bc

His Love With Aya

book_age18+
102
FOLLOW
1K
READ
possessive
drama
tragedy
twisted
bxg
childhood crush
disappearance
first love
addiction
like
intro-logo
Blurb

He loves her since childhood.

He loves her in the past, the present and only God knows how much he loves her.

His secret love is like a thorn which pierces his heart slowly.

And because of his love, Ash is willing to disappear from her sight forever.

Will there be a day Aya, would realize how much he could do for his love?

Or will she just forget all about their past?

chap-preview
Free preview
Chapter One
"Hoy, Ash!", sigaw ni Aya sa di-kalayuan mula sa kinatatayuan ng binata. Kasalukuyan niyang isinisilid sa sako ang ang mga naharvest niyang mangga. Nakita niya ang tumatakbong dalagita papunta sa kanya. Hindi niya ito pinansin at ipinagpatuloy lang ang ginagawa. Kailangan na kasi niya iyong matapos para hindi na siya gabihin sa pag-uwi. Medyo malayo pa kasi sa kanila at baka mag-alala na naman ang kanyang ina. "Hoy, Ash ano ba? Ba't hindi mo na ako kinibo dyan?"tanong nito agad sa kanya nang makalapit. "May trabaho pa ako Aya. May kailangan ka?" "Hmmph! Ang sungit naman nito?"nakapameywang nitong hinarap ang binata. Tiningnan naman ni Ash ang dalaga, halatang anak mayaman nga ito dahil hindi sanay sa init ng araw kaya ngayon mamula-mula na ang pisngi nito sa tindi ng init. "O, ano nga ang kailangan mo?"muli niyang tanong sa dalaga habang ipinagpapatuloy niya na ang kanyang ginagawa. "Samahan mo naman ako oh?" Pakiusap nito sa kanya. Napatigil naman siya at muli itong hinarap. "Aya, naman. Marami pa akong trabaho." "Tutulungan na kita para madali kang matapos."suhestiyon nito sa kanya. "Naku, hindi pwede. Ayoko pang mawalan ng trabaho noh?" "Ah, bahala ka. Basta tutulungan kita." anitong kumuha ng sako at isinilid na ang mangga doon at hindi na nagpaawat pa kay Ash. "Ano na naman bang kahilingan ang gusto mo?"tanong niya rito. "Samahan mo ako mamaya, pagkatapos nito." "Saan?" "Basta. Mamaya ko na lang sasabihin pagkatapos nito." Hindi alam ni Ash kung ano ang nakain ngayon ng dalaga at nagmamadali ito sa pagtulong sa kanya kaya naman maaga silang natapos. Ngayon ay nasa loob na siya ng mansiyon nito, particularly sa silid ng dalaga. "Aya, sigurado akong pagagalitan ako ng mama mo pag nakita niya akong nasa silid mo ngayon." "Just don't mind her, okay?" anito na busy sa paghahalungkat sa cabinet nito. Napabuga na lang ng hangin si Ash. Wala talagang pwedeng kumontra sa spoiled brat na ito. Sa isip-isip niya. "At saka, ba't naman siya magagalit sanay naman siya na makita tayong naglalaro dito kahit noong mga bata pa tayo." dagdag pa ng dalaga na may inilapag na katamtaman na box sa ibabaw ng kama nito. "Mga bata pa tayo noon. Iba na ngayon." ang hirap ngang makaintindi nito.Spoiled brat talaga. Sa isip na naman ng binata. "Well, I don't care."sagot nito."Come here, Ash." "Saan ba tayo pupunta at ano ang gagawin natin?"muli niyang tanong nang makalapit sa dalaga. Nakita niyang binuksan nito ang box at may kinuha doon na damit. "Look? Hindi ba bagay ito sayo?"nakangiti nitong sabi sa kanya. "No. Hindi 'yan bagay sa akin." wika niyang kinuha ang damit sa dalaga at ibinalik sa box. "Ash, naman!Hindi mo ba alam na isang linggong allowance ko ang ipinambili dyan? Nakakainis ka naman eh?" reklamo nito at naging busangot na ang mukha. Muli nitong kinuha ang polong nabili at idinikit sa binata. "Sinabi na ngang bagay sa iyo, eh? Kita mo?" umiling lang si Ash sa sinabi nito. "Halika nga rito at nang makita mo?"hinila siya nito palapit sa isang whole body mirror. "O, tingnan mo? Diba bagay sayo?"anitong isinukat sa kanya ang damit. "Bakit mo naman ako pagsusuotin ng ganito? Saan ba tayo pupunta?"muli niyang tanong at ibinaba na naman ang hawak na damit ng dalaga sa harap niya. "Well, we're going to a party." "Party? Aya naman, utusan mo nalang akong balatan ang lahat ng mangga sa bodega kaysa isama mo ako sa party. Nakakahiya lang dun ano?" "Bakit naman?" tanong ni Aya na tiningnan ang mukha ni Ash. Napangiti ang dalaga. "Tingnan mo nga ang itsura ko. Hindi ako nababagay doon." "Sino naman may sabi?" "Common sense ko na lang iyon ano?" "Sa guwapo mong iyan hindi ka nababagay sa party? I bet, sigurado akong maraming magpapantasya sayong mga babae mamaya." pilya nitong sabi sa kanya na ipinulupot pa ang magkabila nitong kamay sa kanyang leeg at inilapit ang mukha sa kanya. Para naman siyang naging tuod sa kinatatayuan, ikaw ba naman ang lambitinan ng babaeng to. Walanghiya lang talaga. Bumilis pa yata ang t***k ng puso niya at naramdaman niya ang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi. "Ano, pumayag ka na kasi. Ikaw lang ang pag-asa ko na makadalo sa party na iyon. Sigurado naman talaga akong hindi papayag sina mama at papa na dumalo doon pag hindi kita kasama."wika nito na hindi pa rin bumibitiw sa kanya. "B-bakit ako pa?"nabubulol na yata siya sa epekto ng ginagawa ng dalaga sa kanya. Sadyang ganoon lang yata kalakas ang atraksiyon niya rito at ang totoo nga nyan ay matagal na niyang inililihim sa dalaga ang kanyang pagkagusto rito. Ayaw niya lang sabihin kasi baka masira ang pagkakaibigan nila at higit sa lahat hindi sila nababagay dahil langit at lupa ang agwat nila. Isa lamang syang hamak na trabahador sa asyenda ng mga ito at sigurado naman siyang hindi rin naman siya magugustuhan nito dahil may minamahal na itong iba at hindi iyon siya. "Syempre, ikaw lang naman ang pwede sa lahat dito. Una kasi, kaibigan kita. Pangalawa, teen party iyon. Alangan naman isama ko ang driver ni mama, pagtatawanan lang ako don dahil nagsama ako ng matanda at mabobore lang din sya. Ikaw, kasi ikaw lang naman ang ka-close ko dito at sigurado akong papayag sina mama at papa pag ikaw ang kasama ko plus points na rin na ang cute ng mga eyes mo. Overall, ikaw ang suitable date ko sa party, okay? Sige na magbihis ka na?" anitong minamadali na siya at kinuha pa ang kapares ng kanyang damit at ibinigay sa kanya. "Aya, hinihintay pa ako ng nanay at kapatid ko."tutol pa rin niya. "Alam ko kaya ipinagpaalam na kita sa nanay mo. Pumayag na siya." Wala na nga talaga siyang masabi rito talagang pinaghandaan na nito ang lahat. Kahit na anong tutol niya ay napapayag rin siya nito. Hindi nga ito nagkamali na papayagan ito na dumalo sa party dahil siya ang kasama. Tiwala kasi ang mga magulang nito sa kanya. Ewan niya ba kung bakit? Eksakto lang naman ang dating nila sa party at magsisimula na. Pamilyar sa kanya ang bahay na pinasukan, dahil kilala naman ang bahay, hindi pala mansiyon na iyon sa lugar nila kasi iyon lang naman kasi ang bahay na pagmamay-ari ng gobernador nila. At birthday party pala iyon ng nag-iisang anak nila na lalaki na si Lance. Ngayon lang niya iyon nalaman. Kung alam lang niya talagang pipilitin niyang hindi makasama sa party na iyon. Dahil alam niyang masasaktan lang siya. Si Lance kasi ang itinatangi ng puso ng dalaga kahit noong mga bata pa man sila. Bukambibig palagi nito si Lance hanggang magtapos sila sa high school at kahit ngayon na college na sila ay ito pa rin ang itinitibok ng puso nito. Doon nga rin ito nag-aaral sa school na pinapasukan ni Lance para lang makita ito ng dalaga palagi. At sigurado siyang sobrang galak ng puso nito ngayon kasi nakatanggap ito ng invitation card sa birthday party ni Lance. Kaya ganoon na lang pala ang paghahanda nito na ibinili pa siya ng damit galing mismo sa allowance niya. And it is all for the sake of this party. Pagdating pa lang nila ay marami na silang nakasalubong na mga kakilala ni Aya, ang iba ay namumukhaan niya dahil schoolmate nila ito noong high school ang iba naman ay hindi, sigurado siyang mga taga-Maynila ang mga ito. Lahat ng mga dumalo sa party na iyon all glows from the dress they wear. Talagang pangmayaman nga ang party na iyon. Hindi nga siya nababagay rito. Sana iniwan na lang siya ni Aya sa labas pakiramdam niya kasi ay masu-suffocate siya sa lugar na iyon. "Hello, Aya? And who's this handsome man with you?" tanong ng ginang na nakasalubong nila. Iyon ang mama ni Lance. Kilala na niya iyon dahil palagi itong kasama ng gobernador tuwing kampanya. "Si Ash, po. Kaibigan ko."nakangiting sagot ng dalaga sa ginang. Sinulyapan niya rin ang ginang at binati bilang respeto. "Magandang gabi po ma'am." wika niya. "Magandang gabi rin sayo, Ash. What a nice name, huh? Sige mag-enjoy kayo tonight aasikasuhin ko lang ang ibang bisita."paalam nito sa kanila. "Sige po tita." Sumasakit na ang paa ni Ash sa kaiikot nila sa malawak na lawn ng mansiyon ng gobernador. Naiinis na siya. Wala bang balak na umupo ang babaeng ito at manatili sa isang tabi na lang? Alam niyang hindi nito iyon gagawin kasi hindi pa rin nito nakikita si Lance. "There he is!" bulong nito na ikinalingon niya sa direksyon na tinitingnan nito. Si Lance nga na busy sa pag-eestima sa mga bisita nito. Dali-daling lumakad si Aya sa kinaroroonan nito na kinalimutan na yata na magkasama sila. Sumunod pa rin siya sa likuran nito. "Hi, Lance!"masiglang bati ni Aya rito. "Oh hello, Aya! Mabuti naman at nakarating ka sa birthday ko." nakangiti rin namang bati sa kanya ni Lance. "Syempre naman! Heto nga pala regalo ko sayo." "Thank you! O Ash, ikaw ba yan?" napansin yata siya nito. "Ah, Happy birthday nga pala sayo. Ang totoo nyan isinama lang ako rito ni Aya. Hindi ko alam na birthday mo pala kaya pasensya na at hindi kita mabibigyan ng regalo ngayon." Napakamot siya sa ulo. Naku ano ba itong ginagawa niya. "No, it's okay. Just enjoy this night. Kumain na kayo. Maraming pagkain ang nakahanda."wika nito. "Okay, gutom na nga ako eh." si Aya na pasimpleng humawak sa siko ni Lance at sabay silang naglakad papunta sa isang mesa.Noon pa ma'y magkakilala na si Lance dahil palagi itong niyayaya ni Aya na pumunta sa asyenda ng dalaga para mangabayo samantalang siya naman ang sunud ng sunod sa dalawa para tiyakin na ligtas sila sa pangangabayo kaya kalauna'y naging kilala na rin niya ito. Sa pagkakaalam niya ay isa namang maginoong tao si Lance hindi ito kagaya ng ibang anak-pulitiko na laki sa luho at mapagmataas. May paggalang ito sa lahat ng taong kanyang nakakasalubong sa araw-araw. Mabait ito at palakaibigan kaya naman hindi imposibleng mahulog ang loob dito ni Aya bukod sa guwapo nga ito at matikas, may yaman pa. Hindi kagaya niya na kahit sakahin niya ang buong bukid sa baryo nila hindi siya yayaman. Iyon ang katotohanan na kailanma'y isang malabong pangarap na nga lang ang maging kapantay nina Aya at Lance kaya naman hangga't maaga pa ay sinusupil na niya ang kanyang damdamin para rito. Tahimik siyang kumakain ngayon kasama si Aya. Nasa may sulok ang mesang pinuwestuhan nila kasama ang schoolmate nila noong highschool. Kahit na labag sa kanyang kalooban na narito siya ay nilubos na niya ang kanyang pagkain kanina pa kasi siya nagugutom at ngayon lang siya makakatikim ulit ng masasarap na pagkain na unlimited, ang dami kasing handa ni Lance. Hindi niya paiiralin ang kanyang pride pagdating sa pagkain iyon na mismo ang gagawin niyang konsolasyon sa sarili kung bakit napasali pa siya sa party na ito. "Aya, kasama mo pala ngayon si Ash? Mabuti at pinayagan ka ng parents mo?" tanong ng isang schoolmate nila dati na alam niyang kakilala rin ni Aya. "Ah, si Ash. Kaya nga pinayagan ako ni mama at papa dahil siya ang kasama ko."nakangiting sagot ni Aya, habang sumisipsip ng juice. "So, Ash? Any girlfriend?" tanong ng isang babae na katabi niya na bigla nalang ipinatong ang siko nito sa kanyang balikat. Pinamungay pa ang mga mata nito sa kanya. Kung pwede nga lang ay itulak niya ito eh, dahil pakiramdam niya ay masusuka siya. Kumakain pa naman siya. Kung bakit ba naman kasi siya lang ang lalaki sa grupong ito. Ayan tuloy nilalandi na siya ng mga amasonang kaharap at katabi niya. Hindi man lang yata siya tutulungan ni Aya na awatin ang mga ito. Ano ba ang isasagot niya? "Wala. Wala pa naman sa isip ko ang mga bagay na iyan." sagot niya. Iyon rin naman ang totoo. "O, baka naman wala ka pang girlfriend kasi hindi ka pa sinasagot ni Aya." hirit naman ng isang pang ka-schoolmate nila na siyang ikinabuga ng juice ni Aya sa kanyang bibig at ikinaubo ni Ash. Mukhang nabulunan 'ata siya sa sinabi nito. Naramdaman niya rin ang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi. Bakit ba sa lahat ng pwedeng itanong nila ay iyon pa ang kanilang naisipang itanong. Masyado na ba talaga siyang halata na may gusto siya kay Aya? Dumukwang naman sa kanya si Aya na nasa harapan lang niya at tinitigan siya ng matiim nito. Juice lang naman ang ininom ng babaeng ito, bakit mukhang high na yata ito sa paningin niya o baka naman siya na ang high sa kanilang dalawa. "Tell me, Ash? Totoo ba ang sinasabi nila?"seryosong tanong sa kanya ni Aya. Naglumikot naman ang kanyang mga mata at pilit na iniiwasan salubungin ang mga titig nito."Totoo ba na hindi ka nagkakagirlfriend kasi dahil sa akin?"malungkot nitong tanong sa kanya. "H-hindi. Ano ba, Aya. Alam mo namang mahirap lang kami at marami pa akong responsibilidad sa pamilya ko kaya wala pa sa isipan ko ang mga bagay na iyan, noh? Ano ka ba, naniwala ka naman sa kanila."paglulubag-loob niya rito ayaw niyang maghinala ito sa kanya na may lihim siyang pagtingin rito kundi katapusan na niya. "Okay."anitong muling umayos ng upo. "If ever hindi ka sinagot ng nililigawan mo, Ash. Willing naman akong maging girlfriend mo eh?" sabi ng katabi niyang babae. Ni hindi nga niya alam ang pangalan nito eh. Kung makalandi naman wagas. Tumikhim na lang siya at hindi na nagkomento. "Hoy, ano ba kayo, huwag niyo ngang pagtripan si Ash, pag nagalit 'yan ngayon baka iwanan niya ako rito. Wala na akong kasama pauwi."sabad ni Aya. "Well, it's a good idea! Kapag iniwan ka ni Ash rito, may dahilan na para pwede ka ng ihatid ng Prince Lance mo."namimilog ang matang sabi nito kay Aya na sa tingin ni Ash, ay nagustuhan naman nito ang ideyang iyon. Yeah, ganyan niya kagusto si Lance. Lahat ay gagawin niya makuha lang ang atensyon nito. Si Lance naman kasi ang klase ng taong hindi isnabero at sweet sa mga kaibigan niya kaya siguro hindi malabong minahal niya ito since high school sila. Napatiim-bagang naman si Ash sa sinabi ng kaibigan ni Aya. Hindi yata niya gusto ang ideyang iyon. Nakaramdam siya ng panibugho lalo na nang tingnan niya ang kasiyahan sa mukha ng dalaga na gusto rin nito ang ideyang iyon. "I like the idea, pero kahit ihatid pa ako ni Lance ngayon hindi rin pwede. Magagalit sina mama at papa kapag nalaman nilang hindi si Ash ang kasama ko pag-uwi. Siguradong grounded na naman ang aabutin ko sa kanila." "Wooh! Wow! Strict ng parents mo ah?" "Alam niyo naman mga old-fashioned yung mga magulang ko." Hagikhikan silang lahat sa sinabi ni Aya maliban kay Ash na masyadong seryoso sa may tabi. Kung anu-ano pa ang mga pinag-usapan ng mga ito hanggang sa hindi na makatiis si Ash at tumayo na siya. "Aya?"tawag-pansin niya sa dalaga na busy pa rin sa pakikipagtawanan sa mga kaibigan nito. "Yes?" "Magbabanyo lang muna ako."bulong niya rito. "Okay." Agad niyang nilisan ang table nila at tumungo sa comfort room. Naghilamos lang siya roon at pagkatapos ay lumabas agad. Babalik na sana siya sa table nila nang mapansin niya ang pakikipagharutan ng mga kaibigan ni Aya sa birthday celebrant na si Lance. Kaya na imbis na bumalik ay lumabas na lang siya at nagtungo sa malawak na garden at doon ay naupo sa may isang bench at nagpahangin na lang siya. Nawalan na siya ng gana na bumalik pa sa loob. He hated it so much seeing her how deeply in love she is with another man. Pero wala na siyang magagawa iyon ang nakatadhana para sa kanya na ang babaeng gusto niya ay hanggang pagkakaibigan lang ang tingin sa kanya. Niyakap niya ang kanyang mga tuhod nang dumampi ang malamig na hangin sa kanyang pisngi at doon ay nangalumbaba. Hindi niya namalayan na nakaidlip na pala siya sa ganoong posisyon. Hindi na niya namalayan ang pagsisimula ng sayawan sa loob hanggang sa matapos ito at magsiuwian na ang mga bisita. Mahimbing pa rin ang tulog niya sa may garden samantalang nahihilo na sa kaiikot at kakatanong si Aya sa loob kung nakita ba siya. "Hoy! Ash? Nasa'n ka ba?" inis nang sigaw ni Aya at pinadyak-padyak na niya ang kanyang mga paa habang patungo sa may garden. Iyon na lang kasi ang lugar na hindi niya napupuntahan na maaari rin nitong puntahan unless iniwan na nga siya nito. "Ash!?"tawag niya uli sa pangalan nito. Muntik pa siyang matapilok sa kamamadali niya ng paghakbang. Maiiyak na talaga siya. Yumuko siya at inabot ang paa para hilutin nang mapansin ang bulto ng isang tao sa may bench. Agad niya iyong nilapitan. "Hoy, Ash!" todo sigaw niya rito nang magising agad. Naalimpungatan si Ash at muntik pang mahulog sa kinauupuan. Nagdilat siya ng mga mata at nakita ang nakabusangot na mukha ni Aya. Saka niya lang naalala na magkasama pala sila. "A-aya. Ano ang nangyari sayo? M-may nangyari ba na--" "You shut up! Ikaw ang problema ko. You are supposed to be my date. Pero nasa'n ka? Tinulugan mo lang pala ako dito. At for your information kanina pa natapos ang party at kanina pa ako hilung-hilo sa paghahanap sayo. Ang sakit na ng paa ko."sunud-sunod na reklamo nito sa kanya. Tumayo na si Ash at hinawakan sa balikat si Aya. "I'm sorry. Hindi ko kasi namalayan na nakatulog na pala ako dito."mahinahon niyang sabi. "Just take me home, Ash."wika ng dalaga at tinalikuran na siya. Hanggang sa dumating sila sa bahay nina Aya ay wala silang imikan dalawa. Gustong magsalita ni Ash at kausapin ang dalaga habang nagmamaneho siya pero halata namang galit ito sa kanya at sigurado siyang hindi siya kikibuin nito kaya nanatili na lang siyang tahimik hanggang sa makarating sa bahay nina Aya. "Sige, Aya aalis na ako."paalam niya rito. Hindi sumagot ang dalaga sa sinabi niya sa halip ay tinalikuran lang siya nito. Bagsak ang balikat na tumalikod na siya sa bahay ng mga ito. "By the way, Ash?" Agad siyang napalingon sa kinaroroonan ng dalaga nang marinig ang boses nito. "Aya?" "You perfectly ruined my date tonight." Iyon lang ang sinabi nito at nagmadali na itong pumasok sa loob ng bahay. Samantalang naiwan naman siyang nanghihina sa sinabi nito. Inabutan na siya ng malakas na ulan sa paglalakad pauwi sa kanila. May kalayuan pa kasi ang kanila mula sa bahay nina Aya. Halos maghahating-gabi na nang makarating siya sa kanila na basang-basa pa. Magtatatlong araw na ay hindi pa rin nakikita ni Aya si Ash sa asyenda nila. Hindi niya alam kung nasaan ito at hindi niya rin sinubukan na itanong kung nas'an ito. Hanggang ngayon kasi ay nagtatampo pa rin siya. Gusto niya na suyuin muna siya ng binata bago niya ito kibuin gaya nang palaging ginagawa nito. Pero ilang araw na ang nakalipas ay walang ni anino ang nagpakita sa kanya. Kaya naman ngayon ay lumabas na siya ng bahay nila at pumunta sya sa bodega ng manggahan nila at inikot ang taniman ng mangga nila para hanapin ito subalit wala man lang ni bakas nito ang nakita niya. Napapagod na siya sa kahahanap rito magmula kaninang umaga kaya medyo nahihilo na rin sya. Muntik na siyang madulas sa may batis kung saan naroon ang ibang tauhan nila na nagpapahinga at umiinom ng malinis na tubig. Mabuti na lang nahawakan siya ng isang magsasaka nila. "Mag-iingat po kayo ma'am Aya. Talagang madulas ang batuhan ngayon kasi halos kada gabi na lang kasi umuulan. At saka wala si Ash para bantayan ka." "Bakit po? Nasa'n ba siya?"pasimple niyang tanong. "Naku hindi mo ba alam na magtatatlong-araw nang may sakit si Ash?" "Si Ash po may sakit?" "Oo. Nag-aalala na nga ang mama niya kasi hindi pa rin humuhupa ang lagnat niya hanggang ngayon. Gusto na nga niyang dalhin iyon sa ospital pero ayaw lang talaga ni Ash. Dagdag gastos lang daw iyon." "S-sige po, alis muna ako."paalam niya agad. Nagmadali siyang nilisan ang lugar na iyon. Balot ng pag-aalala ang nararamdaman ng dibdib niya ngayon. Ang nasa isip niya ang binata. Parang wala sa isip na binagtas niya ang daan patungo sa bahay nila Ash. Nasa harap na siya ngayon ng maliit na dampa kung saan nakatira si Ash at ang pamilya nito. 'Ano ba, papasok ba ako o hindi? Papasok o hindi?' hindi pa rin makapagdecide si Aya kung tutuloy ba siya o hindi hanggang sa mabungaran siya ng nanay ni Ash. "Ma'am Aya, narito po kayo? Pasok po muna kayo" agad siyang iginiya ng ginang sa loob ng bahay. "Pasensya na kayo at may kaliitan itong bahay namin." "Naku, ayos lang po iyon. Si Ash po, nasa'n?" "Ah, si Ash? Tama nga pala magtatatlong-araw na siyang may sakit. Pasensya na po kayo at napasugod pa kayo rito." "Ayos lang po 'yun. Magkaibigan naman po kami ni Ash, at nag-alala rin ako kung ano na ang nangyari sa kanya dahil tatlong araw na siyang hindi nagpapakita sa akin. Heto pala at nagkasakit siya." "Sandali lang ha, at gigisingin ko si Ash." "Naku, huwag na po. Titingnan ko na lang po siya at aalis na ako." "S-sige. Puntahan mo na lang siya sa silid niya at ako'y aalis muna, ha?" "Sige po." Dahan-dahan siyang pumasok sa silid ng binata upang huwag itong magising. Gusto niya lang itong tingnan kung maayos nga lang ba ito. Ayaw niyang magkausap sila dahil nagtatampo pa rin naman siya rito. Pero nang masilayan niya ito ay bigla lahat nawala ang pagtatampo na nararamdaman niya. Nahabag siya sa kanyang ginawa. Lumapit pa siya rito at sinubukang haplusin ang mukha nito subalit bigla siyang napaigtad sa gulat dahil napakainit nito. "A-Ash?" tawag niya rito. Nanatili pa ring nakapikit ang mga mata nito. At kita niya ang panginginig sa katawan nito. "Ash? Are you okay?" Bigla siyang kinabahan nang wala siyang marinig na sagot mula rito at patuloy lang ito sa panginginig. Bigla siyang nataranta.Niyugyog na niya ito para magising pero tanging ungol lang ang kanyang narinig. "Ash, ano ba? Gumising ka na? Huwag mo nga akong takutin dyan."Sa takot niya ay hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang luha niya at nanginginig na rin siya sa takot. Wala sa isip na nagdial siya ng numero at tinawagan ang kanyang mama habang umiiyak. "Ma, please save Ash." Ilang oras nang nakaupo sa bench nang emergency room si Aya at sa mga panahong iyon ay tulala lang siya at parang lutang sa hangin. Ang mama niya at ang nanay ni Ash ang abala para sa admission ni Ash sa hospital. Ayon kasi sa mga laboratory exams nito ay nagkaroon siya ng dengue at bumababa na ang kanyang platelets at kailangan niyang ma-admit sa hospital para malunasan at maobserbahan ng doktor. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na naririto siya sa ospital at nakaupo sa may tabi. Kung anu-ano na ang tumatakbo sa kanyang utak nang mga oras na iyon. Naiisip na rin niya na baka sya nga ang may kasalanan at nagkasakit si Ash dahil ipinilit pa niyang isama ito sa party gayong alam niyang ayaw naman talaga nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook