Chapter 4

3129 Words
Mataas ang tono ngunit nakayanan ko, mahirap pero nagawa ko, hindi ako singer pero maganda ang boses ko. Tch. Habol ko ang hininga ko ng dahil sa mataas kong kinanta. Maling ideya talaga na pumayag ako, p*nyemas! Ansakit ng lalamunan ko! Letse! *Clap**Clap**Clap**Clap* Nagpalakpakan ang mga tao ng matapos kong kumanta. Bahagya kong niyuko ang ulo ko, binaba ko ang gitara sa upuan na nasa gilid ko tsaka saglit na nagpaalam sa band. Tumugtog narin yung natural na music ng bar. Ang mga tao ay bumalik sa pagsasaya. Pero ang Ilan ay sumusulyap parin sa gawi ko. Nakangiting bumaba ako ng stage at bumalik sa upuan namin. Sinalubong ako ng ngiti nila Top. Nyeta! "Naks, ganda ng boses ah." Sabi ni Top at ginulo ang buhok ko. "Ang taas pa." Dagdag niya. Tinapik ko ang kamay niya. "Wag mo nga akong hawakan, baka magselos yung bebe mo." Sabi ko. Hindi nakaligtas sa akin ang pamumula ng pisngi nung babae sa sinabi ko. "Tsh, Her name is Jasmin Muza." Bumaling siya kay Jasmin daw. "Love this is, Xylisa, my brat Cousin. Xy this is Jasmin, my girlfriend." Brat? What the hell? "Hey! You freak!" Asik ko kay Top. "By the way, Nice to meet you, I'm Xylisa." Nilahad ko ang kamay ko. Nakangiting tinanggap niya iyon, bagaman nakangiti ngunit nandon parin ang kaba sa mukha niya. "I know, hihihi. I'm one of your fans, nice to meet you, Miss Xy. Personally. I'm your fan!" "Yeah, can we sit?" Alok ko. Nakangiting tumango sila. "Mm." Sabay silang umupo sa harap namin nina Mia at Haze. "So, Mia, what is your Work? I mean, nagtatrabaho kaba ngayon?" Si Top at nagsalin ng alak sa baso niya saka tinungga iyon. "Apparently, yes? Tch, Make up artist ang trabaho ko ngayon." Sagot ni Mia At tumungga din. Napairap ako at pinagkrus ang braso ko saka sumandal sa muli sa upuan ko. "Si Lucky. Make up artist siya ni Lucky," Sabat ko. Pinandilatan niya ako ng mata at hindi na sumagot. Tumango-tango at ngumisi si top tapos bumaling kay Haze. "How about you, Haze?" Tanong na naman ni Top at inakbayan si Jasmin. Tahimik lang kaming nakikinig ni Jasmin sa kanila. Parang walang nangyari kanina ah. Akala mo walang umiyak. Ganon sila kabilis na mag bati? Sana all na lang. "Dentist ako remember? At ngayon din ang Break ko sa work. Kailangan kong mag saya ngayon dahil next month ay Balik trabaho na naman." Sagot naman ni Haze. "Dentist?" Mia asked. Nang-aasar ang tono, parang hindi alam, amputa. "Yeah, why?" Balik na tanong ni Haze. Tangina, Q and A yata to, ampt. "Sino kaya yung laging pumupunta sa clinic mo, yung lalaki na laging naka jersey at shorts ang suot? Am I right? I wonder who is he?" "A-Ano b-bang s-sinasabi m-mo?" Uutal-utal na tanong ni Haze. Sa halip na sumagot si Mia ay ngumisi lang siya. Marami pa kaming napagkwentuhan hangang sa nag desisyon na kaming umuwi. Medyo may tama na rin ako ng alak kaya kailangan ko ng umuwi. Mabait naman si Jasmin, Isa daw siya sa mga fans ko. At tsaka ako daw yung sinabi ng mommy ni Top na girlfriend ko daw si top. Si tita Thea ang real mom ni Top. Si Tita Annie naman ang stepmom niya. "Ingat kayo, ha?" Tumango kami kay Top. "Xy, are you sure you can drive? Just tell me if you can't, and I'll do it." Baling niya sa akin. Ngumisi ako. "Oo nga! Kulet! Gusto mong patunay? Halika dito, lapit ka sa akin, at susuntukin kita, pag hindi kita nasuntok, ibig sabihin non ay lasing nga ako, pag nasuntok kita, ibig sabihin non ay tanga ka!" "How come?" Naguguluhan niyang tanong. Mas lumawak pa ang ngisi ko. "Malamang! Umiwas ka ah! Susuntukin ka na nga tapos hindi ka pa iiwas? Stupid cous." "Tch, you brat!" Angil niya at ginulo ang buhok ko. "Tch, you st*pid." Panggagaya ko sa tono niya. "Mia! Sasabay ka ba sa akin?" Binalingan ko si Mia na halos tutumba tumba na. Sa iisang building lang kami nag-condo, para malapit kami, si Haze naman ay hindi pinayagan ng Parents niya. "Yeah. Let's go, I'm sleepy." Inaantok na aniya. Nagpaalam pa kami saglit kila top at Haze bago umuwi. Sinakay ko na si Mia sa sasakyan ko, mukhang hindi na niya kayang magmaneho, si top na daw ang bahala sa sasakyan niya. Ihahatid niya siguro sa building namin. Naging mabagal lang ang pagmamaneho ko kasi medyo nakainom na ako. Ilang minuto lang ay nakarating na din kami sa building namin. "Hey, you okay?" Tanong ko kay Mia. Tumango siya kahit inaantok na. Nagmadali akong bumaba ng sasakyan ko at pumunta sa kabilang side para alalayan si Mia na bumaba ng sasakyan. Sinakbit ako ang isang braso niya sa batok ko, typical na pag-alalay ng mga lasing. Tsaka dahan-dahan siyang inakay. Pumasok kami ng building at pinagtitinginan kami ng mga tao, may lalaking nag insist na tulungan akong alalayan si Mia kaya pumayag ako. Mabigat ang timbang ni Mia, hindi ko kakayanin. Mukhang matino naman yung lalaki. "Dito na lang, salamat." Kinuha ko ang braso ni Mia at muling sinabit sa batok ko. "Welcome." Sabi nito at tumalikod na. Pinindot ko na ang number ng floor namin ni Mia, parehas kami ng floor, "Mia!" Sigaw ko pero hindi man lang nagmulat ng mata. Bumuntong-hininga na lang ako at mahigpit na hinawakan ang bewang niya. Baka mawalan kami ng balanse at matumba kami. Kami lang tao dito sa elevator, kaya kapag nawalan kami ng balanse ay walang makakakita, ayoko paring mangyari yon. Isa na yon sa pinaka nakakahiyang nangyari sa buong buhay ko. Tumingin ako sa wrist watch ko, Twelve twenty one na pala. Hindi ko napansing ginabi na pala kami. Masyadong nakakaaliw yung kwinento ni Jasmin kanina about sa buhay niya. Nang bumukas ang elevator ay lumabas na kami. Ihahatid ko muna si Mia. Hindi pa man kami nakakarating sa tapat ng room ni Mia ay natanaw ko ang pamilyar na tindig ng isang lalaki. Katabi lang ng room ko ang room ni Mia kaya sigurado akong si Mia ang pakay niya. Napaawang ang bibig ko ng makilala ito. "What the hell, Lucky?!" Lumapit siya sa amin at nag-apir kami. "What the! what happened to her?" Binuhat niya si Mia, bridal style. Tsaka kami naglakad palapit sa unit ni Mia. Pumasok kami don. Pinanood ko siyang ibaba si Mia sa kama niya tsaka kami lumabas ng hotel room ni Mia. "What are you doing here?" Tanong ko ng makalabas kami ng unit niya. "I came here for her. She's not talking to me for about 12 hours." Sagot niya. "So?" Sumandal ako. "So?" Sumandal din siya. "What?" "What?" Balik tanong niya. "Ano ba! Tinatanong kita ng maayos e!" Singhal ko. Natawa siya. "Hahaha! Eto namang si Ate Mayana e, hahaha! Nandito ako para kausapin siya, 12 hours niya akong hindi kinakausap, aba." "Bakit ba naman niya kakausapin? Kayo ba?" Nakangising tanong ko, Nang-aasar. Natigilan siya. "Tsh, umalis ka na nga! Wala kang magandang sinasabi! Asikasuhin ko muna siya." Inis na sabi niya. Malakas akong tumawa kaya mas lalo siyang nainis. "Bwahahahahaah—" Hindi ko naituloy na tumawa ng bumukas ang pintuan sa tapat ng hotel room ni Mia. Napaawang ang labi ko ng makita ko si Ziler na lumabas sa room na nasa tapat namin. Pero nakakapagtaka lang dahil hindi man lang siya nagulat. Ibig sabihin diyan siya sa unit na yan nakatira? Nilapit ni Lucky ang bibig niya sa tenga ko at bumulong. "Who is he? Why is he staring at you?" Bulong niya. "Ah? Hahaha! Hehe!, Pasok kana! Bilis! Kita na lang tayo bukas." Tinulak-tulak ko siya papasok sa loob ng unit ni Mia. Naguguluhan siyang tumingin sa akin pero wala ding nagawa kundi magpadala na lang. "Sleep well." Pahabol ko kay Lucky saka sinarado ang pintuan. Humarap ako kay Ziler at napaigtad ako ng bahagya siyang lumapit sa akin. "A-Ahh, hehehe, h-hello?" Patanong na bati ko. "Hi." Tipid na bati niya habang seryoso at hindi inaalis ang tingin sa akin. Naiilang ako sa titig niya. "A-Ano nga p-palang g-ginagawa mo d-dito?" Pinilit kong wag mautal pero nabigo ako, kinakabahan ako ngayon. "This is my unit." Saglit niyang tinapunan yung room na nilabasan niya kanina. "Ahh, okay. I'll go ahead. Baka may makakita sa atin dito e, tapos makarating sa nililigawan mo." Nag pilit ako ng ngiti. Wala akong pake kung mapansin niya yon. Iyon naman ang gusto niya diba'? Ang tigilan ko ang paglalandi sa kaniya at umiwas na. "Sleep well." Tumalikod na ako at akmang pipihitin na ang door knob ng maramdaman ang kamay niya sa siko ko. Agad akong humarap at inagaw ang siko ko. I told him not to touch me. "Wag mo akong hawakan." Inis na sambit ko. Bumakas ang gulat sa mukha niya ng dahil sa ginawa ko. Hindi niya inaasahan iyon. Hindi ko alam kung saan nagmumula ang inis na yon sa katawan ko. "What did you do?" Tanong niya. "Nag shopping ako." Sarkastikong sagot ko. Hindi ko inaasahang bigla akong sisinukin, at dahil sa alak iyon. Ganito ako pag naparami ng todo ang nainom ko. May tama na nga ako. *Hik* "Your drunk." Iiling-iling na sabi niya. Hindi ko siya pinansin at sumandal muli sa pader. "Are you okay?" Mahinang tanong niya. Tumunghay ako at tumango lang. Tumalikod ako at muling tinangkang pumihit ngunit muli niyang hinawakan ang braso ko. "A-Ano ba! Bitawan mo n-nga ako! Wag mo a-akong hawakan dahil baka makita tayo ng nili—" Naputol ang sasabihin ko ng sunggaban niya ako at siniil ng halik. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Hindi ko ito inaasahan. Tinulak ko ang dibdib niya pero nag matigas siya. Nalaman ko na lang na gumaganti na pala ako sa halik niya. Imbes na sa alak ako malasing ay sa halik niya naman. Ang kamay niya ay nasa magkabilang pisngi ko at siniil ang pang-ibabang labi ko, pagkatapos ay sa pang-itaas na labi ko. Papalit-palit ang ginagawa niya. Ang kamay niya na nasa pisngi ko ay dumausdos sa braso ko hangang sa palapulsuhan ko. Kinuha niya iyon at kinawit sa batok niya. Ang kamay niya ay naramdaman ko sa bewang ko at marahang pinisil iyon. Wala akong ideya kung may nakakakita sa amin, pero sa ngayon? Parang ayaw ko nang tumigil pa. Masarap sa pakiramdam pero meron parin akong agam-agam. Mga tanong sa isipan ko. Bakit niya ako hinalikan? Bakit? Anong dahilan? "Uhm..." Ungol ko ng bumaba ang halik niya sa leeg ko, ang kamay ko ay sinasabunutan na ang buhok niya dahil sa ginagawa niya. "Uhm, Ziler..." Ungol ko pa ng hindi na halik ang nararamdaman kong ginagawa niya sa leeg ko. May kasama na iyon, ang mainit niyang dila ang naglilikot sa leeg ko. Mula sa leeg ay umakyat ang labi niya pabalik sa labi ko. "Stop saying that." Bulong niya sa gitna ng halikan namin. "Saying what?" Bulong ko din. Nagmulat siya ng mata. "That nililigawan thingy." "Totoo na—" Muli niya akong siniil ng halik. Tulad kanina ay banayad lang iyon, nanlambot ang mga tuhod ko at mukhang napansin niya rin yon. Hindi ko alam kung paano, pero narinig ko ang pagsara ng pintuan, pumasok kami sa condo niya at hindi ko namalayan iyon dahil sa nakakalasing niyang halik. Napakapit ako sa batok niya ng marahan kaming umupo sa sofa ng hindi naghihiwalay ang mga labi namin. Napapikit ako at mahigpit na kumapit sa kaniya. Binuhat niya ako para mapa-upo sa kandungan niya, kusang bumuka ang hita ko, sa pagitan ng bewang niya. Nakasandal siya sa sofa habang nasa ibabaw niya ako. Ang kamay ko ay nasa balikat niya nakapatong, ang kamay naman niya ay nasa bewang ko, bilang suporta sa akin. Upang hindi ako mahulog. Sa hindi inaasahan ay may pumasok na kalokohan sa utak ko. Humiwalay ako ng halik at pinaglapat ang noo namin. Habol-habol ang sariling hininga. "Baka anong isipin ng nililigawan mo." Bulong ko. Nagmulat ako ng mata ngunit nanatiling nakapikit lang siya. Wala paring nagbabago sa posisyon namin. Ngumisi ako bago hinalikan ang labi niya, sa taas at sa baba, tulad ng ginawa niya kanina. Ang pagkakaiba lang ay sinisipsip ko ang labi niya, siya naman ay hindi. Bumaba ang halik ko sa panga niya hangang sa leeg niya. Nasa balikat parin ang kamay ko habang nasa bewang ko parin ang kamay niya. Hindi ko na naman inaasahan ang bigla niyang ginawa, sa isang iglap ay nagkapalit na kami ng pwesto. Ako na ang nakaupo sa sofa habang siya at nakatayo ngunit ang isang tuhod ay nakapatong sa sofa. Ang kamay ko ay nasa bewang niya at ang isang kamay niya ay nasa leeg ko, ang isa naman ay nasa pisngi ko. Dinala ko ang kamay ko sa dibdib niya at buong pwersa siyang tinulak, at ikinabigla niya iyon. Biglaan kasing pumasok sa isip ko kung saan mapupunta ang ginagawa namin. Tumayo ako at inayos ang damit kong nalukot, at ang skirt kong medyo nakataas na pala. Nakatayo din siya sa harap ko at pinapanood akong ayusin ang sarili ko. Anong ginawa ko? "Ahh, Mauuna na ako ah, inaantok na kasi ako." Paalam ko at tumalikod na, Dali-dali akong lumabas ng unit niya at iniwan siyang nakaawang ang labi. Dumeretso ako sa unit ko at sumalampak sa kama. Kinuha ko ang unan at tinakip iyon sa mukha ko saka ako tumili ng malakas. "Kyaaaahhhhhh!!!!!" "OMG!!!!!" Pinaypayan ko pa muna ang sarili ko bago tumadyak-tadyak na parang uod. Matapos kong gumiling giling sa kama ay napag desisyonan kong mag-hugas na ng katawan, hating gabi na e. Kinuha ko ang cellphone ko at pina-music abg kinanta ko kanina, hangang sa makatulog ako ng may ngiti sa mga labi ko. Tangina. KINABUKASAN. Tinanghali na ako ng gising kinabukasan dahil sa matinding puyat, nagagawa ko lang mag puyat ng ganon ha. Pag may shoot ay hindi ko nagagawa yan, nandon lang kami sa shooting place namin, kasama ang mga producers. Pagkagising ay dumeretso ako sa kusina, hindi pa muna ako nag tooth brush o hilamos man lang. Gusto ko munang kumain bago mag-ayos. "Aray! Punyeta!" Mura ko at mabilis na hinaplos haplos ang braso kong natatalsikan ng mantika. "Tangina! Mapanakit ka ah!" Singhal ko sa mantika. Parang baliw tuloy ako, dahil pinapagalitan ko yung mantika. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa lamesa tapos dinial ang number ni Top. Sumagot naman siya agad. [Yes? What do you need?] Bungad niya. "I need you." Naiiyak kong saad dahil masakit talaga ang talsik ng mantika sa braso ko. [Why!? What happened?! May pumasok ba sa condo mo!?] Sunod-sunod na tanong niya at narinig ko ang mabigat na yapak niya. Nasisiguro kong nagmamadali na siyang pumunta dito. "Ansakit!" Sigaw ko ng muling tumalsik ang mantika sa akin. [Ano ba! Xylisa! Anong nangyayari diyan!?] Galit na tanong niya. Hindi ko siya nagawang sagutin ng natanaw kong sunog na ang piniprito kong karne. Pinutol ko ang linya at agad na pinatay ang stove tsaka kinuha yung karne sa palayok. "Oh, f**k!" Malutong kong mura ng tumalsik na naman yung mantika nung kinuha ko yung karne. Nilagay ko sa lamesa ang karne at dumeretso sa lababo para mag hugas ng kamay. Napatingin ako dun sa prinito ko na nasa lamesa. Nanlumo akong lumapit doon at padabog na umupo sa upuan saka tinitigan iyon. Bakit ganon? Kulay black sa baba tapos Kulay red sa taas. It means hindi pa luto yung nasa taas? Napaigtad ako ng mag ring ang cellphone ko. Kinuha ko ito at sinagot. Si top yung tumatawag. [Open the door! Nandito ako sa labas ng unit mo!] Nailayo ko sa tenga ko ang cellphone sa lakas ng sigaw niya. Ang bilis naman niya? Padabog akong tumayo at pumunta sa pintuan. Pabukas ko ay sumalubong sa akin ang kunot-noong mukha niya. "Anong nangyari?! Bakit ka tumawag?!" Sunod-sunod na naman na tanong niya habang hinihingal. Don't tell me, tinakbo niya yung hagdan? "Hehe, pwede mo ba akong lutuan ng pagkain? I didn't eat my breakfast because I just woke up." Nakangusong pakiusap ko at nagkamot pa ako ng batok ko. Napaawang ang labi niya. "Tumawag ka sa akin para mag paluto ng pagkain mo?" "Oo nga, kaya mag luto kana!" Inis na sagot ko. "Seriously?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "Bilis na! Gutom na ako ihh." Reklamo ko at hinimas ang tiyan ko. Hindi talaga ako nakakain kagabi dahil sa kilig, Charot! Dahil sa alak na ininom ko. Deretso tulog na rin kasi ako pagkatapos kong mag-shower. "Anong tingin mo sa akin? Maid?" "Hindi." "E, ano?" "Katulong, hehe." "Anong pagkakaiba non?" Inis na tanong niya. Napangiwi ako. "Spelling." Sinamaan niya ako ng tingin. "Ang ganda mo pero hindi ka marunong mag luto? Anong klaseng babae yan?" "Ang gwapo mo pero ang galing mong mag luto? Bakla ka?" Pang-aasar ko. Hindi niya nagawang sumagot ng makita namin ang isang babaeng may kausap sa cellphone malapit sa amin. Malakas ang boses niya kaya naagaw niya ang atensiyon namin ni Top. "Hello? I'm here at your co—" Natigilan siya sa sasabihin niya ng mapatingin siya sa amin. Nakakapagtaka lang dahil mas natigilan siya ng nagkatinginan sila ni Top. Parehas silang gulat na gulat, na parang ngayon lang ulit sila nagkita sa mahabang panahon. Weird. Napatingin ako sa pintuan at lumabas mula roon si Ziler. Maging siya ay nagulat ng makita kami, nakakapagtaka ngunit parang hindi napansin nung dalawa ang pagdating ni Ziler dahil napako ang tingin nila sa isa't Isa. "Huy! Top!" Siniko ko siya. Nabalik siya sa reyalidad at nag-iwas ng tingin doon sa kapatid na babae ni Ziler saka bumaling sa akin. "H-Ha? A-Ano yon?" Utal na tanong niya. "Oh, Hi." Imbes na sagutin siya at bumati ako sa kapatid ni Ziler. Ngumiti siya. "Hello, it's nice to see you again, Miss Xylisa." Pinipilit niyang wag mautal ng binanggit niya ang pangalan ko. Siniko ko ulit si Top kaya napadaing siya sa sakit. "Aray! Masaket!" "Tsh, mag Hi ka den! Bastos ka e." Singhal ko. Natigilan siya. "Kanino?" "Sa pintuan! Syempre sa kaniya." Sarkastikong sagot ko. Mas lalo siyang natigilan kaya nagtaka na ako. "Ano bang problema?" Kunot-noong tanong ko. Umiling lang siya. "A-Ahh." Bumaling siya sa kapatid ni Ziler. "It's been a while, nice to see you again, Miss Christzental." Kaswal na bati nito. "It's.... nice to see you again, Mister Blue Topxel." Kaswal din na bati nito at binanggit ang buong pangalan ng pinsan ko. "Tara na. Lutuan na kita." Bumaling sa akin si top at ginulo ang buhok ko. Napadako ang tingin ko kay Ziler na tahimik lang sa isang tabi. At nasa akin ang tingin. "Bilisan mo." Pumasok na kami ni Top. Naiwan tuloy yung magkapatid sa labas. Hindi na ako nakapagpaalam pa dahil hinila na ako ni Top papasok sa unit ko. Excited ka boy?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD