Pagkarating ni Aya sa ospital ay agad siyang nagtungo sa ICU. Sinalubong siya ng nurse. "Mabuti naman po at narito na kayo, ma'am. Nagising na siya kanina at ikaw ang unang hinanap niya."sabi ng nurse kanya. Naluha siya sa sinabi ng nurse at nilapitan ang naka-oxygen pa rin na anak. Naupo siya sa silyang nandoon, katabi ng hospital bed. "I'm so sorry, baby."usal niya habang hinahaplos ang noo ng anak. Hinawakan ang maliit nitong mga kamay. "K-kumusta na siya?"maya-maya ay tanong ni Aya sa nurse. "Okay na ang mga vital signs niya sa ngayon. Pero sabi ni dok baka sa susunod na atakihin na naman siya ay di niya na kayanin. Kailangan na daw talaga siyang maoperahan."wika ng nurse. Mas lalo siyang napaiyak sa narinig. Napakabata pa ng anak niya. He's only six years old, ni hindi nga nito na

