Naibuga ko ang iniinom kong kape dahil sa sinabi niya. Nanlaki naman ang mata nung tatlo pero nanatiling tahimik lang.
"S-Seryoso ka?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Nakakalokong ngisi ang ginawa niya. "Joke lang! Kate and I got engaged!" Wala nang papantay pa sa saya niya ng sinabi niya iyon.
Nagulat ako. "Hala! Totoo?! OMG! Invited ba ako diyan?!" Hindi ko din mapigilang ma-excite.
"Aren't you gonna be jealous?" Inosenteng tanong niya.
Nagtaka ako. "No?"
"Great! Let's meet para maibigay ko yung invitation namin sayo, pati sila Shammia at Hazeyael." Natatawang aniya ng banggitin niya ang buong first name ni Mia at Haze. Sumulyap ako sa dalawa at nakitang nakasimangot sila.
"Also for Kyle Lawrence." Binanggit din niya ang totoong pangalan ni Kyshel. Kaya maging si Kyshel ay nakasimangot din.
"Hahaha, Sige ba! Let's meet, after ng work ko. By the way, smile ka. Pic tayo tapos post ko sa IG." Sabi ko.
"Baka pagkaguluhan ako ng mga fans mo ah, pero sige! Bwahahahahaah! Para ma-inggit sil—" Pinutol ko ang sasabihin niya.
"SMILE!" Sabi ko at ngumiti. Agad din siyang ngumiti at nag wacky pa.
"Psh, Hindi man lang ako pinata—" Pinutol ko na naman ang sasabihin niya.
"Bye na! Ingats! Congrats pala!" Sabi ko at binaba ang linya.
Tumingin ako sa tatlo at para silang tangang nakangiti sa akin. "Sa wakas, nagising na ang tanga!" Parang anunsyo na sinabi ni Ksyhel. Inirapan ko lang siya.
Pi-nost ko sa IG ko yung picture namin, naka-tag din sa kaniya. Fi-nollow ako nung ZZZZ. Hindi ko na lang pinansin at nagbasa ng comments.
ZZZZ: Luh.
Kylelangsakalam: Congratulations sa engagement niyo!
Miamya: Shshshsh! Pati name ko nadamay!
YaelNrex: Hoy! Facetime pa nga!
Dannaaaaa: Hoy ano yan! Bat may facetime ha?! May hindi ako alam?
Nag-react lang ako ng 'haha' sa kanilang lahat tsaka pinatay na ang loptop ko. Kahit katabi ko naman yung dalawang nag-comment doon.
"Hala! Girl! Yung comment mo!" Naghy-hysterical na sabi ni Haze.
"Bakit?" Gulat na tanong ko.
"O to the M to the G! Umabot ng one million yung comments! In just 10 minutes? How f*cking come?!" Hindi makapaniwalang tanong niya.
Agad kong inagaw ang loptop niya at tinignan kung totoo ang sinasabi niya. Nanlaki ang mata ko. WHAT THE PAK!
"What the effin way?!" Hindi rin makapaniwalang tanong ko. Imposible naman kasing umabot ng ganito ang comments.
I shook my head. Damn, nakalimutan kong naka-public pala yung audience ng IG ko.
"Engaged na sila? Sino yan! Omg! Shet! Ngayon ko lang siya nakita! Ang gwapo! Yishh! Bagay sila. Hindi sila bagay! Masyadong maganda si Xy para sa kaniya. Artista yan? Ito ang karamihan na tanong sayo." Mahabang sabi ni Kyshel at sinabi ang mga karamihan na kinokomento.
"Ihanda mo ang sarili mo, Xy, tsk, tsk, tsk, aalis na tayo mamaya, to meet Mr.Libranda. It's possible na maraming reporters ang sumalubong sa 'atin mamaya. I told you watch out what your gonna post. Pi-nost mo ay lalaki." Medyo seryosong aniya Kyshel. "And you should expect about this. You're famous and you forgot that, while ago."
Napakamot ako ng batok at nag-peace sign lang sa kaniya. Natawa yung dalawa sa amin.
Kumain na kami matapos magluto ni Kyshel. Nag toothbrush na lang ako at nagpalit ng damit. Off shoulder ruffle formal dress ang suot ko. Paired with black sandals. I can wear whatever I can because of my profile.
Kami lang ni Kyshel ang umalis. Hindi na sumama yung dalawa. Para daw malayo sa issue.
Gaya ng sinabi ni Kyshel ay maraming reporters ang sumalubong sa amin. Sari-saring tanong ang tinanong nila. Lahat naman ay sinasagot ko. Sinabi kong kaibigan ko si Finick pero engaged na siya ngayon. Parang guminhawa naman ang iba, hindi daw nila kayang makitang may boyfriend na ako. Para sa kanila daw, pinagpapalit ko ang boyfriend ko sa kanila. O.A diba'? Punyeta! Paano naman ang lovelife ko? Artista ako pero tao din akong nagmamahal.
Kinausap kami ni Mr.Libranda tungkol sa project ko, tatanggapin ko daw ba ang alok niya. He's still giving me a few months to decide. Hindi na namin napag-usapan pa ni Kyshel ang tungkol sa IG post ko. Pati si Mr.Libranda ay nagulat din. Hindi rin daw niya inaasahang aabot sa ganon ang comments ng dahil lang sa facetime namin ni Finick.
That's why i changed my audience from public to friends you followed only.
I let out a heavy sighed.
Bawat araw na nagdaan ay naiisip ko si Ziler. Trying not to think about him. Two weeks ko nang hindi nakikita si Ziler. Nakalabas na rin si Niña sa hospital kaya wala ng dahilan para magkita kami. Panay ang iwas ko kapag lalabas ako ng unit ko. Baka kasi magtagpo ulit ang landas namin e. Si Mix ay nakikipagkita din sa amin at nakikipagkwentuhan din. Minsan lang sa isang week dahil busy din daw siya pero mas busy daw si Ziler. About academic lang naman daw. Today is May 07, it's sunday kaya magsisimba kami nila Kyshel. Nagsuot ako ng mask at shade, tulad ng dati para walang makahalatang ako ito.
Natapos ang simba ay kumain kami at namasyal, kaya naman pagod kami ng nakauwi sa sari-sariling tirahan. May cover ang buong mukha ko, nag-suot din ako ng wig kaya walang makakakilala sa 'akin.
May 08 is monday. Magtatrabaho ako ngayon, kailangan kong i-model yung isa sa napag-usapan namin ni Mr.Libranda. Pumunta kami ni Kyshel sa sinabing lokasyon ni Mr.Libranda. Isa itong Women's Fashion Store. Pinamodel nila sa akin ang isang dress na napakaeleganteng tignan. Ang mangas nito ay pawang may diseniyo, ang laylayan nito ay umaabot sa ibaba ng tuhod, color magenta siya at labas ang cleavage pero hindi naman nakikita dahil may parang tapal sa taas nito. Hapit na hapit sa katawan at bumabagay sa kahit anong kulay ng kutis ng magsusuot. Pinareha din ito sa silver necklace at earrings. Masasabi kong napaka-galing ng nagdisenyo nito. Nagpasalamat ang may ari sa 'akin at kay Mr.Libranda. Ang bayad ay trinansfer na sa bank account ko. Matapos non ay umuwi na kami saka natulog ulit.
Paulit-ulit ang nangyari, magtatrabaho tapos matutulog, hindi nawala sa isip ko si Ziler pero pilit naman na inaalis. Kahit alam kong hindi naman niya ako iniisip.
Dumating ang araw ng Sabado, May 13, Meet up namin ni Finick, kasama daw niya si Kate, Kate is used to be a good friend to me but not until she back stabbed me just to get Finick. Then she succeed. Finick also used to love Jade but nilandi ni Kate kaya ayon, bumigay ang loko. Hahaha! But now, I'm happy for them, at least may pinatunguhan yong paglalandi niya diba'?
I',m happy for them.
"Oh, I'm so sorry, Miss." Paumanhin ko at tinulungan siyang pulutin ang mga nahulog niyang gamit.
"Okay lang, sorry din," Sabi niya at tumulong sa pagpulot ng mga papeles niya.
"Ito," Inabot ko sa kaniya ang mga ballpen niya.
"Salamat, it's nice to meet you," Sabi niya at ngumiti. Tumalikod siya at sumakay sa sasakyan niya. Nagmamadali yata siya kaya nabangga niya ako.
Nice to meet you? Do i know her?
"Sino yon?" Tanong nitong katabi ko. I shrugged my shoulder. Pumasok na lang kami saka umupo sa pinaka-dulo ng restaurant. Balot na balot parin kami ni Jade, wearing mask and wig? It was tiring.
Kasama ko si Jade. Yes, Jade is here na, bumalik lang siya kanina lang pero gusto talaga niyang makita si Finick at Kate. She wants to ask something daw? I don't know why is that. Nandito kami sa restaurant. Dito daw ang meet up sabi ni Finick.
