Nakakakilig siguro maging girlfriend ni Mr. Lim ano?" Masayang sabi ni Miss Celine nang nagpack up kami.
"Hahaha ayyy.. nagdadalaga si Madam Celine." Irit ni Andy. "Laglag ang panty."
Kung sa bagay may hitsura naman talaga niya kahit noon pa. Hindi ko lang maintindihan yung inakto niya kanina. s**t! Hindi ko makalimutan yung mata niya na ibinabaling niya.
"Uy hello? Madison Aragon haler still with us?" Nagsnap ng kamay si Miss Celine
"Yeah just tired." Hinihila ako nang antok ngayon pabalik kami ng opisina. Aasikasuhin ko na din yung mga shots.
"Madam, kanina noong nasa photoshoot tayo parang may something kakaiba kay Mr. Lim." biglang sabi ni Andy habang nililinisan niya yung isang lente ng camera.
Hindi ko na masyadong pinansin yung pipuna niya dahil baka may masabi pa ako.
"Naku, ano bang kakaiba sa kanya?" natatawa kong tanong. "Ikaw talaga dami mong alam."
"Hindi ma'am hindi ko alam pero parang may kakaiba sa kinikilos niya kahapon. You know, ang balita kasi tungkol sa kanya hindi siya nag-oopen ng interview sa kahit na kaninong magazine sa abroad. Marami nang nag-attempt na mapa-oo siya sa isang exclusive na interview."
Kung sa bagay private person talaga iyon kahit noon pa. He hates media interfering his personal life.
"Isa pa, nakakagulat na in-open niya yung tungkol sa lovelife niya." pumalpak pa ito at ngumingiti si Miss Celine. "Iyon din ang naiisip ko. Noong una, akala ko hindi niya iyon sasagutin pero naging open siya sa pagiging single niya. Very usual."
Nagkibit-balikat na lang ako sa komento nila at ang ibang staff ay pinagpiye-piyestahan yung mga shot na naprint ko kagabi.
'Ma'am Madison, may tawag po para sa inyo." sabi ng isang staff.
"Sino daw po?"
"Mr. Rafael Chan daw po siya Ma'am.."
Kaya mabilis kong dinampot yung phone niya inabot saakin
"Hello?"
"Hello Madi...kumusta ka na?" Oh God I missed him. Simula kasi noong lumipat ako nang Cebu at nagpalit ako nang apelyido ay hindi na niya pa ako natunton at nakausap.
"Okay naman, paano mo naman nalaman ang trabaho ko?" tanong ko. Pero obvious naman na si Daddy naman ang ngsabi sa kanya. Medyo paranoid kasi si Daddy kapag nawawala ako sa poder niya.
"Hahaha! Sinabi sa akin nang Tito. Medyo nag-aalala daw siya sa iyo. Eh may another contract project ako sa isang condominium kaya heto akonasa Pilipinas ulit." Napailing na lang ako sa katwira niya. Dahil ang totoo niyan ay kinulit lang siya ni Daddy. Nakonsiyensya naman ako.
"Ahh Raf, pwede mo naman hindi gawin iyon. Okay naman ako wala namang magtatangka sa buhay ko." sabi ko nagmahina.
"No I insist... I think we should be sure. Mahirap sumugal." Hindi na ako nakipagtalo pa.
"Okay.. sunduin mo na lang ako mamaya..."
"See you then..." saka naputol yung linya.
Hindi nagtagal ay natapos namin gawin ang kailangang gawin. Almost complete na din yung shots na gagamitin sa magazine.
"Impressive job, Miss Aragon." puri sa akin ni Mr. Madrigal nang i-review niya yung ginawa kong portfolio. In-approve agad yung concept na prinopose ko kay Sir. Mabilis ang naging accomplishment.
"You ready?" bungad sa akin ni Raf nang uwian na namin. "Mukhang masaya ang araw mo ah? Kumusta ang first shoot?"
"Okay naman naging mabilis yung trabaho ko. Okay naman yung mga staff. Ang bait din ng boss ko." masayang sabi ko. Sobrag na-appreciate ko yung mga taong nasa paligid ko.
"Bumalik na siya galing London ah."
Lumingon ako sa kanya pero nakatingin ito sa daan habang nagda-drive. "Actually nsgkasalubong kami sa airport nang dumating siya sa Pilipinas."
"Siya ang first photoshoot ko kanina..." panimula ko. Siya naman ngayon ang napalingon sa akin pero bumabaling pa din ito sa daanan.
"Saan ba tayo kakain ah? Libre mo naman ako...." pag-iiba ko nang kwento. Ayoko kasi baka awkward moment yung conversation namin.
"Nagkausap ba kayo? Anong sabi niya sa muling pagkikita niyo?"
"He's acting cold towards me. Hindi nga niya ako kilala dahil mukha pamilyar ako sa kanya. ' i know I sounded bitter. pero sana wag na niyang punain iyon.
"Well baka naman hindi na naiisip iyong ast niya... I mean move on na siya."Kibit-balikat niyang sabi habang pina-park yung kotse. Sabay na kami bumababa at pumasok sa Greenwich. I miss this place. the last I am here was when my mother celebrated her birthday.Nakakalungkot lang isipin na wala na sa piling namin ni Daddy.
"Good evening Sir and Sir.. anong order po nila?" tanong sa amin ng isang crew sa cashier.
"Dalawang lasagna... Isang ham and cheese pizza at dalawang buko pandan smoothe." si Rafael na mismo ang um-order habang ako ay nagtungo na bakanteng upuan.
"Ganda nang ambiance dito noh..." sabi ni Rafael habang hinihintay namin ang order.
"Oo nga parang ang ganda ng view tapos fresh sa mata yung concept." ngiti kong sabi. Napansin ko na lang na hindi nakaimik si Rafael kay bumaling ako sa kanya.
Di ko alam ang nararamdaman
Ng mawala ka at ako'y nagiisa
Hanggang ngayon 'di ka nawawala
Dito sa isip ko ika'y mahalaga
Wow ah! gandang kanta sapul ako don. I just wish hindi ko siya ininwan.
"Here's your order Ma'am and Sir..." isa-isa nilapag ng crew yung mga in-order ni Rafael.
Ngunit paano na lang ako
Kung mawawalay ka lang
Dinggin mo ako
Nagsusumamo sa iyo
Bigla ko tuloy naisip ang laht ng nakaraan... yung mga nangyari.. lahat nag-flashback. Nakakaiyak naman yun kanta.
"Oh naiiyak ka na ba? Ikain na lang natin ito..." baling ni Rafael sa akin.
Muli mong pagbigyan ang puso kong ito
Naghihintay na maalala mo
Para lang sa'yo ang pagibig ko
Nasan ka man, sana ay maramdaman
Ako'y nandirito at uma lang sa'yo
Kahit saan ako mapunta
Alaala mo'y hindi nawawala
Nais ko man, ika'y mahagkan
Sa panaginip ko na lang malalaman
Ngunit paano na lang ako
Kung mawawalay ka lang
Dinggin mo ako
Nagsusumamo sa iyo
Yumuko para punasan ang luhang nakatakas sa aking mata. parehas kaming natigil ni Rafael sa pagkain nang kung sino ang tumawag sa akin
"Miss Aragon you here." pamilyar na boses iyon. Hindi pwede! Hindi maari iyon! Gusto kong magpanic lalo nang palakad ito palapit sa kinauupuan namin. Kasabay noon ay umangat ang aking tingin sa kanyang mukha.
Muli mong pagbigyan ang puso kong ito
Naghihintay na maalala mo
Para lang sa'yo ang pagibig ko
Nasan ka man, sana ay maramdaman
Ako'y nandirito at umaasa lang sa'yo
"Kayo po pala..." napatay ako saka nag-bow. "Dito po ba kayo magdi-dinner?"
"Babe, siya ba yug photographer na sinasabi mo?" may babeng lumapit din sa amin at umangklasa braso nito. Lumingon sa kanya si Mr. Lim at tumango.
"Yeah she's miss Madison Aragon.... and..." bumaling ang kanyang mata sa kasama ko.
"Uhh si Mr. Rafael Chan,,, kaibigan ko po." ngumiti ako bahagya at umiwas ako nang tingin.
"She is Scarlet Montesilva my girlfriend. Please as much as possible keep it as a secret, Miss Aragon. I don't want people to judge her and i don't want public attention."
Tumango ako sa sinabi niya pero nanginginig na yung tuhod ko doon.
"Okay, Sir it's a secret."
"I'm done." sabi ko kay Rafael. Ngumiti ako sa kanya pero siya seryosong nakatingin sa akin. Pinagpapasalamat ko na hindi na siya muling nag-ungkat. Pumunta na din si Aldriq doon sa kabilang table. Mukhang masayang-masaya sila sa isa't-isa.
"Ang sarap ng pagkain." narinig ko mula sa kabilang table. Hindi ko na tinignan kung sino. Sabay na kami tumayo ni Rafael para lumabas.
"You're leaving already?" biglang may nagsalita sa gilid namin nang malapasan ang isang table. hindi na ako lumingon kung sino dahil boses pa lang alam ko na kung sino.
"Yes Mr. Lim." sagot ni Rafael. "I apologized hindi na kami magtatagal. She suddenly felt dizzy."
Thanks Raf...
"Ganoon ba sayang naman... hon you should invite them to the new house. Di ba malapit nang blessing party noon? Why don't you invite them personally?" sambit ng babae. I'm not in the mood to chitchat here.
"Uhh... yeah.. I'm inviting you two. That will be after two weeks. Please and join the party, Especially ms. Aragon... I want you-----"Pero pinutol ko yung sasabihin niya.
"Sir, hindi po ako pwede that time. Magpho-photograph din ako para sa isang fashion show. I'll just suggest invite Rafael to be my proxy." ngumiti ako nang kaunti. Kita kong nagkibit-balikat lang siya saka tumingin ulit sa amin.
"Alright then, I'll invite you Mr. Chan."
Napaawang ang labi ni Rafael sa naging resulta nang pag-uusap. Pagkatapos noon ay tumungo na ako papunta sa kotse ni Rafael. Naging tahimik kami parehas nang magsimula siya magmaneho. Parehas kami nakikiramdam sa isa't-isa.
"Iniiwasan mo ba siya?" basag niya sa katahimikan. Nagkibit-balikat ako.
"No." i'm sure I'm not ignoring his presence though. "Parehas yung time schedule para sa fashion week. Kailangan kong maghanda para doon."
Hindi ko na hinintay ang mga sumunod na sinabi nila. Yung utak ko lumilipad kung saan.
"Tara na..."
Isinakay niya ako sa Fortuner na itim sa hindi kalayuan. Hindi na rin nagsalita si Raf. Ang totoo niyan ay parehas nakikiramdam ang bawat isa. Hiling ko na lang na hindi na niya banggitin ang tungkol sa kung sino.
"Kasali ka pala sa Fashion Week next week. Napakapalad mo... magkakaroon ka ng worth experience working for Prestige Mag." Hindi siya mapaniwala na ganoon agad ang trabaho ko.
"Yeah... medyo busy din ako dahil aasikasuhin ko pa ang mga bagay na dapat long asikasuhin. Mga paperworks and concepts." Sabi ko.
Well then let's chat? Mukhang hindi na kita maaya na lumabas not unless sa bahay niyo tayo...."
Uminit ang mukha ko at humalakhak siya. Mapang-asar talaga siya.. ugh! The last time na pumunta siya ay nasunog yung niluluto kong pasta.
"Black version ng pasta" Iyon ang pang-asar niya. Kaya mabilis na lang akong bumababa ng kotse bago niya pa ako mahuli.
Inayos ko yung working table ko. Nakatira ako sa bahay na binili ko nang unang dumating ako sa Manila. Nag-migrate sa US ang may ari kaya naman ay binenta niya ito.
Tinipon ko ang mga shots na kinuha ko habang free ako at in-edit ko na din sa computer ang gagamitin na picture ng front magazine
Aldriq Xyle Lim
Tinignan ko ang bawat detalye ng kanyang mukha at ang kanyang labi. Ang mata niya na nangungusap na kung makatingin. Tila hindi na nga kailangan ng edit dahil sadyang gwapo na siya sa mga litrato.
Jusme! Pinagpalang nilalang!
Madison! Maghunos dili ka! Kung anu-ano naiisip ko. Distracted na ba ako? No no! Hindi pwede... focus!
Isang pagbabasag sa ibaba ang narinig ko kaya naman taranta naman ako. Mabilis kong tinungo iyon at tinignan kung anong nangyare.
"Anong nangyari?" Tanong ko kay Nena. Ang aking kasambahay na nag-aalaga sa bahay.
"Nasanggi po ang baso po. Pero hindi naman po sinasadya." Mahinahon na sagot nito. Pinagpapasalamat ko talaga siya sa presensya dito sa bahay.
Nakita kong nangingiyak na ang kanyang mata habang nakamasid sa akin. Binuhat ko ito papuntang kwarto.
"Waaahh! Yaw kooo!" Nagpupumiglas ito sa pagkakayakap. "Mommy yaw!"
"Fine saan mo gusto?" Tanong ko. Tinuro niya ang sofa na sa hindi kalayuan ang container na puro laruan niya.
"Clein Alexander, no!" Saway ko nang tangkain niyang bumababa ang sofa. Oh God! Napakalikot at hyper ng bata na ito. Lahat ata ng kalikutan kinuha na niya.
"Hi.. Clein here's your milk. Drink na dali..." lumapit si Nena para isubo yung tsupon pero sinimangutan lang siya ng bata at gumapang papunta sa kabilang sulok ng sofa.
Tss... marunong manang-mana ka sa tatay mo.
"Clein, obey her." Medyo pinandilatan ko. Itong batang ito maloko masyado pero matalino. Hayyy! Sumunod naman siya at dumedede hanggang sa makatulog siya.
"Mukhang pagod-pagod ka ah..." puna ni Miss Celine nang mapadaan siya sa department namim.
"Hindi naman po Miss Celine stress lang siguro kasi malapit na yung big event ng fashion show." ngumiti lang ako
"Oo nga pala... ico-cover din namin yun. Pupunta kaya si Mr. Lim sa event na iyon?" nagkibit-balikat na lang ako sa tinanong niya.
"Ma'am Madison, ito na po yung contact natin doon sa organizer. Ito na din po yung VIP access po." sabi na nung staff. Tumango naman ako at kinuha iyon. I need to refresh my mood and inner peace.Hindi ako makakapag-trabaho nang maayos kung ganito ako palagi.
After one week ay dumating na mismong araw ng event. Maaga pa lang ay marami na kaming naroroon sa event. Kasama ko yung si Andy at siyempre yung boyfriend niyang si JC.
"Oy, madam, alamnadis! flirt flirt din sa mga modelong guys pag may time." ngising sabi niya ng makalayo ito sa akin. Isa din siyang photographer sa araw na ito. Doon siya sa kabilang pwesto at ako ay sa kabila.
Nagsimula ang tugtog ng 'Fashionista' at nagsimulang rumampa ang mga modelo. Nahagip ang mata ko na nagco-cover din ng event ang crew members ni Miss Celine. Nammamangha ang ilang nanunuod sa katawan ng mga lalaking modelong lumalabas.
"oh my God! Girl ang gwapo ni JC!" irit ng isang babae nasa hindi kalayuan. Oo nga adonis ang katawan nito at literal na gwapo. Lumingon naman ako kay Andy na panay ang irap at nakasimangot sa mga babaeng naghahagikhikan.
Hanggang sa matapos ang ramp model ay puro ngisi lang ang ginawa ko. Madami na din akong shots na nakuha kaya okay na ako.
"Miss Aragon, pinapatawag po kayo ng isang organizer doon po sa backstage." sabi ng isang staff ng event. Sumenyas ako kay Andy na sa likod lang ako. Pumasok ako sa isang kwarto na itinuro ng staff. Pero kinabahan na ako ngang bigla ito ni-lock mula sa labas. Lalo pa akong natakot ng namatay ang ilaw.
"Tulungan niyo ko!!! Palabasin niyo ako dito!""hiyaw ko. Nagsi-sunuran ang luhang pumapatak mula sa mata ko. "Please palabasin niyo ko."
Kinapa ko yung cellphone ko sa bulsa pero wala! Oo nga pala iniwab ko iyon sa kotse kanina. Nanghihina na angtuhod ko at hindi ko alam kung makakalabas pa ako mula dito. Napalingon ako uwang nang liwanag nang bumukas yung pintuan. nagsimula na din na madilim ang paningin ko.
May kung sino ang nagbukas ng ilaw at tumungo sa kinaroroonan ko.
"Madison!" Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko matukoy kung sino iyon.
"s**t! Sweetheart just hold on okay... please." isang halik ang naramdaman ko sa aking labi. Iyon lang at biglang nagdilim ang aking paligid.