"Hey!"
Nagtuloy-tuloy lang ako at hindi pinansin yung tumatawag, malay ko ba kung sino tinatawag niyan. Buti sana kung binganggit niya yung pangalan ko, nakakahiya naman kasi kung humarap ako tapos hindi pala ako yung tinatawag. It would be embarrasing for a famous like me.
"Hey!" Sigaw niya parin. Hays, nakakahiya siya kung tutuusin.
Bumaba ako ng hagdan, ikalawang palapag kasi ang room ni Niña. Halos lahat ng makakasalubong ko ay magbubulungan, paano daw napunta dito yung sikat na artista, bakit daw ako nandito, sino daw ang pinuntahan ko dito.
Bakit? Bawal na bang pumunta sa hospital ang artista? Dahil ba artista kami? Kalokohan! Lahat ay may karapatan, artista man o hindi.
Sari-saring tanong ang mga naririnig ko sa bulungan nila, hindi ko matukoy kung bulungan pa bang matatawag yung halos naririnig naman.
"Hey! Ha! She's really weird!" Rinig kong singal nung lalaki.
His voice sounds familiar.
"Hey!!" Gaya ng kanina ay hindi ko ito pinansin. Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Pero bakit parang sumusunod sa akin?
"Yah!"
Hangang entrance ng hospital ay sumisigaw siya. Pinagtitinginan tuloy siya ng mga nurses. Sino ba kasi yung tinatawag niya? Bakit kasi hindi niya banggitin yung pangalan nung tinatawag niya? Ang tanga naman niya.
"Ouch!" A boy exclaimed as he drop on the floor.
"Oh! I'm sorry!" Agad kong tinulungan na tumayo yung batang lalaki na nabunggo ko, lumuhod pa ako para magkapantay kami. I looked at his handsome face, he resembles someone.
"Hey, are you okay, kiddo?" Nag-aalalang tanong ko at sinipat siya mula paa hangang ulo. Mukhang okay lang naman siya pero may kaunting gasgas ang palad niya. Hindi naman malala, simpleng gasgas lang at malayo sa bituka.
His face looks really familiar.
"Nah, I'm okay, how about you po?" Gaya ko ay sinipat niya rin ako.
Nginitian ko siya sabay iling. "I'm okay, kiddo, you're so handsome! What's your name?"
Mula pagkabata ko ay mahilig ako sa baby, siguro dahil nag-iisa lang akong anak ni mom at dad?
"Christann po, I know you! You're the artist from the movie named 'The Blood'." Masayang sambit niya. Akalain mo naman na napanood niya yon?
Isa iyong movie na VIP. Kung wala kang pera ay hindi mo ito mapapanood, you need fifty thousand pesos to buy it. It's really expensive, binuhos ko ang apat na buwan para magawa yung movie na yon with my leading man, Mister Botardo. It's a tragic movie that may contains abuse, killing, fake blood, and other things. Actually, it's not able for a kids to watch it. Pero yung iba ay mapilit, so why not?
"Yeah? Haha, That's me. What are you doing here?" Nakangiting tanong ko.
"I'm here for my brother!" Walang kasing-siglang tugon niya. Nagtaka ako. "Alone? How old are you, tann?"
"Oh holy s**t, I cannot believe that I will see you here, your my idol." Rinig kong bulong niya bago ngumiti.
"Chris!? Where have you been? I told you t-" Tumakbo ang isang babae papunta sa gawi namin. Hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil napatingin siya sa likuran ko.
Nagtatakang lumingon kami ni Tann sa likod ko at nanlaki ang mata ko ng makita ang isang lalaking nakatayo habang nakapamulsa. At si ZILER yon!
Kanina pa ba siya nandiyan?
Ibig-sabihin siya yung tumatawag?
"I was with my ate before but now, I'm with my ate and brother, I'm 10 na po, how about you ate?" Balik tanong niya sa akin.
"Ate?" Gulat na tanong nung babae. Infairness! Maganda siya.
Ang ganda niya pero mas maganda ako. Bwahahahahaah!!
"I'm 22 years of age. Tann, do you want me to put some medicine to your small wound?" Marahan kong kinuha ang kamay niya at hinipan ng maliit na sugat roon sa kaniyang palad. Naglabas ako ng band-aid galing sa bulsa ng coat ko.
"Yes p-" He didn't finish his words because the girl stop him from speaking.
"No need. I can do it, besides. I'm a doctor and I'm also his sister, thanks for your concern. Let's go Chris and Christziler." She smiled. Hinawakan niya ang kamay ni Tann at tinawag ito, kasama si Ziler.
Tinago ko na lang ulit yung band-aid ko dahil yung ate na daw ang gagamot sa kaniya. Psh, edi ikaw ng doctor. Pake ko? Joke?
Magkakapatid pala silang tatlo?
Hindi nila kamukha yung girl.
Hinarap ko si Ziler at nagtaka ako nung makitang naghahabol siya ng hininga, malalim ang paraan ng paghinga niya at parang napipigil ng hangin kanina.
Nilagpasan na ako ni Tann at yung babae. "Hey, I've been calling you for how many times." Ngunit napatigil sila sa sinabi ni Ziler. Eh? What's wrong? Akala ko ba siya yung nakatayo kanina sa likod namin? Or kamukha niya lang?
"Ahh, I don't know that you were calling me, you didn't say my name, so I didn't know you were calling me a while." Inosenteng sagot ko.
"Do I need to say your name?" Tumaas ang kilay niya.
"Of course, paano ko malalaman na ako pala yung tinatawag mo." I pouted. Napatingin si Tann at yung girl sa amin. Pinapanood kaming nagsasagutan, hindi man lang tumulong!
"Why didn't you try to look at your back and check if someone is calling you?" Tanong niya pa.
That's not so me.
"Pag lumingon ako tapos hindi pala ako yung tinatawag mo. Edi, pahiya ako? Wag na! Uy!" Angil ko. "I'm too gorgeous to be embarrassed."
"Why didn't you still do it?" Taas kilay parin na tanong niya. Humawak pa siya magkabilaang niyang bewang.
"What makes you so handsome? With your handsome clear appearance, cool with your white doctor gown or whatever you call that. I'm falling." Hindi makapaniwalang sabi ko.
Hindi makapaniwalang tumingin siya sa 'akin. "Seriously?"
Umiling ako.
"Ang magandang artista na tulad ko ay hindi lumilingon! You should call my name!" Asik ko.
"Beautiful artist, huh?" Nakangising tanong niya at tumitig sa mukha ko.
"Why? Isn't true?" Kilay ko naman ang tumaas ngayon.
"It's not." Mabilis na tugon niya at ngumiti ng nakakaloko.
"Ows? Then, tell me I'm not beautiful." I pouted again.
He looked away. "Tsh, whatever, I just want to say something."
"What is it?"
"Can we talk it privately?"
Napangisi ako. "Sure, give me your phone."
"Why?" Naguguluhan niya pang tanong. "Basta!" Nilahad ko ang kamay ko.
Kahit naguguluhan ay dinukot niya sa bulsa niya ang cellphone niya at binigay sa akin. Binuksan ko ito at buti na lang walang password, his wallpaper is heart.
"Next time, you should change your wallpaper, I can be, and set your password, our monthsary." Sabi ko. Nakatitig lang siya sa 'akin at hindi nagsalita
Nilagay ko ang number ko doon, at gusto kong tumalon sa tuwa ng makita ko ang nilagay kong pangalan doon.
"My Future Wife"
"Just call me." Tumalikod na ako at iniwan ko siyang nakaawang ang labi. Kinuha ko ang susi ko at pinindot yon para i-unlock yng sasakyan ko.
Dumeretso ako sa condo ko at natulog. I am really sleepy. Ngayon lang ako babawi, one month? Nice! Wala akong ibang gagawin kundi matulog at gumala kung magkakayayaan ang mga friends ko.
Hapon na ng magising ako. Alas tres na pala. Napatingin ako sa damit ko sabay simangot. Hindi na pala ako nakapagpalit kanina, deretso tulog na kasi.
Bumangon ako at dumeretso sa Banyo. I took a hot shower to wake up myself, feeling ko kasi inaantok pa ako.
Dalawang oras akong nakababad sa shower hangang sa magdesisyon akong lumabas na. Wearing my bathrobe. I want to go out tonight, maybe bar? Kung saan masaya.
Pinatuyo ko na lang ang buhok ko, kinuha ko ang cellphone ko, I checked the time and it's 5:43 P.M.
I'm holding my phone and I was about to lay down when I heard my phone ring.
Tinignan ko ito. Napataas ang kilay ko ng makitang hindi registered yung number, pero still sinagot ko parin.
"What?" Bungad ko. I told you, ganyan ang bungad ko sa lahat ng tumatawag sa akin.
"Is that the way you answered your phone calls?" Sarkastikong tanong niya. Napakunot ang noo ko. Sino ba to? Lalaki to! Mababa ang boses at halatang bihira magsalita dahil sa tono ng pananalita niya.
"Look, I have no time to flirt with you." I was about to cut the line when I heard him chuckled.
"Really? Then why did you flirt with me at the elevator? Miss Yen?" Nanlaki ang mata ko at agad na napatayo mula sa pagkakaupo sa kama.
"Omg! Is that you, Ziler?" Gulat na tanong ko. Hindi ko maitago ang kilig at saya sa loob ko.
Pakshet!! Ang lakas talaga ng epekto niya!
"Ziler? Uh, nice nickname. Yes, It's me, so, I guess you don't have a time to flirt with me?" Mas lalo pang nanlaki ang mata ko.
"H-Ha? N-No, I'm about to go out tonight, would you mind if you join me?" Tanong ko. Sana pumayag!
Advantage to para sa paglalandi ko! Bwahahahahaah!
"H-hmm? Yeah, It's fine with me."
Muli akong napangisi. "Masyado ba akong mabilis manligaw? Hahaha! Ikaw ah! Baka ma-fall ka sa akin, di bale, sasaluhin naman kita."
"Tsh, Ikaw pa talaga ang nanliligaw? Hahaha! You're funny, silly girl." Parang naging musika sa pandinig ko ang pagtawa niya. Maging ang pagtawa niya ay nakaka-inlove.
"Kung manliligaw ba ako, sasagutin mo ako?" Muli kong tanong. Nakangiti pa ako.
"No."
Agad na nawala ang magandang ngiti ko sa sinagot niya. Parang tinusok ng karayom ang puso ko. Damn! I hate this feeling! Parte ba ng paglalandi to'?
Baka masyado lang akong masaya.
"A-Ahh, S-Sige, saan ang meet-up?" Pag-iiba ko ng topic. Para makaiwas sa ilang.
"W-Where are you?" Hindi ko alam kung nag-iimagine lang ako pero parang kinakabahan siya.
"I'm here at my condo, why?" Nagsimula na akong humanap ng damit ko sa walk in closet ko.
"I'll fetch you there, what room?" Talaga lang ah? Level up! Kanina ko lang siya nakita ay ESTE nilandi.
"Tch, tch, tch. Iba na yan ah, anong tawag diyan? Wala pang isang araw e nahulog ka na sa akin?" Iiling-iling pang sabi ko habang nakangiti. Parang hindi nasaktan kanina ah.
"Tsh, don't give me a bullsh*it, I like someone else, it's not you and it will never be you. I just need something."
Ang ngiti ko ay mabilis na naglaho sa sinagot niya, tulad ng kanina. Ang deretsa talaga ng bibig niya! Halikan ko kaya to ulit! Hahaha!
Sumeryoso ako. "Okay, 997 ang room ko, kita na lang tayo mamaya, 6:30."
"H-He-" I didn't give him a chance to speak because I cut the line.
Mabilis akong nagpalit ng damit, simpleng black croptop at black sandals na may kaunting takong, skirt na black at black din na pouch. Trip ko nga mag-black ngayon!
Naglagay din ako ng black na hikaw. Inaayos ko pa ang damit ko ng may mag-doorbell.
Lumabas ako ng kwarto ko at dumeretso sa pintuan. Binuksan ko ito at tumambad si Ziler. Hindi ko napansin na lumipas na pala ang oras dahil busy ako sa pag-aayos ng sarili ko. 6:30 na pala?
"Hey!" Masiglang bati niya.
Tinanguan ko lang siya. "Wait here, kukunin ko lang yung pouch ko." Tumalikod na ako at akmang lalakad na ng hawakan niya ang braso ko. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko bago tumingin sa mata niya. Nagtama ang mata naming dalawa.
"Are you mad?" Tanong niya. Gago mo! Ikaw ba naman sabihan ng crush mo na may gusto na akong iba at hindi ikaw yon. E di magagalit ako!
Nag-iwas ako ng tingin. "No. There's nothing to be mad about. Wait here." Hinila ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya at bumalik sa kwarto para kunin yung pouch ko.
Nang makapasok ako sa kwarto ko ay napahawak ako sa dibdib ko, saka napasandal na sa pinto. Pakshet! Ang lakas talaga ng epekto niya! Parang sasabog ang puso ko dahil sa mga tingin niya.
Ilang segundo pa akong mag-stay sa posisyon na yon bago kunin ang pouch ko saka lumabas. Naabutan ko naman siyang nakasandal sa labas ng room ko habang nakapamulsa.
Agad siyang umayos ng tayo nang makita ako. Tumikhim muna ako bago nagpaunang maglakad. "Let's go." Anyaya ko at sumunod naman siya.
Pumasok na kami sa elevator, mabuti na lang at may isang lalaki at isang babae sa elevator, akward kasi kung dalawa kami tapos walang nagsasalita.
Knowing what happened here this morning.
Wala akong balak na kibuin siya, masakit yung sinabi niya! Tangina lang. Malamang ay hindi rin siya kikibo, sobrang tahimik niya kaya posible talaga.
Minsan lang ako mag seryoso sa panlalandi ko tapos choosy pa siya!
Bakit kasi gusto ko siya?
"Ahm, Miss Xylisa?" Nilingon ko yung lalaking tumawag sa pangalan ko.
"Yes?"
"Can we take a picture?" Nahihiyang tanong niya. Natawa ako sa kaniya. "Hahaha! Of course!"
"Ahh, Bro? Can you take us a picture?" Nagulat ako maging si Ziler ng lumapit yung lalaki sa kaniya at inabot ang camera.
"What?" Hindi niya mapigilang itanong iyon. "Pwede mo ba kaming kuhanan ng litrato? Hehehe, hindi ka naman niya boyfriend diba'?"
Tabber niya!
"Why would I do that?" Naiinis ng tanong ni Ziler.
He's short tempered.
"Why not? C'mon! Kukuhanan mo lang naman kami ng litrato ng mahal ko, hehe." Natatawang sagot naman nung lalaki. Napatingin ako dun sa babae, nagkibit-balikat lang siya bago ituon ang atensiyon sa dalawa na mukhang nagkakainitan na.
"Mahal? What the f**k is that? I won't do it! Do it your self. Assh*le" Inis niyang sabi.
Napatigil yung lalaki. "What the! Ano bang problema mo ha?! Nagtatanong lang naman ako kung pwede mo kaming kunan ng litrato pero kung nakaasta ka na parang boyfriend ka niya!?" Hindi na rin nakapagpigil yung lalaki.
Nang dahil sa litrato nag-aaway sila?
Bago pa sila magsuntukan ay pumagitna na ako sa kanilang dalawa. "Hep, hep, hep! Stop it, pwede ba? Magkita na lang tayo next time tapos saka tayo mag-picture, hehehe, may pupuntahan kasi kami." Mahinahon kong sambit.
Ang galit niyang mukha ay napalitan ng masayang mukha. "Sige ba! Eto yung number ko oh." May kinuha siya sa bulsa niya. "Here." Inabot niya sa akin ang isang calling card, wala akong nagawa kundi ang tanggapin iyon.
TING!
Mabuti na lang at bumukas na yung elevator, himala yata at walang mga tao ngayon kaya sa exit na tumigil ang elevator.
Naunang naglakad si Ziler kaya hinabol ko siya. Mas mahaba ang binti niya kumpara sa akin kaya kailangan ko siyang habulin.
"Hey! Wait lang! Baka madapa naman ako." Inis na singhal ko at mas binilisan ko pa ang lakad ko para maabutan siya.
WTF!!?
What the hell is his problem?! Susunduin niya ako tapos iiwanan din? Nyem*s!
Hangang sa parking lot ay hindi parin siya tumitigil, napapatingin na sa amin yung mga tao pero hindi ko ito pinansin. "Isa, pag ako talaga nadapa!" Sigaw ko pa pero hindi talaga siya nagdahan-dahan. Wala akong choice kundi ang tumakbo para maabutan siya.
"Dalaw- Aray!" Bibilang pa sana ako ng dalawa ng bigla akong matapilok sa malaking bato. Tuloy ay nadapa ako! Tch! Kasasabi ko lang e!
Pilit akong tumayo habang wala pang nakakakita. Nakakahiya kung nagkataon! Shockkss! Mabuti na lang ang gabi na! Tangina, sakit.
Mabilis naman niya akong dinaluhan. "Hey! Are you okay? May masakit? Where? Let me see it, I'll treat it." Sunod-sunod na sabi niya.
He's a doctor.
Napatitig ako sa kaniya, halata sa mukha niya ang pag-aalala habang sinisipat ako, parehas na parehas kay Tann. Si Tann! Magkapatid nga sila.
"I'm okay." Hinawakan niya ang kamay ko at tinulungan niya akong tumayo.
"Let me see your knees." Lumuhod siya para sipatin ang tuhod ko, kaunting gasgas lang naman na kayang gamutin ng ointment.
"An famous artist have it," He whispered.
"Ano yan?" Tanong ko, may kinuha siya sa bulsa niya at dinikit sa gasgas ng tuhod ko.
"Band-aid, stupid me." He whispered the last words.
"Sorry naman! Maka-Stupid ka naman!" Inis na sabi ko at muli at nagpaunang maglakad. Hindi ko ininda ang sakit ng paa ko. Natapilok e.
"Mas tanga siya ah! Nilalandi ko na nga siya tapos ayaw niya pa?! Ha! st*pid! Malaking kawalan ako no'!? He can't find another me, I am limited edition!" Inis na bulong ko sa sarili ko.
"Where are we going?" Hindi ko napansin na tumabi siya sa akin at sinasabayan akong maglakad. "Let's eat." Sagot ko para itago ang inis na namuo sa damdamin ko. Naks!
"Where are we going to eat?" Tanong niya pa. Napaisip naman ako kung saan pwedeng kumain. Wala namang malapit na resto sa building ko, "Sa J. Park Garden Restaurant na lang." Sagot ko sa tanong niya.
"Ahh, so what do you want to eat?" Tanong niya ulit.
"You."
Napatigil siya sa paglalakad. Napatigil din tuloy ako. "W-What?"
Napatigil din ako at nilingon siya, ngayon ko lang narealize yung sinabi ko. "St*pid, I said you, what do you want to eat." Ngumisi ako. "Don't tell me, your thinking that I will eat you?"
"Tch! Faster! I have duty tomorrow." Sabi niya at nagmamadaling sumakay sa sasakyan niya na katabi lang ng sasakyan ko. Coincidence!
Iiling-iling akong sumunod na lang sa kaniya.
Lumapit ako at kumatok sa bintana niya, binuksan naman niya iyon. "Hey! Hindi mo na ba ako isasabay?"
"No way, you have your own car. Drive your own," Mabilis na sagot niya. Inirapan ko siya. Aksidente kong natapakan ang isang card at napagtanto kong calling card yon nung lalaki kanina sa elevator. Nabitawan ko siguro.
Yumuko ako para pulutin iyon. "What are you doing?" Hindi ko siya pinansin at pinagpag yung card na nadumihan dahil natapakan ko.
"Ha Jae Seok?" Basa ko sa pangalan niya. Korean siya, may korean name sa taas ng pangalan niya. Unfortunately, hindi ko mabasa at hindi naman ako marunong mag Korean.
"Tsk, don't tell me..... you have a plan to meet him?" Napatingin ako kay Ziler ng magsalita siya.
Nginisian ko lang siya at kinawayan. "Kita na lang tayo don!" Sigaw ko pa at sumakay na sa sasakyan ko.
Pinaandar ko na ito at minaneho papunta sa restaurant. Nasa likod ko si Ziler.
I can't help but to smile.
Hindi ko maiwasang mapatingin sa calling card, kung saan nakasulat roon ang pangalan nung lalaki kanina, kaya pala ganon na lang ang pananalita niya ng Tagalog kanina dahil koreano pala siya, bahagyang nakatagilid siya kanina kaya hindi ko masyadong natignan ang mukha niya, ngunit nasisiguro kong gwapo ito, matangos ang ilong, singkit ang mata, maputi, hindi masyadong maliit at ayos naman kung pumorma. Naalala ko tuloy yung offer sa akin ni Mister Lee, yung kaibigan ni Uncle Dy na koreano din. Inalok niya ako kung pwede daw ba akong gumanap sa isang serye kung saan ay isang koreano ang leading man ko. May pitong buwan pa ako para magdesisyon kung papatulan ko ba.
Sabi ko ay paano ako gaganap sa isang Korean drama kung hindi naman ako marunong ng lenggwahe nila. Pero ang sagot naman niya e, wala daw problema kung hindi ako marunong mag Korean dahil marunong naman daw mag English yung koreano kaya hindi na daw ako mahihirapan sa pakikipag-usap sa kaniya. Pagpasensyahan ko na lang daw ang kasungitan non pero magaling daw siyang artista at bagay na bagay daw kami. Maari ko nga daw siyang magustuhan e.
Hindi ko naman kilala kaya paano ko magugustuhan? Ni Hindi ko alam ang itsura o pangalan e.
Sabay kaming nagparada at bumaba ni Ziler sa sasakyan namin. Sabay din kaming pumasok ng hindi nagkikibuan. Pinili na lang namin yung lamesa sa dulo ng restaurant.
Para iwas issue. Diba', sa panahon ngayon ay nai-issue na ang lahat, ultimong maliit na bagay ay kumakalat. Ganyan ang mga walang kwentang tao.
"Let's eat." Masayang sambit ko at kinuha ang spoon at pork saka nagsimulang sumubo.
"Yeah?" Tipid na sagot niya at ginaya akong kumain na din.
"So, anong pag-uusapan natin? Hindi mo naman siguro ako pipilitin kung hindi important diba'?" Panimula ko.
Napatigil siya sa pagnguya at nagtatakang tumingin sa akin. "What pinilit?"
"St*pid! As in force, you force me to go out with you."
Napaawang ang labi niya. "Your unbelievable."
"I am your loving wife soon." Sagot ko sa kaniya.
Kumunot ang noo niya. "What's the connect?"
"Wala naman, sinasabi ko lang para aware ka." Sagot ko.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya para pigilan ang pag ngiti. How cute!
"Tsh, paano mo nasabi na ikaw ang magiging asawa ko?" Tumaas na naman kaliwang kilay niya.
"Sesh, I feel it. Hahaha! Yang mga tingin na yan sa akin? Bwahahahahaah! Alam ko na yan! Ganyan na ganyan din ang tingin ko sa First Love ko!" Mahabang sabi ko at uminom ng red wine.
"May first love ka pala?" Tanong niya. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Oum, kaso....."
"Mmm?"
"....may iba siyang gusto?" Tuloy ko. "He's funny."
Bigla tuloy akong nalungkot sa sarili kong sinabi. Tch! Masyadong makapal ang mukha niya. Maswerteng lalaki siya kung tutuusin dahil siya ang first love ko. Choosy din kase, tulad nitong nasa harap ko.
Hindi siya nagsalita at tumingin lang sa akin habang dahan-dahang ngumunguya. "Since I was elementary, he was my first love, one day at the parking lot, I confess to him about what I feel towards him but you know what?"
"What?" Mahinang tanong niya.
"He like someone else and that is my best friend, Jadella Garden, isn't funny?"
Hindi siya sumagot at sumandal sa upuan niya tsaka pinag-krus ang mga braso at deretsong tumingin sa akin, na parang gusto niyang makinig sa mga kwento ko.
"Ako yung laging kasama niya pero sa bestfriend ko siya nahulog." Mapait akong napangiti.