nagmadaling sumakay sa kotse ko, para hindi ako mapansin ng karamihan.
Pinaharurot ko ang sasakyan ko papuntang hospital na sinabi ni Kyshel. Nagmamadali akong bumaba at tinawagan si Kyshel.
[Yes, baby?] Bungad niya.
'Baby mo mukha mo!
"Tsk, San yung room?" Tanong ko ng makapasok sa hospital. Iginala ko ang paningin ko at nakita kong palihim nila akong kinukuhanan ng mga litrato. Pati ang nga kalalakihang nurse ay kinukuhanan din ako, may nagtutulakan pa.
I forgot Niña because of that man!
[Room 157, baby. Andito ka na ba sa hospital?] Tanong niya. Napangiti ako sa kagagahan niya. Siya talaga ang da-best manager ko.
"Yes, baby, hahaha!"
[Hahahaha!] Narinig ko ang tawanan nila sa kabilang linya.
"Sige na. Teka, andiyan na ba si Jade?" Tanong ko pa at ngsimula ng maglakad.
[She's here, baby. Were waiting for you! Letse ka! Paimportante ka talaga e no'?!] Biglang sigaw niya.
Tumawa ako ng malakas. "Bwahahahahaah!! Geh na! May sasabihin ako sa yo! Mamaya!" Sigaw ko din. Mabuti na lang at walang tao dito sa hallway, walang makakarinig sa akin.
Gusto kong i-kwento sa kaniya yung encounter ko with Elevator Man.
Bawat pinto at tinitignan ko ang bilang. Baka kasi malagpasan ko ng hindi ko napapansin e. Syempre, hindi maiiwasan na walang babati sa 'akin sa t'wing may lalabas.
"156."
"157, ito na!" Masiglang saad ko.
Inayos ko muna ang damit ko bago pihitin ang door knob. Naabutan ko si Jade, danna na stylist ko, si Kyshel na manager ko, at si Niña na make-up artist namin.
Nakaupo si Jade sa gilid ng kama ni Niña. Si Danna naman ay nakaupo sa tabi ni Kyshel sa mahabang sofa, sa bandang paanan ni Niña. May lamesa sa tapat ng sofa at my T.V naman sa tapat ng Lamesa.
"Oh, eto na pala ang reyna e." As usual, si Kyshel ang unang nagsalita sa amin.
I rolled my eyes to Kyshel and looked at Niña. "Niña? What the hell happened to you?" Gulat na tanong ko. May nakabalot sa ulo niya at may band-aid din sa pisngi niya.
Namumutla din siya. "U-Uhm-"
"What the hell happened to you?" Seryosong tanong ko. Natahimik ang lahat at nakatuon lang ang atensiyon nila sa aming dalawa ni Niña.
"Y-Yung boyfriend ko kasi...."
Boyfriend? Jowa niya na si Chase?
"What about him?" I asked him, kahit mayroon na akong ideya kung ano.
".... sinasaktan niya ako, I'm so sorry!" Nagulat na lang ako ng bigla siyang humagulgol. Lumapit ako sa kaniya at ginawaran siya ng yakap, mahigpit na yakap.
"Shhh! Stop it," Pagpapatahan ko. "Akala ko ba ang bait-bait niya? Anong nangyari?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Totoo, mabait si chase, wala sa itsura niya ang manakit ng babae pero mukhang nagkamali ako.
"It's my fault, he didn't hurt me, I hurt him!" Sabi niya habang umiiyak.
"Shh, stop saying sorry. It's not your fault," Mahinang sabi ko at hinagod pa ang likod niya.
"I n-need to tell you something." Humiwalay siya at pinahid ang luha niya.
Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko, inalis niya ang pagkakahawak niya sa kamay ko at dahan-dahang hinaplos ang tiyan niya.
I looked at her.
"I-Im pregnant." Tuloy niya. Natigilan sila, maging ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko, nagulat ako pero wala akong karapatan na magalit sa kaniya.
"A-Are you?" Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Masaya akong buntis siya at magkakaanak na pero sino na ang make-up artist ko? Hindi naman siya pwedeng magtrabaho habang buntis, oo nga, at makakaya niyang magtrabaho parin kasi maliit pa lang ang tiyan niya, paano na pag lumaki na? Tsk!
Mabilis na nangilid ang luha ko. "Yes, I am." Sagot niya.
