CHAPTER 11—HANGGANAN NANG BALA AT DAMDAMIN

1203 Words

SNOW POINT OF VIEW Habang nasa loob ako ng kwarto, hindi ko maiwasang mapaisip. Bakit ko nga ba tinulungan si Davian? Hindi ba’t dapat ay tinapos ko na ang buhay niya habang may pagkakataon? Pero imbes na tuluyan ko siyang patumbahin, ginamot ko pa ang sugat niya sa balikat. Ano ba’ng nangyayari sa’kin? Naputol ang pag-iisip ko nang tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha mula sa bedside table at napakunot ang noo nang makita kung sino ang tumatawag. Mr. Black. “Hello?” bungad kong tanong habang pinipilit maging kalmado ang boses ko. “I heard you had a shootout with Davian. So, did you kill him?” tanong niya, malamig at diretso sa punto. Napakunot ako ng noo. Paanong nalaman niya 'yon? “How did you find out?” tanong ko, halatang may kaba sa tono. “Someone just told me.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD