Dinala na naman siya ni Aya sa silid nito. Busy ang dalaga sa paghahalughog sa dala nitong mga gamit.
"Ano ba ang hinahanap mo dyan?"
"Sandali. Nandito lang iyon eh. Just sit down there okay." turo nito sa sofa na naroon sa may side ng room ng dalaga. Hindi mapakali si Ash kaya lakad siya ng lakad. "Pwede ba, maupo ka muna. Ako ang nahihilo sayo eh."reklamo nito. Sumunod na lang rin si Ash sa utos at naupo na habang pinagmamasdan ang dalaga. "Here it is!"bulalas ni Aya. Isang maliit na bag ang kinuha niya at dinala iyon sa mga palad ni Ash.
"Ano 'to?"
"Buksan mo na kasi, huwag ka ng tanong ng tanong." Binuksan na nga lang ni Ash at nalaman niyang cellphone pala ang laman n'un.
"Aya, sinabi ko na sayo di ba?"
"No, no, no, no. Basta nabili ko na at para 'yan sayo."
"P-pero hindi naman ako marunong gumamit nito at mukha pang mamahalin. Sabihin mo na lang sa papa mo na ibawas na lang to sa sweldo ko."
"Ano ba? Para talaga sayo iyan Ash. At saka kung hindi ka marunong ay tuturuan naman kita." anitong kinuha kay Ash ang cellphone at kinalikot. "O, heto. Ako ang number 1 sa speed dial mo ha. At heto ang number ko." Muling ipinakita ito sa kanya ng dalaga. "Matalino ka kaya alam kong madali mo lang matututunan gumamit ng gadget."
"Pero, sobra-sobra naman yata 'to."reklamo ni Ash na muling tiningnan ang mamahaling cellphone na binili ng dalaga para lang sa kanya. Ito pa yata ang latest model ngayon eh. Napansin niya kasing katulad lang din ito ng cellphone ni Aya. Color black nga lang ang sa kanya. "Isipin mo na lang na 'yan ang regalo ko sayo sa nagdaan mong birthday."dagdag pa ng dalaga at umupo sa kanyang tabi. "Teka, baguhin natin ang wallpaper mo." sabi ng dalaga. Pinanood niya ang pagpindot-pindot ng mga daliri nito sa touchscreen na cellphone at nagulat pa siya na sariling mukha pa nito ang ginawang wallpaper.
"O, di ba ang ganda ko dito? "anito sa kanya at ngiting-ngiti pa. Pansin talaga ni Ash ang sobrang kasiyahan ni Aya ngayon.
Maya-maya ay nakita niyang kinuha ng dalaga ang cellphone na nagriring sa bulsa nito.
"Ssshh...tumatawag siya." bulong ng dalaga sa kanya bago sinagot ang tawag. Katabi pa rin ni Ash ang dalaga at sumandal pa ito sa kanya habang sinasagot ang tawag.
"Hello, Lance." Nang marinig ni Ash ang pangalan nito ay biglang kumislot ang kanyang puso. Ang sakit pala talaga kapag harapan kang sinampal ng katotohanan na kailanma'y hindi magiging kayo ng taong mahal mo dahil langit at lupa ang agwat ninyo at ang masaklap pa, isang kaibigan lang ang turing niya sa'yo.
"Oo, nakarating na ako rito sa bahay kanina pa. Okay, ba-bye. I love you too, mahal ko. Ingat ka." Inend na nito ang tawag. Nakatulala lang siya sa tabi nito. "Alam mo, Ash hindi pa rin ako makapaniwala na kami na ni Lance. Akala ko hanggang tingin na lang ako sa kanya. Until one day, he asked me out and tinanong niya ako if I could be his girlfriend. Ang saya ko lang talaga. Ako kaya ang first gf niya." Namumungay pa ang mga mata nito sa pagkukwento habang nakatingala kay Ash.
"Niligawan ka ba niya?"kahit nasasaktan ay nagtanong pa rin siya.
"Hmmm..." matamang nag-isip ang dalaga bago sumagot "Sa tingin ko, no need na yun eh. Mahal ko naman siya kaya ayaw ko na siyang pahirapan." Nagbago na naman ng posisyon ang dalaga, kung kanina ay nakasandal siya patalikod sa binata ngayon naman ay nakaharap na siya habang nakatingala rito.
"Mahal ka ba niya?"muli pang tanong ni Ash kahit na parang gusto na niyang umiyak. Their gaze met. And it's just like they were hypnotized again. Kusang umangat ang mga kamay ni Aya and touches his face down to his lips sa halip na sagutin ang kanyang tanong. Para namang nanigas ang katawan ni Ash sa ginawa ng dalaga. Nararamdaman ni Ash na his heart races again to that feelings she never knew.
"Ash..."usal ng dalaga habang nakaawang ang mga bibig. Kung alam lang ni Aya kung gaano siya kagustong halikan ni Ash ng mga oras na iyon, wala talaga siyang idea. Pati kung gaano na nagsisikip ang dibdib nito sa nararamdaman para sa kanya. Pinipigilan lang ni Ash ngayon ang sarili dahil ayaw na niyang maulit pa ang pagkakamaling nagawa noon kahit na alam niya sa sarili na hindi naman niya pinagsisisihan iyon. Ayaw niya lang na magbago ang pakikitungo nito sa kanya. 'Cause he really can't afford to lose her as his friend. Yeah, being his friend. Iyon lang naman kasi ang mai-o-offer nito sa kanya.
"I...I think..."muling usal ng dalaga habang papalapit ang mukha nito sa mukha ng binata. Hindi pa rin naghihiwalay ang kanilang mga titig. Gahibla na lang ang pagitan ng mga labi nila ng biglang tumayo si Ash. Eksakto namang may kumatok sa pintuan ng dalaga. Para namang nabuhusan ng malamig na tubig si Aya. Alam niyang pulang-pula na ngayon ang kanyang pisngi sa kahihiyan. My Gosh! Magdisappear na lang sana siya, nahiling niya. Nakita niyang tinungo ni Ash ang pinto at pinagbuksan ang mama ni Aya na siya palang kumakatok.
"Tita..."bigla tuloy siyang naguilty kahit wala namang nangyari ngayon. Sinalubong siya ng matamis na ngiti ng mama ng dalaga.
"Si Aya?"tanong nito. Agad namang sumulpot ang dalaga sa tagiliran ni Ash.
"Bakit po ma?"tanong ni Aya.
"May bisita ka sa baba."
"Sino po ma?"
"Huwag mo ng itanong. Bumaba ka na nga lang diyan at harapin mo ang iyong bisita." may halong pagkadisgusto sa boses ng ginang.
"Okay po ma. Susunod na." Sa baba ay hindi na nagulat si Ash na madatnan si Lance sa salas na may dalang bouquet of roses. Tumalilis na lang ng alis si Ash sa bahay. Ayaw niya na kasing masaksihan pa ang paglalambingan ng dalawa dahil masasaktan na naman siya. Alam niyang ipinakikilala na ni Aya sa mga magulang nito ang boyfriend.
Tumakbo siya papunta sa may batis at naupo sa may batuhan. Tinitingnan niya ang tahimik na agos ng tubig habang nakamasid sa sarili niyang repleksiyon. Kanina lang ay ramdam niya ang mainit na mga kamay ng dalaga na nakadampi sa kanyang balat at ngayon para na naman iyong isang panaginip. Panaginip na kailanma'y hindi magkakaroon ng katuparan. Kinapa niya ang cellphone at pinagmasdan doon ang maamong mukha ng dalaga. Naiiyak na naman siya sa isiping sila na nga ni Lance ang magkakatuluyan. Hindi man lang niya masabi-sabi rito ang tunay niyang nadarama dahil hindi pwede. Hindi pwede dahil gusto pa rin niyang manatili sa tabi ng dalaga kahit bilang kaibigan na lang.