Kagaya ng gulat ko gayun nalang din ang naging gulat ni Maureen. “Uh yes? Hindi mo ba alam?! Oh my gosh! Me and my big mouth!” nagugulat na sabi nya sa akin. Agad naman akong umiling. “No, kaninang umaga pa sya umalis around 9 or 10 I guess? Or baka lunch? I am not sure basta ang sabi lang nya hahanap sya ng nilagang baka. Kasi nirequest yun ni Manang Lorna. Sadly, hindi nya na nakain pa.” malungkot kong sab isa kanya. Parang lalong bumigat yung puso ko nang malaman ko na umalis na pala ng Cagayan De Oro si Damon, ng walang ni ha ni ho. Ang sabi nya sakin sya ang nagdala sa akin dito, kaya sya din ang maguuwi sa akin? Wala talagang pwedeng panghawakan sa salita nya. “So, ibig bang sabihin nandyan na sya ngayon sa Manila?” tanong ko kay Maureen. Aalanganin syang tumango sa akin. “

