Chapter 50 - Ziya

1908 Words

Maayos naman ang date namin ni Eric at nag-enjoy akong kausap ito lalo na't pareho kaming nasa puso ang maging doktor. Pero katulad ni Jay, ang kaya ko lang ibigay kay Eric ay platonic relationship. "I hope you had a wonderful evening with me," wika ni Eric nang ihatid ako sa bahay. "Are you dropping by at your father's office tomorrow?" "H-hindi siguro..." sagot ko. May schedule si Dad bukas sa ilang pasyenteng dadalawin na kalimitan ay sinasamahan ko. Pero matapos makita si Hunter doon kanina ay minabuti kong huwag na lang. Kahit si Jay na kanina pa tawag nang tawag ay hindi ko na sinagot. Hindi ko sana gustong makadaupang palad pa si Hunter pagkatapos ng mahabang taon na wala naman kaming communication. I had enough heartaches. "Sayang naman kung hindi kita makikita bukas.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD