"Hi, Ziya!" bati ni Lander sa akin nang maihatid ako ni Hunter sa classroom. Si Lander ay isa kong kaklase na naging palabati rin matapos kumalat sa campus na isa akong Albano. Isang ngiti lang ang isinagot ko. Ang kamay ni Hunter ay kaagad lumapat sa baywang ko. "I'll you after class," bulong nito sa akin na hinila ang kamay ko at sandaling inilayo ako kay Lander. "Baka dumating na si Prof," wika ko para umalis na ito. Ang alam ko'y mas unang magsisimula ang klase nito pero heto at ayaw pang umalis. "May karapatan na akong ilayo ka sa mga gustong manligaw sa 'yo. Boyfriend mo na 'ko." "Hindi naman ako magpapaligaw sa iba..." "Thank you. Babalik ako dito pagkatapos ng klase, sabay tayong mag-lunch." "Oo na, sige na. Late na late ka na sa subject mo." "Kiss ko muna," pilyon

