"Does Jade know that?" Tanging naitanong niya pagkatapos kong i-kwento sa kaniyang mga ginawa ko kay Finick.
Tumango ako. "Hmm, alam niya pero walang pakialam si Jade don, si Doc De Guzman na lang ang gusto non, swear to god."
Bahagyang namilog ang maganda niyang mata. "My friend? I remember days ago Mix told me about Jade, about the kiss thing. So, he's my friend."
"Oh? Kaibigan mo pala? Nice! Coincidence! Talagang tayong dalawa ang destiny ah! Haha!" Biro ko.
Inirapan niya ako. "Tch, about Christann, he want me to get every info about you." Bumuntong-hininga siya at mukhang nahihiya pang magsabi. Dahil ba talaga kay Tann?
"Tsk, He's my huge fan, huh?" Natatawang tanong ko.
"Yeah, every corner of his room have a picture of you, he really like you a lot." Dagdag niya.
Napatingin ako sa pagkain niya at napansing ubos na pala niya. Bilis niyang kumain! Samantalang yung akin ay medyo marami pa. Mas naparami ang pagsasalita ko kaysa sa pagkain ko, mukha naman siyang interesado sa mga sinasabi ko, hindi man niya sabihin pero nahahalata ko naman sa kaniya.
"How about you?" Ako naman ang nagtanong saka sumubo ng steak.
"Me? Nah! I don't like you, in Tagalog, hindi kita gusto dahil may iba na akong nililigawan."
Napaawang ang labi ko. "What the he—" He cut me off.
"Mas mabuting umiwas na tayo sa isa't Isa at tigilan mo na ang paglalandi mo sa akin, may nililigawan na akong iba, ayokong isipin niya na nililigawan ko siya pero iba ang kasama ko." Dagdag niya na mas lalong nagpagulat sa akin. He's not fluent in tagalog, tangina.
"Tinatanong ko kung fans ba kita, hindi ko tinatanong kung gusto mo ba ako, ilang beses mo bang sasabihin na hindi mo ako gusto? Kasi masakit e, tangina!" Inis na sabi ko.
For a while, i forgot that i am an famous artist because of this man.
Natigilan siya at napapahiyang tumungo. Hindi niya alam ang sasabihin niya. "I-I'm s-so—" This time i'm the one who cut him off.
"Pero sige, pagbibigyan kita, Iiwasan kita, at hindi na kita lalandin. Sorry for doing that, I hope we don't see each other again. I'm so sick of hearing you saying that kind of words, a day." Mahinahon at seryosong dagdag ko saka tumayo.
"Wai—" For the second time, I cut him off again.
"Thank you for tonight, I'll go first, don't worry about the bill here because I already paid it." Sinadya kong tumigil sa tabi niya. Nakaupo lang siya at nakatayo naman ako. Nakatingin siya sa upuan ko at hindi man lang ako hinarap.
"Dahil sa susunod na magtagpo ang landas natin ay hindi-hindi mo na ako mahahawakan." Sabi ko at yumuko patagilid para siilin siya ng halik, nanlaki ang mata niya sa gulat ngunit pumikit rin kalaunan at hinayaan akong siilin siya ng halik, hindi siya tumugon ngunit hindi rin siya nagreklamo.
Kusang pumikit ang mga mata ko at ninamnam ang matamis niyang labi, marahan lang ang paghalik ko sa kaniya. Yung may pagmamahal siyang madadama at halik na hindi ko pa naibibigay sa iba, sa kaniya pa lang.
Wala akong pakialam kung may makakita sa amin, nasa dulo kami ng resto kaya sigurado akong walang nakakita.
Hindi ko namalayang naihawak ko na pala ang kamay ko sa dibdib niya at hawak na niya yung siko ko kaya agad akong humiwalay ng halik at mabilis na inalis ang kamay ko sa kaniya. Ganon din siya. Bahagya pa akong nagulat ng habulin niya ang labi ko ng ihiwalay ko ito, bakas ang pagkapahiya sa mukha niya dahil sa ginawa niya. Agad siyang nag-iwas ng tingin.
Bumuntong-hininga na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Ang inaasahan ko ay susundan niya ako pero mukhang nagkamali ako.
Nakasakay na ako sa sasakyan ko pero walang Ziler na sumunod. Nilingon ko siya at nanatili siyang nakaupo sa inupuan namin kanina. Nakatingin lang sa upuan ko at hindi gumagalaw, na para bang nag-iisip siya ng malalim at pinag-iisipan kung ano ang sunod na gagawin niya.
Nasapo ko ang noo ko at pumikit na lang para pigilan ang nagbabadyang luha. Tangina!
Siya ang kauna-unahan na lalaking iiyakan ko pag nagkataon. Tch, bakit ba kasi ang lakas ng epekto niya sa akin? Punyem*s! Ilang beses ko na bang sinabi yan ngayong araw?
Posible pala yon?
Yung isang araw mo palang na nakita pero iiyakan mo na dahil lang sa sinabi niya na hindi ka niya gusto?
Napaka-komplikado ng nararamdaman ko, wala pang isang araw na nakasama ko siya pero bakit parang nasasaktan ako sa katotohanang ako lang yung nakakaramdam ng pagkagusto sa kaniya.
One-sided Love ang puta.
Marahil ay nagustuhan ko lang talaga siya at hindi pa naman malala, kaya mas mabuting umiwas na lang siguro ako sa kaniya.
Lalo na't nabanggit niya sa akin na may nililigawan na siya, maswerteng babae siya kung ganon.
Bumuntong-hininga na lang ulit ako at pinaandar ang sasakyan ko, saglit kong nilingon si Ziler ay nagulat ako ng nagtama ang tingin namin, mabilis akong nag-iwas ng tingin at inatras ang sasakyan ko saka minaneho papuntang Fantasy Bar.
Hindi malayo iyon kaya agad akong nakarating doon, sinalubong ako ni Mia at Haze, kaibigan namin ni Jade. Gusto ko sanang nandito si Jade pero naka-alis na yon panigurado. Pabalik ng Nueva Ecija, ang totoo niyang tahanan.
"Ngayon ko na lang yata nakita na lumabas ka ah. Hahaha! Stress ba?" Biro ni Mia nang makaupo na kami sa dati naming upuan at sumenyas kay Top na magdala ng drinks dito sa table namin.
"Yeah, sobrang stress! Tapos may dumagdag pa! Letse!" Sagot ko.
"Salamat." Sabi ko kay Top ng ilapag niya ang inumin namin. Nginisian niya lang ako at bumalik na sa counter. Wirdo talaga ang isang yon.
"Eh? Ano naman yang dumagdag na sinasabi mo?" Tanong naman ni Haze.
Nagsalin ako ng alak sa baso ko. "Lalaki." Tinungga ko ang laman non.
"Oh? Bago yan ah! Ano, gwapo ba?!" Excited pang tanong niya habang nagsasalita ng alak sa baso niya.
Tumango ko. "Sobrang gwapo pero may nililigawan na raw at gusto niyang lumayo ako sa kaniya kasi daw baka ano ang isipin nung nililigawan niya." Mapait akong napangiti.
"Weh? Siya lang ang gumawa non sayo, HAHAHAH!" Tumawa silang dalawa.
Inirapan ko sila at nagsalin ulit sa baso ko saka mabilis na tinungga iyon. Gumuhit ang pait sa lalamunan ko pero hindi ko na pinansin iyon.
"One month akong walang trabaho ngayon. San niyo gustong pumunta? Pwedeng-pwede ako. I'm free!" Pag-iiba ko ng topic. Ayokong pag-usapan yong lalaking yon, malamang ay may duty yon. Doctor ba naman, if i'm not mistaken, he's a third year medicine student.
"Tsk,tsk, Iniiwas mo talaga yung topic ah. Hahaha! Don't worry. Hehe, ganyan din ako sa crush ko, ang gwapo niya! Pero may gusto din siyang iba! Tangina! Kilala niyo ba siya?! Siya si Lucky Rex Anzale!" Tuloy-tuloy na sambit ni Mia.
Inirapan ko siya at sumandal sa inuupuan ko. "Walang nagtatanong." Pambabara ko.
"Bakit ba! SKL!" Umirap din siya.
"Lucky? As in yung kasama kong artista?" Tanong ko.
Tumango siya at sumandal din sa upuan niya. "Yeah, It's's him, siya yung si Fed na kapatid ni Mayana!" Sarkastikong patukoy niya sa ginanapan namin na serye, si Lucky bilang kapatid ni Mayana at ako yon.
"Oohh, ayaw niya sa yo?" Nakangising tanong ko.
Ngumuso siya. "Uh, ayaw daw niya ng commitment pero kung halikan ako wagas! Tangina!" Mura niya at lumagok din ng alak. Puno pa naman ang laman ng baso niya kaya malasing to agad.
Nag-iwas ako ng tingin. Ganon din kasi ang ginawa ko kay Ziler. Kahit hindi siya gumanti ayos lang, hindi rin naman siya umangal.
"Tangina?! Naglaplapan kayo!?" Gulat na tanong ni Haze.
Muntik ko ng maibuga ang iniinom ko sa biglaang tanong niya.
"Tangina, Haze! Pwede namang Kiss lang diba'? Hindi yung laplapan! Sagwa pagkinggan!" Singhal ko sa kaniya.
Natawa siya. "Alam mo, ang O.A mo, ano ba kasing pinagkaiba non? Bwahahahahaah! Someday malalaman mo din yan, yung tipong ikaw yung unang hahali—" Agad ko siyang pinutol. Nag-iimagine na naman.
"Ano ba! Tama na! Tangina! Tigilan niyo na yang ganyang usapan! Tch." Inis na sambit ko.
Tumawa na naman silang dalawa. "Bwahahahahaah!" Hindi malayong may nalalaman na sila, dahil sa ganitong reaksiyon ko. Hindi kasi ako O.A dati, hindi tulad ngayon.
Isang araw na pag-ibig? Pota! Ako lang pala yung may pag-ibig! Mali! Hindi ko siya mahal ah, crush ko lang siya.
"This song is dedicated to my girl. She is so beautiful yet smart." Napatingin kami sa pabilog na stage ng marinig namin ang boses ni Top. Nakatayo siya sa gitna at may hawak na gitara, nasa harapan ng mukha niya ang mikropono na siyang ginamit niya para makuha ang atensiyon ng mga tao.
Agad na naghiyawan ang mga tao sa sinabi niya, naglingunan sila sa table namin ng tumingin sa gawi namin si top kaya ngumiti at kumaway lang ako sa kanila. Bakas ang gulat sa mga mata nila at parang hindi makapaniwalang nandito ako at nagsasaya.
Nagsimula ng tumugtog ang music.
"Tinamaan na talaga siya no'?" Iiling-iling na tanong ni Mia habang nakatingin sa stage. Si top ang tinutukoy niya.
"Oo nga, e. Sino kaya yung babae no'?" Sabi ko naman.
"Ang gwapo ng pinsan mo Xy! Kung pwede lang na akin na siya e. Tsk, baka kasi magselos yung bebe ko."
"Yeah, baka pinsan ko yan! Haha!" Pagmamalaki ko kay Top, na kumakanta na.
I wonder what happened to him.
"Sino nga palang magseselos?" Gulat na tanong ko.
Mapait siyang ngumisi. "I'll tell you some other time." Agad siyang nag-iwas ng tingin.
Hindi ko na nagawang kausapin pa sila dahil nagsimula ng kumanta si Top.
Bakit ba hindi pwedeng maging tayo
Ang nais mo ay kaibigan lang ako
Dinamdam ko ng lubos ang mga sinabi mo
Wala na ba akong pag-asa sa puso mo
Malumanay ang paraan ng pag kanta niya, hindi agresibo, at may pinapatamaan. I wonder who was it.
Pagnakikita ka ako'y nangangamba
Lagi kang umiiwas sa tuwing lalapitan kita
Natahimik ang lahat at tumuon sa kaniya ang atensiyon ng lahat. Nilibot ko ang paningin ko at naagaw ito ng isang babae na nakayuko at mukhang umiiyak. Maputi at maganda siya. Siya lang ang natatanging nakayuko.
Ba't 'di mo pagbigyan ang pag-ibig ko
Tapat naman ang puso ko sa 'yo
Bigyan sana ako kahit konting pagkakataon
Ba't 'di mo pagbigyan ang pag-ibig ko
Lahat ay gagawin para sa 'yo
Nakikiusap sa konting pagkakataong
Mahalin mo
Nakapikit si Top at animong dinadamdam ang kinakanta. Pinsan ko siya sa ama, siya ang pinaka-close kong pinsan na lalaki, bukod kasi sa nandito siya ay lagi niya akong nililibre. Hehehe.
Sana ay magbago ang damdamin mo
At dinggin mo ang pakiusap ko
Makasama ka kahit saglit ay tatangapin ko
Patutunayan ko sayo mahal kang totoo. Ngunit pag nandyan ka na
Ako'y walang magawa
Lagi kang umiiwas sa tuwing lalapitan kita
Gwapo si Top, sakto ang katawan at magaling kumanta, habit niya na yan simula pagkabata, Minsan pa nga ay kinakantahan niya ako dahilan para makatulog ako. Lagi siyang nasa bahay, lagi kaming nagbo-bonding pero naging madalang na lang nung mag-focus ako sa pag aartista.
Ba't 'di mo pagbigyan ang pag-ibig ko
Tapat naman ang puso ko sa 'yo
Bigyan sana ako kahit konting pagkakataon
Ba't 'di mo pagbigyan ang pag-ibig ko
Lahat ay gagawin para sa 'yo
Nakikiusap sa konting pagkakataong
Mahalin mo....ohhh...mahalin mo.
Ba't 'di mo pagbigyan ang pag-ibig ko
Tapat naman ang puso ko sa 'yo
Bigyan sana ako kahit konting pagkakataon
Ba't 'di mo pagbigyan ang pag-ibig ko
Lahat ay gagawin para sa 'yo
Nakikiusap sa konting pagkakataong
Mahalin mo....ohhh...mahalin mo
Pumalakpak ang lahat ng matapos niya ang kanta, ngunit ang kaniyang paningin ay naroon sa babaeng nakaagaw ng pansin ko kanina.
Nagulat kami ng biglang tumayo yung babae, agad naman na binaba ni Top ang gitara niya at hinabol yung babae, hindi pa tuluyang nakakalayo yung babae kaya nahabol niya pa ito. Tulad kanina ay tutok ang mga tao sa kanila, mas sobra lang ngayon. Mas tumahimik din ang lugar.
Hinawakan ni Top sa braso yung babae para pigilan pero inagaw nung babae yung braso niya tapos humarap kay Top kasabay non ang malakas na pagsampal niya rito.
Pak!
"I h-hate you." Mahina ngunit dinig namin. Non ko lang napansin na namatay pala ang tugtog sa bar. Kaya malaya namin silang mapanood at marinig.
"Please, Don't say that, I'm so Inlove with you, please, I can explain everything about yo—" Naiiyak na ani Top at pinipilit na lumapit sa babae pero panay ang atras nito.
"I really really hate you for hurting me." Umiiyak ng sambit nung babae.
"K-Kailan ba kita sinaktan? Sa P-Pagkakatanda ko k-kasi ay masaya pa t-tayo non e, t-tapos kinabukasan ay n-nakipag hiwalay k-ka sakin ng w-walang dahilan? Now, t-tell me. Ako p-pa ba yung n-nananakit?" Gumaralgal na ang boses ni Top at halatang nagpipigil ng iyak. Naawa ako sa itsura niya. Kaya pala ang wirdo niya nitong mga nakaraang araw dahil may pinagdaanan pala siya.
Natigilan yung babae. "W-What do you m-mean? Hindi ba't sinabi mo sa Mommy mo na g-ginamit mo lang ako?"
"M-Mom? Ano? Hindi ko maintindihan."
"Your mom told me that you just used me to prove that your not gay. She offered me a money to stay away from you," Sagot nung babae.
Live drama, nice! Magaling sila pero mas magaling akong umarte.
"K-Kaya mo a-ako iniwan? B-Because of t-that?" Hindi makapaniwalang tanong ni Top.
Nahihiya man ngunit tumango yung babae. "I'm sorry, k-kung i-iniwan kita n-ng dahil lang s-sa mom mo, I'm really really sorry, sana mapatawad mo ako, alam kong n-nasaktan kita."
Mabilis na naging baliktad ang usapan nila, kanina si top ang humihingi ng tawad ngunit yung babae na ngayon ang gumagawa non.
Hindi namin inaasahan ang susunod na gagawin ni Top, napasinghap ang lahat ng hapitin niya ang babae at siniil ng halik, agad namang gumanti ang babae.
"Akala ko live drama, live p*rn pala. P*nyeta." Dinig kong bulong ni Mia.
Natawa ako sa kaniya, mukhang parehas kami ng iniisip, si Haze naman ay maluha luha na habang nanonood sa dalawang kasalukuyang naghahalikan.
Ngunit hindi nagtagal ay naghiwalay din sila, may binulong si top sa babae. Napangiti naman yung babae.
Napaigtad ako ng bigla silang tumingin sa gawi ko, hinawakan ni Top yung kamay ng babae saka sila sabay na lumapit sa amin.
"Xy..." Tawag ni Top.
"Oh?"
"Hehehe, pwede ka bang kumanta?" Nahihiyang tanong niya.
Nagulat naman ako. "Ano?! Ikaw na ah! Hindi naman ako marunong, bakit hindi ikaw ang gumawa? Tutal, Ikaw naman ang may gusto."
"Tch, Sige na. Nandito si Finick." Sabi niya at lumingon sa kung saan. Agad akong lumingon don at nagulat ako ng nagtama ang tingin namin ni Finick.
Hindi tulad non na kapag nakikita ko siya ay parang may kumikiliti sa puso ko, may spark ang tingin ko sa kaniya noon pero wala na ngayon. Alam kong dahil ito kay Ziler.
Ang ilang taon kong paghanga kay Finick at natumbasan ng isang araw ng paghanga kay Ziler.
Bakit lahat ng lalaking gusto kong seryosohin ay may mahal namang iba?
Matatawag ko pa bang tadhana to?
"Ano namang kakantahin ko?" Kunot-noong tanong ko.
Ngumiti siya. "Ikaw ba? Kung anong gusto mo, it's up to you, Ikaw ang kakanta, hindi ako."
"Ayoko na!"
"Sige na! Ngayon lang e." Pakiki-usap niya.
"Ayaw mo yon, mas rarami pa ang fans mo?" Nakangising tanong niya pa. Diyos ko! Hindi ko lang to pinsan, tinadyakan ko na siya!
"Hindi ko kailangan na kumanta para magpadami ng fans, natural talaga na marami akong fans." Ako naman ang ngumisi.
"Yabang! Sige na! Para makita ka din na kumanta ng ultimate crush mo." Sumulyap ako kay Finick at muli akong nagulat ng magtama na naman ang tingin namin.
Nag-iwas ako ng tingin at padabog na tumayo. "Tch, pasalamat ka!"
Ngumisi lang siya at umupo sila nung babae sa tabi ni Mia at Haze na nakangisi. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa stage at dinampot ang gitara ni Top.
Lumapit ako sa banda na nasa likod ko. Nakangiti silang tumingin sa akin. "Kuya—" Naputol ang sasabihin ko ng may sumabat. Napalingon ako sa likod ko. Naroon ang isang lalaki na malawak na nakangiti sa 'akin.
"Hi! Can you sing this?" Pinakita niya sa akin ang cellphone niya.
"Pwede mo namang sabihin ah, Doc Mix." Sabi ko.
Ngumisi lang siya. "Hahaha! Pwede ba?" Humalakhal pa siya.
Bumuntong-hininga ako at tumango, sinabi ko kila kuya yung pinapakanta niya. Nakangiting tumango lang sila. Bumaba na si Doc Mix at pumuwesto sa harapan, nagulat pa ako ng ipatagilid niya ang cellphone niya, alam kong kukuhanan niya ako ng video.
Is he planning to post it in social media?
Muli akong bumuntong-hininga at hinawakan ang mikropono. Nagsimula ng tumugtog ang music habang ako ay kumukuha lang ng tamang tyempo para kumanta.
Ng marinig ko ang hudyat at nagsimula na akong kumanta.
Somebody said you got a new friend,
but does she love you better than i can?
And there's a big black sky over my town
i know where you're at, i bet she's around
Sa hindi malamang dahilan ay natutok ang mata ko sa camera ni Doc Mix. May nagsasabi sa akin na dapat ay nandoon ang mata ko, ang lakas ang kutob kong ipapakita niya ito kay Ziler.
Pero mukhang hindi naman ito pagtutunan ng pansin non. Masyadong busy sa nililigawan.
Baka ngayon ay busy siyang nanliligaw sa nililigawan niya, nakonsensya ako nung sinabi ko na pag nagkita kami ay hindi na niya ako mahahawakan. Paano na yung information ko para kay Tann? Tsk,
Pag malapit siya sa akin ay parang gustong-gusto ko siyang yakapin, tapos sinabi ko yon? Baliw na yata ako. Paano na lang pag nagkita kami? Baka ako pa yung yumakap sa kaniya.
Mas mabuting umiwas na talaga siya sa akin, maging ako. Dahil kapag sa oras na hindi ko mapigilan ang sarili ko ay ako mismo ang yayakap sa kaniya.
Ayokong makasira ng relasyon nila, kahit pa nililigawan pa lang niya ito, kaya kong magpaubaya don sa babae. Tutal, hindi ko pa naman masyadong gusto si Ziler.
Pumikit ako at dinama ang bawat lirika ng binibigkas ko, kung sana ay naririnig niya ito, sasabihin kong kaya ko ang wala siya.
Tch, siya lang ba ang may love-life?
Kaya ko din naman humanap.
Nagmulat ako ng mata at tumama iyon kay Finick na katabi ni Doc Mix. Nakangiting nag-uusap silang dalawa. Hindi ko naman marinig.
Nakangiti silang dalawa habang nag-uusap. Mukhang may sinasabi si Finick kay Doc Mix. Nakangiting tumatango tango naman si Doc Mix. Ano naman kaya ang sinasabi niya at parang masaya pa si Doc Mix?
Hindi ko na muling nabaling pa ang atensiyon ko sa Camera ni Doc Mix dahil na kay Finick na ang atensiyon ko.
Pinapakiramdaman ko ang sarili ko kung may nararamdaman ba ako sa kaniya. Gusto kong malaman kung infatuation lang ba ang nararamdaman ko kay Ziler.
Bumalik lahat ng masaya na ginawa namin ni Finick, nung pumunta kami sa beach ang pinaka-memorable para sa akin.
That time, I confess to him about my feelings. Basted ako at inaamin ko yan. First time kong mainlove sa bata kong edad, first time ko lang din mabasted sa bata kong edad. Punyetang buhay to.
Deserve ko ba to'?
Kahit kailan hindi ko na-imagine na lalayo si Finick sa 'akin nung umamin ako. Kung alam ko lang, it would be better if i didn't confess my feelings to him, baka sakaling nakakasama pa namin siya t'wing may ayaan ang tropa.