Chapter 7

2415 Words
"I really do." Bumaling sa 'akin si Chase at hinawakan ang magkabilaan kong kamay. "Okay, then be happy. I'm so sorry, Xylisa. I was so mad, I didn't mean to push you." Sensirong sabi niya. Nginitian ko siya at inilingan. "It's okay. Just be careful next time," Tumango siya. Nabitawan niya ang kamay ko matapos tumingin kay Ziler. "Yo, man. I'm so sorry." Bumukas ang pintuan at niluwa non si Laids. Sinalubong agad niya ng yakap si Chase na mabilis namang gumanti yung isa. Humiwalay na sila. "Just take care of her, be a wonderful husband and father. I'll be solve." Sabi ni Chase at tinapik ang balikat ni Laids. Nagngitian din sila na para bang wala ng nangyari sa kanilang dalawa, na para bang walang inagaw si Laids kay Chase. Na para bang hindi nagkaroon ng agwatan sa pagitan nilang magkapatid. Blood is thicker than water. I felt that. ******* Nasan ako? Nandito sa mall, kasama si Kyshel at Danna. Iniwan namin si Niña at Laids don, umalis na din sila Chase doon kaya malaya silang gumawa ng kung ano-ano doon. Si Ziler at Doc Mix ay nagmamadaling umalis kanina. May Pasyente daw na tinakbo dito sa hospital at kailangan niyang maoperahan kaya nagmadali sila. Hindi man lang siya nag paalam sa akin bago umalis. Akala ko ba si Doc Mix ang pumapalit sa doctor ni Nina? E, anong ginagawa ni Ziler do'on? Kinikilig parin ako pag naaalala ko yung nangyari sa amin sa condo niya at sa office niya. Hindi ko talaga inaasahan ang mga iyon. Wala sa mga ginawa niya ang inaasahan ko. Ang inaasahan kong gagawin niya ay ipagtutulakan ako palayo sa kaniya. "San pa tayo pupunta?" Tanong ni Danna. Napaisip naman ako. "Suggest na lang kayo, ah. Gusto ko sanang magbakasyon man lang kaso, wala akong kasama. Buti sana kung pwede kayong lahat." "Sige na! Sama kami! Saan ba?" Masiglang tanong ni Kyshel. "Sa province nila Jade. Matagal na niya akong gustong isama don, kaso nga lang, diba'? Hindi ako pumayag." Sagot ko. "Ay, kailan ba?" Tanong naman ni Danna. "After matapos ng Mayana na palabas ko." Sagot ko. "Ay! Tsusera ka! Matagal pa! Gaga, baka next year pa yon ah!" Binatukan niya ako. "Aray! Masakit naman!" Singhal ko. "Natural! Masakit talaga!" Singhal niya rin. Natatawang pinapanood lang kami ni Danna. Sanay na si Danna sa ganitong treatment namin sa isa't Isa ni Kyshel. Minsan nga napagkamalan pa kaming magjowa, pero sa taglay na sungit ni Kyshel ay sinigawan niya yung nagsabi non, babae daw kasi siya! "Hey, Xy." Tawag ng kung sino. Agad kaming lumingon sa kanan at nakita namin ang naglalakad na lalaki at pupunta dito sa gawi namin. Nanlaki ang mata ko ng makilala kung sino siya. "Vince?" Gulat na tanong ko. Pero mas nagulat ako sa kasama niya. "Haze?" Naiilang siyang ngumiti. "You know each other?" Napalit-palit ang tingin niya sa amin ni Vince. "You knew each other?" Balik tanong ko. "Ah, I'll tell you some other time." Malapad siyang ngumisi. "I would like to invite you at the bar later. Would that be okay? At the Fantasy Bar." Sabi ni Vince. Hindi sumagot yung dalawa kaya tumango na lang ako. I only met him once but he talking to me casually! Damn this man. Nag-ayang kumain si Haze kaya um-oo na lang kami nila Kyshel at Danna. Nagpa-kilala na pala kami sa isa't Isa. Nagkwekwentuhan lang kami hangang sa mapagdesisyonan na naming umuwi. Sinamaan ko muna ng tingin si Haze, nag peace sign lang siya. "Ingat." Tumango muna ako sa kanila bago pumasok sa sasakyan ko at pinaharurot iyon patungo sa building ko. Nakarating ako sa unit ko ay agad akong humilata at kinuha ang loptop ko. In-open ko ang IG ko at balak mag post ng something. Hinanap ko yung account ni Ziler at mabuti na lang nahanap ko, kaso naka-private yung mga post niya. Fi-nollow ko siya at hinihintay na i-accept niya. Gusto kong tumalon sa tuwa ng I-follow back niya ako. Imposibleng hindi niya ako ifa-follow back sa nangyari sa amin kanina sa Office niya. Sesh! ItsZilerD ang username niya. Interesting. Agad akong nag post at siniguradong sila Kyshel lang ang makakakita. I am not the person who followed anyone i know. I don't really follow other artist, they do to me but i don't, rarely. XylisaY: I want him but I can't get him, I like him but he like someone else. But now? I'm starting to unlike him. Post! YaelCJ: Ay? Weh! Sino yarn! Hahaha! Yan eh! Kung ayaw sayo, kalimutan na. MiaNrex: Owshiiii~~~ Mic drop Kylelangsakalam: Nyenyenyenye! Ako na lang kasi! Joke! Dannaaaaa: Lol! ItsZilerD: Starting to unlike him, Huh? Nanlaki ang mata ko at agad na napabalikwas ng bagon. Agad kong mi-nessage si Ziler. Baka ma-misunderstand niya. Online siya! Malamang! Nag-comment nga e. Kinikilig ako habang nagtitipa ng telepono, damn? Sa pagkakaalam ko, hindi ako ganito. XylisaY: Hi! ItsZilerD: Ey, XylisaY: I'm starting to unlike you because I love you. Seen. Seener siya! Hindi man lang kinilig sa banat ko. Inis kong pinatay ang loptop ko at pumasok sa banyo saka naligo. Alas siete daw ang atart ng celebration namin nila Vince. Hindi ko alam kung bakit malungkot si Haze, e parang masaya naman si Vince. Mabilis akong nakaligo at nag-ayos ng sarili. I was wearing a simple Midi Dress casual and black diva ankle block heels. A paired of black earrings with Necklace. A luxury hand bag. And odcourse, hindi ko makakalimutan ang scarf na pantakip sa mukha ko papasok sa bar. Sikat ang bar na iyon kaya sigurado akong maraming tao ro'on, business man or women, some artist and some piece of shits like gangster, and some normal people who just want to be happy for a while. I put my things inside my bag and leave that room, I turn off the lights of my whole condo and walked into Mia's Unit. Nag-door bell ako sa pintuan niya. "Mia." Tawag ko. "Hey." Bungad niya ng mabuksan niya ang pintuan. "Tara na ba?" Tumango ako sa tanong niya. Kinuha niya ang clutch purse niya at pinatay rin ang buong ilaw ng condo niya. Sinulyapan ko ang unit ni Ziler bago kami magsimulang maglakad palabas ng building. "Lalim ng iniisip, ah, wag kang mag-alala miss ka rin non." Ngumisi siya. Napanguso ako. "Hindi nga, e." Naiinis na sabi ko. Napahalakhak siya. "Malas mo lang." Pang-aasar niya. Hindi na ako sumagot at siniringan na lang siya. Sa elevator ay pinagtitinginan kami, sa laboratory hangang sa labas ng building. Mia was wearing a Dark green V-neck sleeve. With a paired of Keiko Ankle Tie dress sandal. "Grabe! Ang ganda mo." Puri niya sa akin ng makarating kami sa tapat ng sasakyan ko. "Walang panama sayo oh." Tumingin siya sa damit niya at iiling-iling na sumulyap sa akin. Napangiwi ako. "Maganda ako pero hindi naman ako magustuhan nung gusto ko, useless lang. Hahaha! Ngayon lang ako magkagusto pero dehado pa." Ngumiwi din siya. "Malas mo lang. Malay mo naman, baka mamaya e. Umamin siya sa'yo, sa ganda mong yan? Ewan ko na lang. Geh, mauna na ako." Sabi niya at sumakay sa sasakyan niya. Si Ziler? Mamaya? Aamin? Ewan ko na lang! "Impossible." Bulong ko at sumakay na lang din sa sasakyan ko. Siya? Maiinlove? Impossible! Nung una palang dapat. Bumuntong-hininga ako at nagmaneho papuntang Bar na sinasabi nila Vince. Ano bang celebration? Mabilis kaming nakarating sa bar, sa labas palang, rinig mo na ang malakas na music galing sa loob. Naalala ko tuloy si Finick. Umiwas na ako sa kaniya magmula nung umamin ako dahil nahihiya talaga ako, binasted ba naman ako? Ha! Malas niya. "Anong celebration ba?" Tanong ni Mia ng makababa kami sa sasakyan namin. "Ewan ko,e. Pero pansin mo ba? Parang ang lungkot ni Haze, masaya naman si Vince." Takang sabi ko. Nagtatakang tumingin siya sa akin. "Vince? Who's that?" "Makikilala mo mamaya." Ngumisi ako. Kumunot ang noo niya pero hindi na siya nagtanong pa tungkol don. Agad naming nahanap yung table namin kaya umupo na kami doon. Si Danna, Chase, Lucky, Haze at Ako pa lang ang nandito. Nasa dulo ng sofa ako nakaupo, wala akong kaharap, bakante pa lang. Si Danna na katabi ko ay katapat si Chase, si Mia ay katapat si Lucky. May bakanteng upuan din na nakareserba para sa apat na tao. Sa pagkakaalam ko, si Haze at Vince na lang ang kulang pero bakit may dalawang bakanteng upuan pa. Dalawang sofa ang magkaharap, sa isang mahabang sofa nakaupo ang mga boys, dito naman kami sa kabila. May dalawang bakanteng upuan sa sofa ng boys at Isa sa tabi ko. Tapos may lamesa sa harap namin, may mga iba't ibang alak narin ang nakalagay doon. Pinaghandaan. "Hi guys, sorry. I'm late." Masayang umupo si Vince sa tabi ni Lucky. Inimbitahanan ni Mia si Lucky dito? Pati Si Chase at Danna? What are we celebrating, for real?! "Hey, Guys. I'm so sorry, I'm a bit late." Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya. Tumaas ang kilay ko ng makita ang kusot sa bandang ibaba ng pink floral dress niya. "May dalawa pa akong inimbitahanan dito, but we can still start the party without them, right? Hahaha! By the way, I'm Vince Alfonso Valdex. This is my friend, Lucky Rex Anzale, and I have other friends but I didn't invite them all here. Close friend lang yong in-invite ko." Mahabang sabi niya. Tinuro niya si Lucky ng ipakilala niya ito. Mag-kakaibigan pala sila, akala ko si Mia ang nag-invite kay Lucky. "Magkaano-ano ba kayo ni Haze?" Tanong ni Mia. Tinignan siya ni Vince bago tumingin kay Haze. "KAIBIGAN lang ang tingin niya sa akin. So, we're friends." Nag-iwas siya ng tingin saka nagbukas ng isang alak at nagsalin sa baso niya saka tinungga. "Yeah, were just...... a friend." Mas lalong tumaas ang kilay ko ng mabasa ang lungkot sa mga mata niya. Friends huh? "Hey bro. Sorry, we're late." Nagulat ako at nag-angat ng tingin sa nagsabi no'on. Napatitig ako sa kaniya. He was wearing a orange t-shirt with a black short na hangang tuhod lang. Nakikita tuloy ang maputi niyang binti. "Miss Xy? Woah! This is nice!" Malakas na sabi niya at palihim na siniko si Ziler. Sinamaan siya ng tingin ni Ziler. "This is my friends, Christziler Daconza, and Mix Ryan De Guzman. They're both Doctor." Nakangiting pakilala niya sa dalawa. Tumayo pa siya. Naglakad yung dalawa papunta sa gawi ko, umupo si Doc Mix sa harap ko habang si Ziler naman ay sa tabi ko. Pakshet! Kinikilig ako! Kanina lang ay ka-chat ko siya pero nakaupo na agad siya sa tabi ko. "Come on! Let's celebrate!" Masayang sabi ni Vince saka muling tinungga ang laman ng baso niya. Ganon din ang ginawa namin. Nagkwekwentuhan sila at nakikinig lang ako pati si Ziler. Tahimik lang kami, habang ang iba ay salita ng salita, minsan makikitawa din kami. "Easy beautiful." Bulong ni Ziler ng mapansin niya ang sunod-sunod kong pangtungga. Masyado siyang malapit sa akin, ang pabango niya at naaamoy ko na din. Akala ko ba may duty siya? "Psh, akala ko ba may duty ka?" Tanong ko at sumandal sa sofa at pumikit. Medyo nahihilo na ako sa dami narin siguro ng nainom ko. Hindi siya sumagot. "Hoy! Xy, Si Finick ba yung sinasabi mo na gusto mo? Ha? Yung pi-nost mo sa IG mo?" Tanong ni Mia. Nagmulat ako ng mata at napansing lahat sila ay nakabaling sa akin. Umayos ako ng upo saka umiling. "Tsk, tsk, tsk, you're being public now." Iiling-iling na sabi ni Haze. "I don't like him because I love him." Wala sa sariling sagot ko. "Yiehh!!! Alam mo! Si Finick? Nagpapahabol lang naman yan,e! Habulin mo daw kasi siya!" Biro ni Mia. "Don't worry about Kate, she's damn bitch." Dagdag pa ni Mia. May tama narin to'. Agad akong umiling-iling. "No way! I don't like chasing someone." Ginaya ko yung kasabihan ni Jade sa buhay niya. "Sus! Line ni Jade yon ah? Hahaha! Kamusta pala siya?" Biro naman ni Haze. "Masaya daw don, naghahanap siya ng JOWA." Sagot ko, emphasize the words Jowa. "Owshi! Jade niyo lumalandi na." Si Mia. Napatingin ako kay Lucky dahil nakatitig lang siya kay Mia na medyo may tama na nga ng alak. Mababa talaga ang tolerance niya. "Psh," Singhal ni Doc Mix. "Alam mo, Doc Mix—" "Cut the Doc." Natawa ako sa pagiging masungit niya. "Alam mo, Mix. Jadella is single, bakit ba kasi ayaw mo siyang ligawan? Your so handsome, but you are torpe. Babagal-bagal ka e, baka maunahan ka ng iba." Ngumisi ako. Ngumisi din siya. "Tsk, oo nga naman, Xy, babagal-bagal no'? Hayaan mo, pagdating niya ay liligawan ko na siya, baka maagaw pa ng iba. Kaya kung may gusto yung isa diyan, go na! Mas torpe pa yon e. Akala niya hindi ko alam kung ilang beses niyang pinanood yung kumakanta! Bwahahahahaah!" Tumawa siya ng malakas. Medyo may tama narin pala siya. "Assh*le!" Nagulat ako ng murahin siya ni Ziler. "Oh? Bakit? Nasaktan ka ba doon, kaibigan?" Nakangising tanong niya. "Wake kang mag-alala, parehas lang tayo, hehe." Dagdag ni Mix. Muli akong nagulat ng tumayo si Ziler mula sa kinauupuan niya at naglakad palayo. Natawa ang mga kasama namin sa inasta niya. Nagtatakang tumingin ako sa kanila. "Sundan mo yon," Natatawang sabi ni Mix sa 'akin. Kumunot ang noo ko pero sumunod na lang din. Tumayo ako at iniwan sila doon, narinig ko pa ang pagtawa nila. Iiling-iling akong sumunod kay Ziler, nakita ko siyang lumabas kaya patakbo akong lumabas. Panay ang excuse ko dahil may nababangga ako. Nakahinga ako ng maluwag nang makarating ako sa labas ng bar ng walang nakakaaway. Luminga-linga ako sa paligid at napansin kong nakatayo siya sa sasakyan niya. Nakasandal siya sa may bandang pintuan nito at bahagyang nakayuko ang ulo. "Zi—" He cut me off. How did he know that I'm here? "Wag kang lalapit." Nagulat ako sa sinabi niya ngunit hindi ko pinahalata. Nag-angat siya ng tingin at mas nagulat pa ako ng mabasa ang galit roon. Galit na hindi ko naman alam kung ano ang dahilan at kung saan nanggagaling. "What is happening to you?" Hindi ko mapigilang mainis. "Why are you doing this to me? I feel like, fate is playing with me..." Sabi niya. Napasabunot pa siya sa kaniyang buhok. Naguguluhan akong tumingin sa kaniya. I stepped forward to him. "Wha—" He cut me off again. T*ngina. Naguguluhan ako sa kaniya, he's being red flag again, f**k it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD