Chapter 1
After two years.
Makalipas ng dalawang taon ay isa na din akong photographer. At last ito na ang aking hinihintay. Hindi pinatagal ni daddy ang pananatili ko sa Cebu. Mabilis din inayos ang mga papeles at umuwi siya sa Pilipinas dahil ang nakakabata kong kapatid ang mismong magpapatakbo ng SG sa Korea.
"Hello my princess.. " bungad sa akin ni Dad ng matapos ako sa isang family photoshoot.
Ngumiti ako sa kanya. Gaya nga inaasahan ay nagtungo si Aldriq patungong London. Ako naman ay nag-aral at pinaghusayan ang photography. Ewan ko pero ito yung passion ko simula noong college.
"Princess ayaw mo ba talagang tanggapin ang international offer sa'yo sa France? Mas okay yun as an experience." Ngumiti lang ako sa kanya. Inayos ko ang gamit ko.
"Dad, I'm okay here celebrity photographer is not bad at all. Mas okay na ako dito para mabantayan ko din yung kalusugan niyo."
Nagkibit-balikat lang ito sa akin. Itong nangyayari para bang naulit lang noon? Tama ba?
"Boss, okay po yung kontrata ng offer sa atin ng GSA. Bukas po ang pirmahan ng kontrata." Sabi ni Andy na assistant ko. Nakilala ko siya sa Cebu nang magtrabaho ako as a freelance model. Doon niya ako in-encourage na maging usang exclusive photographer ng isang kilalang magazine.
Tumango ako at inabot niya yung copy ng kontrata. This is it. Ito yung biggest project ko sa career ko ng one year. Isang photoshoot para sa kanila network family.
"Sige princess I'm going home right now." Paalam ni Dad. Humalik ako sa kanyang pisngi at pinahatid ko ito kay Andy sa aming kotse.
Ako naman pinag-aralan ko ang kontrata. New life new career. Hindi na ako nagkaroon nhmg koneksyon sa kahit na sino na taga-Sofia. Ang balita ko nga ay si Anthony na humalili sa pagiging CEO. Balita sa akin ni Rosalie noong una kong itong nakausap mula nang bumalik ako ng Manila.
"Hey bestie..." may kung sino ang tumawag. Boses pa lang alam ko na kung sino.
"Oh anong ginagawa mo dito agent Rosalie." Ngumisi ako nang nakakaloko. Sarap nitong pinagtripan. Ngumuso siya at umupo sa harap ng table ko.
"Hmp... hindi mo ko pinapansin diyan. Porket sikat ka nang photographer." Sabay umirap ito sa akin.
Oo nga pala hindi ko man lang siya nakakausap personally nitong nakalipas ng dalawang taon. Haha! Pero updated naman ako sa kanya. Katulad ng nagkatuluyan sila ni Anthony. Hindi ko akalain na magkakatuluyan sila dahil medyo masungit si Anthony. Mana-mana lang.
"Okay fine. We'll have a date." Ngumisi ako sa kanya at tumayo para kunin yung bag ko at camera.
Kinabukasan, naging busy ako dahil sa isang appointment. Medyo na-late ako nang gising doon sa oras na parati akong nagigising.
"Ma'am nandito na po tayo." Sabi ng driver.
"This is it pancit! Ito na talaga ito ma'am." excited na sambit ni Andy. Umiling-iling ako habang bumaba ng taxi.
"Good morning Ma'am.. andiyan po ba si Mr. Madrigal?" Tanong ko doon sa receptionist.
"Sandali lang po Ma'am. May appointment po ba kayo?"
"Yes miss." Sagot ni Andy. Ilang saglit pa ay pinakyat na kami sa floor kung nasaan ang opisina nito. Bumungad sa amin ang sekretarya nito.
"Ma'am these way po." Sumunod naman kami.
"Good morning Sir. Nandito na po ang photographer si Miss Madison Aragon."
"Mi--" iko-korek ko sana siya kaso pinigilan ako ni Andy. Doon lang ako natauhan. Oo nga pala nagpalit na ako nang apelyido last year. Dapat talaga masanay na ako sa Miss Aragon.
"Good morning please have a seat." Ngumiti sa amin ang boss ng network.
"Ulalam.. Grrrr..." bulong ni Andy. Siniko ko siya. Takte lahat na lang ng lalsking maganda ang katawan pinagnanasahan.
"Let's talk about the contract." Seryosong sabi nito nang makaupo sa harap namin.
"Okay."
Medyo nagtagal kami ng deskusyon sa kontrata dahil sa terms and conditions. Gusto ng magazine nila na maging full pledge photographer pero I want freelance. Nagbigay ito ng offer na hindi ko matatanggihan.
