Disclaimer: This is a work of fiction. All the names, characters, business, places and events are neither the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to the actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
This is not affiliated with some places that has been mentioned in the story.
Plagiarism is a crime.
--------
Cast:
Vash Padilla
Vica Bernardo
Dylan Alvarez
Avril Garcia
" Friends are like stars, they come and go, but the ones that stay are the ones that glow."
Vica's POV
Hayy nako,asan na naman kaya ang best friend ko?kakatapos lang ng klase namin,tapos paglingat ko lang saglit sa tabi ko aba mas mabilis pa siya kay flash kung maglaho,pft pustahan pinuntahan na naman niya si Avril,ano ba naman yan eh!sakto break time namin kaso wala naman akong kasama!hirap kayang magisa
Pagdating ko sa canteen inorder ko lahat ng gusto ko hehe,ganto talaga ako pag medyo badtrip o stress,pagkain lang katapat
Humanap naman ako ng table na bakante,sakto nandon malapit sa sulok,atleast walang makakapansin saken
so ayon,naglakad na ko palapit sa lamesa at nagsimula na kong kumain,patay gutom lang ang peg ko HAHAHAHAHA
Nasa kalagitnaan na ko ng pagkain ng biglang may nagsalita
"Vica pwedeng makishare ng table?" tanong niya naman habang nakangiti,siya nga pala si Dylan,kaklase ko tsaka kaibigan na din pala,minsan siya ang kasama ko kapag wala si Vash,nga pala si Vash Padilla ang kaisa isa kong best friend dito sa Lamberto Uy Villarama University! oh diba in short LUV U astig ang school namin diba?lakas maka love!charot hahahaha!
Tama na kwento,baka nangangalay na tong si Dylan sa dala dala niyang tray
"ah oo naman Dylan pwedeng pwede." sagot ko pa tapos non umupo na siya sa upuan na katapat ko
"Vica pansin ko nitong mga nakaraang araw magisa ka nalang kung kumain dito,magisa ka na din pumasok at umuwi." pfft pati pala yon napansin niya pa
"ah yun ba?kase ano,busy si Vash,oo tama busy siya!" pagdadahilan ko pa sabay inom ng tubig
"busy o sadyang abala lang siya don sa girlfriend niya?" tama kayo ng rinig may girlfriend si Vash,yon ang dahilan kung bakit nawawalan na siya ng oras saken,kung bakit unti unti na niya kong binabalewala,dinededma,parati akong naeechepwera lalo na kapag magkasama sila ni Avril,at dahil support ako sa best friend ko,hinahayaan ko nalang sila,nag gigive way nalang ako
"earth to Vica!" tawag pansin ni Dylan saken
"ha?ano yon?" tanong ko
"oh diba hindi ka makasagot sa tanong ko kase tama ako." at talagang siguradong sigurado siya don ah
"ewan ko sayo tsk ikain mo nalang yan alam kong gutom ka lang." Sabi ko pa at sinubo sa kanya ang isang buong tinapay ^______^ HAHAHA
*
"oh pano ba yan tapos na kong kumain,mauuna na ko ha?may klase pa ko." paalam ko sa kanya at dali daling kinuha ang mga gamit ko
Saktong paglabas ko,naabutan ko si Vash na magisa
"Vash." Tawag ko pa sa kanya kaya naman napalingon siya agad
"Vica sorry." yan nalang ang parati kong naririnig tuwing magkikita kami
"sorry na naman?hanggang kelan ko ba maririnig ang sorry mo Vash?" tanong ko
"hindi ko alam." tapos napayuko nalang siya
Magsasalita pa sana ako ng biglang may umakbay sakin
Pft sino pa ba?edi si Dylan -,-
"hi Vash!" sabi pa ni Dylan sabay ngiti,kaya ayon nagangat ng tingin si Vash samin,tapos nakita ko siyang ngumiti
"hi Dylan,ah sige una na ko pupuntahan ko pa si Avril eh,see you around pare." sabi pa niya tapos ayon naglakad na palayo
Nang makalayo siya agad kong tinanggal ang kamay ni Dylan na nakaakbay saken at naglakad pabalik ng classroom
*
Lumipas ang mga araw at ganon pa din kami ni Vash hayss miss ko na best friend ko,tamang tama weekend ngayon,puntahan ko kaya siya sa kanila?hmmmm tama!
So ayon na nga pumunta ako sa kanila sakto namang andon sina tito Vlad at tita Rose
"good morning po tito and tita." bati ko sa kanila at nakipagbeso
"good morning din Vica." bati ni tita Rose saken
"ah tito,tita si Vash po?" tanong ko
"ah nandon sa taas,nagaayos,may lakad yata,nako bilisan mo baka umalis na yon." sabi pa ni tito Vlad kaya dali dali akong umakyat sa taas nila at dire diretsong pumasok ng kwarto ni Vash
"oh Vica anong ginagawa mo dito?aalis ako e." sabi pa niya habang nagsusuklay ng buhok niya sa harap ng salamin
"masama bang pumunta dito?miss na kasi kita." hays.
"sorry,namimiss na din naman kita eh." sabi pa niya
"pucha Vash sorry na naman?! pagod na pagod na kong marinig yang mga sorry mo!" this time pasigaw na,punong puno na kase ako.
"sorry talaga Vica,by the way I have to go." paalam pa niya at akmang lalabas na ng pinto ng magsalita ako
"PAGOD NA PAGOD NA KO VASH EH,PAGOD NA PAGOD NA KONG INTINDIHIN KA,PAGOD NA KONG MARINIG YANG MGA SORRY MO KASI PAULIT ULIT MO LANG DIN NAMANG GINAGAWA,PAGOD NA KONG MABALEWALA MO,PAGOD NA KONG MADEDMA NG SARILI KONG BEST FRIEND,PAGOD NA KONG MAKITA NA WALA KA NG PAKE SAKEN,PAGOD NA KONG MASAKTAN,PAGOD NA KONG MAGHINTAY,PAGOD NA KONG UMASA NA BABALIK TAYO SA DATI,PAGOD NA KONG MAGISIP KUNG KELAN MO MAKIKITA ANG HALAGA KO,PAGOD NA KONG MAGTIIS SA GANITO." sabi ko pa tapos diko namalayan umiiyak na pala ako,lumapit saken si Vash para punasan ang luha ko pero pinigilan ko siya
"SOBRANG SAKIT NA VASH,AYAW KITANG IWAN KASI NANGAKO AKO,PERO PUCHA KUNG GANITO LANG DIN NG GANITO,ABA MAS GUGUSTUHIN KO NALANG NA IWAN KA." sabi ko ulet
"kung gusto mo kong iwan gawin mo,ayos lang saken." walang ka emo emosyon niyang sagot
"NARIRINIG MO BA YANG SARILI MO?PANO MO NAGAGAWANG SABIHIN YAN SAKEN?AKALA MO MADALI LANG NA IWAN KA?!AKALA MO DI AKO NAHIHIRAPAN?!HIRAP NA HIRAP NA KO!ANG SAKIT SAKIT NA,MAHAL NA MAHAL KASI KITA VASH MATAGAL NA." sabi ko pa at lalong humagulgol
"sa iba mo nalang ibaling yang pagmamahal mo Vica,kasi hindi ko siyang suklian ang pagmamahal na binibigay mo saken,hindi ko deserve yan." sabi pa niya
"I want this to stop,pero ayaw eh!" sabi ko pa at lalong umiyak
"sorry Vica,hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sayo." sabi pa niya at naglakad na palapit sa pinto
"kailangan kita ngayon Vash,wag mo na muna siyang puntahan oh,please stay." sabi ko pa at tumakbo palapit sa kanya at niyakap siya mula sa likuran
"I know shhhhh but she needs me too." sagot pa niya
"so mas pinipili mo siya kesa saken?ganon ba yon?" tanong ko
hindi siya nakasagot ang sakit
"pag pinuntahan mo siya,friendship over na tayo." sabi ko pa
"you leave me with no choice,I'm sorry Vica and goodbye." then he left,ganon lang yon?ang sakit sakit!
*
lumipas ang ilang taon,nakagraduate na ko ng college,at isa ng successful na doctor
"doc Vica may naghahanap po sa inyo." sabi nung nurse
"ha?sino daw?si Dylan ba?asan siya?" tanong ko
"hindi po siya si sir Dylan pero lalaki po eh nandon sa office mo." sagot naman nung nurse kaya dali dali akong pumunta sa opisina ko at laking gulat ko kung sino ang sumalubong saken
"mommyyy!" sigaw ng kambal kong anak,yeah may anak na ko kambal
"hi babies." tapos niyakap ko silang dalawa
"why are you guys here?" tanong ko naman sa lalaking kasama ng mga anak ko
"we missed you already babe." tapos lumapit ito saken at niyakap ako
"really Vash?that much?" yeah you read it right,si Vash ang asawa ko and at the same time ama ng mga anak ko
Pagtapos nung away namin ni Vash,ang akala ko umalis siya pero binalikan niya ko,tapos kinabukasan nalaman niyang niloloko lang pala siya ni Avril,kaya ayon tinulungan ko siyang magmove on,sabay naming inabot at tinupad ang mga pangarap namin at eto na kami ngayon,successful
-the end-
Don't forget to vote guys,thanks :)