Mukhang wala na siya sa sarili. Di na nga niya namalayan na narito na pala sila ni Ash sa site nang tinatayong building ng client nilang si Mr. Fujiwara. Nakasunod siya sa likuran ng boss. Nakipag-usap muna si Ash sa mga engineers na may hawak ng project. "Aya, pakikuha nga ng blue print, may titingnan lang ako."maya-maya ay utos nito sa kanya. Napaangat ang matamlay niyang mukha, nagtatanong kung saan ba niya hahagilapin ang hinihingi nito. "Nasa left wing. Pakikuha nalang kay Mr. Villareal."utos nito sa kanya. Nagulat siya sa sinabi nitong pangalan. Si Ace ang tinutukoy nito. Akala niya may tinatapos pa itong real state housing sa probinsiya, how come at narito si Ace ngayon. Agad siyang tumalima sa iniutos. Nakangiting sinalubong siya ni Ace. "Hi!"agad na bati nito sa kanya.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


