Prelude

594 Words
Albano Hotel Sixteen Years Ago Danica Albano “Wala pa ba kayong balita sa anak ko?” nananaghoy kong wika sa asawang si Zandro Albano. “Kailangan siyang mahanap, Zandro! Mamamatay ako kapag nawala si Ziya…” “Husshh… Hinahanap na siya ng mga pulis. Mahahanap din natin si Bea…” Idinaos ang ika-sampung kaarawan ni Drake na pangatlong anak namin ni Zandro sa Albano Hotel. Nasa tatlong-daan ang bisita dahil isinabay na rin ang binyag ng kambal namin na si Adriana at Ziya. Kanina ay hawak ni Bea ang isa naming anak habang nagpapakuha ng larawan. Si Bea ay kapatid ko kay Marco Solivan na matagal nang pumanaw. Dahil naging abala ang lahat, hindi namin napansin ang pagtakas ng mag-asawang Bea at Norman. Tiwala ang lahat kay Bea dahil naging parte na rin ito ng pamilya matapos maglabas-masok sa rehabilitation center. Matagal bago nagamot ang depresyon nito dala nang pagkalulong sa droga pero matagal na rin idineklara ng doctor na maayos na ang kalagayan nito. At sa loob ng ilang taon, labas-masok naman ito sa bahay namin. Malapit din ito sa mga anak naming si Duncan, Danzel at Drake. Pero ngayon ay itinakas nito ang isa naming anak na tatlong buwan pa lamang. Ayon sa CCTV footage, isang lumang Toyota Corolla ang sinakyan nang mga ito na sumabay sa kumpol nang nagsisiuwiang mga bisita. Sa ngayon ay pinaghahanap na ng mga pulis ang maaaring pagdalhan sa aming Baby Zia. Pero lumipas ang ilang araw, buwan, at taon… Wala ng Bea at Ziya ang lumitaw sa kabila ng yaman namin. Albano Residence Present Time Nagkakasayahan ang lahat sa bulwagan para sa ika-labing-anim na kaarawan ni Adriana. Nasa balkonahe ako nang puntahan ng asawang si Zandro. Pinahid ko ang luha sa mata at pilit na ngumiti. “Sixteen years old na rin si Ziya ngayon, Zandro…” gumagaralgal ang tinig na wika ko. “Sana’y ipinaghanda siya ni Bea. Sana ay masaya ang anak natin ngayon.” Hindi ko na itinuloy pa ang sasabihin dahil bumara na sa lalamunan ko ang sakit sa pagkawala ng isa naming kambal. Bihira nang banggitin ang pangalan ni Ziya sa mansion dahil nagdudulot lang ito ng sakit sa kalooban ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin iyon naiibsan. Kailangan ko lang ipakita sa ibang anak ko na wala akong iniindang sakit. Pero kahit kailan, hindi mawawala ang pangungulila ng isang ina sa kanyang anak na hindi na nakita sa loob ng labing-anim na taon. “Sana’y mayakap ko man lang siya bago ako mamatay, Zandro… Sana’y marinig man lang ng Diyos ang panalagin ko…” Niyakap ako ni Zandro na wala ring maapuhap na sasabihin. Kahit ito ay sugatan pa rin ang puso sa pagkawala ng anak. Bea was obsessed with him. Ilang beses nitong ipinilit ang sarili sa kaniya sa kabila nang mag-asawa na kami at paulit-ulit nitong ipinaiintindi na hindi ako pagtataksilan ni Zandro. Ilang taon din niyang sinisi ang sarili niya. Sana ay nakita niyang gagawa si Bea nang ikasisira naming pamilya. Masyado kaming nagtiwala. Pinakisamahan namin siya nang maayos dahil alam naming madali itong igupo ng depresyon. And many times, Bea would insist having an affair with my husband. Bea wanted a child from him. Ipinikit ni Zandro ang mata para alisin ang guilt sa dibdib nito. Tama na ang paninisi nila sa sarili. May apat pa kaming mga anak na nangangailangan din ng pagmamahal at atensyon. “Tara na sa ibaba, mahal… Magtatampo na ang bunso mo kapag hindi tayo nakita roon…” Pinasigla ni Zandro ang tinig saka inakay ako palayo sa balkonahe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD