Chapter Two

1007 Words
Kalalabas lang ngayon ng ospital ni Ash subalit hindi pa rin gaanong nagbabalik ang dati niyang lakas at sigla. Maputla pa rin siya at halatang nanghihina. Malapit na sila sa bungad ng bahay nila nang masilayan niya ang pamilyar na pigurang iyon na nakikipaglaro sa bunso niyang kapatid. Ang balingkinitan nitong katawan, ang mahaba at itim nitong buhok, ang maputi nitong balat at maninipis na labi na sakto lang at bumagay sa matangos nitong ilong. And in a moment he felt the racing of his heartbeat again seeing her like that laughing with his little brother. Bakit ba sa bawat araw na lumilipas ay nararamdaman niya na mas lalong tumitindi ang nararamdaman niya sa dalaga. "Kuya! Andito na pala kayo ni mama." salubong sa kanya ng kanyang kapatid. Bigla ay natauhan siya sa sarili. Hindi nga pala sila bagay ng dalaga kaya dapat niyang supilin ang kanyang nararamdaman. "Aling Merla, mabuti naman po at nakauwi na kayo." wika ni Aya na naglulumikot ang kanyang mga mata na sulyapan si Ash. Hindi niya kasi alam ang sasabihin sa binata. "Oo nga eh. Ang totoo nyan ayaw pa talagang payagan ng doktor na lumabas kami pero nagpupumilit itong si Ash na okay na raw siya at kaya na niya." "Hay naku talagang itong si Ash." himutok ni Aya at ibinaling ang atensyon sa binata. Wala sa sariling ikinulong niya sa kanyang mga palad ang mukh ng binata na siyang ikinagulat ni Ash. "Tingnan ko nga kung magaling ka na nga ba?" Sinalat niya ang noo nito. "Ok, wala ka ng lagnat pero ang putla mo pa rin. Inubos ba ng bampira yung dugo mo?" "Hala, kuya kinagat ka ng bampira?" sabat naman ng kanyang kapatid na humawak pa sa laylayan ng kanyang damit. "Ay, naku naniwala ka naman agad diyan Gray. Pumasok na nga lang muna tayo sa loob ng bahay." Suggest naman ng ginang. After a few conversation sa mag-iina ni Aya ay nagpasya siyang umuwi na dahil malapit na rin kasing magdilim. Nagpaalam si Ash sa kanyang ina na ihahatid niya muna si Aya sa mansion ng mga ito. Habang naglalakad sila ay wala silang imikan. Pakiramdam naman ni Aya ay nagsisikip ang kanyang dibdib na di man lang niya marinig ang boses ni Ash na nakikipag-usap sa kanya. Dahil kahit na ang ingay niya kanina sa bahay ng binata habang kausap ang mama nito at kanyang kapatid ni minsan ay di man lang ito umimik. Pakiramdam niya tuloy galit sa kanya ang binata. Aalis pa naman siya mamayang madaling araw dahil pasukan na para sa second sem nila at ayaw niyang umalis na may unresolved issues sila ni Ash. Isang dipa ang pagitan nila habang naglalakad. Sa unahan si Aya at nasa likuran naman niya si Ash. Patawid na sila ngayon sa munting batis nang di sinasadyang madulas si Aya. Umulan kasi kagabi kaya madulas ang mga bato na inaapakan nila dahilan para ma-out of balance siya. Agad naman siyang nasalo ni Ash na dahilan na ikinatumba nila. Ang posisyon nila ay ganito .Nasa ibabaw si Aya habang nasa ilalim naman si Ash. Basa sila pareho ng tubig. Maya-maya pa ay naramdaman ni Aya na nakahawak pala ang dalawang kamay ni Ash sa magkabila niyang dibdib. Sa gulat niya ay napatayo siya subalit mali yata ang hakbang niyang iyon dahil muli rin siyang natumba at napasubsob sa dibdib ng binata.Inangat niya ang mukha at tumingin kay Ash. ' Oh my Gosh! Bakit ganito? Bakit ganito bumibilis yata ang t***k ng puso ko.' nawika niya sa sarili. "Aya, ayos ka lang ba?"untag sa kanya ng binata na hinawakan siya sa siko. Inaamin ni Aya sa sarili ngayon na this man is totally handsome and gorgeous with that wet and messy looks. Ang mapupungay nitong mata, ang matangos nitong ilong, ang matigas nitong masel sa tiyan and that kissable lips. Medyo nawala siya sa huwisyo dahil sa nakikitang tanawin. Kusang umangat ang kanang kamay ni Aya and traces the line of his nose down to his lips. "Aya."usal ni Ash. Lalaki lang siya ano kaya siguradong may nagwawalang kung ano sa kaloob-looban niya lalo pa at ang babaeng mahal na mahal niya ang nakapatong sa kanyang ibabaw ngayon. Dahil sa ginawa ni Aya ay mas lalo pang naghumindig ang kanyang nararamdaman. Bigla niyang kinabig ang dalaga at siniil ito ng isang masuyong halik. Hindi naman kaagad nakahuma si Aya sa biglang ginawa ng binata. Hindi rin alam ni Aya kung ano ang nagtulak sa kanya na tugunin ang halik nito. And they deepened the kiss until they felt they're breathless. Naghiwalay ang kanilang mga labi. Akala ni Aya ay tapos na ang halik na pinagsaluhan nila pero hindi pa pala. Until she felt his lips traces its way down to his neck. Gusto niyang itulak ang binata subalit nagtatalo ang kanyang isipan. Pakiramdam niya kasi ay nagugustuhan rin ng kanyang katawan ang ginagawa ng binata. Hanggang sa maramdaman niya ang isang kamay nito na pumasok sa loob ng kanyang blouse at pinisil ang kanyang dibdib. Gosh, nag-iinit na talaga ang nararamdaman niya. Hindi niya alam kung ano ang gustong kumawala sa kaloob-looban niya dahil bago lang din sa kanya ang mga sensasyong ganito. "A-ash", naiusal niya habang patuloy pa rin ito sa paghalik sa kanyang leeg at paghaplos sa kanyang dibdib. Habol niya ang kanyang paghinga. Para siyang nabuhusan ng nagyeyelong tubig nang itigil ni Ash ang paghalik sa kanya at bumangon. Itinayo siya nito at inayos ang kanyang damit. "I'm s-sorry." Wika ni Ash. "Tayo na, ihahatid na kita." dagdag pa nito. Hindi alam ni Aya kung ano ang kanyang mararamdaman. Nalilito siya. Nasasaktan siya sa sinabi nito na sorry. Bakit? Para saan ba ang sorry na iyon? Dahil ba sa ginawa nitong paghalik. Kung ganun dapat in the first place hindi na nito ginawa iyon dahil nagdagdag kalituhan lang iyon sa kanyang nararamdaman. Inis na tinabig niya ang kamay ng binata at nagpatiuna sa paglalakad. "Ok fine! Uuwi na ako." Sarcastic niyang sabi. Hindi niya alam pero biglang tumulo ang kanyang luha eksaktong malagpasan niya ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD