"Mas maganda kung sa Amerika siya mapapatingnan at doon magagamot, Hunter. Your mother needs all the medical help she needs." "At sino ang titingin sa kanya sa Amerika?" "Your Auntie Sol will be there, one maid and a nurse, and you. Doon ka na muna mag-aaral kung gusto mong ipagpatuloy ang pagdo-doktor mo." "Ako? P-paano ang pag-aaral ko dito? Paano ang--" Napatigil din ako sa pagsasalita dahil ang kasunod na sasabihin ko ay paano kami ni Ziya. Of course, they wouldn't understand. They wouldn't care either. The only thing that matters now is my mother's welfare. "Isang buwan na lang ay matatapos na ang semestre. I can talk to your school to give you a diploma. Ano pa ang silbi na nagbibigay tayo ng scholarships sa daan-daang estudyante sa Golden Achievers kung ang sarili k

