Pumasok na kami sa unit ko, batid kong nakamasid parin yung magkapatid sa 'amin hangang sa makapasok kami.
Ano kayang ginagawa ni Zental sa condo ni Ziler?
Stupid! Malamang! Dahil magkapatid sila!
Napailing ako sa naiisip ko, bakit nga ba nag sususpect pa ako sa kanilang dalawa?
It's normal for Zental to go to his brother's condo. Maybe because i didn't have the chance to have a sibling.
Bumuntong-hininga ako. Hindi ko parin kayang harapin siya sa ngayon, makakaya ko siguro pero ang kausapin siya? Parang hindi.
"Tsh, anong gusto mong ulam?" Tanong niya habang tinatahak namin ang daan papunta sa kusina. Inalis ko ang hawak sa kaniya.
Naiinis ako dahil sa ginawa namin ni Ziler kagabi. Nag-init ang pisngi ko ng maalala ang nangyari kagabi, nahihiya akong harapin siya.
"Gusto ko ng pritong karne tapos isasawsaw ko sa ketchup." Nakangusong sagot ko at umupo sa lamesa saka siya pinanood na gumalaw galaw.
"What..... is this!?" Gulat na tanong niya habang nakatingin sa niluto ko.
Napapahiyang nagkamot ako ng batok.
"Yan yung niluto ko, sobrang talsik kase! Nasasaktan tuloy ako." Reklamo ko pa at hinaplos yung braso kong natalsikan kanina.
Iiling-iling niyang tinapon sa trash can yung karne! "Hoy! Bakit mo tinapon?"
"Gusto mo bang kainin yon? Yung itim sa baba tapos red sa taas?" Taas kilay na tanong niya.
Sumimangot ako at umiling na lang. "Geh na! Mag luto kana, bilisan mo, gutom na ako."
Hindi siya sumagot at siniringan lang ako. Bakla yata, Ampt!
Sinamaa niya ulit ako ng tingin abgo magpatuloy sa gagawin niya. "Put an ointment to that." Patukoy niya sa braso kong natalsikan ng mantika kanina, hindi naman malala kaya tumango na lang din ako kahit hindi niya nakita.
Bigalng pumasok sa isip ko yung tinginan nila kanina ni Zental. Bakit kaya ganon? Kung titignan mo kasi silang dalawa, parang matagal na panahon silang hindi nagkita.
"Top..." Tawag ko sa kaniya. "Mmm?" Saglit niya akong sinulyapan bago ituon muli ang atensiyon sa niluluto niya.
"Bakit ganon ang reaksiyon mo nang makita mo si Zental?" Curious na tanong ko.
Napatigil siya sa ginagawa niya at mukhang hindi inaasahan ang itatanong ko.
Matunog siyang bumuntong-hininga. "Naranasan mo na bang masaktan dahil niloko ka?"
Natigilan ako. "Not yet."
Mapait siyang ngumiti at bumaling muli sa niluluto niya. Bastos. "Kung ganon, wag mo nang subukan. It's hurt. Fvcking hurt, nung nangyari sa akin yon, Sobrang sakit. Minsan nga, dadating yung point na tatanungin mo yung sarili mo kung bakit niya nagawa yon sayo, I asked myself, am I not enough? Anong kulang sa akin, na meron sa pinalit niya? Gwapo naman ako, may pera din ako, kaya ko din siyang mahalin pero bakit ganon? Nagawa niya parin akong ipagpalit sa iba." Sabi niya habang nagpiprito parin. Kahit yata isang salita ay naiintindihan ko. Ewan ko kung bakit. But I know that I've never hurt before because of love.
"Ang lalim naman, I wonder, paano mo nakaya iyon?" Malungkot na tanong ko.
Natawa siya. "You know what hurts the most? I learn to love her without condition. Talk to her without bad intentions. Give her anything without any reason. And I still care for her without any expectation."
"Long distance relationship ba kayo? Kaya nakahanap siya ng iba?" Ewan ko ba pero curious ako sa love life niya. Dahil sa sobrang busy namin pareho ay hindi namin masyadong napapag-usapan ang about sa lovelife namin.
"Nope, but I believe that distance doesn't necessarily ruin a relationship. You don't have to see someone everyday to be in love. Nasa sa kaniya na yon kung gagawa siya ng mali, pero minsan kasi, hindi mo na alam kung ano ang tama at mali."
"Bakit mo siya sinukuan?" Wala sa sariling tanong ko.
Napansin kong natigilan siya. "Hindi ko din alam, isang araw, nalaman ko na lang na pagod na pala akong mahalin siya."
"Pero kung mahal mo ang isang tao, mananatili ka tabi niya at hindi mo siya susukuan, kahit gaano kahirap ang sitwasyon niyo."
"Pero, iba ang sitwasyon ko, gumawa siya ng Mali, at alam kong alam niyang Mali iyon pero tinuloy niya parin, at Isa pa, hindi niya ako mahal." Nakangiti man ngunit malungkot ang mata niya. Makikita mong mahirap talaga ang pinagdaanan niya.
"Saan ba kayo nagkita?" Tanong ko na naman.
"Sa New York. Remember? Five years ako don, diba'?"
"Ahh, when you was 15?"
"Yeah, I love her when I was 15 years old, tumagal kami ng 4 years,"
Matagal pala!
"Paano mo nasabing hindi ka niya minahal? E ang sabi mo, four years kayong tumagal."
Tinotok-s**t lang yata ako nito e.
"Kung mahal niya ako, hindi siya gagawa ng Mali dahil alam niyang masasaktan ako, kung mahal mo ang isang tao, hindi-hindi ka gagawa ng dahilan para masaktan siya. Kaso siya, gumawa siya ng Mali na ikinadurog ng puso ko." Emosyonal na sambit niya.
Totoo yon!
"Sino ba siya?" Takang tanong ko. Kanina pa siya salita ng salita e, hindi ko naman alam kung sinong tinutukoy niya.
Natigilan siya bago humalakhak. "Seriously? Ang tanga ng pinsan ko! Bwahahahahaah!"
"Epal ka e no'?!"
"Bwahahahahaah!"
"Bilisan mong mag luto. Gutom na ako." Singhal ko.
"Oo na. Pft!" Tatawa tawang sagot niya at pinagpatuloy na lang ang pagluluto, parang balewala lang ang talsik sa kaniya, kung ako yan, jusme! Tatakbuhan ko pa yan.
"Paalala: wag magpiprito, mapanakit ang mantika." Wala sa sariling sabi ko. Tumawa lang siya.
Kumain na kami matapos niyang magluto, ayaw niya sanang sumabay dahil katatapos lang daw niyang kumain nang umalis siya sa bahay nila pero pinilit ko siya.
Sabi niya, kinakabahan daw siya nung tumawag ako sa kaniya kaya dali-dali daw siyang pumunta dito, nababaan nga daw niya ng linya si Jasmin e, loptop kasi sila ng v-vc.
Tinatakot ko nga na magagalit si Jasmin dahil binabaan niya ito, sabi ko pa ay Isa yon sa pinaka-ayaw ng mga babae, ang binababaan sila ng linya.
Nagmamadali siyang kumain dahil susuyuin pa daw niya si Jasmin, tinuruan ko siya kung paano, hehe.
I told him to kiss Jasmin. Hehe, torridly.
*****
Katatapos ko lang maligo at pinapatuyo ko na ngayon ang buhok ko, simpleng t-shirt lang ang suot ko at black na jogging pants.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Kyshel. Batlow na ako ah. Kelan ko ba huling chinarge tong cellphone ko? Halos hindi ako makagamit ng cellphone sa set, kailangan kasi, ready kana. Tapos pag break naman ay natutulog lang ako.
[Bakit?]
"Magpapasama sana ako sayo, kung okay lang." Dinampot ko ang bag ko at naglakad palabas ng unit ko. Nagdala din ako ng handkerchief.
[Sige ba, kita tayo sa labas ng building mo, I'm on my way there]
He didn't let me tell him where we are going to. Best boy.
"Sige." Tipid na sagot ko, hinintay ko munang ibaba niya ang linya bago ko ilagay sa shoulder bag ko ang cellphone ko. May dala din akong charger at sa sasakyan na lang ako magch-charge.
Sinigurado kong na lock iyon bago ako umalis, pinatay ko din ang ilaw. Ngunit eksaktong pagharap ko ay bumukas ang pintuan sa tapat ng unit ni Mia at lumabas mula roon si Ziler.
Nagtama ang tingin namin ngunit ako na naman ang agad na nagiwas. Dumeretso ako sa unit ni Mia at umastang hindi siya napansin.
Binuksan ko iyon gamit ang duplicate key na binigay sa akin ni Mia. Palihim kong sinulyapan muna si Ziler bago tuluyang isarado ng pintuan ng unit niya. Hindi naman niya napansin dahil nakayuko siya. Nagdadasal yata.
Nagtungo ako sa kwarto niya at naabutan ko siyang nakatulog pa, hapon na ah. Mas malala pa pala to.
Hindi ko siya masisisi dahil siya ang pinaka maraming nainom na alak kagabi, kumpara sa amin ni Haze.
May problema kaya to'?
Iba narin ang suot niyang damit, baka nag palit siya kagabi bago siya matulog. Imposible naman na palitan siya ni Lucky, kilala ko si Lucky, may respeto siya sa babae at alam kong hindi-hindi niya kayang palitan si Mia dahil mahihiya iyon malamang.
"Mia....." Bahagya kong niyugyog ang balikat niya. "Hey..."
"Wake up." Tinapik tapik ko ang pisngi niya hangang sa mag mulat siya.
"Hmm, what time it is?" Inaantok pang aniya habang nag kukusot ng mata.
"It's 3:36 Pm."
Napabalikwas siya ng bangon at takang tumingin sa akin. "No way!"
"Yes way. Look." Tinuro ko ang wall clock.
"Oh my god." Nag takip siya ng bibig. Hindi makapaniwala.
"Mauuna na ako ah, may pupuntahan kami ni Kyshel, baka nandiyan na yon sa labas ng building. Geh, hindi ako uuwi dito sa condo ko, don ako kila mom." Tuloy-tuloy sa sabi ko at tumayo na.
"Sige." Tanging maisagot niya at muling nahiga.
Lumabas na ako ng condo niya at dumeretso sa labas ng building. Mabuti na lang at wala akong nakitang Ziler.
Pinapamulahan ako sa t'wing maaalala ko yung nangyari kagabi. Oh gosh!
Nasa entrance pa lang ako ng building ay natanaw ko agad ang sasakyan ni Kyshel.
Patakbo akong lumapit sa kaniya. "San ba punta natin?" Bungad niya.
"Sa bahay-ampunan, gusto kong makita yung mga bata." Sagot ko.
"Dito ka na sumakay sa 'akin." Anyaya niya. Tumango ako. Lumapit siya at pinagbuksan ako ng pintuan, agad akong pumasok don.
Kinuha ko ang cellphone at charger ko at nag charge sa sasakyan niya. Hindi naman siya umangal. He agreed on what i want, though.
Pumunta muna kami ng mall para bumili ng mga groceries at kaunting laruan para sa mga bata. Pagkatapos ay pumunta na kami sa bahay ampunan.
Sinalubong kami nila Mother Anna at Mother Elsa, kambal sila, haha! Mahilig daw sa frozen yung mom nila kaya yan ang pinangalan sa kanilang dalawa. Hindi nalalayo ang edad naming tatlo.
"Oh, mga bata, nandito si Ate Xy niyo at Kuya Kyle, at may dala silang....." Tumigil si Mother Anna.
"Pagkain at laruan!" Masiglang tuloy ng mga bata. Napangiti ako sa reaksiyon nila. Kawawa naman sila, iniwanan sila ng mga magulang nila. Sa murang edad ay naranasan nila ito.
Inabot ko kay Mother Anna at Mother Elsa ang mga binili namin ni Kyshel, tinanggap naman nila ito at nagpasalamat sa 'amin.
Nandito kami sa Kubo sa likod ng bahay ampunan, pinapanood ang mga batang kumakain.
Ang bahay ampunan ay simple lang, second floor ito, gawa sa semento ngunit kahoy ang nga kagamitan, na lalong nagpapaganda, hindi mo mahahalatang Luma na ito, dahil nga sa mga kakaibang diseniyo. Ang Kubo naman ay magandang tignan, lalo na sa hapon, may tatlong lamesa na pinagdikit na lang para magkasya at magkakasamang kumain ang mga bata. Maging ang mga upuan at pinag-isa din, may upuan din naman ang Kubo, yung natural bang itsura ng Kubo? Dinagdagan lang nila ng upuan. Ang isang side ng Kubo ay ang nagsisilbing labasan, kailangang luwangan ito dahil minsan kasi ay sabay-sabay na tumatakbo palabas ng Kubo na to ang mga bata, para iwas narin sa disgrasya.
"Lapit muna ako sa kanila ah." Tumango ako kay Kyshel at pinanood siyang lumapit at makipaglaro sa nga bata. Agad naman na natuwa ang mga ito.
Jack N Poy ang laro nila, tapos ang matatalo ay papahiran ng uling sa mukha, nasa kandungan din nila ang mga pagkain nila.
"You love kids?"
"Ay multo!" Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat nang may magsalita sa likod ko, "Where?" Natatawang tumabi siya sa akin.
"Bakit naman kasi bigla bigla kang magsasalita sa likod ko, syempre, magugulat ako!" Inis na sambit ko.
He chuckled. "Hahaha, next time."
"By the way, I'm Vince Alfonso Valdex."
Naglahad siya ng kamay sa harap ko. Saglit ko iyong tinignan bago tanggapin. "I'm Xylisa Lliones."
"I know. Who wouldn't know the famous artist? Hahaha! I bet, everyone knows you, all over the world because of your acting skills,"
"Yeah, pero ayaw niya parin sa akin?" Wala sa sariling usal ko.
Napatingin siya sa akin. "Malas niya pag hindi ka niya ginusto. Hahaha! Kung wala lang akong Haze baka ako ang manliligaw sayo." Natatawang aniya.
Nanlaki ang mga mata ko. "Haze?"
"Yes, hahaha! Why? May nasabi ba akong mali?"
"Tsh, wala naman, may kaibigan kasi ako at Haze din ang pangalan." Pagtataray ko.
"What a coincidence." Natatawang aniya.
Tumaas ang kanang kilay ko. "Coincidence nga ba?"
"Hahaha, what do you mean?" Tatawa tawa paring aniya. "I don't get you."
"Psh, Coincidence bang matatawag yung lumapit ka sa akin? At worst, Kilala mo pa yung bestfriend ko? Nah, bilang na tao lang ang nakakakila na may kaibigan din akong Mia at Haze." Sabi ko.
Totoo yon! Halos kaunting tao lang ang nakakaalam na mayro'on din akong kaibigan na tulad nila Mia at Haze, ang alam lang kasi nila si Jade lang yung kaibigan ko.
Kaya nga, "Don't judge a book by its cover." I murmured.
At alam kong kilala niya si Haze, wala ding pinagsasasabihan si Mia at Haze about our friendship.
Baka daw dagsain sila ng mga tao pag lumabas sila sa kaniya-kaniyang tinitirhan.
Ganon daw ako kasikat.
Kaya impossible na kilala niya si Mia at Haze bilang kaibigan ko. "Shshshsh, so, what are you doing here?" Pag-iiba ko ng topic, halata naman kasing kilala niya kami.
"Sitting beside you."
Binatukan ko siya. "Alam ko! Wala kang sense kausap." Inis na sabi ko at iniwan siya roon. Narinig ko ang halakhak niya.
"Oh, bakit busangot yang mukha mo? Nagiging kamukha mo si shaggy e." Patukoy ni Kyshel sa isang character don sa Scooby-Doo.
"Kaysa naman sa'yo.."
Nanonood yung nga bata sa amin at naghihintay ng sasabihin ko. "What?" Panghahamon niya.
Ngumisi ako. "Nagiging kamukha mo si Scooby-Doo e."
"Bwahahahahaah!!!" Malakas na tawanan ng mga bata. Pati sila Vince at Mother Anna ay natatawa din sa itsura niya.
Sumama ang mukha niya sa sinabi ko at pasiring na inalis ang tingin sa akin tsaka nakipaglaro ulit sa mga batang natatawa padin. Hindi ko na din pinansin si Mister Vince.
Nanatili pa muna kami doon bago dumeretso sa bahay namin, kung saan nakatira si mom at dad. My parents are both Doctor. My father is a Cardiologist. My mother is an Oby GYN, also a cardiologist.
Pero ibang kurso ang kinuha ko. Which is Engineer. Hindi naman sila umangal tungkol roon, nung una hindi matanggap ni Daddy pero kalaunan ay natanggap niya rin. Alam niya kasing wala siyang magagawa dahil yon ang gusto ko. Simula pagkabata ko, lahat ng gusto ko ay makukuha ko. Pero pag hindi naman ay naiintindihan ko. Magulo ba? Ganyang kagulo ang utak ko.
"Hi, honey!" Sinalubong ako ng yakap ni Mommy. "Mom."
"I miss you, Xylisa!" Emosyonal na bulong ni Mommy. "I miss you too, mom, where's dad?" Humiwalay na ako.
"On the kitchen, I cook for our dinner, you didn't remind me that you will come here today and visit us." Nakangiting tugon ni Mom at tumingin kay Kyshel. "Hi, Kyle!"
"Hello, Tita!" Tulad ko ay humalik din si Kyshel sa pisngi ni Mommy.
"Let's go, saktong-sakto ang dating niyo, katatapos ko lang mag luto ng dinner natin, kung sana sinabi mo ay nalutuan ko kayo ng paborito niyong ulam." Anyaya ni mom.
"It's okay tita, anak niyo lang naman ang maarte e." Sabi ni Kyshel at inakbayan si Mommy. Inirapan ko silang dalawa.
Humagikgik si mommy at pumunta sa kusina. Sinamaan ko ng tingin si Kyshel pero nilabas lang niya ang dila niya at sumunod kay Mommy. Napapadyak ako at inis na sumunod sa kanila.
Epal! Akala mo naman sa kaniya tong bahay! Leche kang bakla ka!
"Xylisa?" Gulat na tanong ni Dad ng makita niya ako. Tumayo siya at pinaghiwalay ang braso, gusto niya ng yakap. "Dad," Lumapit ako sa kaniya at mahigpit na yumakap tsaka humalik sa pisngi niya. Masyadong busy ang parents ko dahil sa kaniya-kaniyang trabaho nila, maging ako ay busy din sa dami ng gaganapan ko. Dinaig ko pa si Flash sa rami-rami ng gagawin kong project ngayon.
"What are you doing here? You don't have a work?" Tanong niya at naupo na ulit sa upuan niya. Umupo narin kami. Kaharap ko si Mom at Kyshel. Habang nasa unahan naman si Dad.
"One month ang break namin ni Jade, Dad. May kapalit naman kami at saka kailangan din namin ng pahinga, halos apat na oras lang ang nagiging tulog ko." Sabi ko.
Sumandok ako ng kanin at sinigang na ulam, naglapag din ng juice si Manang Trisha.
Bumakas sa mukha ni dad ang pag-aalala. "Are you okay now? I told you before that don't stress yourself to much, it's bad to your health." Striktong aniya pero naroon parin sa tono niya ang pag-aalala.
"Dad.... I'm fine na, no need to worry, besides, Kyshel is taking care of me." Pangungumbinsi ko. Ayokong mag padala na naman siya ng nurse na laging sumusunod sa 'akin, tulad nung nag-aaral ako. Palagi lang itong sumusunod at nakabantay sa akin kaya hindi ako makapag-focus ng maayos.
"Oo nga po, Tito, hehe, don't worry Tito, ako pong bahala kay Xy." Gatong naman ni Kyshel.
"Aasahan ko yan, Kyle." Striktong aniya pa. "Opo, Tito." Tiklop na sagot ni Kyshel.
"Go to the hospital tomorrow, magpa-check up ka," Gulat akong napatingin kay Mommy nang sabihin niya iyon.
Agad akong umiling. "No way,"
"Yes, no more reason, it's for your own good." Sensirong sambit ni Mom sa malambing na paraan. Nagkatinginan kami ni Kyshel. Nagkibit-balikat lang siya.
Matunog akong bumuntong-hininga. "Fine." Walang nagawang sabi ko.
Nag-usap sila ni daddy at wala akong naiintindihan doon, about sa patient nila. May tumusok daw na bakal sa dibdib nung pasyente ni dad. Mukhang seryoso ang tinamo ng pasyente dahil sa twing gagalawin daw, napapasigaw daw siya sa sakit.
"Wala ka pang boyfriend, Xy?"
Muntik na akong masamid sa biglaang tanong Mom, pati si Kyshel ay nagulat din. "M-Mom?"
Ngumuso siya. "Why? Wala pa talaga?" Parang nanghihinayang pang aniya.
Napaawang ang labi ko sa gulat. Kung dati ay todo bilin siya sa 'akin na wag muna akong magbo-boyfriend at unahin ko daw yung career ko tapos ngayon......
Aish!
"Xia, don't force your daughter, she's still young." Sabi ni Daddy.
Mas humaba ang nguso ni Mom. "No, she's to old enough, she's 22!" Angil ni mom.
"Yeah, but—"
"No buts!" Inis na sabi ni mom. Natawa kami ni Kyshel sa kanilang dalawa. Akala mo bata na nagbabangayan. Pero talo si Daddy pagdating kay Mommy.
"Yeah, yeah, whatever, Mom." Sabi ko at tinuloy ang pagkain. Tatawa tawang sumulyap si Kyshel sa 'akin.
Nag-asaran pa sila mom and dad, hindi na lang kami sumabat ni Kyshel at natatawang pinapanood sila.
Sa huli ay si Dad ang talo.
Hindi siya pinapansin ni Mom hangang sa matapos kaming kumain.
Sinusuyo niya si Mom ngayon, Todo pa-cute siya pero parang wala lang kay mom. Umuwi na rin si Kyshel dahil medyo gabi narin.
Ako?
Nandito sa kwarto ko, nakahiga habang iniisip si Ziler.
Sana hindi siya ang doctor bukas.
"Why didn't i f*****g ask him what the f**k is his major? Is he a cardiologist? General surgeon? Orthopedic? Pediatrician?" Napakamot ako ng ulo.
Sumasakit ang ulo ko sa biology, mabuti na lang at hindi Bio ang ang major ko. Ofcoure, a stem students is more on math and science.
Ah huh!
Pwede kong i-insist na si Doc Mix nalang ang mag-check up sa akin. Ayokong makita siya. Nahihiya parin kasi ako sa kaniya.
"Pwede naman sigurong mag change ng doctore diba? Just like what Doc Mix did to Nina, right?" I talked to myself.
I shook my head.
Hindi ko alam kung paano niya nagagawang maging normal pag magkaharap kami.
Bahala na!