"I'll accept the offer but... I'll have my own office and people." Sabi ko. Nakikita ko sa mukha na hindi ito papayag sa aking kondisyon. Huminga ito ng malalim saka muling nagsalita sa akin.
"Okay Ms. Aragon deal." Ngumiti ito sa akin at ningitian ko din ito.
"Killer smile." Ngising bumulong si Andy. Imbis na ako ang nakipagkamayan ay nauna nang nakadaungan palad ang boss.
"Sir sisiguraduhin po namin na hindi po kayo magsisi."
Natawa naman si Mr. Madrigal. "Just call me Justin."
Inilahad nito ang kanyang kamay kaya hindi ko na ito tinanggihan at nakipagkamayan na ako.
Nagkapirmahan ng kontrata at nagbigay na agad ng unang trabaho. Kinuha niya ang isang remote parehas kaming nagkatinginan ni Andy.
"I'm giving you your first work for our magazine."
Biglang bumukas ang tv. Bumungad ang isang news report ng isang istasyon.
"Ngayon ay nandito sa NAIA upang salubungin ang isa sa pinakahihintay ng lahat lalo na ang mga kababaihan. Ilang saglit na lang at lalabas na ang kinikilalang hari ng business world."
Sakto noon ay nagsimulang nagkagulo ang ilang reporters para abangan aylt salubungin ang kung sino. Kitang-kitang sa screen na mahigpit ang mga security.
"Sir... sir can I interview you quickly?" Pilit ng isang reporter. Pero hindi na ata siya narinig dahil iniwas ng mga security ang mga reporter.
"Sir what should the Philippine economy would expect from your investments? Do you have personal reasons of coming here in the Philippines?"
Mukhang sa huling tanong ay napansin ng bisita.
Ang inaasahan ay sasagutin ito. Nakashades at mask ang ini-interview na bisita. Pero isang tagapagsalita ang humarap sa media.
"I think my boss right now is not ready to answer questions at the moment. Please reserve your questions for the next few days. We'll see you at the event. Thank you." Saka nagpatuloy ang lalaki kasama ang bisita. Sinubukan silang kausapin ng media ngunit bigo sila.
Pinatay niya ng boss namin ang tv.
"Iyan ang unan mong proyekto Ms. Aragon. Magkakaroon ng one on one interview ang magazine at gusto ko ikaw ang maging in-charge sa photoshoot." Sabi niya at inabot ang isang folder.
"Nariyan ang hotel niya ang suite at mga bagay na tungkol sa kanya."
Binuklat ko ang folder at puro tungkol ito doon favorite food, place, dessert at kung anu-ano pa.
"Sandali po... sino po ang unang kliyente ko?" Tanong ko.
"Si Mr. Aldriq Lim."
Natulos ako sa pagkakatayo sa harap nito bahagyang napatanga ako sa kanyang sinabi.
"Iyan ang bago mong proyekto dito. Iyan kasi ngayon ang current news on the business world. I want a full time photographer who have the skills and I know you are the right person for the position."
As in napa-wow na lang ako habang si Andy naman ay tila tuwang-tuwa sa mangyayari. Hindi maganda sign ito para sa akin. Magkro-cross na naman ang lamdas naming dalawa at lahat ay magugulong muli.
"This is it pancit! Oh my god! Ito na ang sign na hinihintay ko na magkaroon ng magandang experience." Nakita kong natatawa na si Mr. Madrigal sa inaasta niya kaya naman ay mabilis ko siyang siniko.
"Umayos ka nga dyan!" Pabulong kong singhal sa kanya. Hindi naman niya masyafong pinahalata ang tinamo niyang siko ko. Medyo pinigil niya ang pang-ngiwi.
"See you in two days, Miss Madison Aragon." Sabay nito nilahad ang kanyang kamay at mabilis pa sa segundo ay si Andy ang nakipagkamay sa kanya.
Binigyan niya kami ng dalawang buwan para mai-ayos ang dapat ayusin. Tumulong na din ang isang kapitbahay namin sa studio si Kuring dahil bayad daw niya ito sa pinakita naming kabutihan noong siya ang may pangangailangan.
Napasinghap ako ng makita ko ang lumang litrato namin ni Aldriq na lihim niya pinakuhanan dalawang taon na ang nakakaraan. Akalain mong muli kaming magkikita hindi nga lang bilang lovers kundi ay bilang strangers.
Napangiwi na lang ako sa ideyang naiisip ko.
"Ma'am ready na po ba kayo?" Tanong ni Andy nang naligpit ang mga kailangang bitbitin.
Binigyan ako ng sariling studio ng Prestige magazine. Iyon daw ang magiging working room ko habang nasa kompanya ako bilang photographer. Dinagdagan din ng iilang staff at crew na pwede naming maging kasama sa mga susunod namin na proyekto.
Mula kagabi ang binasa ko ang konsepto na pwedeng gamitin sa photoshoot. May mga suits na gagamitin para sa excludive interview nito. Ito kasi ang katangi-tanging ina-approbahan ng executives ng Sofia. Naging mahigpit na din sila simula noong dumating si Mr. Lim sa Pilipinas. Puro laman ito ng mga news report at ng mga dyaryo.
Inuna muna ang photo shoot bago ang main interview nito kay Ms. Celine.
"Okay ako po pala si Miss Madison. I'll be your photographer for this photoshoot " nilahad ko ang aking kamay sa kanya. Parang casual lang di ba? Pero hindi iyon tinanggap at nilagpasan niya ako ng lakad at may kinausap na kung sino mula sa crew. Lumapit kaagad ang crew sa akin at may binulong.
"Medyo not in the mood si Sir. So, bibilisan lang daw natin ang photo shoot. Meron din daw kasi itong appointment sa ibang lugar."
Okay hindi din naman ako komportable na nasa iisang lugar kami. Kaya ko naman na magpanggap na hindi kami magkakilala kaya. Tumango lang ako at nagbigay ng last minute instructions sa iba.
Unang shoot ay nasa steel chair ito at seryosong nakatingin sa camera.
Click!
Click!
Ang isa naman ay whole body shot na medyo naka-lean ang siko nito sa upuan at nakasexy look ito sa lung saan.
Click!
Click!
Okay na sana ang aura ko kaso may kung sino ang panay hagikhik mula sa likuran ko at tila nagnanasa sa kinukuhanan ko.
Click!
Click!
Nagpalit ito ng suit nang tinawag ko ang kanyang dress manager at make-up artist. Second part ng photoshoot ay meron ng siyang inuupan na medyo classy office chair at pinaupo siya roon para magkaroong konting aura ng pagiging boss.
Nakalabas ang kanyang silver na relo sa kanyang palapulsuhan at seryosong tumingin sa gawi ng camera.
Click!
Click!
"We're done." Sabi ko at binigay kay Andy ang camera. Ngumuso ako sa gawi ni Aldriq kasama ng camera. Iyon lamang at hindi ko na kailangang sabihin kmsa kanya ang kanyang gagawin. Lumapit ito at pinakita ang mga shots ko.
Kasunod noon ang ang one on one interview nito kay Miss Celine Ventura. One of the most outstanding entertainment news reporter.
"Good day.. Mr. Aldriq Lim." Sabi nito ng off cam. Magiliw naman itong sinuklian ng ngiti. Ngiti na kahit kailan ay akala kong hindi ko masisilayan muli.
"What ignited the spark in you to start a new business venture or to make significant changes in an existing business? How did the idea for your business come about?" Unang tanong ni Ms. Celine.
"Actually our family has a lot of business abroad. We have malls supermarkets and shares with other business. I think it started when I experienced dating in a restau-hotel and the food was not so delicious and I was inspired by that time with buildings. Then, I thought to build Sofia my first baby. I think it changes my way of thinking other business. Just like focusing yourself to the love of your life."
Napa-ahh ang mga background audience kasama na ang iilang personal crew.
"How far are you willing to go to succeed? Ito tingin ko medyo tricky ang ginawa kong tanong." Pabirong sabi ni Ms. Celine na siya naman ikinatawa ng kaunti ni Mr. Lim.
"I think there is no limit on how I can through to go succeed. If you really want something that makes you happy or makes you more competent. You can give all in no matter what. I can you all of me just to make sure you'll be mine."
Tuluyan ng nangisay sa kakiligan ang mga babaeng crew na nanunuod sa kanya.
"Oh iyon naman pala... pero tingin ko medyo may laman ang mga sagot mo Mr. Lim."
Tipid lang ito ngumiti at tumingin sa gawi ko. Hindi ko sure kung sa akin ito nakatingin pero piling ko matutunaw ako sa titig niya.
"Oh sige na nga ito na last question ko para sa'yo." Sabi ni Miss Celine na bahagyang ikinaseryoso ni Mr. Lim.
"What is your greatest fear, and how do you manage fear?"
Sandaling nag-isip ito saka tumingin sa kausap.
"My greatest fear I think would be losing the love of my life." Nag iritan lalo ang mga babae sa paligid habang ako ay hindi na alam kung aalis na ba ako at lalayo. "Minsan siyang dumating sa buhay ko, unexpectedly. But somethimg change between us... we become unknown to each other... and you I can even find a perfect solution to handle that because that thing came back to my life once more."
Tuluyan ng tumakas ang king luha mula sa aking pagpipigil mula kanina.
I think he's perfectly moved on.