Fixing the past

1396 Words
Disclaimer: This is a work of fiction. All the names, characters, business, places and events are neither the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to the actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. This is not affiliated with some places that has been mentioned in the story. Plagiarism is a crime. ---------- Fixing The Past Cast: Hans Vergara Arci Vergara " Every friendship travels at sometime through the black valley of despair. This tests every aspect of your affection. You lose the attraction and the magic. Your sense of each other darkens and your presence is sore. If you can come through this time, it can purify with your love, and falsity and need will fall away. It will bring you onto new ground where affection can grow again." Hans' POV "Wala kang kwenta!" "Lumayas ka sa pamamahay na to!" "Ang kapal ng mukha mong umuwi ng ganitong oras!" "Lagi ka nalang ganyan!Wala ka nang ibang ginawang mabuti dito sa pamamahay na to!" "sana pala hindi nalang ako nalasing nang sa ganon walang nangyari sa atin!edi sana kapatid mo ang napang-asawa ko at hindi ikaw!" "Pwede ba?!huwag mo kong ikukumpara sa kapatid kong 'yon,magkaiba kami." asik ko pa habang napapailing. Iyan lang naman ang iilan sa common lines ng asawa ko tuwing uuwi ako ng late sa bahay namin. Kung tatanungin mo ako kung mahal ko.Oo mahal ko pa.Pero nakakasawa na din eh,nakakapagod. "Wala ako sa ganitong sitwasyon kung hindi kami nakagawa ng pagkakamali, Sa araw ng engagement nila ng kapatid ko nakagawa ako ng kasalanan. Nagpadala ako sa init ng katawan." Sa sala ako natulog dahil galit si misis. ________________________________________________________ "Hans!gising na aba tanghali na!" Napabalikwas ako ng marinig ko ang boses ng yaya ko.Teka matagal ng patay yaya ko ah? Pag dilat ko, nagulat ako dahil nandito ako sa bahay ng magulang ko. Nasa sariling kwarto ko ako nung binatilyo pa ako. Tumayo ako at nagsalamin. Nagulat ako dahil ang itsura ko nung kabataan ko ang kaharap ko sa salamin. Nananaginip ba ako?pumikit ako at kinurot ng ilang beses ang sarili ko dahil baka sakaling panaginip lang ito "aray!" tsk pagdilat ko andito pa din ako. Ano to? Anong nangyayari? Hays ano bang nangyayari sakin? Bumalik ba ako sa pagiging binata? Pero nasaan ang asawa ko?nasaan si Arci?naasan ang anak namin? Dali dali akong nagtungo sa banyo upang maligo, Pagkatapos kong maligo dali dali akong bumaba at nagtungo sa kusina,laking gulat ko ng makita ko sina mom,dad at kuya na nagbe-breakfast. "oh son gising ka na pala." pambungad ni dad ng makita ako "kumain ka na Hans at pumasok ka na sa school mo baka malate ka." sabi pa ni mommy kaya dali dali akong umupo sa upuan ko at kumain "nga pala bro,huwag mong kalimutan,engagement party namin ni Arci mamaya,don't be late!" ani ng nakatatanda kong kapatid na si Harry. "oo kuya hindi ako malalate." sagot ko sabay ngiti. * Andito na ko sa school,pero di pa din talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari,bumalik ako sa pagiging college student hays naglalakad ako ng makita ko si Arci,matalik na kaibigan ko siya,bata palang magkasama na kami,kaedad ko lang din siya,kung nagtataka kayo kung paano sila nagkakilala ni Harry,dahil iyon sakin,nang malaman kong may gusto si Harry kay Arci ay agad ko itong ipinakilala,parehas ko silang mahal,mahal ko si Arci,kaya lang,mahal din siya ng kapatid ko,kaya nagparaya na ako kahit masakit sa parte ko ang ideyang iyon. "Arci!" tawag ko pa sa kanya "bakit Hans?" takang tanong niya ng makalapit ito sa akin "wala ka bang napapansing kakaiba?" tanong ko sa kanya "wala naman bakit?" aish bakit ganoon?wala siyang napapansin pero bakit ako mayroon?!ano ba talagang nangyayare? "ah wala hehe." sagot ko naman "ah ganon ba?sige, tara na at malalate na tayo sa klase." sabi pa niya tapos hinila na ako papunta sa classroom namin. Magkatabi kami ni Arci sa classroom,actually sa lahat yata ng subjects ganoon,weird nito sobra!hindi ko na alam ang gagawin ko Natapos ang klase ,nagyaya si Arci na mag-bar kaming dalawa, kasi nga mamaya na 'yong engagement party nila,panigurado daw hindi siya masyadong mag-eenjoy doon,sa pagkakatanda ko ito iyong araw na may nangyari sa amin,kaya nabuo si Haze,ang anak namin,hayss miss ko na ang anak ko. May pagkakataon!tama may pagkakataon akong mabago ang hinaharap,iiwasan kong may mangyarI sa amin ngayon! "Arci konti lang inumin natin ha?pupunta pa tayo sa engagement party mo." pagpapaalala ko pa sa kanya. "oo naman control lang." Sagot naman niya sabay ngiti At gaya ng sabi ni Arci,control control lang daw,kaya ayon hindi kami nalasing,hinatid ko siya sa party,para na din hindi mag-alala si Kuya Harry. "ah Hans salamat pala sa paghatid sa akin,tsaka sa pagsama na din sa bar." nakangiti niyang sabi "ah 'yon ba?wala 'yon,ikaw pa best friend kita eh,pero bakit mo nga pala ako inayang mag-inom?bakit hindi si Harry?" tanong ko pa. " kasi kilala mo naman ang kuya mo,hindi siya.mahilig dito,he's too good for me Hans,hindi ko deserve ang kagaya niya,hindi kami bagay Hans,ni hindi nga kami magkalebel,kung hindi lang dahil sa mga magulang ko ay hindi ko ito gagawin." napayuko siya matapos sabihin ang mga 'yon. At ako naman eto naiinis,bakit ganoon?pinigilan ko lang naman siyang uminom ng marami tapos ganito?bawat aksyon ba na gagawin ko ay makakaapekto sa hinaharap ? Tama!iyon nga!naalala ko na!noong may nangyari sa amin ni Arci at nalaman ng mga magulang niya,ipinakasal kami kaya hindi natuloy ang engagement nila ni Kuya,pero ngayon na walang nangyari sa amin ay matutuloy ang party,aish ang tanga ko bakit hindi ko naisip 'yon?!ano ng gagawin ko?!gulong g**o na ako! "huy Hans!natulala ka na diyan,pero alam mo,kung ako ang papipiliin,ikaw ang pakakasalan ko." tapos biglang lumapit saken si Arci at yumakap ng mahigpit "pwede bang huwag ka nalang magpakasal sa kanya Arci?" tanong ko habang magkayakap pa din kami "hindi pwede eh,sorry Hans,kumpanya namin ang nakasalalay dito,hindi ko pwedeng ilagay sa alanganin ang kumpanyang binuo ng magulang ko." sagot naman niya "hays ayos lang naiintindihan ko para rin naman ito sa kinabukasan mo eh." sagot ko naman,kahit na masakit sa aking kalooban na isuko nalang siya at hayaang mapunta sa aking kapatid. Maya maya humiwalay ako sa pagkakayakap niya, dahan dahan kong inangat ang mukha niya at unti unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya Dahilan para unti unting maglapat ang aming mga labi ________________________________________________________ "huy babe gising naaaaa!" Sigaw na naman ng asawa ko?!teka! agad akong napabalikwas ng higa at agad na tinignan ang asawa ko,nakabalik na ba ko?!wait!so ibig sabihin panaginip lang 'yon? "oh bakit ganyan ka makatingin sa akin?" takang tanong ni Arci,pero imbes na sagutin siya,agad agad ko siyang ginawaran ng yakap at halik "I'm sorry babe,I'm sorry!babawi ako promise!magbabago na ko." sabi ko pa sabay halik sa noo niya "ano ba talagang nangyari sayo babe?ang weird mo ngayon ha?pero salamat,kasi matagal ko ng gustong marinig sayo yan eh,buti naman narealize mo na." sabi ng asawa ko dahilan para yakapin ko siya ulit "mahal na mahal kita Arci at kahit na kelan wala akong pinagsisisihan sa mga nangyari sating dalawa,kayo ni Haze ang buhay ko,mahal na mahal ko kayo." sabi ko pa ulit "sus hahahaha ako din naman eh,mahal na mahal kita,kayo ni Haze at kahit na kailan wala akong pinagsisisihan sa mga nangyari satin." nakangiti niyang sambit tapos pinisil ang ilong ko "nasaan nga pala si Haze?" tanong ko pa "nandoon sa kwarto niya tulog na tulog pa din." natatawang sabi ni Arci Tapos niyakap ko siya ulit dahil sa simpleng panaginip na 'yon,naayos namin ni Arci yung samin,gaya ng pangako ko tinupad ko ang sinabi ko,nagbago ako,bumawi ako sa mag-ina ko at bukod doon narealize ko na lahat ng nangyayari ay may dahilan,na nasa iyong kamay ang iyong tunay na kapalaran. -the end-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD