SNOW POINT OF VIEW Nananatiling madilim ang paligid. Wala pa ring ilaw. Tanging ang liwanag ng buwan ang nagbibigay ng anyo sa mga hugis sa dalampasigan. Mahigpit pa rin ang kapit ko kay Davian, marahang nakasandig habang sinusubukan kong wag pansinin ang bilis ng t***k ng puso ko. Tahimik lang siya, parang hinahayaan lang akong manatili sa gano’ng posisyon. Wala siyang tanong, wala ring reklamo. Pero ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin—hindi dahil sa takot, kundi dahil sa damdaming matagal nang hindi napangalanan. Narinig ko ang marahan niyang paghinga bago siya bahagyang gumalaw. “Tatayo na ako—baka kailanganin nila ako sa loob,” mahina niyang bulong, pilit na tinatanggal ang sarili sa pagkakaupo. Pero bago pa man siya tuluyang makalayo, parang kusang gumalaw ang kamay ko. Hinil

