Ngayon ang ika’t long araw ng burol ni Manang Lorna, last day na din nya ngayon dahil bukas ay ililibing na din sya sa sanctuary. Nandito ako ngayon sa tabi ni Manang, hinayaan ko muna na magpahinga ang magkakapatid dahil pasado alas dyis na din. Para kahit papaano ay makabawi manlang sila ng lakas dahil bukas ay magaasikaso na din kami sa libing. Tahimik lang akong naka upo sa tabi ni Manang Lorna ng marinig ko ang pamilyar na boses ni Maureen. “Psyche,” malungkot na bati nya sa akin. Agad syang lumapit sa akin at niyakap ako. “Mabuti at nakarating ka,” naka ngiti ko naman na bati din sa kanya. Tumingin ako sa likod nya para tignan kung may kasama ba sya pero si Maureen lang ang narito. “Pasensya ka na at hindi ako naka alis agad at naka punta dito Psyche, kinailangan kasi ako sa Ca