Hindi ko na naman mapigilan na mapayakap sa kaniya, kasi ang saya ko para sa kaniya. "I'm so happy for you, Ninang ako ah!"
"Oo naman! Akala ko hindi ka masaya?" Malungkot niyang tanong. Mabilis akong umiling. "Of course not! Wait......" Tumigil ako. "... who's the f-father?"
Natigilan siya at napayuko. "S-Si Laids." Uutal-utal na sagot niya.
Napaawang ang bibig ko at natigilan din. "S-Si Laids? K-Kapatid ni C-Chase?" Muli kong tanong. Gusto kong makasigurado.
Akala ko nagkakamali lang ako pero dahan-dahan siyang tumango at muling humagulgol. Niyakap ko na lang ulit siya. "Shhh, Don't cry, makakasama sa baby mo.... Saka na natin pag-usapan yung about diyan, just make sure that you will take care of your health, it's for your own good and the baby." Sensirong sambit ko.
"Salamat." Pagpapasalamat niya. Humiwalay na ako ng yakap at binalingan si Kyshel. Nakaupo siya don sa may sofa, sa tabi ng bintana. Medyo malapit lang sa bed ni Niña.
Napakamot siya ng batok ng samaan ko siya ng tingin. Hindi niya sinabi sa akin kanina na may pasa pala si Niña.
"Humiga ka muna." Utos ko kay Niña. Sumunod naman siya sa akin. Kinumutan ko din siya. Inabot ko ang bag ko na nasa paanan niya at kinuha ang cellphone don.
Gusto ko sanang magpatugtog pero bumukas ang pintuan at iniluwal non ang dalawang lalaki.
Agad akong napatayo ng makilala yung isa, shet!
Siya si Mister elevator!
Tsk,tsk,tsk, Tadhana ka naman oh! Pabor talaga sa akin.
Nagtama ng tingin namin at halata din ang pagkagulat sa mukha niya ng makita ako.
"Uhm, Miss? What are you doing?" Tanong nung kasama niya. Tumingin ako sa lalaking iyon. Magsasalita na sana ako ng magsalita ulit siya.
"Miss, Xylisa Yen?" Gulat na tanong niya at pinasadahan ang kabuuan ko. Bigla tuloy akong nahiya dahil sa suot ko. Masyadong exposed.
"Yes, and you are?" Lumapit siya sa akin at nakipagkamay. "I'm Mix."
"Mix Ryan De guzman, pinaki-usapan ako ng doctor ni Miss Niña Marquis." Nakangiting inabot niya ang kamay ko.
"How is she?" Patukoy ko kay Niña at nilingon siya.
Nagulat ako ng makitang mahimbing na siyang natutulog. WTF!?
Gising lang siya kanina ah!
"What the hell?" Gulat na bulong ko, sakto na para marinig nila. Lahat sila ay hindi tulad ko na nanlaki ang mata.
"Hahaha, that's normal, she easily fell asleep because of her pregnancy." Sabi ni Doc Mix. Napa-ahh ako at tumatango tango pa.
Ganern pala yon?
"So, what are you doing here?" Dahan-dahan na tanong ko.
Ngumiti siya at sumulyap kay Jade! Napatingin ako kay Jade at binigyan siya ng nagtatakang tingin. Pero nagkibit-balikat lang ang Gaga!
Para kay Niña pala siya pumunta. Natural, pasyene niya e.
"I came here for her." Kumindat siya kay Jade!
"Jade? What is....?" Hindi ko na tinuloy dahil alam kong nakuha na niya ang ibig-sabihin niyon. "Ewan ko diyan, hindi ko naman yan kilala e, baka one of my fans lang, don't worry about that, just ignore him."
"W-What?" Gulat na tanong ni Doc Mix, hindi makapaniwala.
Mariin kong tinitigan ang mukha nung lalaki not until I realized something.
Hindi ko pinansin ang bahagyang pagtikhim ni elevator man.
It's him! Siya yung boy na pinustahan namin na halikan ni Jade! Oh my gosh!
"Tsh!" Siniringan niya ito bago bumaling sa akin. Nanatili akong nakatayo sa harap ni Doc Mix at hindi makagalaw. "Wait, are you going with me? Sasama ka ba? Hahaha! Sabi ko na ba e, sasama ka din! Tsk, pinahirapan mo pa ako, ano? Mamaya na ng alis ko, sure ka na ba diyan? Nakaimpake ka na?" Sunod-sunod na tanong ni jade. Hindi ko nagawang sumagot dahil sumingit si Kyshel.
"Baby? I thought your not going with her?" Nanlaki ang mata ko sa kaniya. Kakaiba talaga ang trip niya!
Natatawa akong lumapit sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Lahat ay nakatuon sa amin, pati si Elevator Man.
Baka magselos!
"Tch, sino naman ang may sabing sasama ako sa kaniya? Tsk, I made a decision and I don't plan to change that."
"Bakit ganyan ang suot mo?" Gaya ni Doc Mix ay pinasadahan din niya ng tingin ang kabuuan ko.
Binitawan ko ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin. "Bakit ba? What's wrong with my clothes?" Iritang tanong ko.
"Tsk, sa suot mong yan e, paniguradong marami ang TITIG na TITIG sa'yo niyan, ng hindi mo nakikita." Sabi niya at umupo. Pakiramdam ko may ibang ibig-sabihin yung TITIG para sa akin pero hindi ko na iyon masyadong pinansin, baka nag-iimagine lang ako, nakakahiya kapag nagkataon yon.
Umupo ako sa tabi niya. Pinagkrus ko ang mga braso ko. "I don't care about that anymore, as long as I'm happy, I'll do everything, besides...." Tumingin ako kay elevator man, nagulat pa ako kasi pagbaling ko ay nakatingin din siya sa akin. Nagtama muli ang paningin namin.
".....parang nahanap ko na yung lalaking gusto ko, at mamahalin ko." Sinabi ko iyon ng nakatingin sa mata niya. Pero agad ding nag-iwas ang loko, takot na may makapansin.
"Ows? Sino naman yang LALAKING gusto mo at mamahalin mo?" Sarkastikong tanong niya. Muli ko siyang inirapan at napaisip sa tanong niya. "E-Ehehehe, hindi ko pa alam yung pangalan niya pero sinasabi ko sayo, he's so handsome as hell! Yeah, I admit that he's cold but! I really really like him!"
"Walang makakalabas ng sinabi ko, social media isuues." Sumimangot ako. Tumawa lang sila.
"May magagawa ba kami pag ayaw mo?" Sarkastikong tanong ni Danna. Umiling ako. "It's a no or no."
"Eh, hindi mo naman pala alam ang pangalan e. Mahina ka, gayahin mo ako, alam ko ang lahat ng tungkol sa ma
hal ko."
"Edi wews! Kaso.... na-turn off ako sa kaniya e, pero ayos lang naman, Bwahahahahaah! Sana ma-meet ko ulit siya!" Kinikilig kong saad.
Napailing na lang si Kyshel at muling tumingin kila Doc Mix. Napatingin din tuloy ako sa kanila, sa ikatlong pagkakataon ay muling nagtama ang paningin namin, ngunit sa huli ay siya rin ang umiiwas. Akala mo naman may lason yung mata ko kung makaiwas siya. At ayaw niyang malason, tch!
"Ahh, everyone, this is Christziler Daconza, he's also a doctor." Pakilala ni Doc Mix. Hindi ko siya nagawang tignan kasi na kay CHRISTZILER ang paningin ko.
Christziler was his name! Yes! Nalaman ko din! Bwahahahahaah! Wala ka nang kawala sa akin ngayon!
"Nice to meet you." Nakipag-kamay siya kay Danna, nginitian lang siya nito. "Nice to meet you, Man." Nakipag-kamay din siya kay Kyshel.
Parang may kumikiliti sa puso ko ng bumaling siya sa akin. Bumuntong-hininga muna siya bago ilahad ang kamay sa harap ko. "Nice to meet you, Miss Yen, I'm Christziler." Sabi niya.
Inabot ko ang kamay niya. "Yeah, I'm Xylisa Yen, soon to be your wife." Sabi ko din pero mahina lang yung huli, sakto na para marinig niya at hindi marinig ng iba.
Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero nakita ko ang pagpigil niya ng ngiti. He bit his lower lips to stop from smiling. Kyaaaahhhhhh!!
Napasimangot ako ng bitawan niya ang kamay ko at lumapit kay Jade. "Nice to meet you, Miss Jadella." Nakipag-kamay din si Jade.
Matapos makipagkamay ay bumalik siya sa tabi ni Doc Mix.
"Nice to meet you all, but we need to go." Mas lalo pa akong napasimangot.
"Ha? San tayo pupunta?" Takang tanong ni Doc Mix. Mukhang wala siyang ideya.
"Then, you can stay here, but I can't stay here, my girl is waiting for me." Hindi ko alam kung sinasadya niya bang sabihin iyon.
Sumikip ang dibdib ko sa sinagot niya, pakiramdam ko ang sakit sakit ng sinabi niya kahit ang totoo ay hindi naman.
O.A na ba ako? Sorry, ngayon lang ko lang kasi naramdaman ito, feeling ko tuloy ang pangit pangit ko!
'Tangina! Ngayon ko lang siya nakilala pero nasaktan agad ako? WTF! Ano yon!?'
'Masama na to ah! Kailangan kong ingatan ang sarili ko!
"Psst! Xy!" Nabalik ako sa huwisyo ng tawagin ako ni Danna. Nilingon ko siya."Ha? Ano y-yon?" Hindi mo maiwasang mautal kasi alam kong nakatingin sila sa akin.
"Mr.Libranda wants to talk to you about your..... you know." Sabi niya. Naguguluhan ko siyang tinignan.
"What? Linawin mo kase!" Singhal ko.
"Tsk, he wants to talk to you about your kissing scene on Love me, please."
"Oh? Anong meron don?" Takang tanong ko. Hindi niya na lang kasi deretsahang sabihin.
"He's asking me if you already decided that Mister Cereno and you can have sa kiss-"
"No way!" I shook my head.
"What should I tell him?" She sounds worried.
"Bakit ba kasi kailangan na may kissing scene pa?" Inis na tanong ko.
"Duh! To make it romantic!"
"Ayoko nga!"
"Hahaha! Bakit ba ayaw mong mahalikan?" Nagtawanan sila, maliban kay Ziler.
Oh? Nandiyan pa pala yan? Akala ko pumunta na sa Girl niya.
"E sa, ayoko nga," Angil ko parin. Ayokong magkaroon ng kissing scene sa hayop na yon! Manyakis yon! Magiging pabor na yon sa kaniya! He tried to sabotage me while I'm sleeping! But I keep silent because I don't want to ruined our project.
"I wonder kung kanino ibibigay ng sikat na artistang si Xylisa ang First kiss niya, e, gwapo naman si Mister Cereno." Nang-aasar ang tinig ni Danna.
"Gwapo nga, manyak naman." Bulong ko. Sinigurado kong ako lang ang makakarinig. "What did you say?" Gulat na tanong ni Kyshel. Omg! Don't tell me narinig niya yon?!
"Wala! Basta ayokong may kissing scene don! Kung meron man ay magqu-quit ako sa seryeng yon!" Padabog akong tumayo at naglakad palabas.
Hawak ko pa lang ang door knob ng magsalita muli si Danna. "Kanino mo ibibigay kung ganon?" Kahit nakatalikod ako ay alam kong nakangisi siya. Malakas yan mangasar!
Palihim kong nilingon si Ziler, nagtama na naman ang pangin namin. "I already gave it to someone." Mahinang sabi ko, malapit siya sa pintuan kaya siya lang ang nakarinig non.
'Tama sila, wala pa akong first kiss sa edad kong to, pero binigay ko iyon kay elevator man.'
'Maswerte ka Man! Ikaw ang first kiss ko!
Lumabas na ako ng kwartong yon, narinig ko pa ang pag-tawag nila pero hindi ko na pinansin.
Naiinis ako kay Mister Libranda, pinipilit niya kasing dapat daw magkaroon ng kissing scene ang seryeng yon.
Sa dami-dami ng seryeng ginanapan ko ay walang kissing scene pero gustong gusto parin na panoorin ng mga tao.
Hindi ko kasi makalimutan kung anong ginawa ni Mister Cereno nung nakatulog ako sa set. Kinorner niya ako non, buti na lang at dumating si Kyshel. She's my savior.
Kahit bakla siya, hehehe.
Pero, realtalk, wala talaga akong pinagsisisihan na kay Ziler ko binigay ang first kiss ko.
'Kahit may babae siya!
Punyetang yan! Malay ko ba! Tch!
May araw din yang si Chase! Bwiset siya! Nananakit! Akala ko pa man din ay mabait, iyon pala ay hindi.
____________________________________________________________________________
*****************
Hi!