6 Months Relationship

5742 Words
Disclaimer: This is a work of fiction. All the names, characters, business, places and events are neither the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to the actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. This is not affiliated with some places that has been mentioned in the story. Plagiarism is a crime. ----- credits din po ulit kay keith_jhuztine sa paggawa ng chibi ko! ❤ Cast: (Ella) (Josh) "A friend is someone who knows all about you and still loves you." 6 months relationship Ella's POV "babe palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita ah." andito kasi kami sa garden ng school,nakaupo sa d**o,tapos siya eto,yung ulo niya nasa balikat ko "oo naman babe." sagot niya habang nakahilig pa din ang ulo sa balikat ko "kapag dumating ang araw,gusto ko magkaron ka ng sarili mong pamilya,asawa at mga anak." dagdag ko pa,tapos bigla siyang nagayos ng upo,at nagbuntong hininga bago sumagot "oo naman pero syempre ikaw ang gusto kong maging asawa at maging ina ng mga anak ko." nakangiti niyang sabi,napangiti nalang din ako sa naiisip niya pero deep inside nasasaktan ako,parang unti unting winawasak yung puso ko,kasi alam kong may posibilidad na hindi na ko umabot don "babe tanda mo ba kung anong araw ngayon?" tanong ko sa kanya,ngayong araw kasi,saktong 6 months na kami,pero kasabay din non ang pagtatapos ng relasyon namin hayys "hmmm oo December 06,ngayon babe,sakto 6 months na tayo yieeee." pangaasar pa niya "pero tanda mo din ba na bago maging tayo may sinabi ako sayo?" tapos tumango siya "naalala ko halos magmakaawa ka sakin non para maging tayo,tapos sabi mo pa non bigyan kita ng chance,sabi mo din kahit 6 na buwan lang,kasi gusto mong maranasang maging girlfriend ko." dugtong pa niya "tama hahaha pero tutuparin ko na yung sinabi ko babe,makikipaghiwalay na ko sayo,tapusin na natin toh tutal ang usapan lang naman natin ay hanggang 6 months diba?salamat sa lahat lahat ah,sa pagtanggap mo sakin,sa pagmamahal mo." tapos pagkasabi ko non umalis na ko at iniwan ko siya,ayoko kasing makita niyang nasasaktan o naiiyak ako hahahaha,mas okay na din siguro toh kasi pag pinatagal ko pa mas lalo lang akong mahihirapang bitawan siya Lumipas ang mga araw at wala ng Josh ang nagpapakita sakin Sakit din pala,hindi kasi ako sanay eh,mahirap pero kasi kailangan Hanggang sa isang araw bali balita sa campus na nambababae daw si Josh Nung una medyo natawa pa ko at napailing sa naiisip ko,kasi alam kong hindi magagawa ni Josh yon,kilala ko siya Pero akala ko lang pala, One time paglabas ko ng room nakita ko siya,may kaakbay na babae,tapos napaisip ako,tama nga sila,nambababae na nga siya Masakit syempre pero on the back of my mind medyo masaya din,kasi atleast mababaling na ang atensyon niya sa iba,may magugustuhan na siyang iba Lumipas na naman ang mga araw Uwian na namin,hapon yon mga 4:00 pm Saktong paglabas ko may naramdaman akong yumakap sakin mula sa likuran ko Hindi na ko magtatanong kung sino dahil alam kong siya yon Pinagtitinginan na kami ng ibang mga tao pero para siyang walang pakialam "josh ano bang ginagawa mo?" saway ko habang pilit na tinatanggal ang mga braso niyang nakapulupot sa bewang ko "shhhh Ella I missed you,miss na miss na kita sobra,kung alam mo lang,halos mabaliw ako kakaisip sayo,hindi ko kaya na wala ka,please wag ganito,bumalik ka na sakin,kalimutan mo na yung 6 months." sabi niya pero ramdam ko din na umiiyak na siya,gusto ko ding maiyak hahaha,dati rati kasi pangarap ko lang na maging kami ng best friend ko and now that its happening di ko din lubos maisip na kailangan ko din siyang pakawalan "akala ko pa naman masaya ka na?bali balita dito sa campus na nambababae ka daw eh hahahaha." natatawa kong sabi pero s**t lang kasi nagpipigil lang ako ng iyak "hindi na ko naging masaya simula ng maghiwalay tayo!at yung pambababae ko,sinadya ko yon para mapansin mo,kasi umaasa ako na babalik ka sakin." tapos iyak pa din siya ng iyak. "tama na Josh,tigilan mo na,hindi na tayo magkakabalikan." sabi ko pa tapos bigla siyang bumitaw sa pagkakayakap at pilit akong hinarap sa kanya "BAKIT ELLA?BAKIT?!SABIHIN MO NAMAN SAKIN OH KASI MABABALIW NA KO!" sigaw niya,buti nalang wala ng masyadong tao dito "hindi pwede,masasaktan ka lang." sagot ko "WALA AKONG PAKE BASTA SABIHIN MO SAKIN DXMN IT!" sigaw niya na naman Nagbuntong hininga muna ako bago sumagot "KASI MAY SAKIT AKO JOSH,MAY SAKIT AKO SA PUSO AT ANYTIME PWEDE AKONG MAMATAY!KAYA MAS PINILI KONG BITAWAN KA HABANG MAAGA PA,KASI AYOKONG DUMATING SA PUNTO NA MAHIHIRAPAN AKONG BITAWAN KA,KASI MAHAL NA MAHAL KITA." sigaw ko at this time umiiyak na din ako,napatingin ako sa reaksyon niya hindi siya makapagsalita,halatang gulat pa din siya sa nalaman niya "pero bakit di mo sinabi Ella?" tanong niya "kasi ayokong makita mo kong mahina,ayaw kitang saktan." sagot ko "pero sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan sa ganito?" Tanong niya pa "sorry." yan lang ang bukod tanging salita na lumabas sa bibig ko Lumapit siya sakin at hinawakan ang magkabila kong pisngi "shhhh okay lang,naiintindihan ko,pero please Ella magpagamot ka,ayaw kitang mawala,mahal na mahal kita,please?" tapos nakita ko kung gaano siya nasasaktan "tama ka,sige magpapagamot ako,lalabanan ko ang sakit na toh,pero ipangako mo sakin na sa pagbabalik ko aayusin natin tong satin." tama,sa ibang bansa kasi ako magpapagamot dahil sabi nina mommy mas magagaling daw ang doctor don "oo Ella pangako." tapos niyakap niya ko at niyakap ko din siya ---------------- Months later His POV Months have passed since Ella left at aaminin ko,di pa din ako sanay na wala siya,pero kinakaya ko naman,kasi alam kong para sa kanya yon,para mas makasama ko pa siya ng mas matagal pa,syempre habang wala siya,madami pa ding umaaligid sakin,kaya minsan pag ganyan,naiisip ko nalang na sana bumalik na si Ella Kasalukuyan akong naglalakad dito sa hallway ng school namin,kakatapos lang kasi ng klase ko,kaya uuwi na ko sa bahay after nito Kaso habang naglalakad ako biglang nagring ang phone ko,si dad pala tumatawag... -dad calling- (Answer) "Dad." sabi ko pa (Son,pagtapos ng klase mo,dumiretso ka dito sa fave resto natin) tsk ano naman kayang meron "Anong meron dad?" Naguguluhan kong tanong (Malalaman mo pag pumunta ka dito,kaya bilisan mo na,wag mo na kaming paghintayin) Then he hang up Tsss ano na naman kaya ang meron? Dali dali akong pumunta sa parking lot,at agad na pinaharurot ang kotse ko papunta sa resto na sinasabi ni daddy Pagpasok ko sa resto,nakita ko agad sina dad May kasama silang babae,diko makita ang mukha nito,dahil nakatalikod ito sa gawi ko Naglakad ako palapit sa kanila,at laking gulat ko ng makita ang babaeng kasama nila.... "Josh!" Sigaw pa niya sabay tayo sa kinauupuan niya at yakap sakin,unexpected things happen talaga "I miss you!" Bulong niya pang sabi,pero ako nanatiling nakatayo at walang reaksyon "Ehem,take your seats mga anak." sabi pa ni daddy kaya wala na kaming nagawa kundi umupo nalang Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng magsalita si mommy "So hija kamusta ka naman?" Tanong ni mommy sa katabi ko,ayokong sabihin ang pangalan niya kasi naiinis ako. "I'm okay tita." nakangiti niyang sagot sabay tingin sakin "Ohhh drop that tita,mommy na." nakangiting sabi ng mommy ko "Okay mommy." nakangiti niya na namang sagot "So mom and dad,bakit niyo ba ko pinapunta dito?" Walang emosyon kong tanong "Kasi paguusapan na natin ang tungkol sa kasal niyo." nakangising sabi ni daddy kaya nanlaki ang mga mata ko. "Hahahaha anak look at your face,so epic!" Natatawang sabi ni daddy kaya sinamaan ko siya ng tingin "We're just joking anak,why so serious ba?" Kunot noong tanong ni mommy "Akala niya kasi hon,aagawan at uunahan natin siya sa diskarte niya dito kay Ella." seryosong sabi ni daddy,tama kayo ng basa,si Ella yung babaeng nandito,ang girlfriend ko,kaso naiinis ako sa kanya,kasi nga di manlang niya sinabi na nandito na siya at di lang yon,nagiba itsura niya lalo siyang gumanda,halos diko siya nakilala eh. "Daddy stop!" Maawtoridad kong sabi kaya tumigil naman na siya Natapos ang dinner namin ng wala ng nagsalita,hanggang sa nauna ng umuwi sina daddy,naiwan kami ni Ella,andito kami ngayon sa loob ng sasakyan ko... "Bakit kanina mo pa ko di kinikibo?" Malungkot na tanong ni Ella "Tss di mo manlang kasi sinabi na nakauwi kana pala,at di lang yon,nagiba ka,halos di na kita nakilala kanina." inis kong singhal na lalong nagpalungkot sa kanya "Sorry,gusto ko lang namang isurprise ka." dagdag pa niya "Tsk nasurprise nga ako haha." tawa ko pa habang bakas sa boses ko ang sarkasmo. "Bakit ka ba ganyan?parang di ka masaya na nakauwi na ko." malungkot nitong turan. "Tss ewan ko sayo." naiiling kong sagot "Mahal mo pa ba ko?" Tanong niya na ikinabigla ko. Her POV "Josh,bakit hindi ka makasagot?kasi ba hindi mo na ko mahal?may iba na ba?" Sunod sunod kong tanong kasabay ng pagtulo ng mga luha ko,di niya na ba ko mahal? "Ella stop crying." sabi niya pa sabay iwas ng tingin. "No Josh!sagutin mo muna ang tanong ko please?" Naiiyak ako,kinakabahan ako sa maaari niyang isagot. "Josh please,sabihin mo sakin." pangungulit ko pa. "Aaminin ko Ella,hindi ko na alam kung mahal pa kita." walang emosyon niyang usal,there narinig ko na!ang sakit hahaha! "Bumalik ako para sayo Josh dahil nangako ka na pagbalik ko aayusin natin yung satin." hagulgol ko,hindi ko na napigilan. "Sorry Ella." sagot niya at nagsimula ng magdrive Di na din ako nagsalita pa,tahimik lang kami sa buong byahe namin,nga pala kina Josh muna ako titira habang nandito ako dahil nga ginagawa pa ang bahay namin at syempre gusto din daw ako makabonding nina mom and dad (parents ni Josh) Nakarating kami sa bahay nila ng di nagkikibuan Pagpasok namin,sinalubong kami nina mom and dad "Ella are you okay?" Nagaalalang tanong ni mommy nang makalapit siya saken,napansin niya siguro na mugto ang mata ko. "I'm okay mommy,saan po ba ako matutulog?" Tanong ko "You'll be staying in Josh's room hija." si daddy na ang sumagot. Hayyy ang malas ko yata ngayon,di kami okay tapos biglang ganito pa. "Ahmm mom,dad sa hotel nalang po kaya ako-----" sabi ko pa pero naputol ang sasabihin ko ng magsalita si Josh "You're staying!" maawtoridad niyang usal sabay hila sakin paakyat sa kwarto niya. *Kinabukasan* Her POV Maaga akong nagising dahil gusto kong ako ang maghahanda ng breakfast today at sa mga susunod pang araw,nga pala babalik na din ako sa school hihi So ayon pagkagising ko dumiretso ako agad dito sa kusina para tumulong kina manang,buti nalang at pumayag sila "Ang sarap naman niyan Ella." komento ni manang Faye habang nilalagay ko sa plate ang niluto kong pancake,hehe iba ibang shape "Nako manang pancake lang po kaya to,toasted bread,fried eggs at bacon." natatawa kong sabi "Hahaha kahit na hija." sagot naman niya "manang pakiserve na po ito sa table,pakitawag na sina mom and dad at maliligo po muna ako." natataranta kong sabi. "Oo nga pala at babalik ka na sa school,sige na ako na ang bahala dito." pagkasabi non ni manang,agad akong umakyat papunta sa kwarto ni Josh,kakatapos niya lang maligo. Diko nalang siya pinansin at agad na naligo Paglabas ko ng banyo akala ko nauna ng bumaba si Josh pero di pala. "Bakit nandito ka pa?handa na yung almusal sa baba oh." sabi ko pa habang nagaayos ng mukha,nakabihis na po ako hehe "Hinihintay kita,sabay na tayo." sabi pa niya,tumango nalang ako at nagayos. ---- Pagbaba namin,nandon na sina mom and dad busy sa pagkain "Good morning." bati nila "Good morning po!" nakangiti kong bati sabay beso sa kanila "Balita ko ikaw daw ang naghanda ng lahat ng ito Ella,totoo ba?" Tanong ni mommy,napatingin muna ako kay Josh bago sumagot "Ah hehe opo." nahihiya kong sagot "graduation niyo na sa isang linggo ah,anong plano niyong dalawa?" Tanong ni daddy "Ahmmm baka po bumalik ako sa Australia." sagot ko "Owww i thought you're staying Ella,diba ikakasal pa nga kayo ni Josh." sabi naman ni mommy "Hehe maybe some other time po,masyado pang maaga." sagot ko kahit na sa loob loob ko eh sobra na kong nasasaktan kasi diko alam kung mahal niya pa ko. Simula ng umalis kami sa bahay,hanggang sa sasakyan di kami nagkikibuan,ang awkward nga eh Pagdating namin sa school,di pa din kami nagkikibuan ni Josh,alam niyo yung feeling na parang ang lapit lapit niya lang sakin pero parang ang layo layo niya,pakiramdam ko may pader sa gitna namin at ang hirap sirain non :'( So ayon naglalakad kami dito sa hallway,as usual gaya ng dati pinagtitinginan na naman kami,nakarinig pa nga ako ng bulung bulungan eh "O myyy si Ella ba yan?" "Oo si Ella yan!" "Nakabalik na pala siya." "Gumanda siya lalo." Yan lang ang ilan sa mga bulungan na narinig ko,buti naman at puro good comments "Ahhh Ella nakabalik ka na pala." sabi ng isang pamilyar na boses,sabay yakap sakin,seriously? "Oo hehe." sagot ko sabay kalas sa yakap niya,napatingin naman ako kay Josh na ang sama ng tingin sakin,hayy wala naman akong ginagawa ah "Namiss kita!" sabi pa niya at akmang yayakapin ulit ako ng biglang magsalita si Josh "Di ka niya namiss pare at pwede ba layuan mo ang girlfriend ko." tiim bagang niyang sabi kay Sebastian sabay hila sakin palayo Nang makalayo kami sa madaming tao,hinila ko ang kamay ko na hawak niya,kaya napatingin siya sakin,bumuntong hininga muna ako bago nagsalita "Josh naman,bakit mo sinabi yon kay Seb?" Mahinahon kong tanong "Eh ano sa tingin mo ang dapat kong gawin?hayaan siya na yakapin ka?" Inis niyang tanong "eh bakit ganyan ka umasta?akala ko ba di mo na ko mahal?" Naguguluhan kong tanong "Wala akong sinabi na hindi kita mahal,ang sabi ko hindi ko alam,magkaiba yon tss." Magsasalita pa sana ako kaso wala na,siniil na niya ko ng halik Isang halik na pakiramdam ko puno ng galit Masyadong marahas ang pagkakahalik niya sakin kaya halos nalasahan ko na ang dugo "I'm sorry Ella." bulong niya, sabay halik sa noo ko at umalis Naiwan akong nakatayo dito magisa,tulala What just happened? His POV Aish naiinis na ko sa sarili ko!ang gago ko,dapat hindi ko ginawa kay Ella yon,ano bang nangyayare sakin,kailangan ko muna sigurong dumistansya kay Ella para di na siya masaktan at kapag sigurado na ko sa nararamdaman ko,tsaka ko siya kakausapin Her POV Dayss passed,and guess what?nakagraduate na din kami,nakatapos na din kami ni Josh sa wakas,dream namin to eh,we made it although di kami masyadong okay,matapos nung halik sakin ni Josh,hindi na niya talaga ako kinausap,kakausapin niya lang ako unless its needed pero inintindi ko nalang Andito ako sa garden nina Josh,nagpapahangin,nagiisip. "Ella anong ginagawa mo dito?" Tanong ni mommy sabay lapit sakin "Nagpapahangin lang po." nakangiti kong sagot "Hija I hope you don't mind me asking,okay ba talaga kayo ni Josh? kasi simula ng dumating ka,parang ilag sayo ang anak ko,may problema ba kayo?" Nagaalalang tanong ni mommy sakin kaya napatingin ako sa kanya. "Sa totoo lang po mom,di kami okay ni Josh,hindi niya na daw po kasi alam kung mahal niya pa ko." nakangiti ko pa ding sagot "Hija ayaw kasi naming makialam sa relasyon niyo,but alam mo sa nakikita ko,mahal na mahal ka ni Josh,siguro naguguluhan lang siya ngayon,give him time anak at marerealize niya din yon." tapos niyakap ako ni mommy,niyakap ko din siya pabalik. "Thanks mommy!" sabi ko, habang nagpupunas ng luha,diko namalayan na naiyak na pala ako haha "Pero anak talaga bang tutuloy ka sa Australia bukas?" Tanong ni mommy ---------- Bumuntong hininga muna ako bago sumagot "opo mommy tutuloy ako." "Pero anak di ka na ba talaga namin mapipigilan?" Naiiyak na tanong ni mommy "Isa lang naman po ang makakapigil sakin eh,si Josh pero sa sitwasyon po ngayon mukhang impossible na pigilan niya ko,ni hindi na nga po siya halos umuuwi dito,isa pa po di niya alam na bukas na ang alis ko." paliwanag ko pa "Anak gusto mo bang itext o tawagan ko si Josh?" Tanong pa ni mommy pero umiling lang ako "Wag na po mommy." sagot ko "Hayy nako edi aalis ka na talaga,mamimiss kita anak,kami ng daddy mo,napamahal ka na samin eh,bumalik ka ah." tapos hinaplos ni mommy ang pisngi ko "Mamimiss ko din po kayo mommy,mahal na mahal ko din po kayo,and opo babalik ako." nakangiti ko pang sabi "Asus destiny nalang talaga ang makakagawa ng paraan para mapigilan ka ni Josh, isa pa anak kung kayo talaga,kayo hanggang dulo." tama si mommy Destiny nalang talaga Bakit ba kasi mapaglaro ang tadhana eh! Pero sabi nga,lahat ng nangyayari may dahilan baka di lang talaga kami ni Josh ang para sa isat isa? Pinagtagpo lang kami pero di itinadhana? Pagtapos ng usapan namin ni mommy umakyat na ko sa kwarto ni Josh,wala pa din siya Inempake ko na ang mga gamit ko,nakaready na din ang passport ko,gumawa na din ako ng letter para kay Josh,sana lang mabasa niya to,sana... *Kinabukasan* Her POV Ready na ang lahat,nasa sasakyan na ang mga gamit ko,nagpapaalam nalang ako kina mom and dad "Mom,dad pano ba yan aalis na po ako,salamat po sa lahat,mahal na mahal po kayo,magiingat po kayo dito ah,kayo na po ang bahala kay Josh!" Sabi ko pa habang nakangiti "Oo naman anak magiingat kami,magiingat ka din ah,tawagan mo kami,alagaan mo ang sarili mo don,wag mo kaming masyadong isipin dito." nakangiting sabi ni mommy sabay yakap sakin ng mahigpit,niyakap ko din siya pabalik Pagtapos kong yakapin si mommy,si daddy naman "Bumalik ka dito Ella!mamimiss ka namin,ingat ka don,wag mo kaming kakalimutan." sabi mi daddy habang magkayakap kami "Opo naman daddy babalik po ako pangako,mamimiss ko din po kayo,ingat po kayo dito,diko po kayo makakalimutan,hayaan niyo po tatawag ako lagi,magpapadala na din po ako ng mga chocolates, basta magsabi lang kayo." nakangiti kong sabi "Napakasweet talaga ng batang ito,group hug nga!" Sabi ni daddy tapos nagyakapan kaming tatlo Pagtapos non inihatid na ko ng driver nila sa airport,di ko na pinasama sina mom and dad,ayokong makita nila ako na naglalakad palayo eh hahaha,mas okay na yung ganito Pagkadating ko sa airport,chineck in ko nalang muna ang mga gamit ko at naupo,hinintay ko na tawagin ang flight ko *hours later* "Calling all the passengers of Sydney, Australia." pagkarinig ko non,tumayo na ko agad at pumila na Hays goodbye Philippines :'( --------- After 4 years... Ella's POV "Mommy wake uppppp!" Paggising sakin ni Luke Jassen,anak ko,3 years old palang siya "Mommy is still sleepy baby." sabi ko pa sabay takip ng kumot sa mukha. "MOMMYYYYY WAKE UPPPPPPPPPPPP!" Sigaw naman ng anak kong babae,kaya napatakip ako ng tenga,siya naman si Lilian Jade,anak kong babae Tama kayo ng nabasa,may mga anak na ko,at di lang yon,kambal pa,isang babae at isang lalaki "Hey little girl,lower down your voice please." sabi ko pa habang nagkukusot ng mata. "Sorry mommy." tapos lumapit siya sakin at yumakap "Shhhh its okay baby,just don't do it again okay?" Tapos tumango siya at hinalikan ako sa pisngi. "Can i hug you too mommy?" Nakapout na tanong ni Luke Jassen "Of course,come here little boy." tapos lumapit siya sakin at yumakap din. "Where's your dad by the way?" Tanong ko sa kambal "Office." sabay nilang sagot "Have you two eaten already?" Tanong ko ulit,tapos tumango lang sila "Is that so?looks like ako nalang pala ang di kumakain." nakapout kong sabi "Mommy,eat na po,then lets go to dad's office." excited na sabi ni Luke Jassen "Please mommy?" Pangungulit naman ni Lilian Jade "Okay." nakangiti kong sagot "Yey!thanks mom i love you!" Sabay na sabi ng kambal sabay yakap at halik sakin *** Andito na kami ngayon sa opisina ng asawa ko,sinalubong kami agad ng secretary niya "Good morning po ma'am Ella,good morning din sa inyo Jassen at Jade." nakangiti nitong bati samin "Good morning po." sabay na sabi ng kambal,kaya natawa kami. "Good morning Jane,ahmm nandyan ba ang boss mo?" Tanong ko habang nakangiti "Ahh ma'am Ella nasa meeting pa po si sir eh,doon na po muna kayo maghintay sa office niya." sabi pa ni Jane tapos tinanguan ko nalang siya. "Sige Jane salamat,bumalik ka na sa trabaho." tumango lang siya at umalis na. "Jassen,Jade,nasa meeting pa ang daddy niyo,doon na muna tayo sa office niya maghintay." Nakangiti kong sabi sa kambal "Okay mommy!" sabay na naman nilang sabi at nauna ng maglakad sa opisina ng daddy nila Pagpasok namin don,naupo muna kami sa sofa *mins later* Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Seb. "Sabi ni Jane nandito daw kayo ng mga bata" nakangiti niyang sabi sabay lapit sakin at sa mga bata. "Yeah haha masama ba yon?" Natatawa kong tanong "Haha di naman,namiss ko kayo." nakangising sabi ni seb "Di ka namin namiss." sabi ko pa sabay irap haha "Okay lang sanay na ko sayo." sabi pa niya "aba dapat lang noh!" natatawa kong sabi "Di ka naman ba pinahirapan ng kambal?" Tanong niya naman "Hahaha hindi,sila nga ang nagpapasaya sakin eh." nakangiti kong sabi habang nakatingin sa kambal na busy sa kalalaro ng tab nila "buti naman at kung ganon." komento niya Tumayo muna ako saglit at pumunta sa may table ng opisinang ito,napangiti ako ng makita ang litrato ko,ng mga bata,naming pamilya at ng kinasal kami "Bakit ka nakangiti dyan?" Tanong ni seb,tamo to bigla bigla nalang nasulpot "Wala naman,ang saya lang sa feeling na nilalagay dito yung mga pictures namin." sagot ko "Inspirations kasi." sagot niya naman Maya maya bumukas ang pinto,kasabay non ang pagsigaw ng kambal "Daddyyyyy!" Sigaw nila sa lalaking kakapasok lang,nginitian ko ito at nilapitan "HOYYY SEB!TIGILAN MO NA NGA ANG KALALAPIT SA ASAWA KO!" Sigaw ng asawa ko ng makalapit ako sa kanya. "Chill Josh,di ko siya aagawin sayo." sabi pa ni Seb habang nakataas ang dalawang kamay "Hahaha!" Tawa naman ng kambal "Anong nakakatawa?" Nakapout na tanong ni Seb sa kambal "You're so epic tito Seb!" Sagot ni Jassen "Hayyy buti nalang at di kayo nagmana sa daddy niyo------" naputol ang sasabihin ni Seb ng samaan siya ng tingin ni Josh "Sorry pare hehe." sabi pa ni Seb "Sige na makakaalis kana." pagtataboy pa ni Josh kay Seb "Eto na nga oh." tapos lumabas na si Seb "I miss you love." malambing na sabi ni Josh sabay halik sa labi ko "I miss you too." sabi ko sa gitna ng halikan namin "Cover your eyes Jade." narinig pa naming sabi ni Jassen sa kakambal niya kaya agad kaming napabitaw ng asawa ko sa halik "Daddy and mommy K I S S I N G! " kanta pa ni Jade "Stop that Luke and Lilian" maawtoridad na sabi ni Josh sa kambal Hay feeling ko ang pula ko na Her POV "Mom,dad sino po sa inyong dalawa ang nanligaw?" Tanong ng anak kong si Jassen, pft kebata bata may nalalaman ng ganyan Napatingin muna ako kay Josh bago sumagot "Walang nanligaw anak haha!" nakangiti kong sagot,tapos kumunot naman ang noo ni Luke at Lilian sa sagot ko "Hahaha ganto kasi yon Luke and Lilian,nung mga bata palang kami ng mommy niyo gustong gusto na niya ko,tapos ayon one time nagulat nalang ako ng magmakaawa siya sakin,humingi siya ng chance,kahit 6 months lang daw kasi gusto niyang maranasan na maging girlfriend ko." nakangiting kwento ni Josh sa kambal "What happened next daddy?naging kayo po ba ni mommy after that?" Tanong naman ni Lilian,ngumiti muna si Josh bago sumagot "oo naging kami after non." nakangiting sabini Josh habang nakatingin sakin "Daddy,mommy kwentuhan niyo pa po kami." pangungulit ni Luke "Gabi na kasi." sagot ko naman,mapupuyat kasi sila,which is bad "Please mommy,daddy." pangungulit naman ni Lilian "Babe pagbigyan na natin,minsan lang naman e." nakangiting sabi ni Josh, oh gosh that smile,yung ngiting yan na nagawa akong pafallin,mapa-oo,lahat na! Nginitian ko siya bago sumagot. "Sige na nga hahaha." sagot ko "Yeyyyy!" Sigaw ni Lilian "So mom,dad kamusta naman po ang naging relationship niyo?" Tanong ni Luke,grabe tong batang to kung makatanong feeling ko nasa interview kami ni Josh haha "Our relationship was not perfect, wala naman kasing perfect,pero atleast totoo,naging masaya kami sa loob ng anim na buwan na yon,hanggang sa unti unti kong narerealize na di ko pala kaya na wala siya,na mahal ko na pala talaga siya,ang best friend ko,pero pagtapos ng anim na buwan na yon,naghiwaly kami,tinupad ng mommy niyo ang sinabi niya,she broke up with me,nung nakipaghiwalay siya saken,pakiramdam ko,kulang ako,na parang wala ng saysay ang buhay ko,kaya ayon gumawa ako ng paraan para mapansin niya ko,nambabae ako,alam ko,mali ako,pero desperado lang talaga ako non,hanggang sa diko na kinaya,pinuntahan ko na siya,nilapitan,kasi nga pagtapos ng breakup namin,di na ko nagpakita sa kanya,then dun ko nalaman na kaya siya nakipaghiwalay sakin dahil may sakit siya,ang sakit non sobra,pero sabi niya magpapagamot lang daw siya sa ibang bansa at babalik siya,nangako ako na pagbalik niya aayusin namin yung samin." kwento pa ni Josh His POV "Then what happened po?bumalik ba si mommy?tinupad niyo po ba ang promise niyo?" Tanong na naman ni Luke,tumingin ako sa asawa ko na natutulog na pala,hahaha di na kinaya,inantok na "Oo bumalik ang mommy niyo,nung umuwi siya di ko alam pero naging ilag ako sa kanya,nanlamig ako,lumayo ako kasi nga nasasaktan na siya non,pero naging tama naman ang ginawa kong desisyon,nung lumayo ako,nagisip ako,inisip ko yung mga alaala namin,yung mga oras na nagsisimula palang kami,kung san nagsimula ang lahat,hanggang sa yon,narealize ko na mahal na mahal ko siya,na walang nagbago,na siya lang talaga,wala akong ibang babaeng minahal non kundi ang mommy niyo,she's a gift from heaven,hindi niya ko iniwan o sinukuan manlang kahit na sobrang gago ko na,sobra akong thankful na kami ang nagkatuluyan." nakangiti kong kwento sa mga anak ko "Daddy,sabi mo lumayo ka para makapagisip isip,nung narealize mo po bang mahal na mahal mo talaga si mommy,binalikan mo siya?" Tanong naman ni Lilian "Yes I did,akala ko nga wala ng pag-asa non eh,akala ko dun na kami magtatapos,pero di pala,sumangayon yata samin ang tadhana." dagdag ko pa "bakit po wala ng pag-asa daddy?" Tanong naman ni Luke "Kasi nung araw na nagdecide akong bumalik sa bahay eh siyang araw ng alis ng mommy niyo pabalik sa Australia." sabi ko pa "Hala eh pano po kayo nagkatuluyan daddy?hinabol mo si mommy?pinigilan mo siya?what did you do?" Tanong ni Lilian "Eto na ikekwento ko na kung anong ginawa ko." sabi ko pa Flashback... 4 years ago On the way na sana ako sa bahay ng biglang magtext si mommy sakin From: mommy Anak kung nasan ka man,kindly go to the airport,as soon as possible,ngayon ang alis ni Ella pabalik ng Australia,I texted you coz alam kong nakapagisip isip ka na,but anak please hurry up,before its too late,good luck anak,I know you can do it Di na ko nagreply pa sa text ni mommy,dali dali na kong nagdrive papunta sa airport Buti nalang at hindi traffic kaya mabilis akong nakarating doon Pagdating ko ng airport,hinanap ko agad siya,sakto namang pipila na siya damn Sakto madami pang tao na nakapila,may naisip akong paraan Pumunta ako sa may office ng airport,kung san nagsasagawa ng kung ano mang announcement,buti nalang at di ako nahirapan na pakiusapan yung babae na andito since may connections ang pamilya namin Bumuntong hininga muna ako bago magsimulang magsali sa mic "Ella ko,babe ko,please don't leave,don't leave me again,please stay,dito ka nalang,di ko kaya na wala ka,sorry kung ang gago ko,kasi nanlamig ako sayo,kasi nasaktan na naman kita,pero wala namang perpektong relasyon diba?kaya nga may mga challenges,para mas lalo pa tayong tumibay eh,kaya eto na ko babe,okay na okay na,malinaw na sakin ang lahat,hindi na ko naguguluhan,handa na kong tuparin ang mga pangako ko,ayusin na natin yung satin please?diko kakayanin kung mawawala ka pa sakin,ikamamatay ko na yata,you're my other half,kulang ako kung wala ka,ikaw ang dahilan ng paggising ko sa araw araw,kaya wag ka ng umalis,ituloy na natin ang naudlot nating pagmamahalan,pakasal na tayo oh,bumuo na tayo ng pamilya natin,tapos naman na tayo ng college diba?natupad na natin ang mga goals natin,except lang siguro sa isang bagay,yun ay yung magpakasal na tayo,ikaw ang pangarap ko,handa kong gawin ang lahat wag ka lang ulit mawala sakin,kung naririnig mo man to,gusto ko lang sabihin na mahal na mahal kita." pagtapos non nagpunas ako ng mga luha ko,naiyak na pala ako shit "Thank you miss!" sabi ko don sa babae at tuluyan ng umalis Hinanap ko si Ella pero wala na siya,wala ng tao,umalis na siya,wala na ang babaeng mahal ko. Sana lang talaga narinig niya ang lahat ng yon,sana Umalis na ko sa airport at nagdrive pauwi.... Paguwi ko sinalubong ako nina mommy "Anak-----" diko na pinatapos magsalita si mommy,inunahan ko na siya "Mom please,wag ngayon." walang emosyon kong usal "anak makinig ka muna samin,may sasabihin kami sayo." si dad naman ngayon ang nagsalita "Dad stop,ayoko munang makarinig ng kahit ano,just let me be." medyo pasigaw kong sabi "Okay anak." sabi ni mommy Di ko na sila kinausap pa,umakyat ako sa taas at pumasok sa kwarto ko Pagpasok ko naupo ako sa may kama at tinignan ang picture namin ni Ella dito sa may side table,may nakita akong sulat pero mas pinili kong wag nalang itong basahin Habang nakatingin ako sa picture namin,walang tigil ang pag agos ng mga luha ko Masakit eh... But atleast I did my part pero s**t lang kasi naaalala ko na naman si Ella Andito siya sa may balcony,natawa ako ng bahagya sa naisip ko habang umiiyak Nababaliw na yata ako,kaya naiimagine ko na andito si ella kahit wala naman talaga Habang papalapit ako sa balcony,bumibilis ang t***k ng puso ko,di pwede to! Namamalikmata lang ako!oo tama! pumikit ako ng ilang beses pero s**t! Andito talaga siya! "Ella!" halos pabulong kong sabi,tapos lumingon siya sa gawi ko,ngumiti ito at naglakad palapit sa akin "Josh!" Sabi pa niya sabay yakap sakin,s**t totoo nga to!di ako nananaginip o namamalikmata,totoong nandito si Ella ngayon "Pano?akala ko umalis ka na?" Di makapaniwalang tanong ko,tapos kumalas siya sa yakap at tumingin sakin,nakangiti siya "Hahahaha akala mo lang yon,isa pa ikaw mismo ang nagsabi sakin noon na expect the unexpected diba?so here I am." mayabang niyang sabi "Sus oo na,pero narinig mo ba yung sinabi ko kanina?" Nakangiting tanong ko,sana naman narinig niya "Of course narinig ko,kaya nga ako nandito diba?" Sabi pa niya,damn I miss this girl so much "I love you Ella!" yan nalang ang sinabi ko at siniil siya ng halik,isang halik na punong puno ng pagmamahal... *present time* "Wow daddy,ang ganda ng story niyo ni mommy!" manghang mangha na sabi ni Lilian "I want to be like you daddy!" komento naman ni Luke "Ay nako wag niyo na munang isipin yan mga bata pa kayo!" saway ko sa mga anak ko "Opo daddy!" sabay nilang sagot kaya napangiti ako "Good haha,now go to sleep,look at your mom oh,kanina pa siya tulog." sabi ko pa ulit habang inaayos kumot nila "Daddy last na po." pahabol na sabi ni Luke Aish pasaway talaga! "Ano yon?make it fast Luke Jassen." maawtoridad kong boses haha,para matakot "Masasabi mo na bang happy ending kayo ni mommy?" Tanong niya kaya napaisip naman ako don "Well..." bitin kong sabi sa kambal "Daddy make it fast." medyo pasigaw na sabi ni Lilian "Lower down your voice baby,your mom is sleeping already." saway ko pa "Okay daddy,sorry." tapos umayos na sila ng higa "Okay,I'll answer your question na,well to be honest,wala naman talagang happy ending eh,kay god lang meron non,but it depends,its a choice,choice mo kung magkakaron ka ng happy ending,pero para sakin,di pa ito happy ending,this is just the beginning of our happy ending,madami pa kaming pagdaanan,kaya kailangan pa naming maging matatag lalo,matulog na kayo." nakangiti kong sabi at hinalikan si Luke at Lilian sa noo "Good night daddy!" sabay nilang sabi,sabay halik sa pisngi ko "Good night babies,good night babe!" bulong kong sabi,at nahiga na sa tabi ng mag-iina ko And this is how our 6 months relationship started Don't forget to vote guys,thanks :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD