Maghahating-gabi na ay hindi pa rin nakakatulog si Aya. Naiisip pa rin niya ang nangyari sa kanila ni Ash kanina. Hindi niya akalain na ang pinapangarap niya na first kiss na para lang kay Lance ay sa kaibigan niya pa unang matitikman. Pero bakit ganun? Tanging si Lance lamang ang itinatangi ng kanyang puso all her life pero sa nangyari kanina, nagbigay iyon ng kalituhan sa tunay niyang nararamdaman. Hindi niya rin alam kung bakit umaagos ang kanyang mga luha ngayon. After a few more minutes she wiped her tears and began to sleep. Maaga pa kasi ang alis niya bukas.
"Hoy, Ash!"sigaw ni Manong Berto, kasamahan ito ni Ash sa asyenda at kung sa opisina pa, ang trabaho ni Manong Berto ay parang katulad ng supervisor. Sa kanya kasi nagrereport ang lahat ng tauhan sa asyenda.
"Hoy, Ash! Ano ba?" Muling tawag ng matanda kay Ash. Saka naman parang natauhan ang binata nang pitikin siya sa harap ni Manong Berto.
"Tulala ka na naman. Bakit ba, ano bang nangyayari sayong bata ka? Ilang araw ka ng ganyan ah?"
"P-pasensya na po Manong Berto. Ano nga po ulit iyong itinatanong n'yo?" Hinging paumanhin ni Ash sa matanda.
"Ang sabi ko ilang puno na lang ba ng mangga ang hindi pa nai-spray-han?"
" Mga limampung puno na lang ng mangga. Siguro matatapos na namin yun bukas."
"Ok, sige magpahinga ka na muna. Hay, tingnan mo sobrang init na talaga ng panahon. Sige na mananghalian na muna tayo." wika nito sa iba pang trabahador.
After that incident sa may batis hindi na talaga siya mapakali, wala na siyang mukhang maihaharap pa kay Aya. Sigurado siyang hindi na siya kikibuin ng dalaga pagbalik nito at kailanma'y hindi na magiging katulad ng dati ang samahan nila. At dahil iyon sa kanyang kapangahasan.
Kay bilis ng panahon. Malamig na ang simoy ng hangin dahil Disyembre na. Nasa mansion siya ngayon ng mga Valdemor. Nagkarga kasi sila ng mga mangga para iluwas sa Maynila. Maya-maya ay tinawag siya ng katulong nina Aya.
"Ash, may tawag para sayo."
"Sino po iyon, manang?"
"Si ma'am Aya." Sa narinig ay biglang tumibok ng mabilis ang kanyang puso. "Gusto ka niyang kausapin."dagdag pa nito.
"Sige po susunod na ako."
Habang papalapit si Ash sa telepono ay mas lalong bumibilis ang t***k ng kanyang puso. Kinakabahan siya na hindi niya mawari.
"H-hello." usal niya. Dasal niya sana hindi ito magalit sa kanya.
"Hello, Ash!" masiglang bati nito sa kabilang linya. Tapos ay nagpakawala ito ng isang nakakabinging-tili.
"T-teka, Aya. Ano ba ang nangyayari sayo?" nalilitong tanong ng binata. Bigla na lang kasing tumili ang dalaga at animo'y tuwang-tuwa.
"Kami na." sabi ni Aya.
"Ha? Ano'ng sabi mo?" si Ash na lito pa rin.
"Sabi ko kami na. Kami na ng Lance ko." sa sinabi nito ay biglang nalungkot si Ash. Biglang nagsikip ang kanyang dibdib sa nalaman at nakaramdam siya ng panghihina. Gusto na niyang bitiwan ang telepono ngunit ayaw pa ng nangungulila niyang puso. 'Cause he misses her a lot and hearing her voice like that is a consolation to him.
"P-paano nangyari?" sa halip ay tanong niya.
"Yeah, kailan lang nangyari. Three days ago ay sinagot ko siya. Atat na atat na nga akong ibalita sayo eh, subalit wrong timing yung tawag ko. Ngayon nga lang ako nakatiyempo sayo eh."anitong masayang-masaya pa rin.
"G-ganun ba."
"Oo. Hindi mo man lang ba ako ico-congratulate ha? Kami na ng Lance ko after ng mahabang panahong paghihintay sa kanya." sa narinig ni Ash, ay hindi niya na napigilan ang pagpatak ng mga luha. Oo, nasasaktan siya. Masakit na masakit ngayon ang puso niya. Akala niya tanggap niya na ang ganitong sitwasyon, pero sadya nga lang masakit ang katotohanan. Nahiling niya na sana nagalit na lang ito sa kanya at minura siya sa telepono imbes na sabihin nitong sila na ni Lance, mas matatanggap niya pa iyon.
"Hey, Ash. Hindi ka na umimik dyan? Nandyan ka pa ba?" untag sa kanya ng dalaga.
"O-oo naman. Andito pa ako. At m-masaya ako para sayo. Para sa inyong dalawa ni Lance. C-congrats, Aya kasi natupad mo na ang pinapangarap mo." malungkot na sabi ni Ash habang patuloy sa pagpatak ang kanyang luha.Inis na pinahid niya iyon. Ah, bakit ba siya umiiyak? Naitanong niya sa sarili. Nagsisikip tuloy ang lalamunan niya kaya hindi siya makapagsalita ng maayos. Baka mahalata pa tuloy ni Aya na umiiyak siya.
"Talaga ngang kaibigan kita. Napaka-supportive mo. Haha. Pag-uwi ko dyan ibibili kita ng cellphone dito para madali na lang kitang makontak, ang hirap kasing mag-abang sayo sa bahay eh."
"Naku, huwag na. Gastos lang iyon. At wala akong p-pambayad sayo."aniya at napasigok siya.
"T-teka umiiyak ka ba dyan, Ash? May problema ba?" Sunud-sunod na tanong nito.
"Naku, wala Aya. Haha. Sinisipon lang ako." pilit siyang tumawa para pagtakpan lang ang tunay niyang nararamdaman.
"May sakit ka na naman ba?" Nag-aalalang tanong ng dalaga.
"W-wala. Ayos na ayos lang ako dito."
"Ganun ba. Baka pinagloloko mo ako dyan. Tapos masama na naman pakiramdam mo hindi mo man lang sinasabi. Hay, naku Ash, huwag ka na ulit magkakasakit ha tulad ng dati. Natatakot na ako para sayo." masuyong sabi nito sa kanya. Ah, bakit ba kasi ganito magsalita si Aya. Mas lalo lang tuloy siyang nasasaktan. At mas mahihirapan tuloy siyang magmove on.
"Promise hindi na ako magkakasakit para sayo."nakagat ni Ash ang hintuturo niya sa kanyang nasabi. Alam niyang sa sarili na kasinungalingan lang iyon. Paano ba siya hindi magkakasakit kung sobra-sobrang sakit na ang kanyang nararamdaman ngayon.
"Ok, your promise is accepted." tuwang sabi sa kanya ni Aya.
"Ok, sige Aya. May gagawin pa kasi kami." Paalam ng binata.
"Ok, ba-bye na."
"Sige, bye na." Ibaba na sana ni Ash ang telepono nang pigilan siya ni Aya.
"Ash, wait!"
"Bakit Aya, may nakalimut--" putol nito sa iba niyang sasabihin.
" I just want to say, I-I miss you." wika nito. "Sa darating na linggo ang uwi ko dyan. Lutuan mo ako ng paborito kong ulam ha? Please..." pakiusap nito.
"Ok, ipaghahanda kita."
"Thank you, Ash. Ba-bye na."
"Ok bye." Bulong na lang sa hangin ni Ash. Lumabas siya ng bahay na hinang-hina pa rin. Hindi na naging maganda pa ang kanyang araw dahil sa narinig. Nasasaktan siya at hindi niya alam kung kailan maghihilom ang sugat na nalikha sa kanyang puso.