Eksaktong limang minuto naman ay pumasok na ulit si Hunter hindi ko pa man pinapapasok. Gusto ko sanang sa hardin kami mag-usap dahil baka ano ang isipin nila Mommy kapag nasa loob kami ng silid. Pero hindi ko rin naman gustong pagpyestahan kami ng mga katulong kung doon ako magsisisigaw. "Ano ba ang kailangan mo? Sino ang nagpapasok sa 'yo dito sa kwarto ko?" Umupo ako sa may tokador para doon kumuha ng lakas. Isang dipa lang ang layo ni Hunter at nanunuot na ang pabango nito sa ilong ko. The same perfume he wore four years ago. "Ang Daddy mo ang nagbigay ng permiso sa akin para umakyat dito. I know I need a lot of explanation. But first, where's your ring?" "Matagal ko nang itinapon ang walang kwentang singsing na 'yun, Hunter. Ang lakas naman ng loob mong magpunta dito at k

