Wala pang ala una ay nakatayo na si Hunter sa harap ng classroom ko. Tulad ng dati, nakataas na naman ang kilay nila Freya at mga kaibigan nito. "Hi, love..." bulong ni Hunter nang lumabas ako sa classroom. Sinadya ko na talagang magpahuli dahil pinagtitinginan kami ng mga kaklase ko. Alam naman nila na nagpapalipad-hangin si Hunter sa akin. "May makarinig sa 'yo baka isipin totoo." Kinuha ni Hunter ang bag sa balikat ko at isinukbit sa balikat nito. Wala na rin akong nagawa nang hawakan nito ang kamay ko habang naglalakad sa corridor hanggang sa parking lot ng university. "Bago yata ang bag mo? Si Renzo ba ang nagbigay?" tanong nito nang buksan ang pinto ng kotse at pinasakay ako sa tabi ng driver's seat. "Binili ko lang sa ukay-ukay 'yan." Tumitig sa akin si Hunter na hind

