Chapter Four

941 Words
This is the day, ika nga. Busy ang lahat sa mansion kasi uuwi na ang unica hija ng pamilyang Valdemor. December 20 is the date at sa darating na 24th day ay birthday na ni Aya. She's turning 18. At yes debut na nga niya sa susunod na mga araw. Kaya naman abala ang lahat sa mansion. Kasalukuyan ngayong inaayos nina Ash at mga kasamahang trabahador sa manggahan ang lawn ng mansion kung saan gaganapin ang party. Tagaktak ang pawis ni Ash habang naglalandscape sila ng kapitbahay niyang si Junnie sa garden. Si Junnie ay matanda lang ng limang taon sa kanya kaya para na rin silang magkuya sa tagal na pinagsamahan nila. Dahil sa tindi ng sikat ng araw ay naliligo na sila ng pawis. Maya-maya ay biglang tumayo si Ash at naghubad ng pang-itaas. Ginawa niyang pananggalang sa init ang damit niya. Itinalukbong niya ito sa kanyang ulo at tanging mata na lamang niya ang nakikita. "Wow, ang abs mo Ash nakakabakla." Ani Junnie na ngiting-ngiti. Talagang may pagkaloko-loko rin kasi ito. Napalingon naman si Ash sa kanyang sinabi na may halong pagtataka. "Ano ba 'yan six packs o 12 packs? Haha."dagdag pa nito. Saka lang nagets ni Ash na niloloko lang siya ng kaibigan at pinagtitripan lang siya. Ngumiti na lang siya rito at nakitawa. "O, tingnan mo? Huwag ka ngang tumawa ng ganyan. Maiinlove na talaga ako sayo nyan." mas lalo pa siya nitong inasar. "Loko ka talaga, Jun. Kailan ka pa nabading. Akala ko ba pakakasalan mo na si Rissa. Ba't nagkakaganyan ka? Isusumbong kita eh." nakatawa pa ring ganting asar ni Ash. "Eh, kasi naman, ba't ba kasi ang guwapo mong bata ka? Artista ba ang papa mo?" "Oo. Hindi nga lang naipalabas ang movie niya sa tv. Haha." Ganting biro naman ni Ash. Ang totoo niyan, five years ng patay ang papa niya baby pa lamang ang kapatid niyang si Gray dahil sa sakit nito sa baga kaya ang mama na niya ang nagtaguyod sa kanilang magkapatid. "Magbihis ka na nga. Tingnan mo yung likuran mo marami nang laway ang nagtutulo para sa pandesal mo. Gusto na daw nila isawsaw sa mainit na kape sa ganitong kainit na panahon." napalinga naman si Ash sa kanyang likuran at nakita nga niya ang pagkukumpulan ng mga may kabataan pang katulong sa mansion at pati na rin mga matandang dalaga, isama mo pa ang mga bakla na nakatanghod sa kanya. Nagtutulo nga ang mga laway nito. Bigla tuloy siyang na-conscious. "Eh, ba't ngayon mo lang sinabi na andyan pala ang mga 'yan." bulong ni Ash kay Junnie. "Hay naku Ash. Lumilipad nga talaga yang utak mo. Talagang andyan iyan sila dahil naglilinis. Ngayon kasi ang dating ni ma'am Aya."sagot ni Junnie. Sa narinig ay bigla na namang bumilis ang kanyang heartbeat. Tatanggalin na sana niya ang damit na itinalukbong nang may biglang sumigaw mula sa kanyang likuran. "Ash!!"sabay-yakap sa kanyang likuran. Nang maramdaman niya ang malambot nitong kamay saka niya lang napagtanto na si Aya pala ang biglang yumakap sa kanya. Nasira naman ang tanawin na gustong panoorin ng mga nagpapantasyang katulong kaya umalis na sila. Dumating na kasi ang reyna. Dati naman siya nitong yinayakap pero iba ang pakiramdam niya ngayon. Pigil niya ang paghinga nang hawakan niya ang kamay nito para tanggalin sa pagkakayapos sa kanya. Bago niya pa matanggal ang kamay nito ay lumigid na ang dalaga sa kanyang harapan. "Aya."sambit niya sa pangalan nito. Nagsalu bong ang kanilang mga paningin. Lumambitin na naman ang mga kamay nito sa kanyang leeg. "T-teka, Aya. Basang-basa pa ako ng pawis." nahihiyang sabi niya. Ang akala niya ay magagalit sa kanya ang dalaga dahil sa kapangahasan niya noon. At expected niyang magbabago na ang pakikitungo nito sa kanya. But he is wrong. She treated him as what she used to treat him before na parang walang namagitan sa kanila. Yeah, he knew na it was just a kiss. A kiss without feelings and it never happened. Wala lang iyon at tuluyan na ngang nalimutan ng dalaga lalo pa at sila na ngayon ni Lance. Nakangiting tumingala sa kanya si Aya at tinanggal ang damit na itinalukbong niya sa kanyang mukha. "Ba't ba kung saan-saan ka naghuhubad. Hay naku, magbihis ka na nga." Anito at may kinuhang panyo sa bag at pinunasan ang mukha ni Ash. Isinuot naman ng binata ang kanyang damit. "Hay naku, ma'am. Kanina ko pa nga iyan sinasabihan eh." ani Junnie. "Hindi kasi aware si Ash na ang gwapo-gwapo niya." Binawi ni Ash ang panyo sa dalaga at itinuloy na ang naudlot na ginagawa nilang landscape. "Teka kuya Junnie, ano ba ang ginagawa niyo rito?" "Naglalandscape po ma'am para po maganda ang garden sa darating na party ninyo." "Wow, talaga? Thank you po, kuya Junnie." "Wala po iyon, ma'am."nakangiting tugon nito. "Kuya Jun?"muling untag ni Aya. Nilinga naman siya nito. "Bakit po ma'am?" "Pwede ko bang mahiram muna si Ash? Please..."naka-pout pa nitong pakiusap kay Junnie. Napakamot na lang sa may ulo ang binata kahit wala namang makati. "S-sige po." nakangiting tugon nito na naguguluhan sa dalawa. "Talaga?"tuwang sabi ng dalaga saka hinila patayo si Ash. May kinuha siyang bag at ibinigay kay Junnie. "Heto, pasalubong ko sayo kuya Jun dahil mabait ka." "Naku, salamat po dito ma'am." Saka lang napansin ng dalawa na marami pala itong bitbit. Hinila na ng dalaga si Ash. "Halika na Ash. Tayo na." "Pero hindi pa ako tapos dito." Tanggi niya. "Halika na nga. Si kuya Junnie na raw ang bahala dito. Di ba kuya?" Pagpupumilit ni Aya na pilit itinatayo si Ash. Wala na ngang nagawa ang binata kundi sundin na naman ang spoiled brat niyang kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD