Chapter 37 - Ziya

1807 Words

"Wala ang Daddy mo, maagang umalis dahil may emergency sa ospital. Sabay na lang kayo ni Adriana na ihahatid ng driver, Ziya," wika ni Mommy isang umaga na bumaba ako sa komedor. Agad akong napatingin sa kakamabal ko na tahimik lang kumakain sa hapagkainan. "S-sige ho..." "Bukas na ang birthday ng Uncle Zane niyo may isusuot ka na bang damit?" "Marami ho akong damit sa cabinet na hindi pa nasusuot. Pipili na lang ho ako doon." "Nagbabalak pa si Adriana na magpunta sa mall mamaya. Sumama ka na baka may magustuhan ka rin." "M-may lakad ho kami ni Laura mamaya..." pagdadahilan ko. Ang totoo'y may pasok ito sa fast food mamaya. Wala naman talaga akong ibang lakad. Hindi ko na lang gustong ipilit ang sarili ko kay Adriana na hindi ako gustong kausapin kahit ano ang pakiusap ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD