Chapter 10

1125 Words
"Kahit kailan ka talaga, tsk, tsk, tsk." Iiling-iling na sabi niya sa 'akin. Napairap tuloy ako at sumandal sa sofa dito sa kwarto niya. Nandito ako sa unit niya at ginugulo siya. Ginigising ko siya para pumasyal kaming dalawa. Bumuntong-hininga muna ako at lumapit sa kaniya. Hinawakan ko ang kamay niya at pilit na itinatayo. "Pasyal na kasi tayo!" Pamimilit ko pa sa kaniya habang hinihila-hila siya. "Ano ba! Xylisa naman! Magpatulog ka!" Sigaw niya sa akin. "Nakatulog ka naman na ah!" Sigaw ko rin at padabog na binitawan ang kamay niya. "Alam mo ba kung anong oras pa lang?!" Inis na sabi niya. "Oo," Sagot ko. "Ano?" "2:37 A.M na." Nahihiyang sagot ko. "Oh?! Alas dos palang! Ano ba?" Inis na talagang aniya at padabog na humiga ulit tsaka nag talukbong ng kumot. "Tara na!" Hinila ko ang kumot niya pero tulog na tulog na siya kaya wala akong nagawa kundi ang bumuntong-hininga na lang ulit. Bakit nga ba ako pumunta dito ng napaka-aga? Bakit ba naman kasi ganito kalapit ang mga unit namin, edi talagang pupunta ako dito kung ganito lang naman kalapit? Padabog akong lumabas ng kwarto niya at pumunta sa living room. Manonood na lang ako ng Netflix hangang umaga! Araw ngayon ng lunes at wala akong magawa sa condo ko kaya pumunta ako dito sa condo niya ng ganitong oras. Hindi ako makatulog at hindi ko alam ang dahilan. Pinili ko na lang na panoorin yung Tune in for love na movie. Ito na lang ang mauuna kahit napanood ko na ito. Ang ganda kasi niya para sa akin. Bagay na bagay yung actor at actress. "Oh my gosh!" Napatili pa ako ng halikan ni Hae in si Go Eun. Ang sweet! Sa lahat ng movie ni Hae In, ito ang pinaka-sweet sa lahat. Ang dami kasi ng kissing scene. "Hoy! Ang ingay mo," Napatingin ako kay Haze na kalalabas lang sa guest room. "Ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko. Nandito rin pala siya! "Natulog, may peste sa bahay namin." Sagot niya at pumasok sa kitchen. Kumunot ang noo ko. Sino naman kaya yung peste na sinasabi niyang nasa bahay nila. Don't tell me may kaaway na naman siya? Op! Palaaway kasi! "Sinong peste!?" Pasigaw na tanong ko. "Father ko," Sagot niya nung lumabas siya ng kitchen dala-dala ang isang baso ng gatas. "Luh, bad yan, bakit na naman ba?" Kakaiba talaga ang pamilya nila. Imbes na magmahalan ay na-aaway naman sila. Masyadong magulo ang pamilya nila. Panay away. "He want me to stop from working as a dentist." Halata ang inis sa tono nito. Minabuti ko na lang na ituon ulit sa T.V ang atensiyon ko. "Gusto nila, palaging sila ang tama. Palaging sila ang masusunod. 22 na ako pero pakiramdam ko ang bata ko pa lang." Sabi niya. "Adults can't always be right." Tanging nasabi ko. Kinuha ko sa kamay niya ang gatas at uminom doon. Inirapan niya lang ako at sumandal sa couch. "How about you? May jowa ka diba'?" She asked, out of nowhere. "Luh! Wala ah! Pumapasok sa utak mo," Angil ko. "Defensive ka masyado, tsk, tsk. Napaghahalataan ka." Iiling-iling na aniya. "Tch." Pinatapos ko muna ang pinapanood ko bago napagdesisyonan na matulog sa Guess room. Kung saan natulog si Haze. Nagising na lang ako sa matinding ingay nila sa sala. Kaya bumangon ako at dumeretso sa sala. Naabutan ko silang nagkakantahan sa T.V habang may mga alak na nakalagay sa lamesa. "Want some?" Sumulpot sa gilid ko si Mia hawak-hawak ang baso na may laman na alak. Inabot niya sa akin to kaya tinanggap ko at agad na tinungga ang laman. "Anong ganap?" Umupo ako sa sofa at binaba ang baso sa lamesa. "Wala lang, trip lang daw ni Jade." Sagot ni Mia na nakaupo na pala sa tabi ko. Pinapanood niyang kumanta si Jade habang nilalaro ang yelo sa baso niya. Tumaas ang kilay ko. "Possible?" "Oo nga, Ewan ko nga diyan dahil biglang nag-aya ng inuman." Sabi niya. Napatayo ako ng biglang may maalala. "Hala! May shooting nga pala ngayon! Oh shoot!" Napatingin ako kay Kyshel at binigyan ng nagtatanong na tingin. "Easy, wala ka bang natanggap na email?" Umiling ako at agad na kinapa ang cellphone ko sa bulsa ko. Binuksan ko ito at tinignan ang email. Meron nga! Mr.Libranda ang nag-email sa akin. Hindi daw matutuloy ang shoot ngayon dahil nagkaroon ng problema. Nagso-sorry pa nga siya dahil daw baka nakahanda na kami. Hindi niya alam na nakalimutan ko. Umupo na lang ulit ako at nagsalin sa baso ko. "Hoy, Jade! Palitan mo nga yang kinakanta mo," Sigaw ko sa kaniya pero mukhang hindi ako narinig ng gaga. Lasing na kasi siya pero maganda parin ang boses. Sana all na lang talaga, maganda ako pero hindi ang boses k0. Bigla ko tuloy naalala yung dress na minodel ko. and ganda ng design! Dapat ako na lang talaga ang bumili no'on no'? I shooked my head. "Where would i use my million of money?" Inis na bulong ko sa sarili ko. Sa pagiging artista ko ay umabot na ng ganon kalaki yung pera ko sa bank account ko. Hindi ko naman pwedeng ibigay kila Mom at Dad kasi ayaw din nilang kumuha ng perang pinaghirapan ko saka may pera naman daw sila so i should keep my money daw. Wala pa naman akong family na paggagastusan. "Bakit pa kailangan na masaktan ang puso kong ito sa iyong paglisan.....hapdi ang siyang naramdaman!" Nagulat ako ng bigla siayng sumigaw na halos ikahulog ko na sa sofa. Ano bang problema niya!? Ang sakit sakit sa tenga. "Ano ba!?" Inis na Singhal ko. Napatingin siya sa akin tapos biglang tumawa. "Ang pangit ng kanta mo!" Singhal ko. "Mas panget siya!" Turo niya kay Kyshel. "Me?" Gulat na tanong ni Kyshel habang nakaturo pa sa sarili niya. "Oo, hahahahah, kamukha mo si jolibee? Ohhhhhh! Jolibee daw oh, oh my oh my!" Para siyang tanga na tumatalon-talon sa harap namin. Napatampal ako sa sariling noo dahil sa kaniya. Ganyan talaga siya pag lasing. Minsan pa ay mananampal siya ng walang dahilan. Kaya hindi na ako magtataka kung Isa sa amin ang bigla niyang sampalin. "Crazy." Bulong ko. Tumakbo siya kay Kyshel at umupo sa kandungan nito. Nanlalaki naman ang mga mata ni Ksyhel at hindi makagalaw sa kinauupuan niya. "Can I slap you?" Napaawang ang labi ni Kyshel at hindi pa nakasagot ng bigla siyang sampalin ni Jade ng pagkalakas-lakas. "Does it hurt?" Tanong pa ni Jade at hinaplos ang pisngi ni Kyshel na sinampal nito. "What the f*ck?" Gulat na tanong ni Kyshel nang bigla na lang nawalan ng malay si Jade. Napayakap kasi ito kay Kyshel. "Straight na ba yan?" Natatawang bulong ni Mia sa akin. Nginuso niya si Kyshel. Nagkibit-balikat ako. "Ewan ko,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD