Maaga akong nagising pero narito parin ako sa kwarto ko, nakahilata parin at tinatamad bumangon.
Akmang pipikit ulit ako ng may kumatok sa pintuan. Napasimangot ako.
Tok**Tok**Tok
"Pasok!" Sigaw ko at nagtalukbong ng kumot. Narinig ko ang bahagyang pagbukas ng pintuan. Naaamoy ko din ang pamilyar na pabango.
"What are you doing here?" Gulat tanong ko.
"Aba naman, Xylisa! Bumangon kana!" Sigaw niya. Napatakip ako ng tenga ko gamit ang unan dahil sa lakas non.
"Ano ba! Ang aga aga! Ang ingay ingay mo! Bakla ka talaga!" Inis na sabi ko.
"Anong ang aga aga pa! Alas dose na po, senyorita! Bumangon kana at pupuntahan pa natin si Niña!" Sigaw niya sabay hila ng kumot ko.
Padabog akong bumangon at inis na ginulo ang buhok ko. "Depressing!"
Ayoko pa sanang bumangon pero pupuntahan pa namin si Nina.
Padabog kong sinara ang pintuan ng banyo ko ssaka naligo. Mabilis akong natapos sa pagligo at lumabas ng naka-bathrobe.
Wala na si Kyshel nang lumabas ako. Nakasarado nadin yung pintuan ko. Gentlegay siya, haha.
"Good Morning, Manang Trisha." Bati ko kay manang ng maabutan ko siyang nag-aayos ng mga magazines sa book shelves, na nasa ilalim ng hagdan.
"Oh, Ikaw pala yan, Xylisa... Halika na't kumain ka sa kusina." Sabi niya saka tinigil ang ginagawa niya tapos lumapit at sinabayan akong maglakad papunta sa kusina.
"Manang, nasaan sila Mommy?" Tanong ko at naupo sa upuan. Kaharap ko si Kyshel na kumakain. Punong-puno ng pagkain ang bunganga niya. Pinukol ko siya ng masamang tingin pero nagtuloy lang siya sa pagkain at hindi ako pinansin.
"Abay, maagang umalis ang iyong ama't Ina, sila raw ay may pasyenteng gagamutin at mukhang malala ito, may tumawag sa kanila at ang sabi, nag-aagaw buhay raw iyong pasyente kaya hindi pa man nakakakain ng umagahan ay pumaroon na sila." Sagot ni Manang Trisha. Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. NAG-AAGAW BUHAY?! Kung ganon ay kailangan nilang gawin ang lahat para iligtas iyon.
"Owemji! That's depressing!" Gulat na bulong ko.
Mabilis kaming natapos kumain at nagpaalam kay Manang. "Manang! Alis na kami!" Paalam ko.
"Sige! Ingat." Sigaw niya rin mula sa kusina. Nandito na kasi kami sa pintuan at pupunta na kami sa hospital para dalawin si Niña.
Hindi parin ako makapaniwalang buntis siya. At kapatid pa ni chase? Haist! Ano ba tong pinasok niya! Pero para sa 'akin, hindi parin tamang saktan niya si Niña. Babae parin si Nina at lalaki parin siya, hindi ba niya naisip ang digdidad niya bilang lalaki? O masyado siyang nagalit dahil nalaman niyang buntis si Nina at kapatid nito ang ama? Haist.
Nagtanguan muna kami ni Kyshel bago sumakay sa sari-sariling sasakyan.
Sinindi ko na lang ang Music player ko para naman may mapakinggan ako at pwedeng sabayan.
I need a lover to keep me sane
Pull me from hell, bring me back again
Play me the classics, something romantic
Give him my all when I don't even have it
I always dreamed of a solemn face
Someone who feels like a holiday
But now I'm in pieces, barely believing
Starting to think that I've lost all feeling
Habang kinakanta, hindi ko inaasahang papasok sa isip ko si Ziler at ang nangyari sa amin nung gabing iyon.
Aaminin kong nagustuhan ko iyon pero hindi ko maintindihan kung bakit hinayaan niyang mangyari iyon, gayong sinambit niyang mayro'on na siyang nililigawan.
Is that a joke?
Gustuhin ko mang pumikit ngunit hindi pwede. Baka mabangga ako pag nagkataon. Ayoko pang mamatay, gusto ko pang maranasan kung paano magkaroon ng isang masayang pamilya.
*******
Mabilis ang pagmamaneho namin kaya mabilis kaming nakarating sa hospital ni Kyshel.
Kinuha ko ang Mask at shades sa bag ko tsaka sinuot iyon bago bumaba ng sasakyan. Baka pagkaguluhan ako e. You know, famous e. Hahaha!
"Ay, taray ah, haha. Anong trip mo teh?" Pambabara ni Kyshel ng makita niya ang itsura ko.
"What?" Kunot-noong tanong ko.
"Iyang itsura mo...." Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko. "Maluwang na t-shirt at skirt?" Tumaas ang kilay niya. Hindi ako nakasagot dahil wala akong masabi.
"Tell me, are you flirting again?" Deretsong tanong niya.
Napaawang ang labi ko. "What the h*ll?"
"O, ano? Simpleng tanong hindi mo masagot. Tsk,tsk,tsk, tell me. Sino yan?" Iiling-iling na aniya at humawak sa magkabilang bewang niya. Puro siya tell me. Tangina.
"Psh, wala ka na don!" Singhal ko. Nanlaki ang mata niya. "Aba, talagang meron nga?!"
"A-Ano ba! Tara na nga!" Inis akong tumalikod sa kaniya. Narinig ko ang halakhak niya. "Sino kaya? Hahaha! Don't forget about your check up. Your mommy will get mad, hahaha!" Paalala niya pa, naririnig ko parin ang mahina niyang hagikgik. I'm busted! Madali siyang makahalata.
"Yeah, bilisan mo!" Singhal ko at nagpaunang maglakad. Binilisan ko ang paglakad ko upang hindi niya ako maabutan.
Medyo binagalan ko na nung nasa hagdan na ako, mabigat ang katawan ko at mahirap bilisan dito sa hagdan. Masakit sa legs.
Pinagpatuloy ko ulit ang pag-akayat, pero mabagal na. Lumingon ako sa kaliwa dahil nandoon ang room ni Niña.
Naglakad ako patungo ng room niya. Bahagya akong yumuko dahil medyo marami ang tao, baka may makakilala sa kaniya. Nandito ako para sa kaibigan ko hindi para kanin---
"Hey, Miss. You drop this." Pamilyar na tinig ang narinig ko, hindi ako pwedeng magkamali.
Dahan-dahan akong lumingon at napatingin sa inaabot niya. Yung Key chain ko ang nahulog pala. Mabilis kong kinuha iyon sa kamay niya at dali-daling tumalikod tsaka naglakad palayo. Hindi ko na siya pinasalamatan at hindi ko na din siya nilingon. Dere-deretso akong pumasok sa room ni Niña, hindi ko napansin na nasa tapat ko na pala.
"Good Afternoon, euys." Bungad ko sa kanila. Napatingin sila sa akin at malapad na ngumiti.
"Good Afternoon." Bati nila pabalik. Si Niña at Danna lang ang nandito. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Jade. Umupo ako sa tabi ni Danna.
[Hello!]
"Hi. What are you doing now?" Tanong ko. Nginitian ko si Niña. Ngumiti din siya saka pumikit na. Matutulog na naman?
[Tch, nandito ako sa bahay namin. Why ba? Miss mo na ako no'?] Kahit hindi ko nakikita, alam kong nakangiti siya.
Napairap ako. Feelingera. "Oo. Miss kita, kaya wag ka ng umuwi ha? Stay ka lang diyan." Pang-aasar ko.
[Tch, epal, babalik na ako diyan next week. Humanda ka sa akin! Bye na nga! May koreanong pogi dito e, hihihi!] Huli niyang sinabi bago ibaba ang linya.
Matunog akong bumuntong-hininga. Kahit kailan talaga siya.
"Oy! Xy, halika na. Check up ka daw, tumawag si Mommy natin." Maarteng sabi ni Kyshel at hinawakan ako sa pulso tsaka hinila. Nagtatakang tumingin sa amin yung dalawa pero nginitian ko lang sila.
"Bakit ba kasi may check up pa? Wala naman akong sakit ah." Angil ko.
Ngumisi siya. "Wala kang sakit sa katawan pero sakit sa utak meron. Bwahahahahaah!" Tumawa siya ng pagkalakas-lakas.
Pinalo ko siya sa braso. "Epal ka talaga e, no'? Depressing! Nasaan ba yung doctor?" Inis na tanong ko.
"Dito! Ayan! Pasok!" Tinulak-tulak niya sa isang room, na satingin ko ay office ng doctor. Inayos ko muna ang damit ko bago humarap sa Doctor. Nakatalikod siya sa akin kaya umupo ako sa may upuan na nasa harap ng table. May sofa sa gilid ng table niya pero mas pinili ko na lang dito, para komportable ako. Tinanggal ko ang shade at mask na suot ko at nilagay iyon sa bag ko.
"Good Morning, Doc-" Natigilan ako ng humarap yung Doctor.
"Good morning." Kaswal na bati niya.
"U-Uhm...." Wala akong masabi.
"Uhm?" Umupo siya sa upuan niya at pinatong ang dalawang siko sa lamesa ng hindi inaalis ang tingin sa akin.
"W-Well..." Wala talaga akong masabi!
"What? Do you think i won't recognize you with that kind of things?" Seryosong tanong niya. Tinutukoy niya yung suot kong mask at shade.
Napalunok ako. "A-Ano.... Magpa-pa check up s-sana ako." Uutal-utal na sabi ko, refusing to answer his question.
Bakit ba ako nauutal?
Hindi siya sumagot at tumayo. Lumapit siya sa akin at umupo sa upuan na nasa harap ko. Nakatingin lang ako sa kaniya at pinapanood ang gagawin niya.
Pinanood ko siyang seryosong kumuha ng papel at ballpen. "Anong nararamdaman ko?"
Nararamdaman kong "Mahal kita."
Natakpan ko ng dalawang kamay ang bibig ko sa gulat. Nabigla ako sa sinabi ko at hindi ko inaasahang lalabas ang salitang iyon sa bibig ko. Maging siya ay nagulat din pero hindi nagsalita.
Tumitig lang siya sa mata ko, pagkatapos sa ilong ko at sa kamay kong nakatakip sa bibig ko. What the h*ll?
Hindi ko inaasahang tatayo siya sa harap ko at tatanggalin ang kamay na nakatakip sa bibig ko. Mas hindi ko inaasahan ang pag yuko niya at ang pag titig niya sa labi ko.
Nakita ko ang pag taas 'baba ng Adams apple niya. Tumitig ako mula sa Adams apple hangang sa mapula niyang labi. Wala sa sariling hinaplos ko iyon gamit ang hinlalaki ko. Naging matunog ang pag lunok ko ng maramdaman ang lambot nito. Inalis ko na ang daliri ko dito. Nate-temp akong halikan siya.
Kusa akong tumayo at tumitig sa mga mata niya. Ang maamong mata niya na nagiging dahilan ng pangangatal ng tuhod ko.
"Christziler...." Mahinang tawag ko sa kaniya. Nagtaasan ang balahibo ko ng maramdaman ang pag hawak niya sa bewang ko. Marahan niyang pinisil iyon at hinapit ako palapit sa kaniya.
"What did you do to me?" Sabi niya bago ako siilin ng halik. Ang kamay ko ay kusang pumalibot sa batok niya at gumanti sa halik niya.
Nagulat ako ng umupo siya at alalayan akong maupo sa kandungan niya. Kusang naghiwalay ang binti ko at umupo sa lap niya.
Now! This is great!
Tulad ito ng posisyon namin nung nasa condo kami. Ang kamay niya ay nanatiling nakahawak sa bewang ko. Habang ang kamay ko ay nakahawak sa leeg niya. This is embarrassing, yet i liked it.
Humiwalay siya at pinaglapat ang noo namin. Habol din ang hininga namin dahil sa halikan. Hindi ko na naman inaasahan ang sunod niyang gagawin. Nilapit niya ang labi niya sa tenga ko at bumulong.
"Your lips taste like lollipop. Lollipop that I want to taste every corner of it. I got addicted to it." Napapikit ako sa malambing niyang pagbulong.
Dinala ko ang kamay ko sa pisngi niya at siniil siya ng halik. I pushed my tongue inside his mouth and taste every corner of his mouth. Just like what he wants.
"Then do it, you can taste every corner of me." I bite my lower lips. "I'll love it. Mr.Doctor,"
He chuckled. "Sure."
Ginawa niya nga. Ngunit hindi tulad ng sinabi niya. Hindi na labi ang ginamit niya, kundi ang dila niya. His tongue is touching my tongue.
Sinisipsip niya ang dila ko ngunit babawiin ko iyon, at ako naman ang gagawa. Ang dila namin ay parang nag-aaway dahil nagbanggaan. Paulit-ulit lang ang ginawa namin hangang sa siya din ang kusang huminto.
"Ang hilig mong paupuin ako sa kandungan mo." Bulong ko at umalis sa kandungan niya. Pinanood niya akong ayusin ang skirt kong tumaas! At ang t-shirt kong kusot-kusot na.
Nag-iwas siya ng tingin at tumayo tapos bumalik sa upuan niyang original. Ako din ay umupo na sa original na upuan ng nga pasyente. Umasta kami na parang walang nangyari sa pagitan namin.
"Magpapa check up sana ako." Sabi ko. Tumingin siya sa akin at bumuntong-hininga.
"What can you feel?" Kinuha na naman niya yung papel at ballpen na hawak niya kanina.
"Dito sa dibdib ko." Tinuro ko pa ito.
Tumingin siya don at lumunok. "But.... your not pointing your chest, your pointing your..." Matunog siyang lumunok. ".....boobs."
Namumula ang tenga niya ng sabihin niya iyon. Napatingin ako sa kamay ko. "Oh, sorry, walang masakit sa akin. Mommy ko lang ang gustong magpa-check up sa akin." Tumayo ako. "So...bye? Nandito ako para puntahan si Niña, kaya aalis na ako." Paalam ko at tumalikod na. Pinihit ko ang door knob at lumabas, pero naiwan ang ulo ko sa loob ng office niya. Nagtatakang tinignan niya ako.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko, lumunok na naman siya bago nag-iwas ng tingin. Tatawa-tawa akong nilisan ang lugar na yon at bumalik sa room ni Niña.
Nawala ang ngiti ko ng bumungad sa akin ang nagsasagutang Niña at Chase. Nandoon si Doc Mix at Danna. Nanonood sila at mukhang walang magawa.
"What is hap...pening?" Gulat na tanong ko ng makitang lumuluha si Niña. Nanlaki ang mata ko. "What the." Naibulong ko. Tinapunan lang nila ako ng tingin bago bumalik sa pagsasagutan.
Lumapit ako kay Doc Mix na nakatayo at nakapamulsa nanonood. "What is happening?"
Nagkibit-balikat siya. "What happened to your.... shirt?" Ngumisi siya.
Natigilan ako pero agad ding nakabawi. "Sige lang, asarin mo ako,. Hindi mo alam, si Jade naghahanap na ng JOWA."
Nanlaki ang mata niya. "Seriously?"
Hindi ko siya nagawang sagutin at napatingin kay Chase nung sumigaw siya. "P*tangina! Binuntis ka ng lalaking yon!?" Hindi makapaniwalang tanong nito habang nakahawak sa bewang niya. Nasa paanan siya ni Niña, nakaupo naman at nakasandal si Niña sa headboard ng hospital bed.
"Chase." Tawag ko sa kaniya. Galit siyang bumaling sa'akin. "What?!"
"Stop yelling, they might hear us." Mahinahon na sambit ko. Sumama ang mukha niya. "Wag kang makisali dito!" Sigaw niya sa akin. Naging dahilan para mainis ako. "Pwede ba! Buntis siya kaya wag mo siyang sigawan!" Inis na sabi ko.
"F*ck, I need to call him," Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Doc Mix at nanatiling nakatingin kay Chase na galit ding nakatingin sa akin.
"Isa ka pa! Kinukonsinti mo itong malandi mong kai-*PAK*" Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya ng sampalin ko siya.
~~Enkkk~~~
Narinig kong bumukas ang pintuan. "How dare you to call her like th-" I didn't finish my words because he push me. Malakas iyon kaya napaupo ako sa sahig.
"Hey! You assh*le!" Sigaw ng pamilyar na boses at dinaluhan ako tsaka sinipat kung may sugat ba ako o ano. Napatunghay ako sa kaniya ng mapansing hindi siya nakatingin sa gasgas sa tuhod ko kundi sa....
CYCLING KO!
"I'm okay." Humawak ako kay Ziler at pinilit na tumayo saka naupo sa sofa. Inalalayan naman ako ni Ziler.
Nagulat ako nang sugurin ni Ziler si Chase at binigyan ng malakas na suntok. "Tangina, pare, ah. Watch who you are hurting, dude." Galit na sabi ni Ziler.
Namilog ang mata ko nang dakmain ni Chase si Ziler sa kwelyo. "Your problem, dude?!" Galit naman na sabi ni Chase. Malakas na tinanggal ni Ziler ang pagkakahawak ni Chase sa kwelyo niya. "f**k you," Sabi ni Ziler saka pinagpag ang kwelyo ng lab gown niya. Mabilis naman na pumagitna si Mix nang akma na namang susugod si Ziler kay Chase.
"Oops, that's enough." Nakasimangot na sabi ni Mix. Hinila ni Mix si Ziler papunta sa tabi ko habang masama parin ang tingin ni Ziler kay Chase.
"Wag mong sasaktan ang mga kaibigan ko!" Umiiyak na sigaw ni Niña kaya napabaling kaming lahat sa kaniya.
"Puta! Ano bang kasalanan ko sa'yo? Ha? Bakit ka naman nagpabuntis sa iba, ha? Niña...." Nagmamakaawa ang tinig ni Chase. Hindi ko na tuloy alam kung magagalit ba ako kay Chase o maaawa? "....and worst, sa kapatid ko pa? How nice!" Napasabunot siya sa sariling buhok.
Ouch, that's pain.
"Hindi mo alam? Haha, ang galing e no'?" Mameke ng tawa si Niña. "T*ngina! Nung nahuli ko kayong naghahalikan ni Precious? Akala mo ba hindi yon masakit?"
"That was just a friendly kiss." Depensa ni Chase. Nagmamakaawa parin ang tinig.
Muli na namang humalakhak si Niña. "Friendly kiss? T*ngina! Umabot ng Trenta segundo, tapos sasabihin mong friendly kiss? P*tangina mo! Sinong niloko ko!?" May hinanakit na sabi niya. Hindi ako sumagot at pinanood lang sila. Ganon din si Danna, Ziler at Doc Mix.
"Pero totoo yo-" Niña cut him off.
"Bakit gumanti ka? Ang galing niyo din, e, pwede kang umayaw pero gumanti ka e!" Sigaw ni Niña.
"H-Hindi k-ko s-si-" Ñina cut him off again.
"P*tangina mo! Promise! Valid talaga ng reason mo! Ang masakit pa doon, e ako yung nililigawan mo pero iba ang kahalikan mo! Ano satingin mo ang maramdaman ko?"
Nagkatinginan kami ni Ziler ng hindi malamang dahilan. Bakit nga ba hindi ko naisip kung anong mararamdaman nung nililigawan niya.
"Pero kung mahal mo ako, hindi mo hahayaang magiging manliligaw mo lang ako. Dapat sana sinagot mo na ako, dahil minsan naisip ko din na hindi mo talaga ako mahal e." Tumulo ang luha ni Chase.
"Minahal kita, pero nung nakita ko si Laids? Nagbago ang nararamdaman ko sa'yo. I was about to answer you YES that day, the day you take me at your house. And your brother was there, my heart beats fast when i saw him. Oo, aaminin kong nilandi lang ako ng kapatid mo pero bumigay ako, niyakap ako ng kapatid mo pero niyakap ko din siya, hinalikan ako ng kapatid mo pero hinalikan ko din siya, may nangyari sa amin at ginusto niya yon pero ginusto ko din, ngayon? May magiging anak na kami. Napatunayan ko na...." Bahagya siyang ngumiti na para bang may naaalalang magandang nangyari sa kanila ni Laids. Na para bang walang lalaking nagmamahal sa kaniya na umiiyak ngayon sa harapan niya.
"N-Na a-ano?" Umiiyak na aniya Chase. Naaawa ako sa itsura niya. Siya ang kauna-unahan na lalaking nakita kong umiyak ng totoo. Bukod kasi sa mga leading man kong umiiyak ay hindi totoo. Serye lang naman kasi.
"Napatunayan ko na kaya palang magbago ng nararamdaman sa kaunting panahon lang, hindi naman nawala ang pagmamahal ko sayo e." Sensirong aniya Niña.
Nagulat si Chase at bahagyang nabuhayan ang mukha. "A-Ano?"
"Hindi nagbago pero naghigitan niya. Sana mapatawad mo kami... I'm really sorry. Someday, you will find a woman that can love you the way I did." Bumagsak ang balikat ni Chase sa sinabi ni Niña.
Bigla ay parang nag-iba ang Ihip ng hangin. Ang kaninang mabigat na tensyon ay unti-unting nawala. Ang kaninang umiiyak na Chase at biglang tumahan. Para bang may na-realize siya na isang bagay na nagpagaan bigla sa loob niya. "Yeah, I'm sorry for what I did, I hurt you, I'm so sorry, I didn't think that it might affect your child on your tummy." Sensirong sabi niya at lumapit kay Niña at hinawakan ito sa kamay niya. "It's okay, alam kong nasaktan din kita." Si Niña at hinigpitan ang hawak sa kamay niya.
"You are my first love, Chase, and your brother is my last love." Ngumiti si Niña at binitawan ang kamay ni Chase.
"Someone told me that your first love will never die but your last love can replace it." Sabi ni Chase. "They said, It's painful to say goodbye to someone you don't want to let go, but more painful to ask someone to stay when you know they want to leave. That's why I quietly letting you go, be happy with my brother." Dagdag niya at bahagyang lumayo. Naroon parin ang lungkot sa mga mata niya. Satingin ko ay hindi naman ito maiiwasan, nasasaktan siya at walang makakapigil dito bukod sa isang bagay. At yon ay ang pagmamahal.
Kung nasaktan ka ng dahil sa pagmamahal, mahihilom ka din ng dahil sa pagmamahal.
"You really love him, don't you?'" Tanong pa ni Chase.
"I love your brother." Sagot ni Niña.
"I didn't mention his name but he came up in your mind, you love him."
"He's really giving up, man. I pity him," Rinig kong bulong ni Doc Mix.