"Uy, sasama ka ba sa medical mission sa Batangas?" tanong ni Adriana kinabukasan. Taon-taon ay gumagawa kami ng medical mission sa mga kababayan ni Mommy doon. "Bumalik na pala si Hunter ah." "Marami yata kaming activities sa school eh." "Ows?" Isang nakalolokong ngiti ang pinakawalan ni Adriana. "Lagi kang sumasama tapos ngayon biglang hindi? Nalaman mo siguro na sumali sila Hunter sa mission no?" "Ows? Hindi ko alam. Wala namang mababanggit si Dad. At saka marami pa namang doktor na kasama kung sakali." Kagabi ko pa iniisip kung paano haharapin si Hunter pagkatapos ng nangyari kagabi. Tumugon ako sa halik nito gayung dapat ay hindi. Nadala lang siguro ako ng alak kasi marami akong nainom sa Zenclub. Sino ba ang sinasabi ni Jay na kasama nitong babae na umuwi galing Amerik