"Ang tagal naman nila!? Inaantok na ako e." Reklamo niya at tumingin sa wrist watch niya.
Umirap ako. "Sino kasing pumilit sayo na sumama ka? You insist it, now pay the consequence." It's true, we've been waiting to them for thirty nine minutes.
Tumango-tango lang siya. "Oh? Ayan na pala ang engaged oh." Nginuso niya ang sasakyan na kararating lang. Blue na sasakyan iyon. Bumaba mula sa driver seat si Finick at inalalayang bumaba si Kate.
"Walang kupas, Kate. Mukha ka paring malandi." Rinig kong sabi ni Jade habang umiling iling pa.
"Good Mo—" Jade cut Finick off.
"AFTERNOON NA!" Inis na sabi nito. Natawa ang dalawa at umupo sa harap namin.
"I didn't know you were with he—" Jade cut him off again.
"Natural! Hindi namin sinabi sayo." Umirap si Jade kay Finick.
Sumenyas si Finick sa waiter para umorder. "We'll serve in just a minute, Sir." Sabi ng waiter bago lumakad palayo.
I was just wearing a high waisted jeans and black sando. Jade was wearing a grey hoodie and a jeggings. Meet up lang naman para sa invitation kaya no need to wear a formal attire.
"Hi!" Masiglang bati ni Kate.
Ngumiti din ako. "Hey,"
"Hi, Jadella!" Bati niya kay Jade.
"Yeah? Kate?" Balik naman ni jade. Palihim ko siyang siniko. Inis niya akong binulungan. "What?!"
"Shut up." Tipid na bulong ko. Napairap na naman siya.
"Wala kang kupas, Jade. Your still a warfreak." Ngumisi si Kate. Oh ow, mukhang may Fight between Kate and Jade.
"Wala kang kupas, Kate. Malandi ka pa din." Ngumisi din si Jade.
Sumama ang mukha ni Kate. "Hey, watch your mouth,"
"Of course, you! Watch your boyfriend." Sagot niya.
Nanlaki ang mata ni Kate. "Why the h*ll?"
"Psh, tanga talaga e, panoorin mo bawat galaw nan, baka mamaya may iba na yan." May halong pananakot sa tinig ni Jade.
"Oy! Jade! Wag kang ano, siya na ang huli." Bawal ni Finick kay Jade.
"You told me that before, right? If I'm not mistaken, you said 'Jade, your my last love' but what happened? You fall for her because she flirt you, ganyan naman kayong mga lalaki e. Kunwari, mahal niyo kami pero sa huli, iiwanan niyo din kami kasi narealize niyo na, hindi kami Worth it." Madramang sabi pa ni Jade.
Napalunok si Finick at tumingin sa akin. Humihingi ng tulong. "Jade, nandito tayo para sa invitation nila, not for your drama, we need to go after we eat, look." Nilibot ko ang paningin ko sa buong restaurant, lahat sila ay nakamasid sa akin. "Tignan mo yang mga matang nakamasid sa 'amin ngayon. Bilis. Ibigay niyo ang invitation para maka-alis na kami! Hehe." Mabahang sabi ko.
Napasimangot silang dalawa bago kumuha si Kate ng papel sa bag niya at iabot sa akin iyon. Nagtatakang tumingin ako sa kanilang dalawa. "Wala kay Jade?"
"Wala! She's frankly." Nakasimangot na sagot ni Kate.
Tumaas ang isang kilay ni jade. Suplada talaga. "Ayos lang naman sa akin na hindi pumunta sa wedding niyo! Maghihiwalay rin naman kayo." Sabi ni Jade. Palihim kong binunggo ang paa niya gamit ang paa ko sa ilalim ng lamesa.
"Aww, Joke lang! Hahaha! Sige na! Pupunta na ako." Bumuntong-hininga si Jade. Napangiti si Kate at inabot kay Jade ang invitation nito.
Matapos namin kumain ay umuwi na kami. Sa unit ko tumuloy si Jade. Ayaw daw niyang umuwi sa unit niya kahit katabi lang naman ng unit namin ni Mia. Pinaggitnaan nila akong dalawa.
Hangang ngayon ay sumusulyap parin ako ng palihim sa unit ni Ziler. Malay mo naman nandiyan siya tapos magbago ang nararamdaman niya. Hay.....
Nag toothbrush muna ako bago humiga sa higaan ko. Napatingin ako sa invitation na nasa patong sa ibabaw ng lamesa sa harap ng Bed ko. Tumayo ako para kunin yon. Umupo ako sa dulo ng bed ko at tumitig doon. Isa itong putting maliit na envelope, may pulang ribbon sa palibot nito at nagsisilbing pantali upang hindi mahulog ang nasa loob. Tinanggal ko ang ribbon at tinignan kung ano ang laman noon. Papel ang nasa loob non at picture nila Kate at Finick. Nakakandong si Kate kay Finick habang nakahalik naman si Finick sa balikat nito.
Nandoon din ang pangalan ng mga Ninang, ninong, bestman, bridesmaid, at mga abay. Nagpapasalamat ako dahil hindi ako yung Bridesmaid. Wala akong oras para doon. Saan naman kaya ang reception?
Bumuntong-hininga ako at binalik don sa lamesa ang invitation. Inabot ko ang cellphone ko at muling nahiga. IG ang una kong binuksan kasi may nag-chat.
ZZZZ: I miss you.
Sino ba to'?
XylisaY: Who are you?
ZZZZ: It's been a weeks
Ano daw?
XylisaY: The hell are you talking about?
ZZZZ: I don't know what to say because I'm Inlove with you.
XylisaY: Sorry but I love someone else.
ZZZZ: Really? Don't tell me, it's Finick?
Pano niya naman nakilala si Finick? Err, this person is creepy.
XylisaY: Who are you?
ZZZZ: Nah, I wish I can hug and kiss you right now, but I can't, someone will get hurt.
XylisaY: Ha, Ganyan naman siya e. He choose her over me? Psh, hahanap ako ng iba kung ayaw niya sa akin! He's not a good kisser by the way.
Wala sa sariling chinat ko yan. Huli na para burahin kasi nabasa na niya. Blinock ko na lang siya at pinatay ang cellphone ko. Sino ba kasi yon? Tuloy ay nasabi ko sa kaniya ang hindi dapat sabihin. Punyeta, baka ilabas niya.
Kinabukasan ay maaga na naman akong nagising. Magtatrabaho na naman ako. Simula na daw ng taping namin sa school. Gaganap ako bilang estudyante. Si Jade naman ay bilang kapatid ko. Ka-kove team niya si Mr.Cereno. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin yon sa kaniya, na mag-ingat siya.
Paglabas ko ng kwarto ko ay nakaligo na si Jade. Presenteng nakaupo sa sofa habang nakadekwatrong pambabae. "Let's go, Jade." Anyaya ko sa kaniya. Napalingon siya sa akin at dinampot ang bag sa tabi niya tsaka naglakad palabas ng unit ko. Eh? Hindi man lang naghintay!
Pinatay ko ang ilaw ng unit ko at lumabas na. Sinigurado kong naka-lock ng mabuti ang pintuan ko. Para walang makapasok.
Saktong pagharap ko ay nakita ko ang ayaw ko nang makita pa, kahit gustong-gusto ng puso kong makita siya. Ziler......
Nagtama ang tingin namin. Nagkatitigan kami at hindi napansin na meron pala si Jade na nakasandal sa pader at pinapanood kaming magtitigan.
*1*
*2*
*3*
*4*
*5*
Limang segundo kaming nagkatitigan hangang sa ako ang umiwas. "T-Tara na, Jade."
Tumango siya. Tumalikod na ako at sumabay kay Jade. "Miss Xylisa, you drop something."
Napatigil ako sa paglalakad at dahan-dahang nilingon siya. Hawak niya ang ballpen ko na regalo ni Finick. Lumapit ako sa kaniya at inabot yon.
"Salamat." Pasalamat ko sa kaniya. Hindi ko alam kung accidentally ba or sinadya niyang hawakan ang kamay ko ng iabot niya ito sa akin.
Panay ang sulyap ni Jade sa 'akin nung nasa loob kami ng elevator. Pero hindi niya nagawang magtanong. Minsan pa ay nanunukso ngunit hindi nagsalita. Iyan ang gusto ko kay Jade. Suplada pero alam ang salitang privacy.
Hindi ko inaasahang makikita ko siya ngayon. Sabi ko ayoko siyang makita pero bakit ganon? Gusto ko siyang makita araw-araw.
Ano kayang balita? Sinagot na kaya siya ng nililigawan niya? Sila na kaya? Ano kayang tawagan nila? Kailan kaya siya sinagot? Kailan kaya nag monthsary nila?
If that, then i'll be happy for them.
Wala sa sariling napatingin ako sa kamay kong nahawakan niya kanina. Ang lambot ng daliri niya. Gusto kong isipin na sinadya niyang hawakan ang kamay ko pero may pumipigil sa akin.
Nagtatalo ang puso't isip ko, hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko. Ang puso kong gustong-gusto siyang makasama. Pero ang isip kong sinasabing magmumuka ang kabit pag ginawa ko iyon.
Matunog akong bumuntong-hininga ng bumukas ang elevator. Sabay kaming pumunta ni Jade sa school kung saan ang shooting. Siya ang main lead doon. Ako sana but I refuse. Jade also refuse it but pinakiusapan siya ni Kyshel. Tinatanong nila ako kung bakit hindi ko kinuha yon. Sabi ko nalang na hindi ko bet. Kahit ang totoo ay dahil kay Mr.Cereno. He's trying to flirt with me. No, halos gahasain niya na ako nung natutulog ako. Ikaw ba naman ang malapit ng halikan?
"Oh, umupo ka muna dito ah." Bilin ni Kyshel. Ayaw ko sana pero umalis na siya. Nakita ako ni Mr.Cereno at umupo sa tabi ko. Umurong ako ng bahagya dahil ayaw ko siyang katabi. Si Mr.Cereno ay gwapo din naman pero hindi sing-apil ni Ziler. Ziler na naman. Psh, and beside, Mr.Cereno can't be an artist if he's not good in acting.
"Hey, Miss Xylisa, you look good, huh? I think you deserve a reward." He said in seductive way. He's not trying to seduce me, diba'? Anong akala niya sa akin, tanga? Akala niya hindi ko alam na kinukuha niya ang loob ko para magawa ang balak niya?
"Hmm? I don't think so." Nakangising sagot ko.
Ngumisi siya. "Your so beautiful and.... delicious." He licked his lower lips.
Just eww, kadiri.
Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa monoblock na upuan, paakyat sa siko ko hangang sa braso ko. Napalunok ako at hindi alam ang gagawin. "Mr.Cereno, don't you dare to touch me!" Medyo napalakas yata ang pagkakasabi ko non kaya napalingon sila sa amin. Nagulat sila ng makita nilang ang kamay ni Mr.Cereno na nakahawak sa braso ko. Agad niya itong inalis at ngumiti sa nga kasamahan namin.
"Oh, sorry, we're just playing." Nakangiting aniya. Napatingin ako kay Kyshel at Jade. Seryosong seryoso sila at nakakunot pa ang noo.
"You don't like me? Fine.... I like your friend though," Nakangising aniya habang nakatingin kay Jade na nakapikit na dahil inaayusan ang mukha niya.
Nagtiim ang bangang ko. "Don't you f*cking dare to touch my Friend or else." Nagbabanta ang tinig ko.
Gulat niya akong nilingon. "Or else what?"
"Ilalabas ko lahat ng kabastusan na ginawa mo sa akin." Ngumisi ako.
"Sinong maniniwala sayo?" He smirked.
"Marami, my friend, si Mr.Libranda and my fans," Sabi ko.
Namutla siya. "Don't you dare to do that." Gigil siyang tumingin sa akin at tumayo.
"I dare." Ngumiti ako ng nakakaloko.
"Psh!" Singhal niya at iniwan ako. Napatingin ako kay kyshel na seryoso lang na nakatingin sa 'akin.
Nginitian ko lang siya. Mukhang may inaalam siya. Hindi malayong magtanong yan sa akin, mamaya o bukas.
"Miss Xylisa, come here. Aayusan ko na po kayo." Sabi ni Danna. Bumuntong-hininga ako at lumapit sa kaniya. Umupo ako sa upuan na nasa harap niya at pumikit. Kaswal ang paraan ng paguusap-usap naming mag-kakaibigan pag oras ng trabaho.
Umuwi na kami ng matapos ang shooting. Ginabi na kami kaya sa unit ko na naman natulog si Jade. May balak pa sanang magtanong si Kyshel kanina pero pinatawag siya ni Mr.Libranda. may paguusapan daw sila.
Si Jade ay dumeretso sa Guess room dahil pagod daw siya. Hapon na ulit ang shooting namin bukas. Kaya mahaba ang oras namin para matulog. Naligo ako saglit at nagpatuyo ng buhok.
May 15 na pala bukas. malapit na ang birthday ko. Yey!
Hindi pa man ako nagtagal sa pagkakahiga ay agad akong dinalaw ng Antok. Nakakapagod ang maging artista. Nyemas!
Make a best decision and take the consequences of that decision. Never give up on a dreams you've been chasing almost your whole life. Be the hero of your own life.
That's my motto. And i always rely on that.
____________________________________________________________________________
Hi!