Chapter Six

1811 Words
Today is the 24th of December and this is her day. Ang pinakahihintay ni Aya na araw to become a full-grown woman. The lawn where the party is going to be held is decorated according to the personality of the young lady. The motif is aqua blue since she likes the shade of blue. Stargazer flowers and calla lilies is used to decorate. Tables are already fixed while foods are ready to serve. Blue candle lights made the atmosphere more appealing. It is everywhere creating the dim light like a glowing star up high. Bisita na lang ang hinihintay to start the party at exactly six in the evening. Samantalang pabalik-balik pa rin sa harap ng salamin si Aya. She checked herself many times. She's wearing a royal blue dress with a shade of white making it to look like an ash blue sa upper part ng dress. Inilugay niya lang ang itim at lampas balikat na buhok. And now, after turning and returning in front of the mirror ay isinuot na niya ang kanyang shoes. Maya-maya ay bumukas ang pinto ng kanyang silid. "Ma." "You look very great tonight, Aya."puri ng ginang sa unica hija niya. "Dahil sobrang ganda po ng mama ko ma."aniya at yumakap sa ina. "Hay, you talk a real woman now." "Si mama talaga. Bumaba na nga po tayo." "Oh, I forgot." She put on a braided flower sa ulo ni Aya.It looks like a crown on her head. "Right, you look perfect with this." tuwang sabi ng kanyang ina habang pinagmamasdan siya. "Halika na. Nand'yan na kasi sa baba ang sundo mo." "Ok po ma. And thanks for the flowers."nakangiti niyang sabi sa ina. Sa baba ay naghihintay ang kanyang escort. Para siyang anghel sa paningin ni Lance habang bumababa sa hagdan. She looks very wonderful tonight ika nga sa kanta habang napapalunok naman si Lance. Hindi makapaniwala ang binata na she could be more gorgeous than ever before. Nang tuluyan nang makababa si Aya ay agad siyang nilapitan ni Lance giving her a boquet of flowers. Magkahinang ang kanilang mga mata at tahimik na sinusuri ang bawat isa. Hindi pa rin makapagsalita si Aya in front of him. Why? It's because ang guwapo-guwapo lang naman ni Lance sa suot niyang amerikana ngayong gabi. Mas lalo tuloy nagpapalpitate ng mabilis ang puso niya nang igiya na siya nito palabas at hawakan siya sa siko nito. "You look very beautiful tonight, sweetie." bulong nito sa kanya. Alam ni Aya na nagblush siya sa sinabi nito. Ramdam niya kasi ang pag-iinit ng magkabilang mukha. "Thanks for the compliment, Lance." Ngumiti lang ang binata sa kanya. Naghintay muna sila ni Lance na i.announce ng emcee ang pangalan niya bilang celebrant bago nagpakita sa madla niyang bisita. Napa-wow silang lahat nang makita si Aya in her stunning dress and looks. Nagtuloy-tuloy na nga ang seremonyas ng party. Hanggang umabot sa pagsasayaw. Ang 18 roses. Si Lance syempre ang first dance niya and so on na sa mga kaibigan niyang lalaki at kapitbahay. Isinayaw niya rin si Junnie at Mang Berto. Ang papa naman niya ang second to the last na isinayaw niya. Habang nagsasayaw sila ng papa niya ay hindi siya mapakali. Hinahanap ng sulok ng kanyang mga mata si Ash. Magmula pa kasing nagsimula ang party kanina ay hindi pa niya nakikita ang binata. Ang mama lang nito at ang kapatid na si Gray ang nakita niya kasama ang papa at mama niya. "Bakit Aya? May problema ba?"tanong ng kanyang papa. Tumingin siya sa kanyang ama. "K-kasi..."hindi niya alam ang biglang pagsikip ng lalamunan nang magsalita siya. "Spill it out, honey." "S-si.. Ash po kasi ang last dance ko pero bakit magmula kanina hindi ko pa siya nakikita."reklamo niya sa ama. Tumawa lang ang kanyang papa. "Pero nakita ko siya kanina sa kusina eh. Kasama niya ang mga katulong na nagluluto." "H-hindi ba siya pupunta rito.?"Umiling-iling lang ang kanyang ama. "Ano ba ang balak niya, magluto na lang siya ng magluto doon."yamot niyang sabi. "Bakit? Hindi mo ba siya sinabihan na siya ang last dance mo?"umiling-iling naman si Aya. "Eh, ano ba ang malay niya sayo na siya pala ang gagawin mong last dance." "Kahit na, pumunta pa rin siya."maktol ng dalaga. Pakiramdam niya ay maiiyak na siya. Ba't ba hindi ito pumunta ni silipin man lang siya hindi nito ginawa. Ang lapit lapit lang naman ng kusina sa garden nila eh. Hanggang sa matapos ang music sa sayaw nilang mag-ama. Last dance na niya ay wala pa rin si Ash. Nababahala na ang mukha niya. Nakatayo pa rin siya sa gitna pero wala talagang Ash na dumating. Napayuko siya at itinuon ang paningin sa kanyang sapatos. Napakagat-labi siya. Hindi na talaga mapipigilan ang luha niya na kanina pa gustong pumatak nang maramdaman niya na may mga bisig ang pumaikot sa maliit niyang beywang. Agad siyang tumingala at napangiti. "Ash..."sambit niya. Nang masilayan niya ang mukha ng kaharap ay unting-unting nawala ang kanyang ngiti. Nakaramdam siya ng disappointment na hindi pala ito ang kaibigan niya. "No. He's not here, Aya."wika ni Lance. Dahil sa sinabi nito ay napayakap na lang siya sa boyfriend. Nainis si Aya sa sarili dahil sa sobrang busy niya this past few days ay hindi siya nagkaroon ng time na sabihan man lang ang binata. Mas inuna niya kasi ang bonding time nila ni Lance. Naalala niya rin na hindi naman pala mahilig sa party ang kaibigan kaya heto siya ngayon parang tanga na naghihintay dito. Alam niya kasi ang ugali nito. Hindi ito pupunta kapag hindi sinabihan. Isinubsob ni Aya ang ulo sa matipunong dibdib ni Lance habang nagsasayaw sila. Ang eksena namang iyon ang nasaksihan ni Ash nang lumabas siya sa kusina para ihatid ang ibang dessert na ginawa nila. Bigla na lang siyang napatda sa kinatatayuan at para bang ayaw nang umurong sa paghakbang ang kanyang mga paa. "Hoy, Ash! Ano'ng nangyari sayo d'yan?"pinitik siya ni Junnie sa harapan. "Alam mo bang kanina ka pa hinahanap ni ma'am Aya?"sabi nito sa kanya. "Okay, lang iyon. Tingnan mo ang saya-saya niya ngayon." "Ha?"si Junnie na naguguluhan. "O, heto. Pwede bang pakidala na lang 'to doon." wika ni Ash na agad ipinatong ang dalang tray ng dessert sa kamay ni Junnie at tumalikod na agad. "H-hoy! T-teka, Ash."wala ng nagawa pa si Junnie kundi pumayag. Wala na kasi ang kaibigan. Sumaglit lang naman siya sa kusina eh para silipin si Rissa pero heto ngayon at nautusan pa siya. At exactly 12 ay maingay na. Pasko na kasi. May nagkakantahan, may nagsasayawan. Marami kasing bisita. Invited kasi lahat ang trabahador sa manggahan at sa pamamahay nila kasama ang kani-kanilang pamilya. Mga aalas-dos na ng madaling araw nang magsiuwian ang mga bisita. Ipinagpasya ng mama ng dalaga na bukas na lang iligpit ang iba, pagod na kasi ang lahat. Pero kahit sinabi nito iyon ay iniligpit pa rin ni Ash ang pinagkainan sa party. Nasa garden siya ngayon at nililigpit ang mga table cloth. Tahimik na ang buong paligid at sa palagay niya'y siya na lang mag-isa rito. Binilisan niya ang kilos. Sa tingin niya kasi ay uulan. Natapos na niyang iligpit ang mga table cloth kaya isinunod na niya ang mga mesa at upuan. Abala siya sa pagliligpit kaya hindi niya napansin ang papalapit na mga yabag. "Ash..."dinig niyang sambit nito sa pangalan niya. Natigilan siya sa ginagawa dahil muli na naman niyang naramdaman ang kakaibang t***k ng kanyang puso. Only this woman can make his heart go wild. Ang akala niya ay nagpapahinga na ito subalit narito ito ngayon sa kanyang likuran. Katahimikan ang namagitan sa kanila. Maya-maya pa ay ipinagpatuloy na niya ang kanyang ginagawa. Hindi man lang niya sinulyapan ang dalaga. Dahil pag ginawa niya iyon ay masasaktan lang siya lalo. "Ash..."muling sambit nito ngunit hindi pa rin niya ito pinansin. Ipinagpatuloy lang niya ang ginagawa. "I said, Ash."wika ng dalaga. "Hindi mo man lang ba ako papansinin. Galit ka ba sa akin, ha?" Tanong ng dalaga. Hindi pa rin siya kinibo ni Ash. Nagpatuloy at nagpatuloy pa rin si Ash sa pagliligpit. Wala namang nagawang kasalanan ang dalaga pero bakit nakakaramdam siya ng inis. Inis sa sarili dahil hindi niya mapigilan ang magselos kay Lance. Wala naman kasi siyang panama rito. 'Cause Lance has everything. Even the woman he loves. Inis na binato siya ng dalaga ng plastic cup. "Nakakainis ka talaga, Ash!"sigaw ni Aya. Binato niya ng binato ng plastic cup ang binata. Habang pinupulot naman iyon ni Ash at inilagay sa basurahan. "Matulog ka na kasi. Gabi na oh. Mag-uumaga na yata. At saka mukhang uulan."sabi na lang niya sa dalaga. Hindi rin naman niya kasi ito matitiis na huwag kibuin. Tumingala siya sa langit. "Tingnan mo, mukhang uulan na tal-" naputol ang iba pa niyang sasabihin nang maramdaman niya ang pagyakap ni Aya mula sa kanyang likuran. Narinig niya ang paghikbi nito kaya bigla siyang nataranta. My God! She's crying because of him! Nahilot niya ang sentido. Biglang lumambot ang nagmamatigas niyang puso kanina. His heart races again to that unusual feelings as he reach out her hands. Ipinaharap niya ang dalaga sa kanya. Patuloy pa rin ito sa paghikbi. "T-teka, bakit ka ba umiiyak, Aya?"natataranta niyang tanong. Hindi niya kasi alam kung papaano ito patatahanin. Umiling-iling lang ang dalaga. He then, gently cupped her face. Masuyo niyang pinahid ang mga luha nito. Naghinang ang kanilang mata. "Bakit ka ba umiiyak?" Ulit na tanong ni Ash habang inaayos niya ang buhok ng dalaga pati na ang bulaklak na crown na inilagay ng mama nito sa ulo ni Aya. Nanatili lang nakatitig sa kanya ang dalaga habang sumisigok-sigok. And she finds that gesture very sweet of him. "Hindi ka dapat umiiyak, kasi ang ganda-ganda mo ngayon. Tingnan mo, nasira tuloy yung make-up mo?"wika ni Ash habang nilalaro ng kanyang daliri ang ilang hibla ng buhok ni Aya. Simple lang naman na maganda siya ang sinabi nito pero bakit sa pakiramdam niya ay lumulutang yata siya sa hangin. Ngayon lang kasi niya narinig na nagsalita ang binata ng ganoon. Matiim na tinitigan ni Aya si Ash. And why is it he looks very handsome tonight? Eh, simpleng t-shirt at pants lang naman ang suot nito.Maya-maya ay pabigla niyang niyakap si Ash na siyang ikinagulat nito. Inamoy-amoy pa niya ang binata. Bakit ba ang amoy nito ay nagbibigay ng kung anong kakaibang sensasyon sa kanya. Habang yakap ang binata ay dinig na dinig niya ang mabilis na pagtibok ng puso nito. Naririnig niya rin ang sariling t***k ng puso. Biglang naguluhan si Aya sa kakaibang nadarama ngayon. Ang alam niya lang ay gusto niyang nakayakap siya ngayon sa binata. "Y-you are supposed to be my last dance tonight p-pero wala ka." it is almost a whisper saying those words. Napatigagal naman si Ash sa sinabi niya. Kaya naman pala umiiyak si Aya dahil siya lang rin naman ang may dahilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD