CHAPTER 10—MGA PILAT NA HINDI NAKIKITA

1696 Words

SNOW POINT OF VIEW Napabalikwas ako ng bangon mula sa pagkakahiga, hinihingal at basang-basa ng pawis ang leeg ko. Paulit-ulit na namumugad sa panaginip ko ang nakaraan—ang gabing iyon. Ang sigaw ng tatay ko. Ang dugo. Ang apoy. Ang mga yapak ng takot. Ang mukha ni Davian—ang lalaking hindi ko kailanman mapapatawad. Tumayo ako at tumingin sa glass wall ng condo. Mula rito, tanaw ko ang gabi ng Maynila—ang mga ilaw ng mga gusaling tila walang pakialam sa mga multong bumabalot sa puso ko. Tinapik ko ang salamin at bumulong, "Kailan ba ako tuluyang makakalimot?" Sa harap ng marami, inosente ang mukha ni Davian—tahimik, kalmado, parang walang bahid ng galit. Pero alam ko kung ano siya. Alam ko kung ano ang ginawa ng pamilya nila sa ama ko. Kahit sinasabi ko sa sarili ko na tapos na ang l

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD