DAVIAN POINT OF VIEW Lalapitan ko na sana siya. Isang hakbang na lang, at maririnig na niya ang boses ko. Makikita niya ang mga matang matagal nang nauuhaw sa paliwanag, sa katotohanan, sa kanya. Pero bago pa man ako tuluyang makalapit— Ring. Ring. Ring. Napahinto ako. Parang kasabay ng pagpatunog ng cellphone ko ay ang biglaang pagbalik ng realidad. Mula sa bulsa ng jacket ko, kinuha ko ang phone at napakunot-noo nang makita kung sino ang tumatawag. Private Number. Sandaling lumingon ako sa direksyon nila Snow. Natawa siya sa isang biro ni Andress. Walang kamalay-malay sa presensya ko. Hindi ko alam kung minalas ba ako o sinadyang ilayo ako ng pagkakataon. Pinindot ko ang green button, inilapit sa tainga ang telepono. “Hello?” mahina kong sabi, sabay lakad papalayo. Dumeretso ako s

