Hindi ko napigilan si Mommy nang magpilit siyang magpa-party para sa debut naming magkapatid. Bagama't mga kamag-anak lang namin ang karamihan sa imbitado, may mga kaibigan din sila Mommy at Daddy na dumalo. Isang simpleng old rose evening gown ang isinuot ko kaya't gumaya na rin si Adriana kahit pa ang gusto nito ay ball gown at magarbong handaan. Isang buwan na mula nang unti-unting nagbago ang pakikitungo ni Adriana sa akin. Kung kailan sumuko na akong makipag-ayos, ang kakambal ko naman ang nagsumikap na ayusin ang relasyon namin. At dahil mahal ko naman talaga ang totoo kong pamilya, sino ba naman ako para ipagkait sa mga magulang namin na maging masaya kapag nakikita ng mga ito na magkasundo na kami ni Adriana. Kaninang umaga ay may pumaradang dalawang bagong sasakyan sa drivew

